29/06/2024
Noong bata ako, alas singko kami madalas maghapunan. Wala kasi kaming kuryente at nagtitipid din ng gas sa gasera.
Kapag natapos na maghapunan, mag-aayos ng mga pinagkainan upang mailatag na ang banig sa ilang pirasong tabla na ginagawa naming hapag at tulugan. Pagsapit ng alas-syete, tila mga sardinas na nagsisiksikan sa higaan. Subalit hindi naman malungkot. Hindi ko naman ramdam ang init dahil walang electricfan. Wala rin ang pagkabagot dahil bago namin ipikit ang mga mata; nariyan si mama at papa upang magkuwento. Lagi nilang ikinukuwento ang magiging kinabukasan namin. Ibinabahagi rin nila ang hirap na dinanas nila upang maging inspirasyon namin.
Noong bata ako, simple lang ang lahat, salat kami sa maraming bagay. Mulat ako sa hirap ng aming buhay. Alam ko ang pagiging kapos namin sa mga pang-araw-araw. Subalit, simple lang ang lahat, hindi ko nararamdaman ang inggit sa iba. Kuntento ako sa lahat ng mayro'n ako. Masaya akoโ ramdam ko ang pagiging buo.
Ngayon? Hindi na katulad noon. Hindi lang ako ang hindi buo, pati rin pamilya ko. Masyadong maluwag ang higaan, wala na ang ingay at kuwentuhan bago matulog. Wala na ring oras ang pagkain. โYung mga bagay na dati ay simple lamang, napakakumplikado na ngayon. Madalas malungkot. Madalas may pag-iyak. Hindi na ako bata. Hindi na madali ang lahat. Hindi naman katulad noon kahirap ang buhay subalit ngayon mas mahirap mabuhay.