89.1 Bicol Idol FM Legazpi

89.1 Bicol Idol FM Legazpi IDOL NEWS FM BICOL is Bicol’s radio station on the rise at live broadcast on our dial at 89.1 IDOL NEWS FM LEGAZPI.

Bicol IDOL FM 89.1 Legazpi City, Albay, Bicol's newest radio station on the rise at live broadcast on our dial at 89.1 FM. at IDOL FM, we pride ourselves and please our dear listeners programs dealing on latest news, balanced/objective public affairs program on playing on wide variety of music bothold and new "BETTER VARIETY, COOLEST HITS", offering haven of calm for you to enjoy great music and listening pleasure adding good vibes to your busy everyday life.

HALOS ISANG RAAN DALAWAMPUT WALONG LIBONG (128,000) MAGSASAKA SA REHIYON, TUMANGGAP NG CASH ASSISTANCE MULA SA DA BICOL ...
24/01/2024

HALOS ISANG RAAN DALAWAMPUT WALONG LIBONG (128,000) MAGSASAKA SA REHIYON, TUMANGGAP NG CASH ASSISTANCE MULA SA DA BICOL SA TAONG 2023

Umabot sa isang raan dalawamput pitong libo siyam na raan tatlumput isang (127,931) magsasaka sa rehiyon ang tumanggap ng P5,000 cash assistance sailalim ng Rice Farmers Assistance (RFFA) program ng Department of Agriculture (DA) Bicol sa taong 2023.

Ayon kay DA Bicol Information Officer Lovella Guarin, ang mga benepisyaryo na tumanggap ng mahigit P600M na asistensya ay rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA).

Aniya, ito ang benepisyo ng pagiging RSBSA registered kung saan ang mga magsasaka ay sinisigurong makakatanggap ng asistensya mula sa pamahalaan. Kabilang na dito ang agricultural loans, crop and livestock insurance, at maging ang probisyon sa binhi, pataba at iba pang farm inputs, technical assistance, at soil analysis.

Sa tala ng DA, nasa limang raan limampung libong (550,000) magsasaka ang registered sa RSBSA na maaring mag-avail ng mga nabanggit na programang pang-agrikultura.

Ang RSBSA ay isang electronic compilation ng mga impormasyon ng mga magsasaka at farm laborers na nasa animal at crop production kung saan binibigyan sila ng access sa mga programang may kinakalaman sa agrikultura, serbisyo at iba pang interbensyon ng pamahalaan.

Dagdag pa ni Guarin, bukod sa cash assistance, committed din ang DA Bicol sa pagsuporta sa mga rice farmers sa pamamagitan ng pamamahagi ng iba’t-ibang interbensyon. Naniniwala aniya sila na ang ganitong mga hakbang ay makatutulong sa mga magsasaka na mapataas ang kanilang ani at mas mapagbuti ang kanilang productivity.

Tumutulong din aniya ang ahensya sa mga corn at high-value crops farmers, maging sa animnal breeders at nagsasagawa ng distribusyon ng mga live animals, gamut at biologics para sa mga hayop, gaya ng baboy, manok, baka, buffaloes at kambing.

SOURCE: PNA

NASA ISANG RAAN DALAWAMPUT TALONG MGA BAGONG SUNDALO NG 9ID, NAKATAKDANG I-DEPLOY SA IBA’T-IBANG PROBINSYA SA REHIYONNak...
24/01/2024

NASA ISANG RAAN DALAWAMPUT TALONG MGA BAGONG SUNDALO NG 9ID, NAKATAKDANG I-DEPLOY SA IBA’T-IBANG PROBINSYA SA REHIYON

Nakatakda ng i-deploy sa iba’t-ibang units ng 9th Infantry Division (9ID) Philippine Army ang nasa isang daan dalawamput tatlong (123) mga bagong sundalo matapos ang kanilang basic military training.

Ayon kay 9ID Spokesperson Maj. Frank Roldan, ang naturang mga miyembro ng Candidate Soldier Course Masidlak Class 779-2023 ay kinabibilangan ng isang raan at siyam (109) na lalaki at labing apat (14) na babae na sumailalim sa 60 day infantry orientation course.

Aniya, ang kanilang mga natutunan sa orientation ay malaking tulong upang mapagtagumpayan nila ang kanilang mga tungkulin at responsabilidad na kanilang sinumpaan.

Sinabi ni Roldan na ang mga bagong sundalo ay karagdagan sa pitong libong (7,000) kasundaluhan ng 9ID na malaking tulong sa pagmamantine ng katahimikan at development sa rehiyon. Sa ngayon ay naghihintay na lamang aniya sila ng order of assignment at nakatakdang i-deploy sa anim na probinsya sa rehiyon.

Samantala, nagpahayag ng pagbati si 9ID commander Maj. Gen. Adonis Bajao sa mga bagong sundalo at kanilang mga magulang.

Hangad ni Bajao na mamutawi sa kanilang mga uso ang mas mataas na adhikaing ipagtanggol ang ating bayan.

SOURCE: PNA
PHOTO CREDITS: 9TH Infantry Division "Spear" Division Philippine Army

24/01/2024

SERBISYONG IDOL | IDOL REYNARD SEVILLANO AND IDOL JEFF LUBIANO

Weekdays 10:00 to 11:00 AM

89.1 IDOL FM, SA BICOL IDOL!

24/01/2024

IDOL CONNECT | IDOL Makol Bolaños

“BAKIT KO NAGUSTUHAN ANG ATOMY”
by : SR Danding Cordova

89.1 BICOL IDOL FM. SA BICOL, IDOL!

23/01/2024

IDOL BALITA : IKALAWANG PUTOK

Anchored by: REYNARD SEVILLANO

Headlines :

BALITANG LOKAL

HALOS ISANG RAAN DALAWAMPUT WALONG LIBONG (128,000) MAGSASAKA SA REHIYON, TUMANGGAP NG CASH ASSISTANCE MULA SA DA BICOL SA TAONG 2023

NASA ISANG RAAN DALAWAMPUT TALONG MGA BAGONG SUNDALO NG 9ID, NAKATAKDANG I-DEPLOY SA IBA’T-IBANG PROBINSYA SA REHIYON

SINGIL SA KURYENTE NGAYONG BUWAN NG ENERO, BUMABA - AYON SA ALECO

PAMAMAHAGI NG AGRICULTURAL MACHINERIES NG LGU LEGAZPI SA MGA FARMERS’ ASSOCIATION, NAGING MATAGUMPAY

MGA BARANGAY OFFICIALS MAY PANANAGUTAN SA BATAS SA PAGBABALEWALA SA ANTI ILEGAL DRUGS CAMPAIGN

SANGUNIANG PANLALAWIGAN NG CAMARINES NORTE NAGBABALA HINGGIL SA BAGONG SCAM NA MGA ONLINE LEANDING SA BAYAN NG DAET

LUMANG POST OFFICE SA BGY SAN FRANCISCO NAGA CITY MAY HISTORICAL SIGNIFICANCE

PNP CAM SUR TUTULONG SA PAGBABANTAY SA RAIL ROAD CROSSING

BALITANG PAMBANSA

TALAAN NG MGA RUTA NA MAGKAKAROON NG KAKAPUSAN SA MGA JEEPNEY, IPINASASAPUBLIKO NG SENADO SA LTFRB

PANUKALANG BATAS NA MAGPAPATIBAY SA NATIONAL DEFENSE INDUSTRY NG BANSA, LUSOT NA SA KAMARA

MAPAYAPANG PAG-EXPLORE SA EZZ NG PILIPINAS, PAIIRALIN NG DEFENSE DEPARTMENT

DOJ, NANINDIGAN NA WALANG LIGAL NA OBLIGASYON ANG PILIPINAS SA ICC

PBBM, INIHAYAG NA HINDI MAKIPAGTUTULUNGAN ANG GOBYERNO SA IMBESTIGASYON NG ICC SA WAR-ON-DRUGS NG DUTERTE ADMINISTRATION

PBBM PINATITIGIL ANG UMANO’Y BAYARAN SA PANGANGALAP NG PIRMA PARA SA CHA CHA

BALITANG INTERNASYUNAL

WHO IKINABAHALA ANG PAGLOBO NG TIGDAS SA EUROPA

BALITANG PAMPALAKASAN

ITF TINANGGAL NA ANG SUSPENSIYON NG PHIL. TENNIS ASSOCIATION

BALITANG SHOWBIZ

KRIS AQUINO, NADAGDAGAN ANG INIINDANG KARAMDAMAN

89.1 BICOL IDOL FM Legazpi
105.5 BICOL IDOL FM Naga
88.9 BICOL IDOL FM Daet

SA BICOL, IDOL!

23/01/2024

MARKCAFE | Kasangga at Kalusugan
with IDOL ENGIMAR CAMONIAS

89.1 BICOL IDOL FM. SA BICOL, IDOL!

23/01/2024

IDOL BALITA : UNANG PUTOK

Anchored by: IDOL JEFF LUBIANO

89.1 BICOL IDOL FM Legazpi
105.5 BICOL IDOL FM Naga
88.9 BICOL IDOL FM Daet

SA BICOL, IDOL!

23/01/2024

BESTCAFFE | Wellness is Happiness

89.1 BICOL IDOL FM. SA BICOL, IDOL!

23/01/2024

RISE COFFEE | Tagumpay sa Kalusugan
MON-SAT 7:30 - 8:00

89.1 BICOL IDOL FM. SA BICOL, IDOL!

23/01/2024

CMD: Kalusugan at Kabuhayan

With IDOL Ken Sumayao Cabaltera & Ma'am MELINDA WEE
MON-FRI 5:45 - 6:15
EVERY SATURDAY 6:00 - 6:30

89.1 BICOL IDOL FM. SA BICOL, IDOL!

LGU NAGA TUMANGGAP NG MAHIGIT P4.9M NA TSEKE MULA SA DOLE PARA SA IMPLEMENTASYON NG KANILANG LIVELIHOOD PROGRAMSTumangga...
23/01/2024

LGU NAGA TUMANGGAP NG MAHIGIT P4.9M NA TSEKE MULA SA DOLE PARA SA IMPLEMENTASYON NG KANILANG LIVELIHOOD PROGRAMS

Tumanggap ng mahigit P4.9M na tseke ang Lokal na Pamahalaan ng Naga City mula sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa isinagawang Flag Ceremony kahapon, tinanggap ni Mayor Nelson Legacion ang tseke kasama ang si Vice Mayor Nene De Asis, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, Acting Department Head ng Metro Naga PESO, Roderick Reforsado, at ang Provincial Head ng DOLE - Camarines Sur na si Ma. Ella Verano.

Ang naturang pondo ay gagamitin sa implementasyon ng mga programang pangkabuhayan sa ilalim ng DOLE for Integrated Livelihood and Emergency Employment Program o DILEEP.

PHOTO CREDITS: Naga City Government

BJMP BICOL NAGSAGAWA NG SURPRESANG DRUG TESTING SA KANILANG MGA PERSONAHESIsinagawa ang surpresang drug testing sa mga p...
23/01/2024

BJMP BICOL NAGSAGAWA NG SURPRESANG DRUG TESTING SA KANILANG MGA PERSONAHES

Isinagawa ang surpresang drug testing sa mga personahes ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Bicol kasabay ng pagdaraos ng “New Year’s Call and Regional Management Conference” sa Albay Provincial Agricultural Office.

Ayon kay BJMP Bicol Regional Director Jail Chief Superintendent Joel Superficial, kabilang sa mga isinailalim sa on-the-spot urine drug test ang mga miyembro ng regional command group, wardens, jail provincial administrators at regional officer personnel.

Binigyang diin ni RD Superficial na ang naturang hakbang ay naglalayung masiguro na ang bawat BJMP personnel ay walang impluwensya ng iligal na droga.

Samantala, kinumpirma ng opisyal na ang naturang test ay gagawin din sa mga Persons Deprived of Liberty (PWDs) na nasa kanilang kustodiya sa iba’t-ibang jail facility sa kabikulan.

PHOTO CREDITS: Bjmp Region V Reformers

23/01/2024

IDOL BALITA SA HAPON | With IDOL KEN CABALTERA

-BJMP BICOL NAGSAGAWA NG SURPRESANG DRUG TESTING SA KANILANG MGA PERSONAHES
-LGU NAGA TUMANGGAP NG MAHIGIT P4.9M NA TSEKE MULA SA DOLE PARA SA IMPLEMENTASYON NG KANILANG LIVELIHOOD PROGRAMS
-COIN BANKS IPINAKALAT SA ALBAY CAPITOL DEPARTMENTS PARA SA FUND RAISING NG “PISO MO, KINABUKASAN KO” PROJECT
-DALAWAMPUNG APRI SCHOLARS, NAGSIPAGTAPOS NG KANILANG TECH-VOC TRAINING COURSE SA DON BOSCO AGRO-MECHANICAL TECHNOLOGY CENTER
-PHIL. PORTS AUTHORITY, LUMIKHA NG SPECIAL TAKEOVER UNITS SA MGA PANTALAN SA LALAWIGAN NG SORSOGON
-GRABENG EPEKTO NG EL NINO PHENOMENON PATULOY NA PINAGHAHANDAAN NG PRIMEWATER CAMARINES NORTE
– SINGIL SA KURYENTE NGAYONG BUWAN NG ENERO, BUMABA - AYON SA ALECO
-VOTERS REGISTRATION DI PALALAWIGIN NG COMELEC
-KARAMIHAN NG MGA PINOY NAIS GAMITIN NG GOBYERNO ANG AKSYONG MIITAR SA PAGHARAP SA ISYU NG WEST PHILIPPINE SEA
-GRUPONG HAMAS INALOK NG ISRAEL NG DALAWAANG BUWAN NA PANSAMANTALANG TIGIL DIGMAAN

89.1 BICOL IDOL FM Legazpi
105.5 BICOL IDOL FM Naga
88.9 BICOL IDOL FM Daet

SA BICOL, IDOL!

PHIL. PORTS AUTHORITY, LUMIKHA NG SPECIAL TAKEOVER UNITS SA MGA PANTALAN SA LALAWIGAN NG SORSOGONLumikha ang Philippine ...
23/01/2024

PHIL. PORTS AUTHORITY, LUMIKHA NG SPECIAL TAKEOVER UNITS SA MGA PANTALAN SA LALAWIGAN NG SORSOGON

Lumikha ang Philippine Ports Authority (PPA) ng special takeover units (STU) na mag-ooperate sa mga pantalan sa Sorsogon.

Ang Sorsogon Port Services (SPS), sa pamamagitan ng PPA Memorandum Order (MO) No. 01-2024 ay nilikha upang masiguro ang tuluy-tuloy na cargo-handling at iba pang related services sa naturang pantalan.

Ilan sa magiging papel ng STUs ay ang pagsiguro na tuluy-tuloy ang cargo-handling services sa pinakamabisang paraan at mangolekta ng rental rates, cargo handling fees at iba pang charges para sa cargo-handling services.

Sa nakalipas na ilang taon, ang PPA ay patuloy sa paglikha ng STUs upang mag-takeover ng operasyon sa mga pantalan kung kinakailangan, kagaya na lamang kung ang kontra ng kasalukuyang cargo-handling operator ay expired na o wala pang nakukuha at napipiling operator.

Sinabi ng ahensya na kung sakaling hindi na kakailanganin pa ng STU ng isang pantalan, ang pamamahala at operasyon nito ay ibibigay sa nanalong bidder para sa bagong private-cargo handling service providers.

DALAWAMPUNG APRI SCHOLARS, NAGSIPAGTAPOS NG KANILANG TECH-VOC TRAINING COURSE SA DON BOSCO AGRO-MECHANICAL TECHNOLOGY CE...
23/01/2024

DALAWAMPUNG APRI SCHOLARS, NAGSIPAGTAPOS NG KANILANG TECH-VOC TRAINING COURSE SA DON BOSCO AGRO-MECHANICAL TECHNOLOGY CENTER

Nasa dalawampung (20) scholars ng AP Renewables Inc. (APRI) ang nagsipagtapos na ng kanilang technical-vocational training course sa Don Bosco Agro-Mechanical Technology Center sa Barangay Banquerohan, Legazpi City.

Ang naturang mga scholars ay nakapag-aral ng libre, kasama na rin ang libreng lodging at monthly allowances.

Sumailalim ang naturang mga mag-aaral sa labing limang (15) buwang pagsasanay sa Agribusiness, Agro-Mechanics, at General Electricity na napakahalaga pagdating sa agriculture-based economy ng lalawigan.

Sa naging mensahe ni APRI Vice President for External Affairs Leonardo Robel, nagpahayag ito ng kanyang pagbati sa mga nagsipagtapos na scholars at umaasa na sila ay magsisilbing catalysts para sa pagbabago, sa pamilya at sa komunidad.

Mababatid simula taong 2011, nasa isang raan siyamnaput siyam (199) na mag-aaral sa Alba yang nakapagtapos bilang APRI scholars.

Upang masiguro ang kanilang employment, ang mga scholar graduates pumapasok sa APRI bilang kanilang contractors.
Ngayong taon, sampung (10) mga bagong scholars ang inaasahang matatapos ang kanilang vocational courses.

Ang APRI, na isang subsidiary ng Aboitiz Power (AP), ay isa sa may pinakamalaking geothermal power producer sa bansa. Sila din ay nagmamay-ari ng pinakamalaki at operator ng renewable energy sa Pilipinas.

SOURCE: PIA Albay

COIN BANKS IPINAKALAT SA ALBAY CAPITOL DEPARTMENTS PARA SA FUND RAISING NG “PISO MO, KINABUKASAN KO” PROJECTPinangunahan...
23/01/2024

COIN BANKS IPINAKALAT SA ALBAY CAPITOL DEPARTMENTS PARA SA FUND RAISING NG “PISO MO, KINABUKASAN KO” PROJECT

Pinangunahan ng Office of the Vice Governor ang distribusyon ng coin banks sa iba’t-ibang departamento sa Pamahalaang Panlalawigan ng Albay para sa “Piso Mo, Kinabukasan Ko” Project para Tzu Chi Foundation.

Gagamitin ang coin banks para sa fund raising upang matulungan ang nasa isang libo pitong raan dalawamput pitong (1,727) scholars.

Nasa limamput isang (51) coin banks ang ipinakalat sa rehiyon kung saan, anim (6) dito ay mula sa Camalig; tig-iisang (1) coin banks sa bayan ng Bacacay, Malilipot, Malinao, Sto. Domingo, Daraga at Pio Duran; tigtatlo (3) sa lungsod ng Legazpi, Ligao, at bayan ng Malinao; tig-siyam (9) sa bayan ng Guinobatan, lalawigan ng Camarines Sur at Naga; at sampung (10) coin banks naman sa lungsod ng Tabaco.

Ang maiipon na pera ay mapupunta sa mga piling scholars na makakatanggap ng allowance para sa pamasahe, pagkain, lodging, uniform, school project at thesis at ang on-the-job trainees ay tatanggap ng P120 kada araw habang ang graduating students ay makakatanggap ng P1,200 para sa graduation expenses.

Kapag napuno na ang mga naturang mga coin banks, sa Pebrero a-sinko ay ibibgay ito sa volunteers ng foundation sa pamumuno ni Mr. Tony Tan.

Ayon kay Vice Governor Glenda Ong Bungao, ang naturang inisyatibo ay magiging “symbolic” kung saan ang Probinsya ng Albay ay nagpapakita ng suporta sa scholarship program ng Tzu Chi Foundation sa rehiyon.

PHOTO CREDITS: Governor Edcel "Grex" Lagman fb
INFO SOURCE: Albay Provincial Information Office

SINGIL SA KURYENTE NGAYONG BUWAN NG ENERO, BUMABA - AYON SA ALECOInihayag ng Albay Electric Cooperative (ALECO) na bumab...
23/01/2024

SINGIL SA KURYENTE NGAYONG BUWAN NG ENERO, BUMABA - AYON SA ALECO

Inihayag ng Albay Electric Cooperative (ALECO) na bumaba ang electricity rate ngayong buwan ng Enero.

Batay sa advisory ng kooperatiba, para sa mainland residential, mula sa P8.27 per kilowatt hour sa buwan ng Disyembre ay bumaba ito sa P7.32 per kilowatt hour ngayon buwan.

Para naman sa mainland low-voltage rate, mula sa P7.29 per kWh ay bumaba ito ng P6.34 habang sa mainland high voltage rate naman, mula sa P6.05 per kWH ay bumaba din ito ng P5.59 per kWh.

Samantala, ang island residential rate ngayon buwan ay umabot sa P10.77 per kWh, mas mataas kumpara sa P10.76 per kWh nitong buwan ng Disyembre.

Umabot din sa P10.20 per kWh ang generational charge para sa island low voltage, mas mataas kumpara sa P10.19 per kWh nitong nakalipas na buwan.

Anila, ang naturang pagbaba ay dahil na rin sa pagbaba ng presyuhan ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM).

MGA BARANGAY OFFICIALS SA LALAWIGAN NG ALBAY, ISINAILALIM SA ORIENTATION AT CAPACITY BUILDING PATUNGKOL SA DISASTER RISK...
23/01/2024

MGA BARANGAY OFFICIALS SA LALAWIGAN NG ALBAY, ISINAILALIM SA ORIENTATION AT CAPACITY BUILDING PATUNGKOL SA DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT

Nagsagawa ng orientation ang Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) sa mga bagong halal na barangay officials patungkol sa disaster risk reduction and management (DRRM) at Barangay Governance.

Naisakatuparan ang naturang orientation sa pakikipagtulungan ng Department of Interior and Local Government (DILG) kung saan layun nito na bigyang diin ang importansya sa pag-capacitate ng mga opisyal sa pagresponde sa panahon ng emerhensya at pagmamantine ng public health and safety.

Ayon kay APSEMO Head Dr. Cedric Daep, mahalaga partisipasyon ng mga opisyal sa orientation at capacity-building aktibidad dahil nagsisimula ang first line of defense sa barangay level.

Aniya, mahalaga rin na malaman ng mga partisipante ang kanilang papel at responsibilidad partikular na ang mga miyembro ng Barangay disaster Risk Reduction and Management Committee (BDRRMC) sa pagbuo ng disaster-resilient na komunidad.

Bilang pagkilala sa aktibong partisipasyon ng mga barangay sa disaster response at mitigation practices, isinailalim sa pagsasanay ang mga opisyal upang tumulong sa barangay sa paggawa ng disaster preparedness plan sa pamamagitan ng pag-draft ng community-based disaster risk reduction plan (CBDRRP).

Bukod dito, layun din ng orientation na matukoy ang kahandaan ng bawat munisipalidad at lokalidad sa pagresponde sa mga sakuna sa pamamagitan ng pagtukoy ng kanilang kinakailangang kapasidad pagdating sa DRRM.

SOURCE: Albay Provincial Information Office

23/01/2024

SERBISYONG IDOL | IDOL REYNARD SEVILLANO AND IDOL JEFF LUBIANO

Weekdays 10:00 to 11:00 AM

89.1 IDOL FM, SA BICOL IDOL!

RENZ LUNA

23/01/2024

IDOL CONNECT | IDOL Makol Bolaños

Featured Product:
Atomy BB Cream ( Blemish Balm )
by: SA LadyClaire Molabin

89.1 BICOL IDOL FM. SA BICOL, IDOL!

22/01/2024

IDOL BALITA : IKALAWANG PUTOK

Anchored by: REYNARD SEVILLANO

HEADLINES:

BALITANG LOKAL

- P20M WATER SYSTEM PROJECT SA BAYAN NG MALILIPOT ALBAY, NAKATAKDA NG SIMULAN

- MGA CRUSHING MACHINE SA MGA BARANGAY SA BAYAN NG DAET, CAMARINES NORTE MULING BUBUHAYIN BILANG TUGON SA PROBLEMA SA MGA BASURA

– ISUMBONG MO ANG PUSHER PROGRAM HINDI NA BAGO PARA SA NAGA CITY POLICE OFFICE

– CITY HEALTH OFFICE AGAD NG NAGBIGAY NG IMPORMASYON UKOL SA MGA SAKIT NA POSIBLENG DUMAPO SA PANAHON NG EL NINO PHENOMENON

-HALOS DALAWANG LIBONG SUB-PROJECTS, NATAPOS SA TAONG 2023 SA PAMAMAGITAN NG KALAHI-CIDSS NG DSWD BICOL

- MGA BARANGAY OFFICIALS SA LALAWIGAN NG ALBAY, ISINAILALIM SA ORIENTATION AT CAPACITY BUILDING PATUNGKOL SA DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT

- PAGBUO NG ANTI-COLORUM TASK FORCE SA REHIYON, APRUBADO NA

- DEDED LEGAZPI CITY DIVISION, NAGHAHANDA NA PARA SA PALARONG BICOL 2024

BALITANG PAMBANSA

- SPEAKER ROMUALDEZ ITINANGGI ANG ULAT NA INATASAN NIYA ANG MGA CONGRESSMEN NA MANGALAP NG PIRMA SA PEOPLE’S INITIATIVE

- 6 NA PULIS, POSITIBO SA ILEGAL NA DROGA SA UNANG KALAHATING BUWAN NG ENERO 2024 – PNP

- PAGLILIPAT SA PASUKAN SA HUNYO, HINILING NG SENADO NA PAG-ARALAN MUNA

- DA, AMINADO NA MALAKI TALAGA ANG INI-IMPORT NA BIGAS NG BANSA NGAYON

- COMELEC, SARADO NA SA POSIBLENG PAGPAPALAWIG SA VOTER REGISTRATION

- AFP, SUPORTADO ANG AKSYON NG PCG KASUNOD NG PANIBAGONG PANG-HA-HARASS NG CHINESE COAST GUARD SA BAJO DE MASINLOC

BALITANG INTERNASYUNAL

- PATAY SA PATULOY NA LABANAN NG HAMAS AT ISRAEL PUMALO NA SA MAHIGIT 25-K

BALITANG SPORTS

- STRONG GROUP, NAGKAMIT NA NG TATLONG PANALO SA DUBAI INTERNATIONAL BASKETBALL CHAMPIONSHIP

BALITANG PANGKALAKALAN

- KARAGDAGANG WATER-STORAGE CAPACITY, TARGET NG MAYNILAD SA 2026

89.1 BICOL IDOL FM Legazpi
105.5 BICOL IDOL FM Naga
88.9 BICOL IDOL FM Daet

SA BICOL, IDOL!

22/01/2024

GOOD MORNING IDOL | With IDOL CHRIS CABARLE

89.1 BICOL IDOL FM. SA BICOL, IDOL!

22/01/2024

DOL BALITA : UNANG PUTOK

Anchored by: IDOL JEFF LUBIANO

89.1 BICOL IDOL FM Legazpi
105.5 BICOL IDOL FM Naga
88.9 BICOL IDOL FM Daet

SA BICOL, IDOL!

22/01/2024

CMD: Kalusugan at Kabuhayan

With IDOL Ma'am MELINDA WEE
MON-FRI 5:45 - 6:15
EVERY SATURDAY 6:00 - 6:30

89.1 BICOL IDOL FM. SA BICOL, IDOL!

22/01/2024

IDOL BALITA SA HAPON | Ken Sumayao Cabaltera

Headlines :

-OATH TAKING NG HALOS ANIM NA LIBONG (6,000) LET PASSERS SA REHIYON, ISINAGAWA KAHAPON SA LUNGSOD NG LEGAZPI
-ALBAY 3RD DISTRICT CONGRESSMAN FERNANDO DIDI CABREDO, MAHIGPIT ANG MONITORING AT INSPEKSYON SA MGA INFRA PROJECTS SA NATURANG DISTRITO
– AKO BICOL PARTYLIST EXECUTIVE DIRECTOR ATTY PIDO GARBIN JR NAGBIGAY NG REAKSYON HINGGIL SA PAGKWESTYON NG UNPROGRAMMED FUNDS
-ANIMNAPUNG HOG RAISERS SA BAYAN NG LABO, CAMARINES NORTE NA APEKTADO NG ASF, TUMANGGAP NG ASISTENSYA MULA SA DA BICOL
-ALBAY PROVINCIAL HOSPITAL, NAKATAKDANG MAGING APEX HOSPITAL NG PROBINSYA – AYON KAY GOV GREX LAGMAN
-LEGAZPI CITY TOURISM OFFICE, UMAASA NA MAABOT ANG 1.2M TARGET NA TOURIST ARRIVALS SA LUNGSOD NGAYONG TAON
- AKO BICOL PARTYLIST REP. ZALDY CO IBINIDA ANG PAG-UNLAD NG IMPRASTRAKTURA SA BICOL

– HALOS DALAWANG LIBONG SUB-PROJECTS, NATAPOS SA TAONG 2023 SA PAMAMAGITAN NG KALAHI-CIDSS NG DSWD BICOL
- PINOY NA GUSTO NG CHARTER CHANGE ISANG PORSYENTO LANG AYON SA SURVEY NG OCTA RESEARCH

- DEPARTMENT OF AGRICULTURE TINUTUTUKAN ANG PAGPAPALAKAS NG LOKAL NA PRODUKSYON NG BIGAS SA KABILA NG BANTA NG EL NINO PHENOMENON

- SEN. SHERWIN GATCHALIAN NAIS PALAKASIN ANG CAPITAL AT DEBT MARKET; HIKAYATIN ANG MASMARAMING PILIPINO NA MAG IPON AT MAMUHUNAN

- PRESYO NG PRODUTONG PETROLYO, TATAAS BUKAS

89.1 BICOL IDOL FM Legazpi
105.5 BICOL IDOL FM Naga
88.9 BICOL IDOL FM Daet

SA BICOL, IDOL!

Address

Citispire Building, Imelda C. Roces Avenue, Gogon
Legazpi
4500

Telephone

+639988646007

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 89.1 Bicol Idol FM Legazpi posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to 89.1 Bicol Idol FM Legazpi:

Videos

Share

Category

Nearby media companies