Serbisyo ng PhilHealth, palalakihin at pararamihin pa ngayong 2025 — PBBM
PANOORIN: Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na may government subsidy man o wala, hindi mababawasan ang serbisyo ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) sa mga miyembro nito.
Inihayag din ni Pangulong Marcos na nakatuon ang kanyang administrasyon sa pagpaparami at pagpapalawak pa ng serbisyo ng PhilHealth. (🎥: RTVM)
#TagkaroNews
NEWS UPDATE: Councilor Jun Nuñez at Punong Barangay Jay-ar Madrideo ng Barangay Anislag, Daraga Albay at ibang mga residente, nagpapasalamat kay Former Mayor Vic Perete sa pagbibigay ng libreng Medical Mission sa kanilang barangay ngayong araw ng Sabado, Enero 18, 2024.
#TagkaroNews
KAPUNTUKAN HILL SA LEGAZPI, NAG LANDSLIDE DAHIL SA SHEAR LINE
Kasalukuyang nagkaroon ng pagguho ng lupa sa may Sawangan Park-International Cruise Ship Terminal sa Barangay Dap-Dap, Legazpi City.
Gayundin nagkaroon ng pagguho ng lupa sa may bahagi ng Barangay 27 Victory South.
#TagkaroNews #Reels #albay #legazpicity
NEWS UPDATE: Ipapatawag ni Mayor Atty. Alfredo "Pido" Garbin, Jr. ang management ng Terminal sa Legazpi na nagrerenta sa lupa na pagmamay-ari ng Pamahalaang Lungsod ng Legazpi para magkaroon ng meeting of negotiation dahil sa nakitang iregularidad sa agreement ng magkabilang panig.
Ito ay matapos na madiskubre ng administrasyon ni Garbin na isa ring palaisipan kung bakit ang nasabing management nangyaring pinarenta ang isang mall sa nirerentahang lupa nito bagama't dapat ito ay may pagpapahintulot ng Lungsod.
Pinaglinaw ni Garbin na hindi niya aantalain ang kasalukuyang operasyon ng mga nasa lugar kundi kanyang itatama lamang ang dapat na maging revenue nito sa Pamahalaang Lungsod.
Kanya rin na idinagdag na sa kasunduan bus terminal lamang ang gagawin sa lugar hindi ang pagpapalagay ng mall kung kaya dapat magkaroon muli ng pag-uusap para maitama ang kasunduan at maibigay sa Legazpi ang tamang revenue.
Sa orihinal na agreement ayon sa alkalde, dapat Terminal lamang ang ilalagay sa lugar.
Sa kasalukuyang ang ibinibigay nitong revenue umano ay dati pa rin kahit na may panibago nang mall sa lugar.
Samantala, sinisikap ng team na makunan ng pahayag ang nasabing management ukol sa sinabi ng alkalde.
#TagkaroNews
LIVE 🔴 Baretang Masiram kaiba si Luence Barcena sa Radyo Siram 100.3 News FM 📻. 📡
#TagkaroNews #TagkarosaRadyo #RadyoSiram #Albay
NEWS UPDATE: Itinurn-over na ng PNP Kasurog Bicol sa pangunguna ni PBGEN ANDRE PEREZ DIZON sa Philippine Navy ang underwater at communication system na pinagdududahang submarine drone ng China na nadiskubre nitong Rizal Day ng Disyembre 30, 2024 ng dalawang mangingisda sa Barangay Inarawan, San Pascual, Masbate.
Ayon kay Dizon, cylindrical shape submarine drone na ito ay merong steel antenna at sa mga marking nito lumalabas na ito ay isang Chinese underwater navigation and communication system.
Ito ay naiturn-over na sa Philippine Navy noong Disyembre 31, 2024.
Dagdag pa ni Dizon na hindi naman ito armado ngunit ito ay gagawan ng pormal na imbestigasyon.
Ang mangingisda na nakadiskubre nito ay sinamahan ng mga opisyal ng barangay nang iturn-over ito sa San Pascual Municipal Police Station
Sa separadong statement, kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines ang pagturn-over nito sa Philippine Navy at kanilang ipinagdiin na mahalaga ang kolaborasyon ng mga lokal na mangingisda at iba pang maritime stakeholders sa mga ganitong usapin.
Samantaka sinabi naman ng Naval Forces of Southern Luzon na sila ay patuloy pang nasa imbestigasyon kaugnay sa nasabing bagay.
(Video live at Radyo Siram 100.3 News FM)
#TagkaroNews
Christmas Patrolling in Legazpi City
NEWS UPDATE: PBGEN ANDRE PEREZ DIZON ng PNP Kasurog Bicol, binabati ang buong kabikolan ngayong darating na Kapaskuhan at Bagong taon.
Siya ay nagbigay ng kasiguraduhan na patuloy ang pag-antabay ng mga kasurog cops sa pananatili ng kapayapaan at kaayusan ngayong holiday season.
Si Dizon rin ang patnugot ng Bicycle at Motorcycle Patrol upang dagdagan ang police visibility sa Legazpi at Daraga.
#TagkaroNews
NEWS UPDATE: Vice Gubernatorial aspirant Faridah "Diday" Co, inilatag sa media ang kanyang mga plataporma sa Albay.
Ayon kay Co, isa sa kanyang tututukan ay ang pagpapalakas ng turismo sa Albay.
#TagkaroNews
TRAFFIC ALERT: Ngayong alas 3:16 ng hapon ay ganito ang kalagayan ng trapiko sa Benny Imperial Street, Legazpi City (Yashano-Gaisano Mall)
Christmas Rush sa Legazpi City ngayong araw.
#TagkaroNews
Former Councilor Alan Rañola, isusulong ang scholarship sa Legazpi Part 5
Former Councilor Alan Rañola, isusulong ang scholarship sa Legazpi Part 4