06/06/2023
Kapag may mga pagkakataon o pangyayari sa buhay mo na naloko ka,hayaan mo lang wag mo na sisihin ang sarili mo na naisahan o naloko ka.
First of all wala kang kasalanan walang mali sa pagtitiwala o sa kabutihan sa kapwa.
Well may kasabihan hindi nila iyayaman ang anomang galing sa kasamaan o sa panlalamang,sila ang magdadala ng ano mang kasalanang ginawa nila.
Habang ikaw na naloko at nalamangan ay hindi mo ipaghihirap ang nawala sayo sa halip mas bibigyan kapa ng biyaya at pagpapalain ni Lord pasalamatan mo na hindi Ikaw ang nanloko at nanlamang.
Dahil sa huli lahat ng ginawa mong mabuti,aani ka ng mabuti.
Ano mang ginawa mong masama ay kasamaan din ang iyong makakamtan.