
24/01/2025
Sa bawat araw na lumilipas, lalo kong nararamdaman ang kawalan mo. Ang boses mo, ang mga payo mo, at ang init ng yakap mo—lahat ng iyon ay nananatili sa alaala ko. Gustong-gusto kong bumalik sa mga araw na magkasama pa tayo, Tay. Ang simpleng pag-upo mo sa tabi ko ay sapat na upang iparamdam na kaya kong harapin ang lahat ng hamon. Pero ngayon, ang mundo ko ay tila tahimik at malamig. Wala ka na, Tay, pero sa puso ko, ikaw pa rin ang gabay ko magpakailanman.