KuMarie-Dou

KuMarie-Dou Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from KuMarie-Dou, Digital creator, Laoag City.

Kailaliman ng gabi.Isang palahaw na iyak ang bumasag sa katahimikan. Umiiyak na naman siya. Kaya kahit pagod sa maghapon...
13/05/2023

Kailaliman ng gabi.
Isang palahaw na iyak ang bumasag sa katahimikan. Umiiyak na naman siya. Kaya kahit pagod sa maghapong pakikibaka sa buhay, pilit akong bumangon upang siya ay aking ihele at ipagtimpla ng gatas. Isang senaryo sa nakalipas ngunit habang buhay kong babaunin bilang isang malaking parte ng aking pagkatao.

Isa akong ina. Ilang taon na ang lumipas simula ng huling ipagtimpla ko ng gatas ang aking mga anak ngunit sariwa parin sa akin ang lahat ng mga alaala. Lahat ng pasakit at luha. Lahat ng pag-aalala at pangamba. At siyempre, lahat ng saya at ligaya. Ngayong malalaki na sila at may sarili ng buhay na tinatahak, nananatili parin ako sa kanilang tabi, handa silang alalayan sa gitna ng ligaya at pighati.

Handa akong gawin lahat ng aking makakaya upang bigyan sila ng buhay na nararapat at kanilang pinapangarap. Hindi ako perpektong ina. May mga pagkakataon na nabibigyan ko rin sila ng pasakit ngunit sa kabila ng lahat ng pagsubok, nananatili pa rin akong malakas kahit ako'y hinang-hina na. Kahit gusto ko nang sumuko, hinding-hindi ko gagawin sapagkat ang pagiging ina ay isang panghabang buhay na gampanin.

At sa bawat pagkalagas ng dahon sa mga puno, isang bagong umaga ang sisibol. At sa bawat pagsibol, isang bagong umaga ang darating. Isang bagong araw ng pagiging isang ina. Inang handang lumuha para sa ngiti ng mga anak. Inang handang magparaya para sa kaligayahan ng anak. Inang handang maging sandalan at sandigan para sa pakikibaka ng anak.

Isa akong ina. At ito ang pinakamahalagang parte ng aking pagkatao na hindi kailanman matutumbasan ng yaman ng mundo.

Isang pagpupugay sa lahat ng ina sa buong mundo.

Address

Laoag City
2900

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when KuMarie-Dou posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share