Damag Ilocano

Damag Ilocano TULONG;SERBISYO
📧 [email protected]
(1)

31/01/2025

4 katao, huli sa pagsusugal sa lamay sa Sarrat, Ilocos Norte

Naaktuhan umano ang apat na lalaki na naglalaro ng “lucky 9”.

Nakumpiska sa apat ang 6,984 bet money at ilan pang nagamit sa pagsusugal.

Panoorin ang panayam sa Chief Of Police ng Sarrat na si PCPT Kester Arellano//

JUST IN!UPDATE! Lalaki,patay sa pamamaril sa Brgy. Napu,Badoc,Ilocos NorteKinilala ng pulisya ang biktima, na si Fernand...
31/01/2025

JUST IN!
UPDATE!

Lalaki,patay sa pamamaril sa Brgy. Napu,Badoc,Ilocos Norte

Kinilala ng pulisya ang biktima, na si Fernando Dahilig Baldugo , 51 yrs. Old ,karpintero at residente ng Sitio Cabuaan, Brgy. Napu, Ilocos Norte

Naganap ang insidente pasado 7:00 ngayong gabi.

Sa initial na imbestigasyon, habang naghahapunan si Baldugo sa harap ng bahay ng kanyang live-in partner,binaril ito ng hindi pa nakikilalang lalaki at tumakas.

Dinala sa pagamutan si Baldugo ngunit idineklarang dead on arrival.

Inilarawan ang suspek na nakasuot ng Black T-shirt .

Kasalukuyang nagsasagawa ng hot pursuit operation ang pulisya.

Patuloy pa ang imbestigasyon.

Courtesy: Steve Wasay

Nagtulong-tulong  ang 1st PMFC under the supervision of Force Commander PMAJ Jomar Andres, 2nd PMFC under the supervisio...
30/01/2025

Nagtulong-tulong ang 1st PMFC under the supervision of Force Commander PMAJ Jomar Andres, 2nd PMFC under the supervision of PMAJ Fernando Fernandez Jr, Forest Ranger,BFP, 28th Marine Coy sa pag-monitor at pag-apula sa Wild Fire sa kabundukan ng Carasi,Ilocos Norte na nagsimula bandang 4:50 ng hapon.

Abangan ang mas maraming detalye.

Sumalpok ang sinasakyang Pick-up ng pulis, residente ng Laoag City sa nakaparadang Elf Truck sa kahabaan ng Brgy. 6 Tono...
30/01/2025

Sumalpok ang sinasakyang Pick-up ng pulis, residente ng Laoag City sa nakaparadang Elf Truck sa kahabaan ng Brgy. 6 Tonoton, Piddig, Ilocos Norte.

Sa imbestigasyon, nakaparada na nakaharap sa Silangang direksyon ang Elf truck at kasalukuyag nagdedeliver ng Softdrinks sa store sa lugar 'nung mabunggo ng Pick up na patungo naman sa kanlurang direksyon.

Nagtamo ng minor head injury ang Pulis at agad na dinala sa pagamutan, nanatili namang ligtas ang driver ng Truck.

28/01/2025

Mayor Michael Marcos Keon ng Laoag City,sinagot ang naging pahayag ng Gobernador.

Panoorin//

Kambal, huli dahil sa umano’y pambubugbog sa Paoay, Ilocos NorteNasa kostudiya na ng pulisya ang kambal na sina Mario at...
28/01/2025

Kambal, huli dahil sa umano’y pambubugbog sa Paoay, Ilocos Norte

Nasa kostudiya na ng pulisya ang kambal na sina Mario at Margie Oamil , 49 yrs. Old, magsasaka matapos masangkot sa umano’y pananakit sa 56 yrs. Old na si Wilbert Labasan, magsasaka, pare-parehong residente ng Brgy. 25 Callaguip , Paoay, Ilocos Norte.

Sa imbestigasyon, nag-iinuman sa lamay sina Wilbert at Mario nang pagbintangan ni Wilbert si Mario na ito ang kumuha sa nawawalang Hose nito sa bukid kasunod nito kinuha ni Wilbert ang Shot glass at ipinukpok sa ulo ni Mario.

Pagkatapos ng pamumukpok, tumakbo si Wilbert ngunit naabutan ni Mario at dito na nito binugbog si Wilbert dumating naman si margie at umano’y tinulongan ang kambal na bugbugin si Wilbert.

Sa pagresponde ng pulisya, nahuli sina Mario at Margie.

Haharap ang kambal sa kasong Frustrated Murder.

Kasalukuyan pang nagpapagaling si Wilbert sa ospital.

27/01/2025

Team HORNETS muling nag-abot ng tulong sa Batang nangangailan ng tulong pinansyal

Kung maalala,una nating nakilala ang Team HORNETS noong nag-abot ang mga ito ng tulong sa isa ring bata mula sa Solsona,Ilocos Norte.

Hanggang ngayon,patuloy parin ang pagtulong nila.

Kahapon,muli nanaman silang nagpaabot ng bagong pag-asa sa isang bata.

Ibinigay nila ang nalikom na pera mula sa myembro ng kanilang grupo kay Angel Aguinaldo , ina ni Eliora Fermin,8 months old, na- Diagnos ng Intussusception/Pnuemonia, residente ng Brgy. 3 Laoag City.

Panoorin ang pasasalamat ni Angel//

Lalaki, huli sa Drug Buy-bust operation sa Bgy.  Madamba,Dingras,Ilocos NorteHuli ang 32 yrs. Old na lalaki ,residente n...
27/01/2025

Lalaki, huli sa Drug Buy-bust operation sa Bgy. Madamba,Dingras,Ilocos Norte

Huli ang 32 yrs. Old na lalaki ,residente ng sitio Naregta,Bgy. Madamba,Dingras matapos umanong bentahan ng 1 sachet ng hinihinalang Shabu ang nagpanggap na posuer-buyer.

Nakumpiska sa suspek ang dalawa pang sachets ng hinihinalang shabu, 1000 buy-bust money at ilan pang Drug paraphernalia.

Hinahanda na ang kaso laban sa suspek.

2 lalaki,huli sa drug buy-bust operation sa Pasuquin, Ilocos NorteNasa kustodiya na ng pulisya sina Renzfer Rivera, 24 y...
27/01/2025

2 lalaki,huli sa drug buy-bust operation sa Pasuquin, Ilocos Norte

Nasa kustodiya na ng pulisya sina Renzfer Rivera, 24 yrs old, security Guard,residente ng Brgy. Dilanis,Pasuquin at Nicole Lee Simbulan,26 yrs. Old ,residente ng Brgy. 2 Pobalcion,Pasuquin.

Sina Rivera at Simbulan ay nahuli umano sa akto na nagbenta ng 1 sachet ng hinihinalang shabu sa nagpanggap na Posuer-buyer sa kanilang rinerentahang bahay sa Brgy. 2 Poblacion,Pasuquin.

Nakumpiska sa dalawa ang hinihinalang shabu na may bigat na 1 gram at may Street Drug Price na PHP6,800.00, PHP 1,000.00 boodle money at ilan pang drug paraphernalia.

PampasaherongJeep at Van, sangkot sa aksidente sa kahabaan ng Brgy. 18 San Nicolas,Ilocos NorteAng van ay may sakay na 1...
26/01/2025

PampasaherongJeep at Van, sangkot sa aksidente sa kahabaan ng Brgy. 18 San Nicolas,Ilocos Norte

Ang van ay may sakay na 12 katao kabilang ang driver, tatlo naman ang sakay ng pampasaherong jeep kabilanb ang driver.

Wala namang malubhang nasaktan sa insidente.

Abangan ang buong detalye.

Ibayong pag-iingat kadamag!

Bus nawalan umano ng preno sa kahabaang bahagi ng Brgy. Baruyen,Bangui, Ilocos Norte.Ayon sa napagtanunang ng news team,...
26/01/2025

Bus nawalan umano ng preno sa kahabaang bahagi ng Brgy. Baruyen,Bangui, Ilocos Norte.

Ayon sa napagtanunang ng news team, wala naman umanong lubhang nasugatan sa insidente maliban sa paika-ikang driver.

Nawalan umano ng kontrol ang driver sa minamanehong bus.

Nadaanan din ng 101st Maneuver Company RMFB1, ang insidente at agad silang nag-assist sa mga pasahero ng bus at Traffic hanggang dumating ang Bangui MPS.

Photo Courtesy: 101st Maneuver Company,RMFB1

Brgy. Kagawad at isang residente sugatan matapos awatin ang nangugulo sa kanilang BarangayNagresponde umano ang Kagawad ...
24/01/2025

Brgy. Kagawad at isang residente sugatan matapos awatin ang nangugulo sa kanilang Barangay

Nagresponde umano ang Kagawad na si Nick Ventura Juan,58 yrs. Old sa kanyang kabaranggay na nanggugulo sa Brgy. 50,Buttong,Laoag City,Ilocos Norte

Ayon sa imbestigasyon, kasama ng kagawad si Rizal Ranada Daquiaoag, 48 yrs. Old ng magpunta sa umano'y nangugulo na si Marcel Garo.

'Nung awatin nila ito, naging agresibo umano si Garo at natamaan ng hawak na itak ang mukha ni Juan at Daquioag.

Inaresto ng mga Brgy. Tanod si Garo at nai-turn-over sa pulisya pati na ang itak na ginamit.

Dinala sa pagamutan ang mga biktima.

Dead on Arrival sa pagamutan ang 32 yrs. Old na babae na kinilalang si Honeylyn Gaspar,residente ng Brgy. Ulayos,Catucda...
24/01/2025

Dead on Arrival sa pagamutan ang 32 yrs. Old na babae na kinilalang si Honeylyn Gaspar,residente ng Brgy. Ulayos,Catucdan, Cabugao,Ilocos Sur matapos mabunggo ang sinasakyang motorsiklo ng kasunod na Dump Truck, na minaneho ng 39 yrs. Old na residente ng Brgy. Manayon, Bangui,Ilocos Norte, sa kahabaan ng Brgy. 29,Pasngal,Bacarra,Ilocos Norte

Sa imbestigasyon,nasa parehong direksyon pa-south ang Truck at motorsiklo. Nag-overtake umano ang Truck at nagtangka ring mag-overtake ang motorsiklo.

Nabunggo ng Truck ang motorsiklo ni Gaspar.

Nagtamo ng sugat sa ulo at iba't-ibang parte ng katawan si Gaspar.

Nasa kostudiya na ng pulisya ang driver ng Truck.

Senior Citizen,wala ng buhay 'nung matagpuan sa bukidAyon sa imbestigasyon, nagpaalam umano 6:00 am, ang  65- yrs old na...
24/01/2025

Senior Citizen,wala ng buhay 'nung matagpuan sa bukid

Ayon sa imbestigasyon, nagpaalam umano 6:00 am, ang 65- yrs old na si Luzviminda Gangani,residente ng Brgy.Tanggaoan, Piddig,Ilocos Norte sa kanyang anak na mangunguha ng jutes o saluyot sa bukid ngunit hindi na ito nakabalik.

Natagpuan nalang itong nakahandusay 7:00 ng gabi sa bukid ng isang magsasaka.

Napag-alamang may sakit umano si Gangani na lagnat,ubo at may history ng high blood pressure.

Wala namang nakitang foul play sa pagkamatay ni Gangani.

Earthquake Information No.1Date and Time: 24 January 2025 - 05:57 AMMagnitude = 3.7Depth = 005 kmLocation = 17.76°N, 120...
23/01/2025

Earthquake Information No.1
Date and Time: 24 January 2025 - 05:57 AM
Magnitude = 3.7
Depth = 005 km
Location = 17.76°N, 120.62°E - 008 km N 34° W of Danglas (Abra)

Reported Intensities:

Instrumental Intensities:
Intensity III - Sinait, ILOCOS SUR
Intensity I - City of Vigan, ILOCOS SUR; City of Laoag and Pasuquin, ILOCOS NORTE

Photo:PHIVOLCS

Lalaki patay matapos sumalpok sa poste sa Brgy. 5,Vintar,Ilocos NorteKinilala ang biktima na si Ivan Morris Canlas, 27 y...
23/01/2025

Lalaki patay matapos sumalpok sa poste sa Brgy. 5,Vintar,Ilocos Norte

Kinilala ang biktima na si Ivan Morris Canlas, 27 yrs. Old at residente ng Brgy. 5,Vintar

Sa imbestigasyon patungong silangan si Canlas sa kalsada ng Brgy. 5 ,Vintar ng mawalan ito ng kontrol sa manibela at sumalpok sa poste.

Nagtamo si Canlas ng sugat sa iba't-ibang parte ng katawan at Idineklarang dead on the spot.

Van, nahulog sa Creek sa Brgy. 24 Sta Monica, San Nicolas,Ilocos Norte Ayon sa pulisya, naiparating kaninang pasado alas...
22/01/2025

Van, nahulog sa Creek sa Brgy. 24 Sta Monica, San Nicolas,Ilocos Norte

Ayon sa pulisya, naiparating kaninang pasado alas sais ng umaga ang insidente sa kanilang opisa.

Napag alamang pasado alas dos pa umano ito nangyari.

Sa imbestigasyon, ang van ay minaneho ng 31 yrs. Old na lalaki na residente ng brgy. 17,Sarrat at may dalawang lalaki pa itong kasama.

Patungo umano sa San Nicolas ang van ‘nung maovershoot sa kurbang bahagi ng Brgy. 24,Sta Monica at mawalan ng control sa manibela.

Unang sumalpok sa poste ang van at dumiretso sa creek.

Dinala sa pagamutan ang driver na nagtamo ng sugat sa iba’t- ibang parte ng katawan,hindi naman nasaktan ang dalawa.

Nagtungo na rin sa station ng pulisya ang kaanak ng tatlo.

Ayon kay PCPT Randy Damo ang lugar ay itinuturing na Accident-prone area kaya patuloy ang pagpapaalala ng ibayong pag-iingat sa mga drivers.

Studyante, patay matapos maaksidente sa bahagi Bypass Road na bahagi ng Brgy. Darayday, Laoag City.Nakatanggap ng report...
19/01/2025

Studyante, patay matapos maaksidente sa bahagi Bypass Road na bahagi ng Brgy. Darayday, Laoag City.

Nakatanggap ng report pasado alas Tres kahapon at agad na nagresponde ang Pulisya sa Brgy. Darayday. Napag-alamang, ang mga sangkot sa insidente ay ang 18 yrs. old na si Tyrhone Navarro Corpuz at ang angkas nito na si Jhosan Dumlao Lazaro, 19 yrs. old at parehong residente ng Brgy. Boyboy, Piddig.

Sa imbestigasyon, binabaybay ng dalawa ang kalsada sa tabi ng irigasyon patungong hilaga at nang makarating na ang mga ito sa hindi sementadong kalsada, nawalan ng kontrol sa manibela si Corpuz at sumemplang.

Nagtamo ang mga ito ng mga sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan.

Agad na nadala sa ospital ngunit ang angkas na si Lazaro ay idineklarang dead on arrival.

Photo Courtesy: INPPO

Address

Laoag City

Telephone

+639957760777

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Damag Ilocano posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Damag Ilocano:

Videos

Share