MABABAgo Laoac 2025

MABABAgo Laoac 2025 Totally rebranded for a better capacity in serving you once more!

Nakakabahala ang lumulobong bilang ng mga individuwal na may sakit na HIV sa ating probinsya.  Sana ay bigyan pansin ng ...
15/01/2025

Nakakabahala ang lumulobong bilang ng mga individuwal na may sakit na HIV sa ating probinsya. Sana ay bigyan pansin ng ating pamahalaan ang bagay na ito bago tayo makilala bilang AIDS capital sa mundo.

https://www.facebook.com/share/15dgKb9UBr/?mibextid=wwXIfr

302 NA KASO NG HIV SA PANGASINAN, NAITALA

Sa datos na ibinahagi ni Health Education Promotion Officer (HEPO) ng Pangasinan Provincial Health Office Nurse 1 Junalen Cabangon, mula 180 noong 2019 halos dumoble ang kanilang naitalang may HIV sa lalawigan sa kanilang huling datos noong 2023 na nasa 302.

READ MORE: https://wp.me/p8lS0n-3Uu7

Ik lig nu in het ziekenhuis vanwege mijn verslechterende gezondheid! Ik bid dat ik weer gezond zal zijn voor de verkiezi...
14/01/2025

Ik lig nu in het ziekenhuis vanwege mijn verslechterende gezondheid! Ik bid dat ik weer gezond zal zijn voor de verkiezingscampagneperiode.

08/01/2025

Ating awitin ang Ka-Rainbow ng Bayan

A weekend gala kasama ang muder at puder bago ko lisanin ang kaharian.
04/01/2025

A weekend gala kasama ang muder at puder bago ko lisanin ang kaharian.

03/01/2025

Naragsak a Baro a Tawen 2025!Bayat ti panangabrasa tayo iti baro a tawen, mapno koma daytoy iti namnama, liwliwa, ken ba...
01/01/2025

Naragsak a Baro a Tawen 2025!

Bayat ti panangabrasa tayo iti baro a tawen, mapno koma daytoy iti namnama, liwliwa, ken balligi para iti amin. Rambakantayo dagiti adal ken balligi iti napalabas a tawen bayat ti situtured a panangsangotayo kadagiti baro a gundaway ken karit nga iyeg ti 2025.

Sapay koma ta nawadwad ti biag tayo nga agnanayon—iti ayat, salun-at, ken ragsak. Itultuloy tayo nga ikagumaan nga agturong kadagiti arapaap tayo, ta tunggal aldaw ket baro a pangrugian tapno magun-od tayo ti balligi.

Nabendisionan a tawen a napno iti parabur ken balligi para iti amin!
Naragsak a baro a tawen!

I am walking to nowhere before MediaNoche at ito ang unang nakita ko.
31/12/2024

I am walking to nowhere before MediaNoche at ito ang unang nakita ko.

Si Dr. José P. Rizal ang nagmulat sa kamalayan ng mga Pilipino tungkol sa kalayaan at edukasyon. Ipinakita ni Rizal na a...
30/12/2024

Si Dr. José P. Rizal ang nagmulat sa kamalayan ng mga Pilipino tungkol sa kalayaan at edukasyon. Ipinakita ni Rizal na ang kaalaman at edukasyon ay mahalagang sandata upang malabanan ang pang-aapi, korapsyon, at kawalan ng katarungan.

Subalit, kung susuriin natin ang kasalukuyang kalagayan ng Pilipinas, makikita ang isang malungkot na katotohanan—tila hindi sapat ang mga aral na iniwan ni Rizal upang gabayan ang ating bansa tungo sa kaayusan at tunay na demokrasya.

Sa halip na mga edukado at may malasakit sa bayan ang nasa kapangyarihan, marami sa mga nahahalal ay kulang sa kakayahan at ginagamit lamang ang kanilang posisyon para sa pansariling interes. Dahil dito, patuloy na lumalaganap ang korapsyon, palakasan, at pagbabalewala sa tunay na pangangailangan ng mga mamamayan. Halibawa, Ang isang artista bagamat mahusay siya sa pag-arte at marami siyang mga para gal ukol dito ay hindi nangangahulugang magaling din siya sa pamamahala na hindi man lamang siya nagkaroon ng sapat na kalinangan ng isipan ukol dito; bagamat kampiyonado sa parang an ng boxing ay di nangangahulugan na magaling din siya sa paggawa ng batas na kailangan ay hindi niya nauunawaan ang batas. Kung ikaw ay magkakasakit, hindi naman Enheniyero ang iyong tatawagin para gamitin o bigyan lunas ang iyong karamdaman. BAGAMAT SINASABI SA ATING KONTITUSYON at LOCAL GOVERNMENT CODE na “ABLE TO READ AND WRITE” lang ang mga kuwalipikasyon para sa mga nais tumakbo sa halalan, sana naman ay NAIINTINDIHAN NILA ANG KANILANG BINABASA.

Isa sa mga halimbawang nagpapakita ng ganitong katiwalian ay ang paggamit ng pondo ng bayan upang mamigay ng ayuda gaya ng AKAP (Ayuda Para sa Kapos Ang Kita Program). Bagama’t mahalaga ang pagtulong sa mga nangangailangan, nagiging kasangkapan ito ng mga pulitiko upang bilhin ang boto ng mga tao at manipulahin ang resulta ng halalan. Ang ganitong sistema ay hindi lamang nagdudulot ng kawalang-gana sa mga mamamayan na makilahok sa proseso ng eleksyon kundi nagpapalakas din sa kulturang padrino at pamumulitika na nagiging ugat ng katiwalian. Maliwanag na ang kurapsyon at vote-buying ay inintitutionalised at magmukhang legit ang pagbili ng boto. Ang hindi ko mainit diyan ay bakit ang mga pulitiko ang may kapangyarihan para magpamudmod sa mga ayudang ito? Bakit kailangan IPAMUKHA SA ISANG MAHIRAP NA SIYA AY MAHIRAP? at niluluto na lamang niya ang sitwasyon na ito dahil wala siyang choice kundi unahin Ang kumakalam na sikmura. Hindi ba pwedeng ibigay ang responsibilidad na ito sa mga ahensya ng pamahalaan na dapat mama Hala dito? Kung may mahohospital at napakaliit ng subsidies ng philhealth, bakit kailangan pang magmakaawa ng mga kanaal ng pasyente sa mga pulitiko para mabigyan ng GL (guarantee letter)? Kung may pondo pala na ganito bakit Hindi ideeën ya sa tamang ahensya ng pamahalaan para idagdag na lang sa subsidies para hospitalisation? Malakas wa! Bakit kailangang ipamukha sa mga mahihirap nating mga kababayan ang kabilang kahirapan? na halos hubaran na natin sila sa kanilang mga dignidad. Malayo pa para sa ating mga Pilipino ang pinangarap ni Dr. José Rizal na kasaganaan at kalayaan na kanyang nasal diyan sa EUROPA.

Ang kawalan ng mabuting pamamahala at integridad ay naglalayo sa atin mula sa diwa ng pagiging makabayan na itinuro ni Rizal. Habang si Rizal ay nagsakripisyo ng kanyang buhay upang itaguyod ang dangal at kalayaan ng Pilipinas, marami sa mga lider ngayon ang inuuna ang kanilang kapangyarihan at yaman kaysa sa kapakanan ng bayan. Sa halip na magsilbi bilang huwaran ng moralidad at prinsipyo, marami sa kanila ang nagiging halimbawa ng pagsasamantala at pandaraya. Bakit Kaya ang mga kababayan natin ay okay lang mag halal ng mga kandidatong may convictions na sa korte or may bahid ng dishonesty? Hindi bat napakadelikado ito kung sakaling sila ay Maluklok sa panunungkulan?

Gayunpaman, ang aral mula sa buhay ni Rizal ay hindi dapat mawala sa ating isipan. Pinatunayan niya na ang EDUKASYON, INTEGRIDAD AT TOTOONG PAGMAMAHAL SA BAYAN ay mga sandatang maaaring magdulot ng tunay na pagbabago. Sa halip na magpadaig sa kasalukuyang sistema, mahalagang ituloy natin ang kanyang laban sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng tamang impormasyon, pagsusulong ng edukasyon, at pagkilos upang mapanagot ang mga tiwaling kawani ng bayan.

Sa huli, ang diwa ng pagpapakabayani ni Dr. José Rizal ay isang paalala na ang kalayaan at kaunlaran ay hindi lamang bunga ng iilang tao kundi resulta ng sama-samang pagkilos ng isang bayang mulat sa katotohanan at handang ipaglaban ang tama. Bagamat mahirap ang hamon ng kasalukuyang panahon, kailangang manatili ang pag-asa at paninindigan upang maitaguyod ang isang bayan na tunay na malaya, maunlad, at makatarungan—isang LAOAC, isang Probinsya ng PANGASINAN, isang PILIPINAS na hindi lamang pinangarap ni Rizal na nararapat para sa bawat LAWAKEÑO, PANGASINENSE, at PILIPINO

27/12/2024

PANOORIN: Congratulations po sa lahat ng mga nanalo sa ating Lucky-9 Ka-Rainbow ng Laoac. Para sa mga hindi nanalo, sumali lang po tayo ng sumali dahil marami pa po tayong mga palaro. Sali na sa ating Tiktolympics!

Address

Maraboc
Laoac
2437

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MABABAgo Laoac 2025 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to MABABAgo Laoac 2025:

Videos

Share