
30/08/2025
๐๐๐๐๐๐ I ๐๐๐, ๐๐๐ค๐ข๐ข๐ฌ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ญ๐๐ญ๐๐ฉ๐จ๐ฌ ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฐ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ข๐ค๐
Nakiisa ang mga mag-aaral ng Kolehiyo ng Edukasyon (COE) sa pagdiriwang ng pagtatapos ng Buwan ng Wika noong Agosto 29 sa Bulwagan ng Luis Hora, Lamut Campus.
Pinangunahan ni Dr. Alma C. Binwag, Tagapag-ugnay ng Sentro ng Wika at Kultura, ang selebrasyon na may temang โPaglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa.โ
Ang aktibidad ay nilahukan ng mga mag-aaral, opisyal ng unibersidad, g**o, at kawani mula sa anim na campus ng IFSU sa pamamagitan ng Zoom.
Nagbigay ng mensahe si Atty. Marites A. Barrios-Taran, Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), na binigyang-diin ang papel ng wika bilang salamin ng kasaysayan, kultura, at pagkatao.
Nagbahagi rin ng kanyang mensahe si Dr. Eva Marie Codamon-Dugyon, Pangulo ng Unibersidad, at iginiit na ang pagtanaw sa nakaraan ay isang anyo ng pagpapahalaga sa wikang pamana at pagkakakilanlan.
Bahagi ng programa ang mga pampasiglang pagtatanghal mula sa iba't ibang campus ng IFSU. Tampok din ang Tertulyang Pangwika 2025, isang malayang talakayan ukol sa kahalagahan ng wika sa lipunan at sa pagkakaisa ng bansa.
Sa diskusyon, inihalintulad ni Dr. Leudane Loรฑez ang wika sa apoyโnagbibigay-buhay ngunit maaari ring makapinsala kung gagamitin nang mali. Samantala, sa kanyang pangwakas na mensahe, ipinaabot ni Lamut Campus Executive Director Nathaniel F. Dimog ang pasasalamat sa lahat ng lumahok, online man o personal.
Sa kabuuan, ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika ay nagsilbing paalala na ang wika ay buhay na sumasalamin sa kultura at pagkakakilanlan ng mga Pilipinoโisang yaman na dapat ipagmalaki at ipamana sa susunod na henerasyon.
๐๐ฌ๐ข๐ง๐ฎ๐ฅ๐๐ญ ๐ง๐ข๐ง๐ ๐๐ข๐ซ๐ ๐๐ฅ๐จ๐ฌ๐ฌ๐จ๐ฆ ๐๐ฎ๐ ๐ฎ๐ข๐ง๐๐ฒ ๐๐ญ ๐๐๐๐๐ ๐๐ค๐ข๐ซ๐ ๐๐๐ฆ๐๐ญ
๐๐ ๐ ๐ฅ๐๐ซ๐๐ฐ๐๐ง๐ ๐ค๐ฎ๐ก๐ ๐ง๐ข๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐ฌ๐ข๐ ๐๐ฎ๐๐๐ง ๐๐ญ ๐๐๐ญ๐ซ๐ข๐ฌ ๐๐๐ง๐๐๐๐จ๐ฅ