The Poet's and Writer's Group

The Poet's and Writer's Group It is a page where we can posts our own written poems and short thoughts or even short stories.

I thought i won't be able to write my last poem but the distressing torture slowly grabbed my pen to express my ultimate...
09/06/2024

I thought i won't be able to write my last poem but the distressing torture slowly grabbed my pen to express my ultimate thoughts of sorrow.

The Enduring Soul
by:Mysty Spring

Oh rest! Where can I find you?
Can I go with you?
My body is beaten by pain!
Every ticking of the clock tortures me!

Oh rest! Why you are hiding me?
Can't you feel my agony?
My thoughts are ruin by extreme pain
My body aches without end.

Oh rest! When will I see you?
Today,Tonight?Tomorrow?
My body is shaking by pain!
My faith is failing.

Oh rest! How would I let you know ?
That sometimes I plan not to wait for you!
I can come to you though it's not right
To make a way so I can REST free from your sight!

I saw myself from shivering to bliss
I walk in the winding road of tragic,
My shred body is fixed like a magic,
Now,how could I face my Lord,my savior?

Oh rest!
Please take me now!!!

17/02/2023
Vote Buying.....Sistemang Nakaririmarim!!!!Ni:Mysty SpringSa pagtaas ng bilihin,pagtaas rin ng hangaring...Kapitalista'y...
14/03/2022

Vote Buying.....Sistemang Nakaririmarim!!!!
Ni:Mysty Spring

Sa pagtaas ng bilihin,pagtaas rin ng hangaring...
Kapitalista'y pasaganain at ang dukha'y pabagsakin,
Isang kahig-isang tuka,
Maralita kung ituring,
Kahig duon,kahig dito,
Tila manok magtrabaho!

Araw-gabi'y kumakayod,
Barya-barya'y sinisinop,
Pahirapan sa paglikom Isang libong nakahain kung eleksyon,
Sa pagtaas ng bilihin vote-buying ay tumaas rin,
Isang libo'y naging tatlo,
Tatlong libo'y naging lima,

Mga tao'y nagkagulo sa alok ng pulitiko,
Kabi-kabila ang papicture,
Fill-up ng form,punta duon-punta dito,
Barya nilang kinikita biglang magiging limang libo,
Kahit sino masisilaw sa kinang ng salapi nyo!

Mga pobreng mamamayan di masisi ng kalaban,
Kung sila'y masilaw man sa salaping kumikinang,
Prinsipyo ng bawat tao kinain ng sistemang 'to,
Kaya pobreng Pilipino Ipinagbili pati mga boto!

Ngunit gaano katagal kapalit ng halagang ito?
Ilang taong paghihirap sa ilalim ng liderato?
Matutumbasan kaya ng limang libo?
Ang "pahirap" na kapalit ng kanilang serbisyo?

Prinsipyo mo ba'y katumbas lang ng halagang ito?
"Kaibigan"alam kong kailangan mo ito,
Hapdi ng sikmura mo'y naranasan ko ring tulad mo...
Ang tanging "sinisisi"ko?
VOTE BUYING....SISTEMANG NAKARIRIMARIM wag na nating tangkilikin!!!

09/04/2021

To write is to live,
To live is to write..
Good morning!

02/04/2021
21/03/2021

Isang napapanahong pangyyari na nagpapakita ng pangarap,pagmamahal sa pamilya at sa ating Inang Bayan.
Mga kagitingan at sakripisyo ng "ilang" kapulisan na walang tanging hangad kundi ipagtanggol ang bayan kapalit ng knilang buhay...
A SALUTE TO OUR VALIANT HEROES WHO SHED THEIR BLOOD FOR THE SAKE OF OUR NATIVE LAND.....the PHILLIPPINES!

LANGIT.. HANGGANAN NG PASAKITNi: Mysty SpringDati'y anong init at nakapapaso,Aming kaluluwa natupok,nasunog!Panaghoy kun...
15/03/2021

LANGIT.. HANGGANAN NG PASAKIT
Ni: Mysty Spring

Dati'y anong init at nakapapaso,
Aming kaluluwa natupok,nasunog!
Panaghoy kung gabi ay tagos sa puso,
Hapdi'y di matiis sa tindi ng kirot!

Ano't itong diyablo'y hindi natatakot?
Gumawa ng labag kahit ikasunog!
Nangdamay,nanakop,naghasik ng salimuot,
Mabubuting tao'y pilit inihulog,
Sa impyernong apoy na nakapapaso!

Taon ang lumipas sungay nya'y tumigas,
Pakpak ay lumaki,
Singlapad ng layag,
Ang diyablong malupit,
Ano't namayagpag?
Wala ng ginawa kundi ang lumipad!

Ngunit isang araw siya ay nagulat,
Dumating ang "anghel" habang sya'y nagagalak,
Simbilis ng palaso,
Bigla syang itinulak,
Sa dagat na apoy at kami'y nilingap.

Isa-isang iniahon ,
Sunog na balat ay pinaghilom,
Mula sa dagat ng apoy,
At init na sumpa ng kahapon,
Agad kaming nagulantang,
Sa "langit" ng masilayan,
Puting ulap sa ulunan,
Tanda ng aming pamamaalam sa impyernong kinasadlakan!



Copyright March 15,2021
7:30pm

21/07/2020
Saan?By:Mysty SpringSaan Kaya Ang hangganan?Saan kaya Ang tungo ko?Tila 'di ko malirip Ang lawak NG lalakarin ko,Bawat h...
29/01/2020

Saan?

By:Mysty Spring

Saan Kaya Ang hangganan?
Saan kaya Ang tungo ko?
Tila 'di ko malirip Ang lawak NG lalakarin ko,
Bawat hakbang natitinik,
Nagdurugo Ang paa ko,
Ngunit ayokong indahin,
Kirot na nararamdaman ko!

Marating ko Kaya Ang hangganan o dulo nito?
Matiis ko Kaya hapdi NG mga sugat ko?
Masilayan ko pa Kaya Ang pinanggalingan ko?
Kung ako'y makarating sa tatahakin Kong Mundo?

Nagkalat mga balakid,
Kabi-kabila'y maputik,
Mga paa'y nangangapit sa daang ubod NG tarik,
Halos ako'y sumuko na,
Ngunit ayokong bumalik,
Nais ko sanang marating,
Ang dakong silangan,
Pinangarap mapuntahan,,,

Subalit NG matanaw ko ang bahay na tila Kubo,
May kumabog sa dibdib ko,
Hindi Kaya ito Ang patutunguhan ko?
Luha'y di mapigil at dagling nagunita ko,
Dati Kong tahanan na ubod NG saya sa piling NG mga anghel ko!

Bigla akong napangiti nguni't luha'y nangingilid,
Bakit aking naririnig nakatutulig na halakhakan,
Mga tinig ng musmos na bata na nagtatawanan,
Ako ay nagulat sa aking nakita!
Ang Lima Kong anghel
Sa bisig ko'y nakahilig pa,
Habang aking inaawit Ang isang awiting puno NG Pag-ibig!

Aanhin ko Ang maglakbay sa dulo NG paraiso,
Aanhin ko Ang salapi at karangyaang naghihintay sa ibang Mundo,
Kung Hindi ko maririnig mga halakhak nyo,
Nanaisin ko pang tumira uli sa kubong natanaw ko,,,
Kung kasama ko kayo,
Anong saya uli NG sawing buhay ko!

Saan nga ba ang lugar ko?
Dito,duon.....?o sa kabilang Mundo?
May puwang pa Kaya Ang isang tulad ko?
Na maging masaya sa huling yugto NG buhay ko?

Naalala nyo ba NG mga musmos pa kayo?
Ako Lang ang kapiling nyo at tanging karamay nyo?
Palaging nakabantay sa tabi nyo?
Kung umiiyak kayo,pumapatak Ang luha ko,
Sa tindi NG pagsinta ko at wagas na Pag-ibig ko sa inyo......
SAAN?????NAGKULANG BA AKO????

January 29,2020 7:28pm

PAMAMAALAM SA AMING KAIBIGAN,KAPATID AT KASAMAHAN SA DEPARTAMENTO NG EDUKASYON;Ma'am Carmila MarianoBy:Mysty SpringMahab...
24/01/2020

PAMAMAALAM SA AMING KAIBIGAN,KAPATID AT KASAMAHAN SA DEPARTAMENTO NG EDUKASYON;Ma'am Carmila Mariano
By:Mysty Spring

Mahabaging langit!!!!
Sa iyong paglisan,
Ating paarala'y nagluksang sukdulan!
Mga g**o'y nanangis at iyong iniwan,
Mga mag-aaral ay naiwan sa kawalan!

Mga puting ulap biglang napalitan,
Nang maitim na kulay at biglang umulan!
Simoy NG hanging amihan,
Bakit Hindi ko maramdaman,
Nang kumalat ang balitang kami'y iyong iniwan!

Bakit napakasakit aking KAPATID ng kami'y iyong iwan?
Mga halakhakan at biruan Hindi na magbabalik kailanman,
Kahit minsa'y nakasimangot ka,
NG walang dahilan,
AMING pagmamahal baunin mo sa iyong paglisan...

Mahusay Kang g**o NG ating paaralan,
Sa pagdisiplina'y saludo ang kabataan,
Ang iyong kasipagan Hindi malilimot kailanman,
Kahit masama ang iyong pakiramdam,
Nakatayo pa Rin maghapon sa harap NG kabataan,
Pilit nagtuturo sa kabila NG kalagayan..

Ngunit isang araw,sumuko ang 'yong katawan,
Sa tindi NG iyong karamdaman,
Nahulog ang iyong timbang at naging daan NG iyong kamatayan,
Mga huling tinig at titig mo, Hindi ko na narinig at nasilayan,
Kaya sa tulang ito nais Kong iyong malaman,
Hinding-hindi ka namin malilimutan,
Dumaan man ang panahon NG akin ring paglisan,
Kita'y hahanapin at agad yayakapin,
Aking ihahalik mga g**ong sa iyo'y nagmahal at nanangis!

Hindi ka na mapapagod sa maghapong pagtuturo,
Hindi mo na maririnig mga ingay sa bawat sulok,
Hindi mo na iindahin ang ilang sistemang bulok,
Na minsan Kong narinig sa nagtatanong mong puso..

PAALAM KAPATID,
PAALAM SA IYO,
PAKATANDAAN MO MAHAL KA NAMING TOTOO!!!
REST IN PEACE BUNSO!!!

Nuon......Ngayon.....By: Mysty SpringNuong ika'y munting sanggol pa,Buong pagmamahal kitang kinalinga,Buong ingat na ina...
26/12/2019

Nuon......
Ngayon.....
By: Mysty Spring

Nuong ika'y munting sanggol pa,
Buong pagmamahal kitang kinalinga,
Buong ingat na inaalo sa bisig kong nananabik,
Buong pag-ibig ika'y masuyong pinatutulog,
Sa himig NG awiting galing sa 'king puso.

Nuon ika'y isang batang paslit,
Araw-gabi ako'y masuyong nakabantay sa tabi mo,
Walang pagod na pinagmamasdan ang mukhang maamo,
Halos walang tulog Kung ika'y umiiyak luha ko'y tumutulo,

Nuong ika'y lumaki't magbinata sa 'king piling,
Pag-ibig ko'y lalong yumabong mandin,
Masiglang naglingkod sa mga anak na irog,
Pilit inabot ang bituing napakatayog,
Upang ialay sa iyo pilit ko itong inabot.

Ngunit ang kapalit NG wagas Kong pag-ibig ay libong pasakit,
Araw man o Gabi sindak ang kapalit,
Hindi ako sumuko mandi'y lalong kumapit,
Sa hangad na mabago ang iyong isip,

Ngayon ako'y matanda na at halos mapatid ang aking hininga,
Ano ang Yong sukli sa wagas Kong pagsinta?
Hindi ka ba naaawa at halos buhay ko ay bawiin mo pa?
Halos dibdib ko'y mapunit sa kirot na tinitiis.

Hanggang kailan ang iyong parusa?
Buong buhay ko halos inialay ko na?
Kulang pa ba ?
Ngayong ako'y matanda na at halos kulubot na,
Sa paglilingkod sa aking mga anak na sinisinta...
Ito na kaya ang huling yugto ng ating pagsasama?
Dahil katawan at isip ko ay napapagal na...
December 26,2019- date written

TAKBO.....MGA BAYANI NG BANSA!!!!by:Mysty SpringMga yabag naka nakatutulig,Mga binti'y namimitig,Hininga'y halos mapatid...
02/11/2019

TAKBO.....MGA BAYANI NG BANSA!!!!
by:Mysty Spring

Mga yabag naka nakatutulig,
Mga binti'y namimitig,
Hininga'y halos mapatid,
Pagod walang kahulilip...

Ano ba ang nais makamit?
Ang maglingkod sa bayang iniibig?
Ang suungin ang panganib?
At ialay ang abang buhay,
Kahit kapalit ay pagtangis?

Hindi sapat ang salapi,
Walang katumbas Na kapalit,
Hindi kayang ilarawan ang panganib,
Araw-gabi Sindak ang hatid,
Subalit pilit silang ngumingiti,
Upang ikubli ang takot sa dibdib,

Umaaasa isang araw kapayapaa'y matanaw,
At magkabuklod-buklod,isang tinig-isang sigaw,
Isang lahing Filipino kayumanggi at matuwid,
Nang maibsan ang panganib sa bansang iniibig!!!
TAKBO MGA BAYANING SIMBOLO NG BUHAY AT PAGPAPAKASAKIT SA BANSANG INIIBIG!!!
MABUHAY ANG PHILIPPINE ARMY!!!!
Nov.2,2019 11:20pm

THE BLOODY DAWN.....AN APPARITION!By:Mysty SpringGusty breeze whispers.....whimpers like a wail,glittering sky turns int...
06/10/2019

THE BLOODY DAWN.....AN APPARITION!
By:Mysty Spring

Gusty breeze whispers.....whimpers like a wail,glittering sky turns into gray,
Flight of crows blackened the universe,
Thick clouds float ghastly with the wind,
A vision of turmoil and grief....or a wrath seems coming to witness?

A maiden of unsurpassable clever and wit,
Her captivating physique tempted,
Her long,black,silky hair added splendor,
Her charm and beauty is irresistible,
Her visage a mirror of vision,
Doffed tempests and desolations.

A man of thirty's bold and strong,
Adorn with torso and muscles like a shining armor,
With a frank,shining eyes like a pool,
Crimson of love and affection.

My woman,my bride and my wife,dew in the morning soothes my aching heart,
My shining star in the darkest night,the moonset i'd been waiting to light up my life,
The scent of Sampaguita
I smell day and night.
LOVE CONQUERS,LOVE SURMOUNTS...LOVE FORBEARS OR FORSAKES?
LOVE IS PURE...LOVE IS NOT!.....WHETHER OR NOT....TRUE LOVE IS IMMORTAL!

The air is scented with happiness and bliss,
Wedding songs are sang with sweet voices,
The dreadful tolling of the bell whizzed,
The church is filled with rejoices,
But the mysterious spirit feel unease,enmity is seen through his face,
Pangs of yesteryears won't erase,never let him asleep!

The bride walked down the aisle,wears a shimmering white,
The viel hid a dazzling smile but her eyes is restless like a flickering light,
Walked like a godess amidst the crowd,
While her groom stares and smiles,teary eyes glimmer like a star,
But the other eyes blaze like a burning fire,
Wheezing with anger,gripping his fists,whispers a rage of passion and crime!

The night is filled with tender groan and moan,
Unclothed sweaty bodies tightly hold on,
In....out...in....out brought pleasure,
The tik-tak of the clock stops running on,
The amorous lovers kissed with fire and ardour,
Bodies move like a wave,splashing....climbing the summit,
Ultimate groan of pleasure is heard,both reach the zenith!

Numb of the peril happen at dawn...approach the mysterious man,
Vanquish by hatred and obsession,stabbed the lovers one by one!
No ruts of fear is shown,
The bloody corpses laid eternally,ceaselessly,infinitely entwined peacefully inside their catacomb...
THE DREADFUL TOLLING OF THE BELL IS HEARD ONCE MORE!!!!
OCTOBER 6,2018 at 11:30AM

THE LAMENT By:MYSTY SPRINGWHAT A DREARY NIGHT!STARS ARE SLEEPING TIGHT!THE NIGHTANGLE SOUNDS MELANCHOLY OF GRIEF TONIGHT...
30/09/2019

THE LAMENT
By:MYSTY SPRING

WHAT A DREARY NIGHT!
STARS ARE SLEEPING TIGHT!
THE NIGHTANGLE SOUNDS MELANCHOLY OF GRIEF TONIGHT!
FLOWERS DANCE SHYLY LIKE A MODEST BRIDE;
ICY AND FROSTY WIND HUG ME SO RIGHT!
CROWD OF CRICKETS SANG A SONG OF SORROW!
MY OLD PIANO PLAYS A MOURNFUL HYMN OF ANGUISH;
AS THE LIVING DEAD HAD RISEN FROM THE GRAVE!
MY SILENT SCREAM DEAFENED THE SOUNDS OF SILENCE!
MY SOUL WANDERS ACROSS THE CLOUDS OF DOUBTS,
MY MIND FLOATS AND SOARS THROUGH THE REALM OF HELL!
MY NIGHT TURNS TO A NIGHTMARE OF FRIGHT!
RESTLESS,IMPATIENT AND DESERTED LIKE AN OCEAN!
MY PILLOW IS A HOARD OF PAIN AND MISERY!
BLANKET IS PERFUMED WITH DEPRESSION AND SADNESS!
THE ROOM IS FILLED WITH HEARTACHES,DESPAIR AND REGRET!
THE CEILING IS A SILHOUETTE OF MISERABLE TOMORROW,
SUNRISE DISGUISE IT'S SPLENDID VIEW OF HOPE BUT MISFORTUNE!
THE SHINING SUN TOOK OFF ITS LIGHT AND GLITTER!
RAINBOW ONCE A SPELL BUT NOW A CURSE!
THE WORLD IS A SHELTER OF "WISE MEN" AND "FOOL"!
"TREACHERY AND BETRAYAL FILLED THE AIR WITH ITS FRAGRANCE"!
GENTLE MURDERERS ROAM LIKE AN HONEST THIEF AROUND!
THE VICTIM JAILED RUTHLESSLY IN THE PRISON OF HER MIND!
RIGHTEOUSNESS,UPRIGHTNESS,RECTITUDE WIPE AWAY BY THE "FLESH"!
"FIDELITY IS BLOWING BY THE GUSTY WIND"!
OUTNUMBERED GOOD MEN LOSE BY THE MASS OF FOOLISH MEN!
STRIFE AND CRUELTY RISE AS HIGH AS THE ZENITH OF MURDER AND CRIME!
FRAGMENTS OF HOSTILITY SCATTERED ON THE GROUND!
QUEST OF MORALITY VANISHED SWIFTLY AS AN ARROW!
SEDUCTION OVERCOMES HONESTY AND DIGNITY!
"UNFAITHFULNESS REIGNS THE EARTH MERRILY"!
CHILDREN SUFFER FROM THE FINE MESS OF INFIDELITY!
COUNTLESS PAIN I MET ALONG THE WAY!
MY TEARS TURN TO A BLOOD OF AGONY!
MY BLOODY SHOULDER CAN'T BEAR THE CROSS I CARRY!
WALKS ALONG TOGETHER BOUNDLESSLY!
WOULD SOMEONE CARRY THE CROSS AND WALK WITH ME?
SHOULD I WALK FROM NOWHERE AS THE MIDST TOUCHES MY UNREST SOUL?
WHAT A GLOOMY SLEEPLESS NIGHTS!
DO YOU HEAR THE CRICKETS?
DO YOU SMELL THE FRAGRANCE OF DAMA DE NOCHE?
COME....LET'S BREAK THE MYSTERY OF THE NIGHT!
AS I LAMENT MY PAST......
September 30,2019-9PM

BAGSAK-PRESYONG PALAY;KATUMBAS AY MILYONG BUHAY      ni: MYSTY SPRINGBawat butil ng palay,simbolo ay buhay,Bawat uhay ni...
02/09/2019

BAGSAK-PRESYONG PALAY;KATUMBAS AY MILYONG BUHAY
ni: MYSTY SPRING

Bawat butil ng palay,simbolo ay buhay,
Bawat uhay nito nagdudulot ng tagumpay,
Isang gatang,isang kilo,
Isang ganta man o isang sako,
Bawat butil nito pinaghirapang totoo.

Umulan man o umaraw,
Init o ginaw,
Kalabaw at araro ang tanging kaagapay,
Nang abang magsasakang walang pagod at pahinga,
Nakikita nyo ba?nararamdaman nyo ba pagdurusa nila?

Ngunit ano ang kapalit?
Sa sakripisyo't malasakit?
Upang kapwa ay mabuhay?
Mabusog sa bawat butil,
Lalo na ang mayayamang
Walang alam sa bukirin,
Kundi ang kumain sa mesang may nakahain,
Maputing kanin halos nagniningning,
Hindi ramdam ang paghihirap ng nagtanim?

Matumbasan pa kaya?
Ang presyo ng palay natin sa ngaun ay bagsak?
Subalit magkano ang kilo ng bigas?
Sa magsasaka wala ba kayong habag?
At natiis na ng gobyernong ganap?
Ni konting pagtingin hindi nyo sila nilingap?
Halos madurog ang puso ko sa tindi ng pagkahabag,
Isa sanang pakiusap,
Pakinggan nyo ang bulong at daing ng mahihirap...

Masdan nyo ang kulay nila,
At kulubot na mga palad,
Halos buhok ay mamuti agad sa tindi ng hirap,
Mga noo'y nakakunot at pilit inaaninag,
Ang isang liwanag pagdating ng bukas,
Mga palay sana nila'y mabiling ganap,
Sa tamang presyo manlang katumbas ng kanilang hirap!!!

( My first erotic poem ever written)The Impetuous Passion                   of LoveBy:Mysty SpringThe veil of darkness t...
07/07/2019

( My first erotic poem ever written)

The Impetuous Passion
of Love
By:Mysty Spring

The veil of darkness tested my faith,
The blazing moon sees my gladness,
Of the great love of senseless,
Unmindful of the threat,
All I know my love is priceless...

My head is spinning,whirling like a wind,
Unconsciously stunned of the threat of detest,
Your lips perfumed of sweetness I can't resist,
Your body moves without rhythm I feel it,

What a melancholy changed into happiness,
The beat of our hearts suddenly increases,
The blazing stars hid in shame when we kissed,
My senses vanish and oblivion lulled me to sleep.

YOU AND ME.......
ME AND YOU.......
Don't be afraid of tomorrow,
Just cherished our love and cling to,
For i will love you 'til tomorrow,
Neither in a world of pain or sorrow.
July 7,2019,3:30pm

AMING INA....PUSO MO BA AY BATO NA?By:Mysty SpringWalang pagod sa pagtayo,itong kaawa-awang g**o,Tinig niya'y maririnig,...
06/06/2019

AMING INA....PUSO MO BA AY BATO NA?
By:Mysty Spring

Walang pagod sa pagtayo,itong kaawa-awang g**o,
Tinig niya'y maririnig,masigla at puno ng pag-ibig,
Hindi nya pansin ang tindi ng init,
Sa silid-aralang saksi sa hirap nyang tinitiis.

Karampot na sueldo ligaya ang hatid,
Pilit pinagkakasya khit kulang ay sapat na,
Kung minsan sya'y pumapasok na,
khit sikmura'y kumakalam pa,
Upang kanyang magampanan obligasyon Na magturo sa ating mga kabataan.

Ilang taon ang dumaan,ilang bukang-liwayway ay nasilayan,
Subalit walang matanaw na kaliwanagan,
Ilang ulit syang nagtangka na iwan ang Pilipinas,
At maglingkod sa ibang bansa upang mkaahon sa hirap.

Ngunit hindi nya maiwan mga batang salat sa paglingap,
Naghahanap ng kalinga mula sa g**ong kung ituring nila'y ina,
Sa tindi ng kanyang pgkaawa,karampot na sahod nya'y pinagtiisan nyang ganap.

Isang araw narinig nya ang magandang balita,
Itataas na ang sahod ng mga g**ong naghihintay ng liwanag,
Presidente ay nag-utos na itaas yaring sahod,
Ngunit bakit sumalungat DepEd Secretary na tila wlang paglingap sa kanyang mga g**o.

IKAW BA AY AMING INA?IKAW BA AY MAY MALASAKIT PA?
SA IYONG MGA ANK NA NAGDURUSA?
GUTOM AT HIRAP NAMIN HINDI MO NADARAMA,
DHIL ANG SUELDO MO NAG-UUMAPAW NA,
BKIT KUNG MAKAPAGSALITA KA PARA KANG SA AMIN AY IBA???
PUSO MO BA AY BATO NA???
PUSO MO BA AY MANHID PA???
June 6,2019 at 6:20pm

The Mysterious Flowers....by: Mysty SpringI wonder how these flowers grow,For years nothing i seeBut grasses around the ...
24/05/2019

The Mysterious Flowers....
by: Mysty Spring

I wonder how these flowers grow,
For years nothing i see
But grasses around the tree...
Until I met someone
Who really cares for me,
And a person who will surely take care of thee,
What a miracle and mystery!
How these flowers exists when you came to me,
I thought they shouldn't be,
But God let them grow for He knows,
That "someone" is going home to take care of thee,
It really brought a mystery,
I wonder how these flowers exists for me,
Waiting for someone who will love thee,
Who will dig and water thee,
'Til they grow with her and me!!!!

May 25,2019 at 9:46pm

Gintong mga Palad...           by: Mysty Spring      Bawat guhit at kulubot sa kanyang mga kamay ay simbolo ng kanyang s...
11/05/2019

Gintong mga Palad...
by: Mysty Spring
Bawat guhit at kulubot sa kanyang mga kamay ay simbolo ng kanyang sakripisyo,pagtityaga at pagod para mapalaki ang kanyang mga anak.Hindi lang natapos ang lahat sa pag-aalaga at pagpapalaki sa kanila,kaalinsabay nito ang pagbuo ng pangarap na makatapos ang kanyang mga anak at magkaroon ng magandang bukas.
Lumaki ang kanyang mga anak,nakatapos ng pag-aaral sa kabila ng gutom,puyat,pagod at hindi maipaliwanag na takot na kanyang dinanas.Takot kung saan sya kukuha ng pangtuition ,pambayad sa boarding house at allowance ng kanyang mga anak.Takot na naramdaman nya ng paulit-ulit kapag nagkakasakit ang mga mahal nyang ank.Takot na kung saan uli kukuha ng maipupuno sa kanilang mga sikmura.Nag-iisa ang kanilang ina,walang kaagapay.Ang gabi ay halos gawin nyang araw.Halos ihinto nya ang takbo ng orasan kung araw dahil kulang ang kita nya sa maghapong pagpapagal.
Ngayong may mga hanap-buhay na ang kanyang mga anak ang kawawang ina ay muli uling nangangarap na makaahon sya sa kahirapang simulat-sapol ay kanyang niyakap.May tutulong kaya sa kanya ngayong sya ay matanda na?ngayong kulu-kulubot na ang kanyang mga gintong palad?Nasaan na ang kanyang pangarap?Tinangay na kaya ng hangin?
Hindi man kayo naging mapalad sa pagkakaroon ng inang ang tanging yaman lang ay tapat na pag-ibig sa kanyang mga anak ngunit sa kaibuturan ng kanyang puso kayo ang kanyang prayuridad kaya hanggang sa matuyot at mangulubot ang kanyang mga palad ay hindi kayo binibitiwan sa higpit ng kanyang pagkakayakap hanggang sa sya ay tumanda at humina.
Naramdaman nyo na hindi man kayo naging masuerte sa inyong ina dahil sa kanyang kahirapan subalit pinagpala kayo dahil sa kanyang paggabay na dagli nyong nakalimutan....
Happy Mother's Day sa mga inang may busilak na puso at tapat na naglingkod sa kanyang mga anak...

ELEKSYON 2019......Isang Pangako ng Pagbabago...Pag-unlad ng Kawawang Pilipino!by:Mysty SpringSa tuwing sasapit ang hala...
21/04/2019

ELEKSYON 2019......Isang Pangako ng Pagbabago...Pag-unlad ng Kawawang Pilipino!
by:Mysty Spring

Sa tuwing sasapit ang halalan,
Kanya-kanyang pagalingan,
Ngiti nila'y hindi kayang tawaran,
Kaway dito,kaway duon,pakilala ika'y pinsan,
Mainit na holding hands ang pagbati kanino man.

Komposisyong mga jingles ay pumapailanlang,
Kung minsa'y nakabibingi hatid nito'y kasinungalingan,
Tapat na serbisyo daw ay aming makakamtan,
Pag-unlad ng bayan daw ay amin ring matitikman.

Makatao,Makabayan,Makadiyos at tapat sa bayan,
Maglilingkod ng wagas sa bansa at mamamayan,
Pobreng mamamayan daw ay iaahon sa kahirapan,
Pangako at pangako lang naman ng ilang pulitikong harapang nagtataksil sa Inang Bayan!

Subalit may ilan rin namang sa puso may nakatagong kabutihan,
At kung sila ay magwagi rin naman,
Pilit ibinababa at sinisiraan,
Ng mga "anay" sa ating lipunan,
Pag-unlad ng ating bayan paano na matitikman?

Ako sana ay nananawagan,boses ng mahihirap ay inyo namang pakinggan?
Bakit simpleng patubig lang sa Barangay Bagong Silang 1,
Hindi ninyo matutukan?
Pag-asenso pa kaya ng lalawigan ay inyong magampanan?
Gayung simpleng patubig lang ipinagkait sa mamamayan?

Pangako ng pagbabago hindi kayang panghawakan,
Manhid ba ang inyong puso ?
Bakit munting tinig nami'y ayaw nyong pakinggan?
Hindi ba tubig ang pangunahing kelangan ng mamamayan?
Uhaw naming mga labi sabik sa patak ng ulan!!!

ELEKSYON 2019.....ISANG PANGAKO NG PAGBABAGO...
NGUNIT NASAAN??????

Date Written: April 22 at 10:50 am.

When I'm dead.....my "dearest",Sing no sad songs for me!Plant no though roses at my head nor shady cypress tree,Be the g...
28/03/2019

When I'm dead.....my "dearest",
Sing no sad songs for me!
Plant no though roses at my head nor shady cypress tree,
Be the green grass above me with showers and dewdrops wet,
If though will not remember,
If though will not forget,
I shall not see the shadow,
I shall not feel the rain,
I shall not hear the nightangle,
Sing on as if in pain,
And dreaming through the twilight that u're always be here,
HAPPY I MAY REMEMBER...
AND HAPPY MAY FORGET!!!
March 28,2019..

Address

Labo

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Poet's and Writer's Group posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to The Poet's and Writer's Group:

Videos

Share

Category