DWLB 89.7 FM PAGE

DWLB 89.7 FM PAGE DWLB 89.7 FM Radyo Lingkod Bayan
No. 1 Community Radio in the heart of Labo, Camarines Norte.

19/02/2025

BLESSING AND INAUGURATION OF THE FIRST ENGINEERED SANITARY LANDFILL IN THE PROVINCE OF CAMARINES NORTE.

FEBRUARY 18, 2025 || BRGY. MASALONG LABO CAMARINES NORTE

PIBLIC SERVICE ANNOUNCEMENT FROM PESO - LABO ✅✅WHAT: Special Recruitment Activity (1st Northern International Placement ...
18/02/2025

PIBLIC SERVICE ANNOUNCEMENT FROM PESO - LABO ✅✅

WHAT: Special Recruitment Activity (1st Northern International Placement Inc.)

WHEN: FEBRUARY 24, 2025 9am-3pm (LUNES)

WHERE: 2F Old Public Market Bldg. PESO LABO, CAMARINES NORTE

Please bring:
Resume, School Credentials, Certificate of Employment/ Training/ other, Birth Certificate, Valid ID, Passport (if available)

AVAILABLE JOBS:
Domestic Helper, School Teacher, School Management Level, Nurse, Senior Technician Water, Manicurist, Beautician, Hairdresser, Nail Technician, Masseuse, Barber, please refer to the photo below

PUBLIC AWARENESS ‼️‼️Ang mga taong nasa litrato ay ang mga nananalisi / nagnanakaw sa mga commercial establishments  sa ...
18/02/2025

PUBLIC AWARENESS ‼️‼️

Ang mga taong nasa litrato ay ang mga nananalisi / nagnanakaw sa mga commercial establishments sa area ng south road. Kung may nakikilala kayo sa mga ito o may mga impormasyong maaaring makatulong sa paghahanap sa kanila ay wag mag-atubili na ipagbigay alam sa tanggapan ng Labo MPS.

Maraming Salamat.

KAUNA-UNAHANG ENGINEERED SANITARY LANDFILL SA  BAYAN NG LABO AT LALAWIGAN NG CAMARINES NORTE, PINASINAYAAN  Pinasinayaan...
18/02/2025

KAUNA-UNAHANG ENGINEERED SANITARY LANDFILL SA BAYAN NG LABO AT LALAWIGAN NG CAMARINES NORTE, PINASINAYAAN

Pinasinayaan at binasbasan nitong araw ng Martes, Pebrero 18, 2025 sa Purok 3 Brgy. Masalong, Labo, Camarines Norte, ang modelong pasilidad na itinuturing na kauna-unahang Engineered Sanitary Landfill sa buong lalawigan ng Camarines Norte na proyekto ng Lokal na Pamahalaan ng bayan ng Labo.

Kaugnay ng nasabing gawain, ay dinaluhan ito nina GOV. D**G PADILLA, VICE GOV. JOSEPH ASCUTIA, ENGR. MARIA SOCORRO A. ABU PhD. - DENR - EMB RV Director.

Gayundin, nakiisa ang iba't-ibang tanggapan kabilang ang MENRO - Labo, Provincial Environment and Natural Resources, MENRO Officers mula sa ibang bayan sa Camarines Norte, LGU LABO Department and Section Heads, Camarines Norte Press Club, Camarines Norte Press Corps, Labo Municipal Police Station, Philippine Army, Sangguniang Bayan Members, at mga Elected and Appointed Barangay Officials mula sa 52 Barangays.

Kung matatandaan ay sinimulan ang proyekto sa mahusay na liderato ni dating Mayor at ngayon ay Vice Governor ng lalawigan ng Camarines Norte, Hon. Joseph V. Ascutia. At sa kasalukuyan ay itinuloy at binigyang ng katuparan bilang priority project ni Mayor Jojo Francisco, VM Alvin G. Bardon at miyembro ng Sangguniang Bayan.

Samantala, ang pagtatayo ng nabanggit na bagong engineered sanitary landfill ay naisakatuparan sa pagplaplano at pakikipagtulungan sa iba't -ibang tanggapan kabilang ang Municipal Environment and Natural Resources, Provincial Environment and Natural Resources, Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ng Environmental Management Bureau (EMB).

Sa maikling programa ay nagagalak na nagbigay ng pagbati si ENGR. MARIA SOCORRO A. ABU PhD. - DENR - EMB RV Director, dahil sa naisakatuparan na ang proyektong ito at mapakikinabangan na ng mamamayan hindi lamang sa bayan ng Labo maging sa karatig lugar nito.

Sa mensahe naman ni Engr. Victor Zabala, MENRO-LABO , ay inaasahan nito na ang proyektong ito sa bayan ng Labo ay maging modelo para sa iba pang mga lokal na pamahalaan na nais rin magpatayo ng kanilang sariling engineered sanitary landfill sa hinaharap.

Ibinahagi rin ni Engr. Zabala, na kabilang sa mga equipment ng ESL ang Composting Facility, Septic Vault, Hazardous waste facility, Sanitary Landfill, at Water treatment facility.

Sa binigay naman na mensahe ni Gov. D**g Padilla ay sinabi nito na isang napakalaking hakbangin ang pagtatayo at pagkakaroon nito upang masolusyunan ang problema sa mga basura, kaya't mahalagang paalala nito sa bawat mamamayan na ang kalinisan ay magsisimula pa rin sa sarili, kabilang dito ang pangangalaga at pagmamalasakit sa kapaligiran na kailangan simulan sa bawat tahanan at sa komunidad.

Nagpaabot din ng mensahe at pasasalamat si Mayor Jojo Francisco gayundin ang SB Members sa pangunguna ni Vice Mayor Alvin G. Bardon sa lahat ng nasa likod ng proyektong ito.

Binigyang diin ng Alkalde na mahalagang magkaroon ng isang maayos at modernong pasilidad dahil lubos itong makatutulong sa mga gampanin pagdating sa usaping pangkalinisan, pangkalusugan, at pangkalikasan tungo sa ligtas at maunlad na Bayan ng Labo.

18/02/2025

PROGRAM TITLE: ANG MABUTING BALITA
TIME: 6:00-7:00 PM
HOST: PASTOR JHUN VILLARAZA

Don't Forget to Follow Like and Share our New page DWLB 89.7 FM PAGE

DISCLAIMER: No copyright infringement intended. The Radio Station do not own the music in this video. They belong to their rightful owner.

18/02/2025

BLESSING AND INAUGURATION OF ENGINEERED SANITARY LANDFILL

18/02/2025

BLESSING AND INAUGURATION OF ENGINEERED SANITARY LANDFILL
FEBRUARY 18, 2025
BRGY. MASALONG, LABO, CAMARINES NORTE

LALAKING NAKATALA BILANG MUNICIPAL MOST WANTED PERSON SA BAYAN NG LABO, ARESTADO Nitong ika-17 ng Pebrero 2025, ganap na...
17/02/2025

LALAKING NAKATALA BILANG MUNICIPAL MOST WANTED PERSON SA BAYAN NG LABO, ARESTADO

Nitong ika-17 ng Pebrero 2025, ganap na 12:30 ng tanghali, matagumpay na naaresto ng mga awtoridad ang isang akusado na nakatala bilang Municipal Most Wanted Person sa bayan ng Labo, Camarines Norte, kaugnay ng kasong paglabag sa Section 3 ng Republic Act 10883 o ang "New Anti-Carnapping Act of 2016." Isinagawa ang operasyon sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Tracker Team ng Camarines Norte Highway Patrol Team at Labo Municipal Police Station, katuwang ang mga operatiba ng CN 2nd PMFC, at Provincial Intelligence Unit sa Brgy. San Isidro, Libmanan, Camarines Sur.

Ang naarestong suspek ay nakilalang si alias "Bornog," 27-taong-gulang, binata, at residente ng Purok Zone 4, Brgy. Peñafrancia, Naga City. Siya ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni Hon. Annalie O. Thomas-Velarde, Presiding Judge ng RTC Branch 64, Labo, Camarines Norte noong Enero 16, 2025, sa ilalim ng Criminal Case No. 24-4973, na may rekomendang pyansa na nagkakahalaga ng tatlong daang libong piso (Php 300,000.00).

Habang isinasagawa ang operasyon, narekober mula sa pag-iingat ng suspek ang isang Honda Click 125 na motorsiklo, na diumano'y ninakaw mula sa kanyang biktima.

Pinaalalahanan ang akusado ukol sa dahilan ng kanyang pagkakaaresto at binasahan ng kanyang mga karapatan alinsunod sa Saligang-Batas ng Pilipinas. Kasalukuyang nasa pangangalaga ng Labo MPS ang suspek at ang narekober na motosiklo para sa kaukulang disposisyon.

Ang matagumpay na operasyong ito ay patuloy na nagpapatunay ng masusing pagpapatupad ng batas ng PNP upang sugpuin ang mga krimen na may kinalaman sa carnapping at tiyakin ang kaligtasan at kaayusan ng bawat mamamayan.

Kung sino man po ang nakakakilala kay mam Rosa V. Dasamero, kung maari po ay ipagbigay alam sa kanya na  ang kanya pong ...
17/02/2025

Kung sino man po ang nakakakilala kay mam Rosa V. Dasamero, kung maari po ay ipagbigay alam sa kanya na ang kanya pong ATM CARD AY NAPULOT SA HAGDANAN NG MUNISIPYO NG LABO NGAYONG ARAW ng Lunes, Feb. 17, 2025.

Maaari po itong iclaim kay Ms. Hazel Villaflores - Staff ni Kon. Reymon Samonte ng Sangguniang Bayan.

Salamat po.

17/02/2025

PROGRAM TITLE: RATSADA BALITA SA TANGHALI
TIME: 12:00-12:30
HOST: JOHN KENNETH LUKBAN

Don't Forget to Follow Like and Share our New page DWLB 89.7 FM PAGE DISCLAIMER: No copyright infringement intended. The Radio Station do not own the music in this video. They belong to their rightful owner.

16/02/2025

PROGRAM TITLE: PUBLIC SERVICE ANNOUNCEMENT
TIME: 7:30 AM
HOST: DESIREE NAGERA

Don't Forget to Follow Like and Share our New page DWLB 89.7 FM PAGE

DISCLAIMER: No copyright infringement intended. The Radio Station do not own the music in this video. They belong to their rightful owner.

16/02/2025

PROGRAM TITLE: RATSADA BALITA SA UMAGA
TIME: 7:00 AM
HOST: DESIREE NAGERA

Don't Forget to Follow Like and Share our New page DWLB 89.7 FM PAGE

DISCLAIMER: No copyright infringement intended. The Radio Station do not own the music in this video. They belong to their rightful owner.

16/02/2025

PROGRAM TITLE: MAGANDANG UMAGA BAYAN
TIME: 5AM TO 7AM
HOST: BEN NAMORO

Don't Forget to Follow Like and Share our New page DWLB 89.7 FM PAGE DISCLAIMER: No copyright infringement intended. The Radio Station do not own the music in this video. They belong to their rightful owner.

Thunderstorm Advisory No. 3 SLPRSD   Issued at 3:00 PM 15 February 2025Katamtaman hanggang malakas na pag-ulan na may ki...
15/02/2025

Thunderstorm Advisory No. 3 SLPRSD
Issued at 3:00 PM 15 February 2025

Katamtaman hanggang malakas na pag-ulan na may kidlat at malalakas na hangin ang nararanasan sa (Labo, JosePanaganban, Paracale, SanLorenzo, SanVicente) na maaaring magpatuloy sa loob ng 1 hanggang 2 oras at maaaring makaapekto sa mga kalapit na lugar.

Lahat ay pinapayuhan na mag-ingat laban sa mga epekto ng mga panganib na ito na kinabibilangan ng biglaang pagbaha at pagguho ng lupa. Patuloy na magbantay para sa mga update.

67 PARES NG MAGKASINTAHAHAN, PINAG-ISANG DIBDIB SA KASALANG BAYAN SA LABO, CAMARINES NORTE Isang makabuluhang pagtitipon...
15/02/2025

67 PARES NG MAGKASINTAHAHAN, PINAG-ISANG DIBDIB SA KASALANG BAYAN SA LABO, CAMARINES NORTE

Isang makabuluhang pagtitipon ng pag-ibig at pagkakaisa ang naganap sa bayan ng Labo, Camarines Norte, kung saan 67 pares ng magkasintahan ang pinag-isang dibdib sa naganap na Kasalang Bayan, nitong araw ng mga Puso, Pebrero 14, 2025 sa Labo Sports Complex.

Matatandaan na nitong nakalipas na Enero 31, 2025, ang itinakdang huling araw ng pagsumite ng mga kinakailangang dokumento ng magkasintahang magpapakasal, kung kaya't sa pakikipagtulungan ng tanggapan ng Municipal Civil Registrar Office, Mayor's Office at mga Barangay Secretaries ay umabot sa animnapu't-pitong pares ang ikinasal sa pamamagitan ng Solemnizing Officer na si Municipal Mayor Severino "Jojo" Francisco Jr.

Nagbigay rin ng mahalagang mensahe si Ms. Maria Dulce Padayao - Chief Statistical Specialist ng Philippine Statistics Authority - Camarines Norte, binigyang diin niya ang kahalagahan na maranasan ng bawat Pilipino na magkaroon ng maayos na pamilya sa pamamagitan ng Seremonya ng Kasal na isa rin sa patuloy na isinusulong ng kanilang tanggapan katuwang ang Municipal Civil Registrar's sa labin-dalawang bayan ng Camarines Norte.

Samantala, bago matapos ang seremonya, nagpaabot naman ng mga regalo ang Provincial Government of Camarines Norte sa pangunguna ni Governor Ricarte D**g Padilla, Vice Governor Joseph Ascutia, Former Congresswoman Dra. Cathy Barcelona-Reyes, Board Member Sol Diaz, Mayor Jojo Francisco, Vice Mayor Alvin Bardon, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Labo. Labis naman ang pasasalamat ni Mayor Jojo Francisco sa regalong hatid ng Security and Exchange Commission upang maipaabot sa 67 na pares.

‌Kung kaya't masaya ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Labo sa pangunguna ni Mayor Jojo Francisco, ito aniya ay isang halimbawa ng pagkakaisa at pag-ibig na nagaganap sa isang komunidad. Ito ay isang patunay na ang pag-ibig at pagkakaisa ay maaaring magbigay ng lakas at inspirasyon sa mga taong nagmamahalan.

📝DESIREE O. NAGERA

14/02/2025

PROGRAM TITLE: RATSADA BALITA SA UMAGA
TIME: 7:00 AM
HOST: DESIREE NAGERA

Don't Forget to Follow Like and Share our New page DWLB 89.7 FM PAGE

DISCLAIMER: No copyright infringement intended.
The Radio Station do not own the music in this video. They belong to their rightful owner.

Address

LABO CAMARINES NORTE
Labo
4604

Website

https://dwlb897fm.blogspot.com/, https://dwlb897fm.radio12345.com/

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DWLB 89.7 FM PAGE posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share