22/08/2022
Camp BUSIG-ON, Labo, Camarines Norte – Ipinagdiwang ng 902nd Infantry (FIGHT AND SERVE) Brigade ang ika – dalawampung taong anibersaryo na may temang “Kagalingan at Malasakit para sa Bayan”.
Isang linggong aktibidad ang inihanda ng 902nd Infantry Brigade sa ilalim ng pamumuno ni Col. Edmundo G. Peralta, Brigade Commander upang pasinayaan ang taunang anibersaryo na kung saan ay kalahok ang mga Operational Control units kabilang na ang 9th Infantry (SANDIGAN) Battalion, 83rd Infantry (MATIKAS) Battalion, 81st Infantry (SPARTANS) Battalion, 49th Infantry (GOOD SAMARITANS) Battalion, 91st at 92nd CMO Coy, 95th at 97th Military Intelligence Company, 9th Forward Medical Support Platoon, ARMOR at ang Field Artillery Coy.
Sinimulan ang selebrasyon sa isinagawang outreach program noong ika- 28 ng Hulyo 2022 sa Brgy Pinagtigasan, Vinzons, Camarines Norte kung saan mahigit 134 pamilya ang nabenepisyuhan at nabigyan ng food packs, school supplies at tsinelas. Ito ay bahagi ng pagbibigay importansya sa komunidad na nasasakupan ng brigade. Sinundan ito ng Triathlon: Swimming (50meters), Biking (22 kms) at Running (4.5 kms) na nagsimula sa Bagasbas Beach, Daet, Camarines Norte at nagtapos sa Headquarters 902nd Brigade sa Labo, Camarines Norte noong ika – 11 Agosto 2022. Samantala sa sumunod na araw ay isinagawa naman angang Kick-Off Ceremony para sa Sports Fest at Fun Shoot. Kabilang sa mga laro na nilahukan ng ibat-ibang yunit ay ang Basketball, Table Tennis, Chess at Billiards na nagtapos ng ika-14 ng Agosto, 2022.
Sa mismong araw ng anibersayo ng ika-15 ng Agosto ay sinimulan ang selebrasyon sa pamamagitan ng isang Misa ng Pasasalamat na pinangunahan ni Maj Rommel F Gacias, Chaplain Service ng 9thInfantry (SPEAR) Division na dinaluhan naman ng mga opisyal, kasundaluhan at pamilya ng 902nd Brigade.
Sinundan naman ito ng pormal na programa ng 20th foundation anniversary, kung saan ang Punong Heneral ng 9th Infantry (SPEAR) Division at Joint Task Force Bicolandia na si Maj. General Alex Luna PA ang naging Guest of Honor and Speaker; at Hon Ricarte “Dong” Padilla, Governor ng Camarines Norte at Hon Joseph V Ascutia, bilang Special Guests. Kabikang din sa mga dumalo ay ang Assistant Division Commander ng 9ID na si Brigadier General Jaime A Abawag Jr, PA, Police Colonel Julius B Guadamor; representante ng Police Regional Office 5, Department Heads ng ibat-ibang ahensya ng Pamahalaan at mga awardees para sa pagdiriwang.
Bahagi ng programa ng anibersaryo ng Fight and Serve Brigade ay pagbibigay parangal at pagkilala sa mga kasundaluhan at stakeholders na naging katuwang ng 902nd Infantry Brigade para sa katuparan ng mga misyong pangkapayapaan at pangkaunlaran nito sa Rehiyon ng Bikol. Ito ay naglalayong maipakita ang pagpapahalaga sa mga aktibong stakeholders para sa kanilang suporta at mahusay na pakikipag-ugnayan sa mga Development Programs ng Pamahalaan.
Ang mga sumusunod na indibidwal stakeholders at military personnel ang mga pinarangalan dahil sa kanilang makabuluhang mga ambag sa pagkamit ng misyon ng 902nd Infantry Brigade:
Stakeholders Awardees
1. Dir. Rey B Caceres – Provincial Director ng DILG Camarines Norte
2. Ms. Cynthia R Dela Cruz – OIC, PSWDO Camarines Norte
3. Hon. Andy A Mariscotes – Former Mayor ng Polangui, Albay
4. Mr. Kee Mark Leoma – School Head, Upper OmonElementary School
5. Ms. Mariglo L Macabuhay – SESE –Provincial Director ng TESDA Camarines Sur
6. Ms. Lea M Beltran – Municipal Agriculturist ng Tigaon, Camarines Norte
Military Personnel
7. Major Bibot M Rico (Inf) PA
8. 1st Lieutenant Hemyrson M Mara (Inf) PA
9. Corporal Alex P***s (Inf) PA
Sa kabilang banda, ang butihing gobernador at bise governador ng camarines norte ay ginawaran ng military honors sa naturang selebrasyon at taos pusong nagpasalamat sa paanyaya at pagiging bahagi ng selebrasyon. Sa mensahe ni Governor Padilla ay binigyang diin niya na mas paiigtingin pa at bibigyang pansin ang peace and order sa lalawigan ng Camarines Norte, ito ay sa pamamagitan ng pinagsamang pagtutulungan ng mga stakeholders, opisyales ng gobyerno at kasundaluhan.
Samanta, ito naman ang naging pahayag ni Maj General Luna, Commander ng 9th Infantry Division at Joint Task Force Bicolandia para sa ika-20th Founding Anniversary ng Brigada “Lumipas man ang panahon at dumaan man kayo sa napakaraming hamon, kayo ay nakatayo (902nd Brigade) at naglillingkod ng may kagalingan at malasakit para sabayan. Hanggang ngayon, ang inyong operasyon ay nagresulta ng pagkakanutralisa ng teroristang grupo; pagkakarekober ng mga dekalibreng armas at subersibong dokumento. Subalit ang lahat ng inyong tagumpay ay di magiging posible kung wala ang pakikipagtulungan at suporta na patuloy na binibigay ng ating mga kababayang Bicolano lalung-lalo na ang ating Local Chief Executives at mga stakeholders".
Sa ating mga stakeholders for peace and development at sa ating mga kababayang bikolano sa area ng 902nd Brigade, kayo ay nagsisilbing inspirasyon at lakas ng aming hukbo upang mas pagbutihin pa ang aming tungkulin bilang tagapagtanggol ng bayan”, dagdag pa niya.
Sa kabuuhan ay naging matagumpay at nagbigay ng kasiyahan and selebrasyon sa lahat ng mga naging bahagi nito.
Makakaasa kayo ng ang team Fight and Serve ay patuloy na magsisilbi ng may kagalingan at may malasakit para sa mamayan at bayan.