Insighter Pilipinas- Insight Balita Portal

Insighter Pilipinas- Insight Balita Portal Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Insighter Pilipinas- Insight Balita Portal, Media/News Company, Purok 2, Fundado, Labo.
(5)

Insight Balita Portal is an online media platform that delivers news and information via internet and also caters Entertainment, Advertisement, music, MTV, Documentary and all beneficial content to our valued followers and online community. Insight Balita Portal is an accredited member of Philippine Online Broadcasters Association (POBA)

Philippine Online Broadcasters Association (POBA) is the re

spected self-regulating organization of the digital media workers and online broadcast companies engaged in digital broadcast journalism in the country. POBA advocates in making the online broadcast sector as a genuine partner in bringing balance, truthful, accurate and objective news reports and commentaries and help develop opportunities that are beneficial to every stakeholder in digital broadcast industry.

18/02/2025

aysas, garu dinapil si tserman, sapuyungun

Disclaimer:





17/02/2025

WIRELESS CHARGER STATION

mapapanood sa video ang technology na kung saan hindi na gumagamit ng charger upang makapag charge , mga nakaka amaze na technology sa mabilis na nagbabagong Mundo.

Ano ang masasabi ninyo sa technology na ito mga KAKAMPI? at saan pa kayo nakakakita nito mas madalas?


17/02/2025



Naku, mga . Wag muna kayong ma excite. Ang ex ko, nag-text. Akala ko, babawi sa Valentine's gift. 'Yun pala, nangungutang. Char! Secret muna 'to. Baka magselos ang current jowa ko. Anyway, feeling ko, audition niya 'to for 'The Ex Factor: The Comeback'. Pero sorry na lang, next!"



Disclaimer:





Thanks for being a top engager and making it on to my weekly engagement list! 🎉 Mitchel Pame, Christal Angel Eboña, Elme...
17/02/2025

Thanks for being a top engager and making it on to my weekly engagement list! 🎉 Mitchel Pame, Christal Angel Eboña, Elmer Balce, Menchie Parco, Cris Barde, Vivien Dasco, Bees Pren, Lie Zel, Gemma Palacio, Espie Libertes

17/02/2025
17/02/2025

garu naburat ka tserman kasuhapun, ugtu ka na nag post ngunyan, sapuyungun

Disclaimer:





Big shout out to my newest top fans! 💎 Vivien Dasco, Mayeth Beringuela Diones, Cris Barde, Christal Angel Eboña, Elson C...
17/02/2025

Big shout out to my newest top fans! 💎 Vivien Dasco, Mayeth Beringuela Diones, Cris Barde, Christal Angel Eboña, Elson CMago, Divina Ganas

Drop a comment to welcome them to our community,

TATLONG LALAKI NA MAY KASONG R**E THROUGH SEXUAL ASSAULT, ARESTADO NG PNPParacale, Camarines Norte-  Tatlong lalaki ang ...
16/02/2025

TATLONG LALAKI NA MAY KASONG R**E THROUGH SEXUAL ASSAULT, ARESTADO NG PNP

Paracale, Camarines Norte- Tatlong lalaki ang naaresto ng mga awtoridad sa bayan ng Paracale, Camarines Norte sa isang pinagsanib na operasyon ng Paracale MPS, Daet MPS, CIDG Camarines Norte PFU, at CN 2nd PMFC.

Kinilala ang mga suspek bilang sina alyas “King,” 22 anyos; alyas “Lee,” 20 anyos; at alyas “Jim,” 19 anyos. Lahat sila ay mga binata at residente ng nasabing bayan.

Naaresto ang mga suspek matapos isilbi sa kanila ang warrant of arrest kaugnay ng kasong R**e Through Sexual Assault na may criminal case numbers 33631 at 33632. Ang nasabing warrant ay ipinalabas ni Hon. Gerlie A. Admana-Mayhay, Presiding Judge ng RTC Branch 39, Daet, Camarines Norte noong Enero 31, 2025. Itinakda ang piyansa sa halagang PhP 200,000.00 bawat isang kaso.

Sa kasalukuyan, ang mga naarestong indibidwal ay nasa kustodiya ng Paracale MPS para sa kaukulang disposisyon.

Releaser:

PMAJ MARVIN C HUGOS
Public Information Officer

16/02/2025
BABAE, ARESTADO SA BUY-BUST OPERATION SA PARACALE, CAMARINES NORTEParacale, Camarines Norte – Arestado ang isang 29-anyo...
16/02/2025

BABAE, ARESTADO SA BUY-BUST OPERATION SA PARACALE, CAMARINES NORTE

Paracale, Camarines Norte – Arestado ang isang 29-anyos na babae matapos maaktuhan sa pagbebenta ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation na isinagawa ng kapulisan noong Pebrero 15, 2025, bandang alas-8:24 ng gabi sa Purok 2, Barangay Tugos.

Kinilala ang suspek bilang si alyas “Nancy,” may asawa at residente ng nasabing lugar.

Sa operasyon, nasamsam ng mga awtoridad ang sumusunod na ebidensya:

✅ Isang (1) maliit na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu (buy-bust item).

✅ Isang (1) tunay na limandaang pisong (₱500.00) perang papel na may serial number AJ3189819 (buy-bust money) kasama ang isang libong pisong (₱1,000.00) boodle money.

✅ Dalawang (2) maliit na heat-sealed transparent plastic sachet na may laman ding hinihinalang shabu (possession).

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Paracale Municipal Police Station ang suspek habang inaalam pa ang kabuuang halaga at timbang ng mga nakumpiskang ebidensya.

Releaser:

PMAJ MARVIN C HUGOS
Public Information Officer

30-ANYOS NA LALAKI, NAHULIHAN NG ILIGAL NA DROGA SA ISINAGAWANG COMELEC CHECKPOINT SA DAETDaet, Camarines Norte – Isang ...
16/02/2025

30-ANYOS NA LALAKI, NAHULIHAN NG ILIGAL NA DROGA SA ISINAGAWANG COMELEC CHECKPOINT SA DAET

Daet, Camarines Norte – Isang lalaki ang kalaboso matapos mahulihan ng hinihinalang iligal na droga sa kalagitnaan ng pagsasagawa ng COMELEC checkpoint sa bayan ng Daet nitong Pebrero 15, 2025, sa pagitan ng alas-10:00 hanggang alas-11:59 ng gabi.

Ang operasyon ay isinagawa ng mga tauhan ng Daet Municipal Police Station sa pangunguna ni PLTCOL ERROL T GARCHITORENA JR., Hepe ng Pulisya, sa kahabaan ng Gov. Panotes Avenue, Barangay VIII, Daet, Camarines Norte.

Habang nagsasagawa ng checkpoint, napansin ng mga awtoridad ang isang motorsiklong dumaan nang walang suot na helmet, kaya ito ay kanilang pinatigil. Nakilala ang drayber bilang si alyas “Mik,” 30 taong gulang, residente ng Purok 2, Barangay Bagasbas, Daet, Camarines Norte.

Habang iniisyuhan ng tiket, napansin ng isang covert security personnel ang isang sachet na nakasilip mula sa wallet ng suspek. Sa kanilang karagdagang pagtatanong, bigla itong tumakbo upang tumakas. Hinabol siya ng mga pulis at habang tinatangka niyang makatakas, itinapon niya ang isang pakete ng hinihinalang ma*****na at ang kanyang wallet na naglalaman ng isang sachet ng hinihinalang shabu. Agad siyang nadakip ng mga pulis at ipinaalam sa kanya ang kanyang mga karapatan.

Sa kasalukuyan, tinutukoy pa ang eksaktong bigat at halaga ng mga nakumpiskang ebidensya. Isinagawa ang imbentaryo at pagmarka ng mga ito sa harap ng isang opisyal mula sa Barangay VIII at isang kinatawan ng media upang matiyak ang transparency at pagsunod sa mga legal na proseso.

Matapos ang insidente, dinala ang suspek sa Camarines Norte Provincial Hospital para sa medikal na pagsusuri at kasalukuyang nasa kustodiya ng Daet Municipal Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Pinapaalalahanan ng PNP ang publiko na sumunod sa mga batas-trapiko upang mapanatili ang kaligtasan sa lansangan. Patuloy naman ang kapulisan ng CNPPO sa kampanya laban sa iligal na droga at pagsigurong ligtas ang buong komunidad.

Ayon kay PLTCOL ERROL T GARCHITORENA JR., ang pagkakahuli sa suspek ay isang malinaw na babala na ang pagsunod sa batas ay mahalaga at dapat iwasan ang anumang uri ng iligal na gawain.

Hinihikayat din ang publiko na maging mapagmatyag at agarang iulat sa mga kinauukulan ang anumang kahina-hinalang aktibidad upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa bayan ng Daet.

Releaser:

PMAJ MARVIN C HUGOS
Public Information Officer

DALAWANG KABATAAN NASAWI, DALAWA SUGATAN SA SALPUKAN NG MOTORSIKLO SA TALISAY, CAMARINES NORTETalisay, Camarines Norte –...
16/02/2025

DALAWANG KABATAAN NASAWI, DALAWA SUGATAN SA SALPUKAN NG MOTORSIKLO SA TALISAY, CAMARINES NORTE

Talisay, Camarines Norte – Dalawang kabataan ang nasawi habang dalawa ang sugatan sa isang malagim na aksidente sa kalsada sa may bahagi ng Purok 5, Barangay San Francisco, Talisay, Camarines Norte nitong Pebrero 16, 2025, bandang ala-una ng madaling araw.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, binabaybay ng isang Honda Click (vehicle 1) na minamaneho ni alyas “Jay”, , 17 anyos at residente ng Barangay San Roque, Mercedes, Camarines Norte, ang kahabaan ng Provincial Road patungo sa Barangay San Jose nang ito ay aksidenteng sumagi sa kaliwang bahagi ng kasabay nitong Euro 150 (vehicle 2), na minamaneho ni “Migz”, 16 anyos at residente rin ng Barangay San Roque, Mercedes, Camarines Norte. Dahil sa insidente, bumangga ang motorsiklong minamaneho ni ”Jay” sa isang boundary marker post, na nagresulta sa matinding pinsala sa parehong sasakyan.

Dahil sa lakas ng banggaan, agad na dinala sa Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH) sina “Jay” at ang kanyang pasahero na kinilalang si “Nanz”, 17 anyos at isang Grade 11 student mula sa Barangay San Francisco, Talisay, Camarines Norte. Gayunman, idineklara silang Dead on Arrival ng mga doktor. Samantala, nagtamo rin ng mga pinsala sa katawan sina “Migz” at ang kanyang pasahero, na kinilala sa alyas na “Shane”, 16 anyos at isa ring Grade 11 student mula sa Barangay San Francisco, at agad silang isinugod sa parehong ospital para sa agarang medikal na atensyon.

Nabatid naman sa imbestigasyon na parehong walang lisensya ang mga menor de edad na nagmamaneho ng dalawang motorsiklo. Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente upang matukoy ang iba pang dahilan na maaaring naging sanhi ng aksidente.

Nagpaalala ang lokal na pamahalaan at ang pulisya sa publiko, lalo na sa mga magulang, na mahigpit na ipinatutupad ang batas hinggil sa wastong edad at lisensya sa pagmamaneho upang maiwasan ang ganitong mga trahedya. Samantala, ipinaaabot ng CNPPO ang lubos pakikiramay ng pulisya sa pamilyang naiwan ng mga biktima.

Releaser:

PMAJ MARVIN C HUGOS
Public Information Officer

16/02/2025



Naku, 'wag muna mga ! My ex chatted me after Valentine's Day, and it's...well, let's just say it's juicy. Baka ma-spoil ang teleserye ng buhay ko. Hintayin mo na lang ang next episode. Malay mo, ikaw pala ang next na character. Char! Pero seriously, secret muna. Intriga muna tayo.



Disclaimer:





PAGSASAGAWA NG INSPECTION PARA SA PROPOSE COCONUT NURSERY NG LUPAINFONATIN FARMES ORGANIZATION NG CABATUHAN NAGING MATAG...
16/02/2025

PAGSASAGAWA NG INSPECTION PARA SA PROPOSE COCONUT NURSERY NG LUPAINFONATIN FARMES ORGANIZATION NG CABATUHAN NAGING MATAGUMPAY

Nitong Pebrero 14, 2025 sa Sitio Patag at Barangay Cabatuhan, Labo Camarines Norte sa pagsusumikap ng farmers organization na LUPAINFONATIN sa pamumuno ni Henry S Pamesa , Leo Calzada at Espie Libertes nagtungo sila sa site na planong gawing coconut nursery.

Matapos ang naturang aktibidadis nag aasikaso na ang kanilang grupo para sa layuning coconut nursery , Kung sama sama ang mga farmers organization magagawa nila ang kanilang layunin, at kung may magagaling na namumuno mas lalong nasa tamang landas ang organization.






16/02/2025

aysas, dae man kabayan, , sapuyungun

Disclaimer:





16/02/2025

HIMIG NG PAG-IBIG by ASIN


GOOD MORNING MGA KAKAMPI
15/02/2025

GOOD MORNING MGA KAKAMPI




15/02/2025



Valentine's over mga ? One Piece candy for me. Sakit sa ngipin? Worth it. Mas sweet pa 'to kaysa sa ex ko.



Disclaimer:





Address

Purok 2, Fundado
Labo
4604

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Insighter Pilipinas- Insight Balita Portal posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Insighter Pilipinas- Insight Balita Portal:

Videos

Share