DXOB Radyo Milenyo News FM

DXOB Radyo Milenyo News FM DXOB Radyo Milenyo News FM Koronadal City is under Orlando P. Batallones (OPB) Mass Media Broadcasting Co. BETTER MUSIC, BETTER CONTENT YOUR MENTOR ON THE AIR �
(1)

and published factual news and information for the public.

POTS ALL YOU CAN, ISA SA MGA EXCITING PART NG 13TH KULITANGTANG FESTIVAL SA BAYAN NG TANTANGANKORONADAL CITY - Isa sa ma...
23/01/2023

POTS ALL YOU CAN, ISA SA MGA EXCITING PART NG 13TH KULITANGTANG FESTIVAL SA BAYAN NG TANTANGAN

KORONADAL CITY - Isa sa magiging kapanabik na magiging bahagi NG 13th KULITANGTANG FESTIVAL at 62nd Foundation Anniversary ng bayan ng Tantangan, South Cotabato ang "Pots all you can".

Ito ang inihayag ni Tantangan Mayor Timmy Joy Torres Gonzales ng makapanayam ng mga mamahayag sa South Cotabato.

Ayon sa nabanggit na alkalde, gaganapin ang "Pots all You Can" sa mismong araw ng foundation day sa Biyernes Enero 27 ng taong kasalukuyan.

Idinagdag pa ng butihing alkalde na nagkakahalaga ng Php100 ang magiging registration upang makasali sa nabanggit na aktibidad.

"Isahan lang iyong pagbuhat ng mga pots hanggang makaya mo palabas kung saan nakalagay ito", Wika ni Mayor Gonzales.

Nabatid na ang bayan ng Tantangan ay siyang " Capital Pottery ng lalawigan ng South Cotabato.

DATING NURSE, PATAY NA NG MATAGPUAN NG KANIYANG KAMAG- ANAKTACURONG CITY- Wala ng buhay ng natagpuan ng kaniyang kaanak ...
23/01/2023

DATING NURSE, PATAY NA NG MATAGPUAN NG KANIYANG KAMAG- ANAK

TACURONG CITY- Wala ng buhay ng natagpuan ng kaniyang kaanak ang isang nurse pasado alas y siyete ng umaga sa Purok 11,Brgy.Poblacion ng naturang lungsod.

Kinilala ng Tacurong City PNP, ang biktima na si Monica Javier Apolinar, 69, dating Tamondong Hospital sa nasabing lungsod

Sa kasalukuyan, nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng Tacurong City PNP kung ano ang dahilan ng pagkamatay ng nabanggit na biktima.

CTTO

MAHIGIT 160K, TINANGAY NG MGA HOLDAPER SA ISANG GASOLINAHAN SA KORONADAL CITYKORONADAL CITY -Mahigit sa Php160K Ang hala...
23/01/2023

MAHIGIT 160K, TINANGAY NG MGA HOLDAPER SA ISANG GASOLINAHAN SA KORONADAL CITY

KORONADAL CITY -Mahigit sa Php160K Ang halaga ng pera na tinangay ng mga holdaper kamakalawa ng hapon sa isang gasolinahan na makikita sa Gensan Drive, Brgy. Zone-III ng naturang lungsod.

Sa imbestigasyon ng Koronadal City PNP, nagbibilang ng pera ang kahera ng Flying V gas station na kinilalang si Lorraine Sorongon, manager ng nasabing gasolinahan at residente ng Brgy. Mabini ng lungsod.

Dumating umano ang isang kulay-itim na XRM na motorsiklo sakay ang naka-helmet na suspek na kinilalang si alyas Pascual na residente umano ng Brgy. Naci, Surallah at tinutukan ito ng hindi pa malamang uri ng baril.

Samantala, inihahanda na ng Koronadal City PNP ang kaukulang kaso laban sa suspek.

PUBLIC SERVICE:SOCOTECO-I  ANNOUNCEMENT: Scheduled service interruption on January 22, 2023, Sunday📍Time 🕒 8:00AM-4:00PM...
21/01/2023

PUBLIC SERVICE:

SOCOTECO-I ANNOUNCEMENT:

Scheduled service interruption on January 22, 2023, Sunday

📍Time 🕒 8:00AM-4:00PM (8 hours)

Affected:
FEEDER 33
DXOM Transmitter & DXKI, Koronadal Public Market, Brgys. GPS, Ckt. Depita, Marville Homes, OLPHS (Seminary), Agreville Subd. Prk Bagong Sikat and Osita Subd., Elan and MTSI Bldgs, Citra Mina, Del Rosario Bldg.,KCC Motor pool, Prk Kahirup Bo.2. Koronadal Eternal Garden, Aquino-Morrow, Forro Subd, Poticar Subd., Palmes Subd, Villa Amor Hotel, BIR, Home Solution. Posadas Ckt. Including ACE Centerpoint, CSC Warehouse, Adofels Supermart, Phil. Nat’l. Bank

FEEDER 34
Gaisano Mall of Marbel, Brgy. Sto. Niño, Brgy. Rotonda, Brgy. New Pangasinan, Brgy Sarabia, Carpenter Hill, Wiser Foodlines, Progressive Farms, El Gawel Pantua Ckt, Portion of NDMU, DILG Regional Office, NEDA BLDG, Land Bank

🔧Reasons: Conduct line clearing, replacement of dilapidated
structure and broken hard wares.

***Outage time may change without prior notice but we will exert all efforts to restore power asap.

CTTO: Socoteco-I FB page

CHIEF PNP AT 5 PANGMATAAS NA OPISYAL NG PNP BUMISITA SA PRO-12GENERAL SANTOS CITY - BUMISITA si Chief of Philippine Nati...
19/01/2023

CHIEF PNP AT 5 PANGMATAAS NA OPISYAL NG PNP BUMISITA SA PRO-12

GENERAL SANTOS CITY - BUMISITA si Chief of Philippine National Police, PGEN RODOLFO SANTOS AZURIN, JR, Kasama pa Ang Lima pang mataas na opisy sa Police Regional Office 12.

Mainit na tinanggap ng PRO 12 personnel sa pangunguna ni PBGen.Jimili Macaraeg.

Si PGEN Azurin ay sinamahan ng kaniyang Asawa na si Mrs. Mary Grace Azurin; former Deputy Chief for Administration retired PLTGEN CHIQUITO M MALAYO; Director, Directorate for Personnel and Records Management PMGEN ROBERT T RODRIGUEZ; Deputy Director, Directorate for Logistics PBGEN FLYNN E DONGBO; Deputy Director, Directorate for Police Community Relations PBGEN ARNEL AMOR B LIBED; at Deputy Director, Directorate for Comptrollership PBGEN WESTRIMUNDO D OBNIQUE

Matapos ang ginanap na arrival honors, dumiretso si PGen. Azurin sa PRO 12 Covered Court at kinausap ang PRO 12 personnel.

Kaniyang mensahe, nihayag ni PGen. Azurin sa mga pulis sa rehiyon na panatilihin Ang disiplina at ipairal ang respeto sa pagpapatupad ng batas sa pagbibigay ng serbisyo.

CTTO

18/01/2023
68 PATAY SA PLANE CRASHED SA NEPALPatay ang 68 pasahero matapos na maganap Ang isang plane crashed na  mula sa Kathmandu...
15/01/2023

68 PATAY SA PLANE CRASHED SA NEPAL

Patay ang 68 pasahero matapos na maganap Ang isang plane crashed na mula sa Kathmandu patungong Pokhara, Nepal.

Hanggang ngayon hindi pa mabatid kung ano ang dahilan ng pagkasabog ng eroplano habang patuloy naman ang rescue operation sa missing.

Nabatid na myroong 72 mga pasahero ang sakay sa nasabing eroplano ( Al Jazeera)

Photo: ctto

LOOK:MODERNO AT PINAKABAGONG MUNICIPAL HALL NG LUTAYAN, SULTAN KUDARAT, MAGAGAMIT NA NGAYONG BUWAN NG ENEROKORONADAL CIT...
15/01/2023

LOOK:

MODERNO AT PINAKABAGONG MUNICIPAL HALL NG LUTAYAN, SULTAN KUDARAT, MAGAGAMIT NA NGAYONG BUWAN NG ENERO

KORONADAL CITY - Magsisimula na ngayong buwan ng Enero ng taong kasalukuyan na gagamitin ang pinakabago at modernong municipal hall ng bayan ng Lutayan, Sultan Kudarat.

Ito inihayag ni Sultan Kudarat Vice- Governor Raden C. Sakaluran sa isang panayam.

Nabatid na ang nasabing municipal ay nilaanan ng pondo na umabot sa Php100 milyon.

Matutunghayan sa modernong munisipyo Ang elevator at escalator upang mas mapadali ang pagproseso ng transaksiyon ng kanilang mga kliyente at mga mamamayan

Makikita rin sa labas ng bagong municipal hall ang makulay na bougainvilla at estatwa ni Sultan Kudarat.

Sa kasalukuyan, si dating Sultan Kudarat Governor at Congressman Sultan Pax S.Mangudadatu, Al-Haj ang nakaupong alkalde at si Datu Prince Raden M. Sakaluran ang bise-alkalde.

CTTO

1 PATAY, 1 NAWAWALA SA PAGKALUNOD SA ISANG BEACH RESORT SA MAITUM, SPSARANGANI PROVINCE- Isa ang patay habang isa ang pa...
15/01/2023

1 PATAY, 1 NAWAWALA SA PAGKALUNOD SA ISANG BEACH RESORT SA MAITUM, SP

SARANGANI PROVINCE- Isa ang patay habang isa ang patay habang isa ang nawawala sa nangyaring pagkalunod kamakalawa sa isang beach resort sa Barangay Kiambing, Maitum, Sarangani Province.

Sa impormasyong ipinalabas ng Coast Guard District Southern Mindanao isang tawag ang kanilang natanggap hinggil sa insidente ng pagkalunod sa nabanggit na beach resort.

Ayon sa Coast District Southern Mindanao, isang 32 taong gulang na lalaki ang naliligo kasama ang kaniyang pamilya ngunit tinangay ito ng malakas na alon patungo sa malalim na bahagi ng dagat.

Ayon pa na sumigaw ito ng tulong at kaagad na narinig ng kaniyang kamag-anak na senior citizen ngunit natangay na rin ito ng malakas na hampas ng alon.

Dagdag pa na rescue ng mga otoridad Ang biktima Lolo ngunit idineklara itong dead on arrival.

Sa kasalukuyan Ang CGS Western Sarangani Kasama ang MDRRMO Maitum ay nag dispatch ng SAR team para sa retrieval operation.

CTTO: COAST GUARD SOUTHERN DISTRICT

MISSING PERSON!!!Name: Carlito R. LufrancoAge: 48 years oldAddress: Prk malipayun, Poblacion, Esperanza, Sultan KudaratH...
15/01/2023

MISSING PERSON!!!

Name: Carlito R. Lufranco
Age: 48 years old
Address: Prk malipayun, Poblacion, Esperanza, Sultan Kudarat
Height: 5'2"
Identifying marks: presence of different tattoos in the body ( Eagle on right arm; 3stars on his right hand; 3 hearts in his left hand; spider in right side of neck)

Last seen: January 12, 2023 (thursday) @ 8AM informing the family to go to work.

If seen kindly contact the following numbers:
Family: 09264189113
Esperanza MPS: 09504252385

TRICYCLE DRIVER NA TULAK NG DROGA ARESTADO SA DRUG OPERATIONKORONADAL CITY- Kalaboso ang isang tricycle driver makaraang...
15/01/2023

TRICYCLE DRIVER NA TULAK NG DROGA ARESTADO SA DRUG OPERATION

KORONADAL CITY- Kalaboso ang isang tricycle driver makaraang maaresto sa isinagawang drug-buy- bust operation kamakalawa ng gabi sa Purok Matibay, Barangay Sta. Cruz ng lungsod

Kinilala ni PLt.Col. Amor Mio Somine ang suspek na si Jefrey Dela Rama Prencisa alias Jefrey/ Dats, 40, may asawa, residente ng Purok Tuburan, ng nabanggit na lungsod.

Si alias Jefrey ay naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Koronadal City Police Station- City Police Drug Enforcement Unit (KCPS-CPDEU), 1st South Cotabato Provincial Mobile Force Company- South Cotabato Police Provincial Office (SCPMFC-SCPPO) at may koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Unit (PDEA 12).

Narekober mula sa suspek ang ibat-ibang sizes ng heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng white crystalline substance na pinaniniwalaang "shabu", drug paraphernalia, at one thousand pesos (Php 1,000.00) bilang buy-bust money.

Ang pagsagawa ng imbentaryo ay sinaksihan ng media at barangay official at mismong presensya ng suspek.

Ang nakuhang droga ay dinala na sa South Cotabato Provincial Forensic Unit Office upang isasailalim sa qualitative at quantitative examination.

Kasalukuyang nasa kostudiya ng Koronad City PNP ang suspek at sasampahan g kasong paglabag sa f Article II, Sections 5 at 12 ng RA 9165.

CTTO: PRO-12

15/01/2023
15/01/2023
BREAKING NEWS:71ST MISS UNIVERSE - MISS USA - R' Bonney Gabriel1ST RUNNER - MISS VENEZUELA - Amanda Dudamel2ND RUNNER - ...
15/01/2023

BREAKING NEWS:

71ST MISS UNIVERSE - MISS USA - R' Bonney Gabriel

1ST RUNNER - MISS VENEZUELA - Amanda Dudamel

2ND RUNNER - MISS DOMINICAN REPUBLIC - Anderina Martinez

71ST MISS UNIVERSE TOP 3MISS DOMINICAN REPUBLICMISS VENEZUELAMISS USA
15/01/2023

71ST MISS UNIVERSE TOP 3

MISS DOMINICAN REPUBLIC
MISS VENEZUELA
MISS USA

2 MIYEMBRO NG REBELDE, NAGBALIK LOOB SA GOBYERNO SA SOUTH COTABATOKORONADAL CITY- DALAWANG miyembro ng rebelde ang ipinr...
14/01/2023

2 MIYEMBRO NG REBELDE, NAGBALIK LOOB SA GOBYERNO SA SOUTH COTABATO

KORONADAL CITY- DALAWANG miyembro ng rebelde ang ipinresenta ng Philippine Army kay South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr kamakailan.

Sa impormasyong nakuha ng Radyo Milenyo News FM, kinilala ang mga ito na sina alias “Yes” at alias “Sunder”.

Bitbit ng mga ito sa kanilang pagsuko ang mga high-powered fi****ms.

Ang dalawang sumukong rebelde sa pamahalaan ay isasailalim sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP kung saan makakatanggap ang mga ito ng fi****ms remuneration at livelihood assistance.

Ayon pa rito na ang mga ito ay ire-refer din sa Halfway House ng provincial government sa Barangay Tinongcop, Tantangan.

Nanawagan naman si Governor Reynaldo S. Tamayo Jr., ang iba pang mga rebelde na nananatili sa kabundukan na magbalik-loob na sa gobyerno upang makatanggap ng mga programa katulad ng free education, free hospitalization at medication mula sa provincial government.

M Lhuillier sa Polomolok, South Cotabato, tinira  ng holdaperKORONADAL CITY — TINIRA ng holdaper ang Tuazon Branch ng M ...
14/01/2023

M Lhuillier sa Polomolok, South Cotabato, tinira ng holdaper

KORONADAL CITY — TINIRA ng holdaper ang Tuazon Branch ng M Lhuillier sa bayan ng Polomolok, South Cotabato.

Ayon sa Polomolok PNP Chief of Police PLt.Col Marvin Duadua, nagpanggap na kustomer ang suspek na pumasok sa loob at nag-deklarang hold-up gamit ang hindi matukoy na uri ng baril.

Napag-alaman na umabot sa Php40K ang tinangay ng mga holdaper.

Mabilis namang tumakas ang hindi kilalang suspek patungo sa hindi malamang direksiyon sakay sa motorsiklo.

Nagpapatuloy naman ang malalimang imbestigasyon ng Polomolok PNP kung sino ang pangunahing suspek.

FOUND CADAVER, NAKILALA NA NG LUTAYAN, PNPKORONADAL CITY - NAKILALA na  ng Lutayan PNP ang bangkay natagpuan dakong 7:00...
14/01/2023

FOUND CADAVER, NAKILALA NA NG LUTAYAN, PNP

KORONADAL CITY - NAKILALA na ng Lutayan PNP ang bangkay natagpuan dakong 7:00 ng umaga sa Purok Rosas De Baybayon< Brgy. Tamnag,Lutayan, Sultan Kudarat.

Kinilala ni PMajor Leonel V. Delasan, Officer In Charge ng Lutaya PNP ang biktima na si Apalonio, alias "Apa", 47, may asawa, residente ng Purok La Trinidad, Barangay Zone-I ng lungsod.

Ayon kay Delasan, si Manalang ay nagtamo ng siyam na sugat sa pamamagitan ng saksak.
sa kaniyang dibdib at sinakal gamit ang kulay itim na scarf.

Pinaniniwalaang nawawala rin ang kaniyang NMax na motorsiklo.

Nabatid na si Manalang ay isang security guard ng isang radio station sa Koronadal City.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng Lutayan PNP kung ano ang motibo ng nasabing krimen.

LOOK:FISHCAGES OPERATORS NAGSAGAWA NG EMERGENCY HARVEST NG KANILANG TILAPYA MATAPOS NA TAMAAN NG KAMAHONG O FISH KILL SA...
12/01/2023

LOOK:

FISHCAGES OPERATORS NAGSAGAWA NG EMERGENCY HARVEST NG KANILANG TILAPYA MATAPOS NA TAMAAN NG KAMAHONG O FISH KILL SA BAYAN NG LAKE SEBU, SOUTH COTABATO

CTTO:Lake Warden Muyco

MAKULAY NA MUNICIPAL HALL NG LUTAYAN, SULTAN KUDARAT, MAGBIBIGAY NG INSPIRASYON AT PAG-ASA SA LUTAYANONSLUTAYAN, SULTAN ...
12/01/2023

MAKULAY NA MUNICIPAL HALL NG LUTAYAN, SULTAN KUDARAT, MAGBIBIGAY NG INSPIRASYON AT PAG-ASA SA LUTAYANONS

LUTAYAN, SULTAN KUDARAT- MAGBIBIGAY ng inspirasyon at pag-asa sa lahat Lutayanons ang pinakabago at modernong municipal hall ng naturang bayan.

Ayon kay Sultan Kudarat Vice-Governor Raden C. Sakaluran, umabot sa Php100 milyon ang pondo upang mapatayo ang bagong municipal hall ng nasabing bayan.

Nabatid na ang modernong munisipyo ay mayroong elevator at escalator upang mas mapabuti ang serbisyo ng mga empleyado sa lahat ng kanilang mga kliyente

Matutunghayan rin ang estatwa ni Sultan Kudarat sa harapan mismo ng munisipyo na siyang simbolo ng katapangan na itinuturing na bayani.

11/01/2023
LOOK: WEATHER UPDATEPatuloy na lumalapit sa kalupaan ang binabantayang low pressure area. Namataan iyan ng Dost_pagasa 2...
11/01/2023

LOOK: WEATHER UPDATE

Patuloy na lumalapit sa kalupaan ang binabantayang low pressure area. Namataan iyan ng Dost_pagasa 295 km silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur. Maliit pa rin ang posibilidad na ito ay maging bagyo pero hindi inaalis ang tsansang maging bagyo ito sa mga susunod pang araw.

Posible itong lumapit sa Eastern Visayas at maaaring tumawid ng Visayas sa mga susunod na araw. Ang hanging naman ang humaharang sa LPA na gumalaw pa-angat, kaya kumikilos ito sa bandang sentro ng bansa.

Nagdadala rin ngayon ng ulan ang Shear line o ang nagsasalubong na Amihan at Easterlies. Ayon sa PAGASA, hindi magandang kombinasyon ang Shear line at LPA, dahil maaaring magdala ito ng mga pag-ulan sa Bicol Region, Visayas at Mindanao.

11/01/2023

Heavy Rainfall Warning No. 12
Issued at 02:20 PM, Wednesday, 11 January 2023
Weather System: LPA/Shearline

YELLOW WARNING LEVEL: (37,500-75,000 drums/square kilometer)
COMMUNITY: AWARENESS
FLOODING is POSSIBLE in low-lying areas and LANDSLIDES in mountainous areas.
(Lala), (Baliangao, Plaridel, LopezJaena, OroquietaCity, Aloran, Panaon, Jimenez, Sinacaban, Tudela), (Lagonglong, Salay, Binuangan, Sugbongcogon, Kinoguitan), (SocorroIsland, SiargaoIsland), (Rizal, Piñan, Baliguian, Siocon, Sirawai, Sibuco), (Catarman, Guinsiliban, Mahinog, Mambajao, Sagay), ,

Meanwhile, moderate with occasionally heavy (4.5-7.5 with occasionally 7.5-15 liters/meter^2 per hour) rains are being experienced over (Jabonga, Butuan City, Nasipit), (Libona, Baungon, Talakag), (Nunungan), (TagoloanII, Lanao del Sur, Maguing, Buadiposo-Buntong, Pualas, Ganassi, Calanogas, Pagayawan, Picong, Marogong, Taraka, Butig, SultanDumalondong), (Polanco, DipologCity, Godod, Salug, Liloy, Tampilisan), (Midsalip, Dumingag, Pitogo, Dimataling, VincenzoA.Sagun, Margosatubig, Dinas, SanPablo, SanMiguel), (Alicia, Payao, Imelda, Malangas, Siay) and may affect nearby areas.

Light to moderate (2.5-5.5 liters/meter^2 per hour) rains are being experienced over (Alubijid, Laguindingan, Cagayan de Oro, Initao, Naawan, Manticao, Lugait, Opol, ElSalvador City), rest of delNorte, delSur and may affect nearby areas.

The public and the Disaster Risk Reduction and Management Offices concerned are advised to MONITOR the weather condition and watch for the next advisory to be issued at 5:00 PM today.
For more information and queries, please call at telephone number (088) 555-0485 local 101 or log on to bagong.pagasa.dost.gov.ph./LTM/RRM/HLS

LOOK:CONGRESSMAN DR.PETER B.MIGUEL, NAGSURPRISE WEDDING PROPOSAL SA KANIYANG MAHAL NA SI APRIL ROSE ESPINOSA SA ARAW MIS...
11/01/2023

LOOK:

CONGRESSMAN DR.PETER B.MIGUEL, NAGSURPRISE WEDDING PROPOSAL SA KANIYANG MAHAL NA SI APRIL ROSE ESPINOSA SA ARAW MISMO NG 2023 HINUGYAW FESTIVAL.

CTTO: CONG PETER

2023 HINUGYAW SA DALAN: STREET DANCING COMPETITION WINNERSMainit na pagbati sa mga nanalong Contingents ng 2023 Hinugyaw...
11/01/2023

2023 HINUGYAW SA DALAN: STREET DANCING COMPETITION WINNERS

Mainit na pagbati sa mga nanalong Contingents ng 2023 Hinugyaw sa Dalan: Street Dancing Competition

CHAMPION: (P300,000.00)
SALINDAO PERFORMING ARTS EMSEMBLE ng Munisipalidad ng Tulunan

1ST RUNNER UP: (P200,000.00)
GLAN INSTITUTE & TECHNOLOGY ng
Munisipalidad ng Glan, Sarangani Province

2ND RUNNER UP: (P100,000.00)
KALALIGKOL PERFORMING ARTS ng Brgy. Kenram, Isulan Sultan Kudarat

CONSOLATION PRIZES: (P50,000.00)

- KIAMBA PERFORMING ARTS GUILD ng Kiamba, Sarangani Province

- BAHANDIAN FOLKLORIC ENSEMBLE ng General Santos City

Samantala, nagbigay naman ng karagdangang papremyo si Vice Presidente Sarah Z. Duterte ng tig- P25,000.00 sa bawat kalahok.

CTTO:CITY GOVT OF KORONADAL

"500K REWARD MONEY SA MAKAKATURO SA MASTERMIND AT MGA SUSPEK  SA PAGPATAY SA 4 NA CSU SA POLOMOLOK, SOUTH COTABATO" MAYO...
10/01/2023

"500K REWARD MONEY SA MAKAKATURO SA MASTERMIND AT MGA SUSPEK SA PAGPATAY SA 4 NA CSU SA POLOMOLOK, SOUTH COTABATO" MAYOR PALENCIA

POLOMOLOK,SOUTH COTABATO- PUMALO na sa kalahating milyon ang reward money sa sinumang makakaturo ng mastermind at mga suspek na bumaril-patay sa apat na miyembro ng Civil Security Unit (CSU) sa nasabing bayan.

Ito ang inihayag ni Polomolok Mayor Engr. Bernie Palencia sa isinagawang Press conference kaninang umaga hinggil sa kaso ng pamamaril ng kaniyang mga CSU.

Napag-alaman na una na nag-alok ng 300K si Mayor Palencia sa makakaturo sa mga responsable sa krimen.

Matatandaang binaril-patay si Polomolok CSU Head at retired police na si Donald Cabigas, 56 at residente ng nabanggit na Lugar.

Si Cabigas ay binaril ng riding tandem suspects sa loob mismo ng kanyang LPG store sa Tuazon St., Poblacion ng nabanggit na bayan kahapon ng tanghali.

Dagdag pa rito na tinambangan din ng armadong mga suspek ang mga CSU member na sina Bonifacio Cabisada, 58, retired pulis Jessie Arciete 56 nakatira sa nabanggit na bayan.

Ang dalawang mga biktima ay binaril habang kampante na nagmamaneho ng kanilang mga motorsiklo sa national highway barangay Sulit, Polomolok noong Biyernes ng gabi, Enero 6 ng taong kasalukuyan.

CTTO

Address

2/F BT Building, Gensan Drive, Barangay Zone-I
Koronadal
9506

Telephone

+639366165850

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DXOB Radyo Milenyo News FM posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to DXOB Radyo Milenyo News FM:

Videos

Share