Sinag-Silangan

Sinag-Silangan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Sinag-Silangan, News & Media Website, Paaralang Gradwado ng Pamantasang Notre Dame ng Marbel, Koronadal.

Layunin ng proyektong ito na mahasa ang kakayahan ng mga MAEd-Filipino ng pamantasan sa larangan ng pamamahayag at maipagpatuloy ang legasiya sa makatotohanan, makabuluhan at mapanagutang pamamahayag.

03/12/2023

Hindi na maipagkakailang nagkaroon na ng malaking tulong ang teknolohiya sa buhay ng isang tao. Naibsan nito ang ilang mahihirap na gawain ng tao mula sa simpleng kagamitan tungo sa pinakakompleks na kompyuter na nilikha at naimbento dahil na rin sa ating pangangailangan.
Dala na rin sa sobrang pangangailangan nating mapadali ang buhay ng bawat isa ay naglabas ng pahayag ang pangulo ng Pilipinas–PBBM tungkol sa pagsuporta nito

“The Philippines is ready to become your partner in navigating the AI future. As we look to the horizon, let’s ‘Make It Happen in the Philippines,’

Sa lente naman ng negosyo at serbisyo, positibo ang naging pagtingin ni USEC. Rafaelita M. Aldaba ang Undersecretary for Competitiveness and Innovation tungkol sa inobasyong hatid ng AI sa kinabukasang Pilipino dahil maaaring daan ito sa pagbubukas ng iba pang trabaho.
Naging pinto naman ito upang ikonsidera ng Educational Undersecretary Epimaco Densing III–ng Kagawarang ng Edukasyon ang paggamit ng AI sa birtuwal na pagtuturo para sa bagong moda ng pag-aaral (Brigada News, 2023).
Taliwas naman ang naging pahayag nito ng kalihim ng Edukasyon na si VP Sara Duterte kung saan nagpaalala siya na maging maingat sa paggamit ng AI, alam kalihim na magkakaroon ng educational shift sa akademya na isang malaking bagay ngunit wala ito matibay na katikayan sa susunod na panahon (Eclarinal, 2023).
Sa naging pag-aaral sa mga mag-aaral ng pribadong kolehiyo Rizal ang paggamit ng CHAT GPT ay nakatutulong nang bahagya sa kanila at inaayos na lamang nila ang kanilang nakalap na impormasyon, habang sinasang-ayunan nila na ang CHAT GPT ay maaaring maglabas ng maling impormasyon, hindi reliable, maaaring magamit sa mali, at hindi sumusunod sa moralidad ng isang tagapaghatid ng impormasyon (Fabella, 2023).
Sa ngayon, samu’t sari pa ang reaksyon ng ilan lalo sa usaping ito.
Hindi na maipagkakailang nagkaroon na ng malaking tulong ang teknolohiya sa buhay ng isang tao. Naibsan nito ang ilang mahihirap na gawain ng tao mula sa simpleng kagamitan tungo sa pinakakompleks na kompyuter na nilikha at naimbento dahil na rin sa ating pangangailangan.
Dala na rin sa sobrang pangangailangan nating mapadali ang buhay ng bawat isa ay naglabas ng pahayag ang pangulo ng Pilipinas–PBBM tungkol sa pagsuporta nito

“The Philippines is ready to become your partner in navigating the AI future. As we look to the horizon, let’s ‘Make It Happen in the Philippines,’

Sa lente naman ng negosyo at serbisyo, positibo ang naging pagtingin ni USEC. Rafaelita M. Aldaba ang Undersecretary for Competitiveness and Innovation tungkol sa inobasyong hatid ng AI sa kinabukasang Pilipino dahil maaaring daan ito sa pagbubukas ng iba pang trabaho.
Naging pinto naman ito upang ikonsidera ng Educational Undersecretary Epimaco Densing III–ng Kagawarang ng Edukasyon ang paggamit ng AI sa birtuwal na pagtuturo para sa bagong moda ng pag-aaral (Brigada News, 2023).
Taliwas naman ang naging pahayag nito ng kalihim ng Edukasyon na si VP Sara Duterte kung saan nagpaalala siya na maging maingat sa paggamit ng AI, alam kalihim na magkakaroon ng educational shift sa akademya na isang malaking bagay ngunit wala ito matibay na katikayan sa susunod na panahon (Eclarinal, 2023).
Sa naging pag-aaral sa mga mag-aaral ng pribadong kolehiyo Rizal ang paggamit ng CHAT GPT ay nakatutulong nang bahagya sa kanila at inaayos na lamang nila ang kanilang nakalap na impormasyon, habang sinasang-ayunan nila na ang CHAT GPT ay maaaring maglabas ng maling impormasyon, hindi reliable, maaaring magamit sa mali, at hindi sumusunod sa moralidad ng isang tagapaghatid ng impormasyon (Fabella, 2023).
Sa ngayon, samu’t sari pa ang reaksyon ng ilan lalo sa usaping ito.

Handa na ba ang lahat?Abangan bukas sa 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗦𝗧𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘆𝗮𝗻...
02/12/2023

Handa na ba ang lahat?

Abangan bukas sa 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗦𝗧𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘆𝗮𝗻...

07/09/2022

Pagsulat ng Lathalaing Pang-agham at Panteknolohiya

10/08/2022

Type, Click and Scroll

Sa mabilis na pagbihis ng panahon, ay ipinanganak rin ang iba’t ibang makabagong paraan ng pangangalap ng mga impormasyon. Mabilis na lumaganap ang teknolohiya kung saan marami ang naimpluwensiyahan ng social media bilang isang tulay sa pakikipagkomunika.
Bago pa man humarap ang bansang Pilipinas sa Covid 19 pandemic ay marami nang gumagamit ng social media sa pakikipag-ugnayan at pakikipagpalitan ng impormasyon gamit ang virtual na paraan. Mas naging madalas pa ito nang itigil ang face-to-face classes sa lahat ng pampribado at pampublikong paaralan, maging ang pagtigil ng operasyon ng lahat ng establisyemento sa Pilipinas, mapanegosyo man o turismo, sanhi ng pandemya. Tanging ang social media ang nagsilbing libangan, pinagkukunan ng impormasyon at pinagkakakakitaan din ng iilan. Nariyan kasi ang madaliang pag-access ng mga online games, balita, mga online selling at live selling.
Sa pagsulong ng online at modular learning modality bilang pagtugon sa layunin ng Department of Education (DepEd) na maipagpatuloy ang pagsulong ng dukasyon sa kabila ng pandemya, ay naging kuwaderno na ng kabataan ang cellphone samantalang naging aklat naman ang Google. Ito ang mga paraan kung saan, ayon sa mga mag-aaral ay nakatutulong upang makapagdagdag ng kaalaman sa pag-sagot ng kanilang mga module. Isang type, click and scroll lang ay nariyan na at ilalabas ni Google ang mga impormasyong nais mong malaman. Ngunit, sapat ba ng mga ito upang sabihing angkop ang mga impormasyong naibigay?
Kadalasan ang mga internet-based na impormasyon na inilalabas ng iba’t ibang website ay hindi maituturing na wasto o balido sapagkat hindi ito katulad ng mga aklat na nai-publish. Kung kaya’t, mas mainam pa rin na suriin at alamin ang mga inilalabas sa internet kung ito ba ay makatotohanan. Alalahanin na marami ang naging biktima at nakasuhan ng pagpapalaganap ng fake news gamit ang iba’t ibang social media platform. Dito rin nagaganap ang mga insedente na sana’y hindi nangyari o naiwasan kung hindi inaabuso ng karamihang paggamit nito.
Hindi man maikakaila ang maraming positibong dulot ng makabagong teknolohiya ay nasa sa atin pa rin nakasalalay ang tamang paraan at paglalagay ng limitasyon sa paggamit nito. Ano mang bagay ay may positibong ambag hanggat alam ng bawat isa ang kahalagahan at tamang paggamit nito. Dapat ring tandaanan na sa pagtangkilik sa social media ay kailangan ng “Think before you click” tugon sa responsableng paggamit nito.

10/08/2022

Madaya si Ama
Sadyang mapaglaro ang tadhana. May mga pagkakataong, gusto mong iharap ang kasalukuyan sa nakaraan upang ipakitang nagtagumpay ka sa iyong laban, ngunit kailan ma’y di mo na mahagilap ang mga mapagparusang alala ng iyong nakaraan.
Ngayong naroon ka na sa tugatog ng tagumpay na minsan mo ng itinaga na mapapasakamay mo, sa pagitan ng nag-aalimpuyong galit at nagtatagis na bagang, ngunit nang iyong balikan ang nakaraan, ay mistula na lamang itong kupas na larawan, ng isang marupok na haligi ng tahanan. Wala na ang dating tingkad, maging ang prinsipyo ng bawat linya na bumubuo sa imahen nito, ay unti-unti nang napaparam ng katandaan at karamdaman.
Simula ng magkaisip ako ay lantad na sa akin ang mga dapat at hindi ko maaaring gawin. Nakaukit na sa aking murang isipan ang malupit naming kalagayan. Mahigpit si ama…hindi…ang totoo ay malupit siya. Saksi ang bawat gabing pagluha ni ina. Nakatatak na sa bawat pagbikas niya ng panalangin ang pagbabago balang-araw ni ama. Pagbabago…sa magkadaop na palad ay isang mataimtim din na hiling ang namumutawi sa aking mga labi, “Magbago na sana si ama Panginoon”. Sa paglipas ng panahon, sa pagbabago ng bawat sitwasyon, sa bawat pagkapanalo at pagkatalo, isang “wala ka pa ring kuwentang anak” ang madalas na kaniyang tugon.
Sa bawat paghithit ng sigarilyo ni ama ay namuo ang ningas ng paghihimagsik sa aking puso, samantalang nagdulot naman ng di-matatawarang kaba at pagkabalisa ang bawat tinig na lango sa alak. Minsan naging saksi ang mapanglaw na liwanag ng buwan sa muling pagluha ni ina, sa nalamang nahumaling sa paglalaro ng apoy si ama.
Kaawa-awa ang impit na hagulhol at pagtangis ni ina sa gitna ng nakabibinging katahimikan ng gabi. Ang kawalan ng pagpapahalaga at pagmamahal ni ama kay ina ay naging dahilan ng pagsiklab ng dati’y ningas pa lamang na paghihimagsik. Kahit pa nakarata’y na sa banig at may malubhang sakit si ina ay tila ba wala itong dulot sa damdamin ni ama, naging dahilan kung bakit ang naglalagablab na apoy ng paghihimagsik sa aking puso ay nais nang kumawala.
Siguro nga ay marunong talagang maghabi ng mga dahilan ang tadhana upang mapalawig pa ang pagtupad ng iyong kagustuhan. Nais ko mang sumbatan ang aking ama sa mga panahong yaon ay hindi ko magawa. Pinilit kong ikulong ang nagwawalang galit sa aking puso, sapagkat kung gaano kasama ang aking ama ay taliwas iyon sa ipinapakita niya sa iba. Isang maamong tupa si ama. Mabait, maalalahanin, mapagmahal sa mga bata at higit sa lahat ay matulungin. Iyan ang mga imaheng kaniyang iginuhit sa paningin ng mga taong nakapaligid sa amin. Paano ko ngayon patutunayan ang isang katotohanang ako at ang aming piping tahanan lamang ang nakakaalam? Samantalang si ina, ay isang bulag na saksi ng mga pangyayari. Ipiniit ko nang matagal ang aking galit at paghihimagsik kay ama nang matagal na panahon. Sa bawat ipinupukol ni ama na matatalim na salitang walang katuturan, sa bawat kilos kong hinahanapan ng kamalian, sa bawat pagkutya sa natamo kong kabiguan, pilit kong nererendahan ang nais makahulagpos na p**t at pagkasuklam.
Umaasa akong, darating ang araw na mapatutunayan kong lahat ng iyon ay pawang walang katotohanan.
Dumating ang araw ng aking pagtatapos. Simula ng unang hakbang ko upang marating ang tugatog. Hindi rin naman ako nabigong maipagmalaki at maiangat ang sarili. Bumalik ako sa aming tahanan, hindi upang ipagdiwang ang aking nakamtan, kundi pakawalan ang matagal nang nakakulong na pagkasuklam. Pinatunayan kong ako na ngayon ay may kakayahan…mayroon ng kapangyarihan.
Nagpatayo ng malaking bahay, bumili ng mamahaling kagamitan, bumili ng mga pagkaing sa okasyon lamang namin noon natitikman; mga bagayna hindi naibigay sa amin ni ama kahit kailan. Nais kong ipinararamdam kay ama na mali siya sa noon sa kaniyang mga sinabi’t nais ko siyang sumbatan. Ngunit, sa bawat araw na pinaghahandaan ko ang pagsumbat sa kaniyang kamalian, ay unti-unti kong napapansin ang pagtupad ng Diyos sa matagal na naming kahilingan. Magbago sana si ama.

Ngunit ang nagyari’y, isang pagbabago na kailan man ay hindi ko inaasahan at hindi ko magugustuhan. Madaya si ama…madaya ka ama. Kung kailan handa na akong sumbatan ka, doon din biglang nawala ang iyong alaala. Na-diagnose si ama ng Alzheimer’s desease. Naging ulyanin si ama. Ni hindi man lang kami nagkausap at nabasag ang pader sa pagitan namin bago mawala ang lahat ng kaniyang alaala. Ang muling pagluha ni ina ay hindi na nagpaalab ng galit sa aking puso, bagkus ito’y pumatay ng naglalagablab na p**t at pagkasuklam laban kay ama, hinalinhan ito ng pagkaawa, panghihinayang at higit sa lahat ay kapatawaran.

08/08/2022

Halina't matuto para sa panibagong sesyon ng ating JournKnows!
Ngayong araw ay pag-uusapan natin ang iilan pang mahahalagang konsepto sa mahusay na pagsulat ng lathalain.

Ano? Handa ka na ba sa exciting part?
Tara at ating alamin!

No copyright infringement intended

07/08/2022

Makinig at Itala ang mga dapat mong malaman sa sampung minutong talakayan.

06/08/2022

Halina't Matuto!

Paksa: Pagsulat ng BALITANG PANG-ISPORTS

06/08/2022

Paksa: Pagsulat ng mga Akdang Pampalakasan

Tatalakayin ni Bb. Eden Rose C. Dedal, mag-aaral ng MAEd-Filipino ng Notre Dame of Marbel University. Isa sa kahingian ng asignaturang Fil 257 (Journalistic Practice in Filipino).

Manood, makinig at matuto!

06/08/2022

Manood, makinig at matuto!

Tatalakayin ni G. Roy L. Sanot, mag-aaral ng MAEd-Filipino ng Notre Dame of Marbel University ang Pagsulat ng Balita at Editoryal Pang-agham at Teknolohiya.

Isa ito sa mga kahingian sa asignaturang Fil257 (Journalistic Practice in Filipino).

Pinaghanguan ng Datos:
Alkuino, G. E. (2016). Sanayang Aklat sa Pampaaralang Pamahayagan. GenSan RFM (Motong) Printing.

06/08/2022

Isang mapagpalang araw!

Sabay-sabay na matuto kasama si Bb. Allayssa Mae U. Luis, LPT, mag-aaral ng MAEd Filipino mula sa Notre Dame of Marbel University sa kanyang pagtalakay tungkol sa Pagsulat ng Editoryal.

06/08/2022

Hello mga journalist!

Manood at matuto hinggil sa Balitang Pang-agham at Teknolohiya na tatalakayin ni Carlo C.Estraza, mag-aaral ng MAEd-Filipino ng Notre Dame of Marbel University.

06/08/2022

Paksa: Balita at Sangkap nito

Samahan si Bb. Cecille D. Gabriel, mag-aaral ng MAEd- Filipino ng Notre Dame of Marbel University sa makabuluhang pagtalakay.

Manood at matuto! ☺️

05/08/2022

Mahilig ka bang magbasa ng editoryal sa mga pahayagan? Mahilig ka bang magbigay ng iyong mga kaisipan o komentaryo sa mga napapanahong isyu ng lipunan? Nais mo bang subukang magsulat nito? Kung oo, dapat mo munang matutunan ang mga basikong kaalaman tungkol sa pagsulat ng editoryal.

Sa simpleng video na ito ay tatalakayin ni G. Kleint B. Ancuna, LPT at mag-aaral ng MAEd-Filipino ng Notre Dame of Marbel University ang mga bahagi ng editoryal. Ito ay makatutulong upang mapaunlad ang kakayahan sa pag-unawa at maging ng kakayahan sa pagsulat nito.

Kaugnay ito ng mga pangangailangan sa asignaturang FIL257 (Journalistic Practice in Filipino).

05/08/2022

Pagsulat ng Lathalain

Mga paksang tinalakay:
Kahulugan, katangian, at uri ng Lathalain
Mungkahing Hakbang sa Pagsulat ng Lathalain
Mga Dapat Iwasan sa Pagsulat
Mapagkukunan ng Paksa

Pinaghanguan ng Datos:
Cruz, C. J. (2003). Pamahayagang Pangkampus sa Bagong Milenyo para sa Mag-aaral, G**o at Tagapayo. Rex Book Store.
Mosura, C., & Tanawan, D. (2002). Sandigan ng Pamahayagang Pangkampus. Mutya Publishing House.

Hulyo 11, 2022, maaaring tipikal na araw para sa ordinaryong mamayan ngunit makasaysayan para sa National Aeronautics an...
05/08/2022

Hulyo 11, 2022, maaaring tipikal na araw para sa ordinaryong mamayan ngunit makasaysayan para sa National Aeronautics and Space Administration (NASA) matapos na maipadala ng James Webb Telescope ang mga larawan ng pinakabago, pinakamalalayo at pinaniniwalang pinakamatatandang galaxy na mas nauna pa sa kinabibilangang nating Solar System. Naging higanteng karangalan ito ng NASA at binansagan ang James Webb Telescope bilang isa pinakamahal at pinakamakapangyarihang observatory sa buong mundo.

Sa kabila ng tagumpay ng James Webb Telescope ay ang kinaharap naman na pagsubok ng mga bumuo nito. Ano ba ng James Webb Telescope? Ano ang kaya nitong gawin sa larang ng agham at teknolohiya?

Produkto ang James Webb Telescope ng kolaborasyon sa pagitan ng National Aeronautics and Space Admisnistration (NASA), European Space Agency (ESA) at ng Canadian Space Agency. Ayon sa NASA, naging kasangkot din sa pagbuo ng observatory ang 300 unibersidad, organisasyon, at mga kompanya sa Estados Unidos at 14 pang bansa sa buong mundo. Dagdag pa, tinatayang umaabot sa $10 Bilyon ang inilaan upang mabuo ang proyekto na katumbas ng P561.2 Bilyon.

Ang James Webb Telescope ay kilala bilang isang infrared space observatory. Nagsimula ang ekspedisyon nito sa kalawakan noong ika-25 ng Disyembre, 2021 sa Kourou sa French Guina sa tulong ng Arianespace rocket.

Sa mahigit 12 buwang paglalakbay sa kawalan, matagumpay nitong maisumite ang mga pinakaunang imahen ng mga bagong tuklas na galaxy. Ilan sa mga ito ang makasaysayang pagdiskubre sa kung tawagin nila ay “Glassy” galaxy na makikikila sa p**a nitong kulay. Ayon sa NASA, ang mga kulay p**ang galaxy ay katangian lamang ng pagiging matanda nito na siyang mahalagang ambag ng telescope. Dagdag pa sa mga artikulo, ang “Glassy” ay pinaniniwalaang nabuo 13.5 Bilyong taon na ang nakararaan at nauna pang mabuo 300 Milyong taon bago ang universe na ating kilala ngayon.

Sa kasalukuyan, patuloy sa pagkalap ng mga imahen sa kalawakan ang James Webb Telescope. Hindi pa tapos ang layunin nitong mahanap ang kasagutan sa kasaysayan ng sansinukob mula sa pagpapatunay sa Teorya ng Big Bang hanggang sa teorya ng mga buhay sa labas ng Daigdig (alien life). Inaasahang magiging matagumpay ito tulad ng ilan sa mga unmanned solar system exploration ng NASA: Venera Program sa Venus, Mariner Program sa Mercury, Venus at Mars, Pioneer Program sa Jupiter at Saturn, at ng Cassini-Huygens sa Saturn at ng isa sa mga buwan nitong si Titan at marami pang iba.

Inaasahang magtatapos ang paglalakbay nito sa kalawakan sa susunod na 10 taon. Ngunit bago pa man ito mangyari, inaasahan na ng buong mundo ang mas marami at kapana-panabik na kaalaman at katanungang mahahanapan ng sagot tungkol sa pinagmulan ng mga bagay sa cosmos at posibilidad ng iba pang buhay maliban sa Daigdig.

PAGLIMITA SA GLOBAL WARMING POSIBLE SA TULONG NG CARBON REMOVAL FACTORYIsang malaking plantang magkakaptyur ng karbon mu...
01/08/2022

PAGLIMITA SA GLOBAL WARMING POSIBLE SA TULONG NG CARBON REMOVAL FACTORY

Isang malaking plantang magkakaptyur ng karbon mula sa hangin ang nalikha ng Climeworks, Carbon Engineering na magsisilbing malaking tulong sa paglimita ng global warming sa kasalukuyan.
Nitong Setyembre 2022, pinangunahan ng Climeworks sa Orca ang pagbubukas ng malaking planta na idinisenyo para sa pagtanggal ng carbon dioxide mula sa hangin.

Ang pasilidad, sa labas ng Reykjavik, Iceland, ay makakakuha ng 4,000 metric tons ng carbon dioxide kada taon. Large fans ang gagamitin sa pagsipsip ng hangin sa pamamagitan ng filter gayundin ng materyales na bigkis ng Carbon Dioxide molecules. Katuwang ng nasabing kompanya ang Carbfix sa proyektong ito. Ihahalo ng Carbfix ang carbon dioxide sa tubig at ilalabas patungo sa ilalaim ng lupa at kakapit sa basalt rock na kalauna’y magiging bato.

Ilang higit na malalaking pasilidad din ng Carbon Removal Factory ang tumugon sa layuning ito ng Climework sa Orca. Ito ay isinasakatuparan ng Squamish, British Columbia na nagsasagawa ng konstruksyon sa US Southwest na may kapasidad na magtanggal ng isang (1) milyong tonelada ng carbon dioxide kada taon. Gayundin ng mga kaanib na planta sa Scotland at Norway na magkakaptyur ng 500,000 hanggang isang (1) milyong tonelada ng carbon dioxide kada taon.

Layunin ng Carbon Removal Factory na mabawasan ang polusyon sa hangin upang malimitahan ang masamang epektong maidudulot ng global warming sa bawat isa.

Pinaghanguan ng datos at larawan: https://www.technologyreview.com/2022/02/23/1044972/carbon-removal-factory-climate-change/ #:~:text=In%20September%2C%20Climeworks%20flipped%20the,bind%20with%20CO2%20molecules.

Ang Positibong Mukha ng Artificial IntelligenceAng Artificial Intelligence (AI) ay nagmula sa dalawang salita na “artifi...
30/07/2022

Ang Positibong Mukha ng Artificial Intelligence

Ang Artificial Intelligence (AI) ay nagmula sa dalawang salita na “artificial” o hindi totoo at “intelligence” o katalinuhan na nangangahulugang simulasyon ng katalinuhan ng tao na ipinoproseso ng computer systems, expert systems, voice recognition, machine vision, at natural language processing. Samu’t saring negatibong komentaryo ang naririnig kapag pinag-usapan ang AI. Ayon kay Marr (2021) ang dalawang negatibong epekto ng AI, ito ay may kinikilingan pagdating sa social media, at maraming bilang ng mamamayan ang mawawalan ng trabaho sapagkat mga makina na gagawa ng mga trabaho ng tao. Pitong dekada na ang lumipas simula nang unang mabuo ang modelo na pinag-ugatan ng AI. Ang AI ay hindi masama bagkus ang AI ay may pangunahing gampanin sa ating lipunan.

Ayon kay Roloff (2021) tinalakay ni Steen Graham, founder ng Scalers AI, ang anim na kongkretong halimbawa ng kabutihang naidudulot ng AI. Una, pinauunalad at binabantayan ng AI ang mga coral reefs. Tinatayang 70% ng coral reefs sa buong mundo ay maaaring masira kung walang aksiyon na gagawin hanggang sa pagsapit ng 2050. Ang AI ay ginagamit sa ilalim ng tubig bilang mga kamera na tumitingin sa lagay ng coral reefs at dumidiretso ang mga datos sa cloud. Sa pamamagitan ng teknolohiya, nasusuri ng mga siyentista ang lagay ng mga coral reefs nang hindi nadidisturbo ng mga divers.

Pangalawa, sa pamamagitan ng AI ay nagiging maagap ang mga tao sa mapanganib na lagay ng panahon. Napakaraming satellite ang kumukuha ng hyper spectral na imahen ng daigdig. Dahil sa mga satellite na ito ay nalalaman kung ano ang magiging takbo ng panahon at nakapagbibigay ng mga impormasyon kagaya ng mga babala sa mga tao na maghanda dahil may paparating na bagyo.

Pangatlo, mahigit 35,000 na mga elepante ang nananakaw sa bawat taon sa buong mundo, at hindi lamang mga elepante ang ninanakaw maging ang mga gorilya, leon, at iba pang hayop. Napakahirap pangalagaan ang napakaraming hayop. Sa tulong ng AI ay baynte kuwatro oras na itong nababantayan ng kamera at agad na nalalaman kung may papasok na magnanakaw sa lugar.

Pang-apat, ang kalagayan at kondisyon ng sanggol sa sinapupunan ng ina ay nasusuri ng mga doktor. Sa tulong ng AI ay nagkaroon ng ultrasound technology na nakasusukat at nakasusuri ng sanggol sa loob ng sinapupunan ng ina. Ang pag-aantabay ng doktor ay nakatutulong sa pagbibigay ng impormasyon sa kalagayan ng ina at ng sanggol kung ito ba ay malusog o may problema sa kondisyon nito.

Panglima, nailalayo rin sa masasamang mikrobyo ang mga hospital at mga tauhan nito sa tulong ng AI at mga robot. Gumagamit ng AI-enabled robots na may ultraviolet light upang linisin ang mga kuwarto ng mga pasyente nang sa gayon ang mga nars at doktor ay hindi madapuan ng masamang mikrobyo.

At panghuli, sa pamamagitan ng AI ay napoprotektahan ang personal na impormasyon ng mga pasyente sa isang hospital, naitatago sa isang impukan ng datos sa kompyuter, at nakabubuo ng bagong data sets na magagamit sa hinaharap.

Masuwerte ang kasalukuyang henerasyon sapagkat mas napapadali ang pamumuhay sa tulong ng teknolohiya. Ang patuloy na pagdami ng AI ay makatutulong na mapaunlad ang pamumuhay ng bawat mamamayan sa daigdig.

Isang ground-breaking na pagtuklas ang nagbigay ng pag-asa sa mga siyentipiko na posibleng darating ang araw na maari na...
30/07/2022

Isang ground-breaking na pagtuklas ang nagbigay ng pag-asa sa mga siyentipiko na posibleng darating ang araw na maari nang makapagtanim ng mga halaman sa buwan. Dahil ito sa ginawang eksperimento ng mga mananaliksik ng University of Florida na nakapagsibol ng halaman mula sa lupa ng buwan na dinala ng mga astronaut galing sa mga isinagawang Apollo Mission.

Mahigit 50 taon na ang nakararaan nang unang lumapag sa lupain ng buwan ang Apollo 11 at ang mga astronaut nito upang kumolekta ng mga sample ng lunar soil o regolith at pag-aralan ito. Ayon sa isang ulat ng Pop**ar Science, limitado ang suplay ng regolith sa Daigdig kaya maingat itong nakatago sa Johnson Space Center ng National Aeronautics and Space Administration ng United States.

Binhi ng Arabidopsis thaliana na kamag-anak ng mga gulay na mustasa ang pinili ng mga mananaliksik na itanim sa mga sample ng regolith dahil sa napag-aralan na ito nang husto at tumutugon sa mga hostile environment ang genetic code nito.

Ayon kay Bill Nelson, head ng US space agency, “This research is critical to NASA’s long-term human exploration goals. We’ll need to use resources found on the Moon and Mars to develop food sources for future astronauts living and operating in deep space.”
Kabilang din sa mga pinag-aaralan ng mga siyentipiko at ibang dalubhasa sa kalawakan ang kung paano makakapagtanim at makakapagpalaki ng halaman sa ibang planeta. Malaking bagay kung ganap na mapatutunayang maaaring makapatubo ng mga halaman sa buwan dahil katiyakan ito na magkakaroon ng sapat na pagkain ang mga taong maninirahan doon.

Ika- 30 ng Hulyo 2022 (4:09 n.h.)Digital inclusion ng kababaihan sa Pilipinas, pinangunahan ng USAID sa forumNakipag-ugn...
30/07/2022

Ika- 30 ng Hulyo 2022 (4:09 n.h.)

Digital inclusion ng kababaihan sa Pilipinas, pinangunahan ng USAID sa forum

Nakipag-ugnayan ang mga tagapagsalita mula sa Department of Information and Communications Technology (DICT), U.S. Agency for International Development (USAID), Philippine Commission on Women, Global Systems of Mobile Communications Association (GSMA), at ang publiko at pribadong sektor sa isang onlayn-diyalogo nitong ika-27 ng Hunyo 2022.

Mahigit sa 300 miyembro ang dumalo sa diyalogo upang pagdebatehan ang mga puntong nauugnay sa digital inclusion, tulad ng gender mobile internet adoption at usage gap, mga simulain sa pagpapataas ng paggamit ng mobile internet, mga pangunahing hamon sa saklaw ng ICT at mga alternatibong hakbang para palawigin ang paggamit ng cell web ng kababaihan.

Ang forum na ito ay bilang paggunita sa National Information and Communications Technology (ICT) Month, na pinangunahan ng gobyerno ng Estados Unidos, sa pamamagitan ng USAID upang isulong ang mas mataas na access sa digital technology sa Pilipinas, partikular sa kababaihan.

Sa isang pahayag ni Maria Victoria Castro, sinabi nito na sa pamamagitan ng kanilang pagsisikap, tiyak na mapabibilis ang pag-unlad sa pagsulong ng ICT at maibibigay ang pangako ng digital inclusion.

Tinalakay din nila ang mga umiiral na patakaran at programa sa bansa na sumusuporta sa digital inclusion na kinabibilangan ng updated na Philippine Development Plan, ang updated na gender equality at Women's Empowerment Plan, ang National Broadband Plan, ang libreng Wi-Fi para sa lahat ng programa, at ang Tech4ED Project.

Ang Better Access and Connectivity (BEACON), isa sa mga proyekto ng USAID, ay tumutulong na mapabuti ang ICT at imprastraktura ng logistik ng bansa, upang palakasin ang kapaligiran ng regulasyon, negosyo, pagbabago, at cybersecurity.

Upang higit pang palawakin ang kanilang mga pagsusumikap sa pag-automate at pag-digitize, tinutulungan din ng gobyerno ng U.S., sa pamamagitan ng USAID, ang mga indibiduwal at komunidad sa pamamagitan ng pagsuporta sa kanilang mga network at pagpapalawak ng murang internet access para sa mga taong kulang sa serbisyo.

Inihayag naman ni Crow na nananatiling nakatuon ang USAID sa pagsuporta sa gobyerno ng Pilipinas sa pagbuo ng kinabukasan kung saan ang digital na teknolohiya ay nagtataguyod ng inklusibong paglago, na magpapalakas ng mga matatag at demokratikong lipunan, at binibigyang kapangyarihan ang lahat, kabilang ang mga pinakamahinang sektor.

Pinaghanguan ng datos:
https://cybertechgurus.com/usaid-leads-dialogue-on-bettering-girlss-digital-inclusion-within-the-philippines/
https://manilanews.ph/womens-digital-inclusion-in-philippines-takes-spotlight-in-us-led-forum/
https://ph.usembassy.gov/usaid-leads-dialogue-on-improving-womens-digital-inclusion-in-the-philippines/

Retrato mula sa https://images.app.goo.gl/uy3iyfnLf88bUczv7

Balikbayan BoxSana’y ‘di magmaliw ang dati kong araw nang munti pang bata sa piling ni Nanay…Malinaw na malinaw pa sa ak...
30/07/2022

Balikbayan Box

Sana’y ‘di magmaliw ang dati kong araw nang munti pang bata sa piling ni Nanay…
Malinaw na malinaw pa sa aking gunita ang mga sandaling kasama ko si Inay. Kasama ko siya sa aking pagbitiw ng unang salita. Siya ang unang nakasaksi ng aking unang halakhak at pag-iyak. Siya ang una kong halik at ang aking unang pag-ibig. Siya ang aking buhay.Subalit sa kaniya ko rin naranasan ang una kong pagkabigo. Ang una kong pangungulila.
Bata pa lamang ako ay nilisan na ni Inay ang aming munting dampa upang makipagsapalaran sa ibang bansa. Sa edad na labindalawa ay naiwan ako sa pangangalaga ng aking ama kasama ang aking nakatatandang kapatid. Dahil sa karalitaan sa buhay ay pinili ni Ina na kami ay lisanin upang mabigyan ng magandang pamumuhay. Sa unang taon, hinahanap-hanap ko ang kaniyang pagkalinga at pag-aalaga. May mga gabing nagigising ako sa gitna ng pagkakatulog. Naghahanap.
Dumaan ang isa pang taon at unti-unti ko nang tinanggap ang katotohanang pansamantala na nga kaming magkakahiwalay ni Ina. Buwan-buwan ay nagpapadala siya ng pera bilang pantustos sa aming pangangailangan. Nagpapadala rin siya ng mga pasalubong na nakakahon na pinupuno niya ng magagarang damit , mga tsokolate at laruang makukulay. Tuwang-tuwa ako sa tuwing nakatatanggap ako ng mga bagay-bagay na yaon. Ngunit sa likod ng aking malalapad na ngiti ay isang dalangin ang paulit-ulit kong inuusal. Sana’y uuwi na siya. Sana ay muli ko nang makakapiling si Ina…
Hindi ko na mabilang ang mga pagkakataong hindi kasama si Ina. Wala siya sa unang pagtanggap ko ng aking mga medalya. Maraming kaarawan ko rin ang hindi niya nasaksihan. Maraming luha ko ang hindi niya napupunasan. Maraming sugat na rin ang hindi niya nalunasan.
Isang araw ay tumawag sa akin si Ina. Nauulinig ko ang masaya niyang boses habang ikinukuwento sa akin na sa isang buwan ay babalik na siya. Uuwi na si Ina.
Labis ang kasiyahan ang aking nadama nang mga oras na iyon. Hindi ko mawari kung anong pakiramdam iyon. Para akong lumulutang sa alapaap. Matamis. Magaan.
Sabik na sabik ang lahat sa napapabalitang pagbabalik ni Ina. Lahat ay nag-abalang maghanda. Pinakatay ni Itay ang baboy na isang taon din niyang inalagaan. Inimbita niya ang mga kamag-anak naming galing pa sa ibang probinsiya. Muling nagkabuhay ang dati naming malamlam na tahanan na napuno ng lumbay at pangungulila dahil sa pansamantalang paglisan ni ina.
Habang abala ang lahat. Isang puting van ang bumihag sa aming atensiyon. Bumaba ang isang lalaking may suot na putting polo at pantalon na kulay itim. Sinalubong niya ng kaniyang biluging mata ang nananabik na ngiti ni ama. Maya-maya’y iminuwestra niya ang kamay sa tatlo niyang kasama. Tumungo sa likurang bahagi ng van ang tatlo at magkasabay na binuhat ang isang malaking kahong kulay puti at dahan-dahang ibinaba sa lupa. Sandali silang nag-usap ni ama at sa kanilang paglisan ay namayani ang nakabibinging katahimikan.
Dahil sa pagtataka’y lumapit ako sa kahon at sa pag-aakalang ito na ang pasalubong na binabanggit sa akin ni Ina noon, binuksan ko iyon.
Hindi ko maunawaan ang aking nararamdaman nang mga sandaling iyon. Habang dahan-dahang binubuksan ang kahon ay unti-unti akong nanghina. Sa kahon ay nakasilid ang bagay na kabisadong-kabisado ko ang hulma. Sa kahon ay natagpuan ko ang katawang wala nang hininga – si Ina.

Sssh boom! Sssh boom! Sssh boom! Maririnig ang sunod-sunod na putok ng mga kwitis kasabay ng pagkalat ng makukulay na al...
28/07/2022

Sssh boom! Sssh boom! Sssh boom! Maririnig ang sunod-sunod na putok ng mga kwitis kasabay ng pagkalat ng makukulay na alikabok sa alapaap. Ang gabi ay binalot ng kumikislap at nagniningning na malatalang butil ng diyamante. Ang kulay ay tila nang-aakit sa panangin at nagdudulot ng saya at tuwa sa damdamin at kamalayan ng bawat nakakakita. Ang kaganapang ito ay karaniwang masasaksihan tuwing may mga pagdiriwang
Sumapit na naman ang buwan ng Hunyo, kung saan pinagdidiriwang ang buwan ng LGBT pride sa buong mundo. Ang Pride Month ay nakaugat sa Stonewall Riots sa Estados Unidos, na nangyari noong ika-28 ng Hunyo, 1969.
Maraming bansa ang nagbukas ng pintuan at tumanggap sa LGBTQ Community at isa na rito ang Pilipinas. Ang Pilipinas ay tinaguriang top 10 sa “ gay-friendly” country mula sa 39 na bansa sa buong mundo. Kinikilala ng bansa ang talento at kakayahan ng bawat miyembro ng LGBT dahil hindi maikakaila na namamayagpag ang kanilang makulay na watawat sa iba’t ibang larangan. Halimbawa na rito ay ang sumasabog na pangalan ni Vice Ganda sa larangan ng pagpapatawa. Dahil sa kaniya, tumaas ang tingin ng lipunan at umangat ang pagpapahalaga sa LGBTQ Community. Nariyan din sa larangan ng musika sina Aiza Seguera na ngayon ay kilala na sa pangalang Ice at si Charice Pempemgco na kilala na rin sa pangalang Jake Cyrus. Maging sa politika, at pamamhayag mayroon tayong mga kapatid na LGBT na nagpapamalas na katangi-tanging galling at kakayahan.
Subalit sa kabila ng lahat marami pa ring Pilipinong LGBT ang nakakaranas ng diskriminasiyon, panghuhusga, at isyung moral. Mabigat ding suliranin ang limitadong kaalaman sa sexual orientation and gender identity expression (SOGIE) na kung saan nagdudulot ng maling pananaw sa mga kapatid nating LGBTQ. Kailangan nating sindihan ang ating diwa at kamalayan sa pagtanggap ng ganitong konsepto, kahit na may mga taong taliwas ang paniniwala dahil sa kultura.
Kahit ganoon pa man, kahit gaano kadilim ang gabi, patuloy ang LGBTQ sa pagsulong ng malaya at payapang lipunan. Nais din nilang makamiy ang pantay na karapatan at oportunidad sa bawat miyembro nito. Sila ay kawangis ng kwitis na lilipad sa alapaap at magbibigay ng kulay sa madilim na gabi. Magsisilbing inspirasyon at magbibigay ng aral sa pagharap ng mga hamon sa buhay. Ipapakita sa buong mundo ang makulay at namumukod tanging lipunan ng mga bakla, tomboy, bisexual at transgender.

Address

Paaralang Gradwado Ng Pamantasang Notre Dame Ng Marbel
Koronadal
9506

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sinag-Silangan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share


Other News & Media Websites in Koronadal

Show All