05/01/2025
Kampanya ng 6th ID laban unlicensed fi****ms nagpapatuloy
Inaasahan ng mga opisyal ng 6th Infantry Division ang pagsuko ngayon 2025 ng mas maraming mga baril ng mga residente ng Central Mindanao bilang suporta sa disarmament campaign sa rehiyon ng pamahalaan kaugnay ng Mindanao peace process.
Sa pahayag nitong Lunes, January 6, 2025, ni Army Major Gen. Antonio Nafarrete, commander ng 6th ID, may mga pahiwatig na ang ilang mga grupo sa Central Mindanao ng planong magsuko ng mga baril bilang tugon sa Small Arms and Light Weapons Management Program ng 6th ID at ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity.
Sa tala, 537 na na mga armas na pandigma na kinabibilangan ng M16 at M14 assault rifles, M1 Garand at Carbine rifles, .50 caliber Barrett sniper rifles, 7.62 millimeter bolt-action sniper rifles, M60 at .30 caliber machineguns, mga 40 millimeter gr***de at B-40 rocket launchers at 60 at 81 millimeter mortars ang nakolekta ng mga units ng 6th ID sa mga residente ng Maguindanao del Sur, Maguindanao del Norte, Sultan Kudarat, Cotabato at Sarangani mula ng inilunsad ang SALW Program sa naturang mga probinsya nitong kalagitnaan ng 2024.
Sa Cotabato City, na siyang kabisera ng Bangsamoro region, mahigit 100 na na mga baril ang nakolekta ng 6th ID nitong nakalipas na limang buwan, kusang loob na isinuko ng mga residente bilang tugon sa SALW Program na magkatuwang na ipinapatupad nito at ng ng tanggapan ni Secretary Carlito Galvez, Jr. ng OPAPRU.
Ayon kay Nafarrete, tumutulong din sa kanila ang mga municipal, city at provincial officials sa Central Mindanao sa paghikayat sa natitirang ilang mga kasapi na lang ng mga teroristang grupong Dawlah Islamiya at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters na magbalik loob na sa pamahalaan at mamuhay na nang tahimik kasama ang kanilang mga pamilya.
Abot na sa 519 na mga miyembro ng dalawang grupo, ilan sa kanila mga bihasa sa paggawa ng improvised explosive devices, ang magkatuwang na napasuko ng mga local executives sa rehiyon at ng mga opisyal ng ibat-ibang units ng 6th ID mula 2022. (JANUARY 6, 2025)