DXND Radyo Bida News

DXND Radyo Bida News Notre Dame Broadcasting Corporation News and Current Affairs

24/11/2023

NDBC BIDA BALITA (NOVEMBER 25, 2023)

DRIVER NG MULTICAB NA INATAKE SA SAKIT SA PUSO HABANG NAGMAMANEHO, PUMANAW NAKidapawan City- Binawian na ng buhay ang dr...
24/11/2023

DRIVER NG MULTICAB NA INATAKE SA SAKIT SA PUSO HABANG NAGMAMANEHO, PUMANAW NA

Kidapawan City- Binawian na ng buhay ang driver ng p**ang multicab na nasangkot sa vehicular accident sa Brgy. Magsaysay, Kidapawan City matapos ma cardiac arrest habang nagmamaneho ito.

Kinilala ang nasawi na si LEO ESPAÑOLA PACETE 45 anyos, buko juice vendor, at residente ng nabanggit na lugar.

Sa impormasyon mula sa Kidapawan City PNP-traffic division, binabaybay ng Suzuki Multicab na minamaneho ng biktima ang Mlang route ng bigla itong atakehin sa sakit sa puso at nawalan ng kontrol sa minamanehong sasakyan.

Dahilan na nabangga rin nito ang Bajaj tricycle na nasa kasalubong na lane, Bago ito tuluyang nahulog sa open canal sa gilid ng daan.

Agad namang naka responde ang mga pulis at personahe ng 911 Kidapawan sa aksidente.

Habang bumabyahe patungo sa isang bahay pagamutan sa lungsod, ay isinagawa ng rumespondeng pulis at rescuer ang CPR upang mailigtas ang buhay ni Pacete pero ideneklarang dead on arrival na ito ng mga doktor.

Wala namang iba pang nasugatan at nasaktan sa nasabing insidente.

SINO ANG IDI-DATE MO SA FESTIVAL OF LIGHTS, TAG MO NGA!EXCITED NA BA ANG LAHAT?PASILIP SA WHITE CHRISTMAS NG KIDAPAWAN C...
24/11/2023

SINO ANG IDI-DATE MO SA FESTIVAL OF LIGHTS, TAG MO NGA!

EXCITED NA BA ANG LAHAT?

PASILIP SA WHITE CHRISTMAS NG KIDAPAWAN CITY!!!

ABANGAN SA DECEMBER 01, 2023 ANG PAGSISIMULA NG FESTIVAL OF LIGHTS SA LUNGSOD KUNG SAAN ANG KONSEPTO AY WHITE CHRISTMAS.

SEE YOU IN KIDAPAWAN!

COURTESY: Mr. Dj Funtography

JUST IN!MULING INALERTO ng MDRRM Tulunan ang mga Barangay DRRM lalo na sa Poblacion matapos muling tumaas na naman ang l...
24/11/2023

JUST IN!

MULING INALERTO ng MDRRM Tulunan ang mga Barangay DRRM lalo na sa Poblacion matapos muling tumaas na naman ang lebel ng tubig sa ilang barangay sa bayan.

Nabatid na bago lang humupa ang baha sa mga barangay ng Tulunan matapos ang ilang araw na nalubog ito dahil sa sama ng panahon at baha.

INGAT MGA BIDA!

KUMPIRMADONG granadq ang pinasabog sa isa sa mga lansangan sa Poblacion, Pikit, North Cotabato ngayong gabi.Hindi pa bat...
24/11/2023

KUMPIRMADONG granadq ang pinasabog sa isa sa mga lansangan sa Poblacion, Pikit, North Cotabato ngayong gabi.

Hindi pa batid kung ano ang motibo sa pagpapasabog.

Pero ayon sa mga awtoridad, walang nasaktan sa insidente.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng PNP at AFP sa pagpapasabog.

LOOK!NILIPAT na ngayong gabi sa Parokya ng San Isidro Labrador Parish sa Poblacion, Libungan, Cotabato ang lamay ni Juli...
24/11/2023

LOOK!

NILIPAT na ngayong gabi sa Parokya ng San Isidro Labrador Parish sa Poblacion, Libungan, Cotabato ang lamay ni Julieta Suerte Ballesteros.

Ito'y matapos na masunog ang bahay ng kapitbahay nila kung saan katabi lang ng bahay kung saan ito binuburol partikular sa Ballesteros Compound, Purok 3, Barangay Gumaga, Libungan, Cotabato.

Bukas, ihahatid na sa kaniyang huling hantungan si Ballesteros bukas, Nobyembre 25.

Narito naman ang pahayag ng uploader na si Roxy Lomongo - Azaña:

Kasakit hunahunaon ug lantawon sa nahitabo, last night na unta nmo Te Jo pero ing ani ang nahitabo 😭💔

Sa mga muduaw ang iyang haya ana a sa San Isidro Labrador Parish. Unta sa mga naay dakong kasing kasing ato silang tabangan. 🙏🏻❤️

Sa mga gusto mag tabang ug naay dakong kasing kasing pwede mo mag send ug Gcash 10 pesos 20 dako na kaayo na na tabang para sa pamilya ni Te Jojo Ballesteros

Gcash 09094968197 R.L

Glen Anthony Silvano Rucio

Photos courtesy: Roxy Lomongo - Azaña

JUST IN: Michelle Dee panalo sa "Best National Costume" award sa Miss Universe 2023. Ngayong araw lamang, Biyernes inanu...
24/11/2023

JUST IN: Michelle Dee panalo sa "Best National Costume" award sa Miss Universe 2023.

Ngayong araw lamang, Biyernes inanunsyo ang nanalo sa nasabing segment ng Miss Universe.

CONGRATULATIONS, MMD! 🥳

24/11/2023

BREAKING!!!
ISANG MALAKAS NA PAGSABOG NANAMAN ANG NARINIG NG MGA RESIDENTE NG POBLACION, PIKIT, COTABATO NGAYONG GABI. Standby!

SUGATAN ang ulo ng matandang driver ng motorsiklo matapos masangkot sa aksidente sa Tombao, Tagbac, Magpet ngayong gabi....
24/11/2023

SUGATAN ang ulo ng matandang driver ng motorsiklo matapos masangkot sa aksidente sa Tombao, Tagbac, Magpet ngayong gabi.

Ang itinuturong rason ay ang mga nagkalat na bato sa daan dahil sa tinatapos na kalsada.

Isinugod na sa bahay pagamutan ang matanda.

PHOTOS: Acquired by DXND Radyo BIDA from Phong Isogon

DepEd Cotabato, kinondena ang pamamaril sa isang g**o at kinakasama nito sa Banisilan, CotabatoNALULUNGKOT at mariing ki...
24/11/2023

DepEd Cotabato, kinondena ang pamamaril sa isang g**o at kinakasama nito sa Banisilan, Cotabato

NALULUNGKOT at mariing kinondena ni DepEd Cotabato Schools Division Superintendent Romelito Flores, CESO V ang pamamaril sa Teacher sa Banisilan, Cotabato kahapon.

Ang 43 na taong gulang na si teacher Angelie Cañete Jamito ay ipinagmaneho ng kaniyang kinakasama na si Juanito Romaquera sakay ng tricycle papunta sa Pantar Elementary School kung saan ito nagtuturo nang sila ay pinagbabaril ng di pa tukoy na suspek.

Personal namang binisita ng opisyal ang burol ng mga biktima upang makapagpaabot ng pakikiramay sa pamilya.

"Pagdating ko sa Chapel tumayo yong anak, yumakap sa akin at humagulhol. Napakasakit sa damdamin.

Nag abot din tayo ng tulong pinansyal.

Bukas dadalhin ang labi sa Valencia City kasi andoon ang mga relatives nila.

For now nasa Four Gospel Church sa brgy Wadya ang burol. Pinuntahan din natin ang COP ng Banisilan." Ang pahayag ni Flores na ipinaabot sa himpilan ng Radyo BIDA.

Sa tulong naman ng mga school nurse at guidance counselor, plano ring isailalim ng DepEd sa debriefing and Psychosocial first aid ang mga estudyante ng pinatay na g**o na tiyak apektado rin sa nangayari dito.

Nanawagan naman si Flores na kung sakaling may banta man sa buhay ay marapat na agad i-report sa awtoridad at sa mismong tanggapan din ng kagawaran.

Si teacher Angelie na ang ika tatlong g**o na sinadyang patayin sa Cotabato Province ngayong taon, kasunod ng insidente ng pamamaril at pagpapasabog ng granada sa g**o sa bayan ng Pikit nakaraang mga buwan.

PINANINIWALAANG na Cardiac Arrest ang matandang nagmaneho ng multicab na p**a na may kargang kahon kahon ng isda sa Puro...
24/11/2023

PINANINIWALAANG na Cardiac Arrest ang matandang nagmaneho ng multicab na p**a na may kargang kahon kahon ng isda sa Purok 1, Magsaysay, Kidapawan City.

Makikita sa larawan ng Radyo BIDA na pulis mula sa Kidapawan CPS ang nag revive sa lalaking driver ng p**ang multicab na nasangkot sa aksidente matapos umano'y atakihin sa puso.

Nabatid na nang na-cardiac arrest ang lalaki ay nawalan na ito ng kontrol rason para mabangga nito ang dilaw na tri-cab at mahulog ito sa kanal.

Isinugod na ang biktima sa bahay pagamutan.

PHOTOS: DXND - NDBC

24/11/2023

JUST IN!

MULTICAB, nahulog sa kanal sa Purok 1, Brgy.Magsaysay, Kidapawan City, Cotabato ngayong gabi.

Dinala na sa bahay pagamutan ang driver nito sa bahay pagamutan matapos i-rescue ng Call 911 Kidapawan at ng PNP.

Abangan ang dagdag na detalye!

Courtesy: Arjay E Sollabec

24/11/2023

BREAKING!

BUROL nagkagulo matapos masunog ang bahay ng kapitbahay sa Barangay Gumaga, Libungan, North Cotabato ngayong hapon ng November 24, 2023.

Makikita sa video sa social media na tulong tulong sa paglikas sa kabaong mula sa isang bahay ang mga naglalamay sa patay matapos sumiklab ang sunog.

PHOTOS: Roxy Azaña

BREAKING!BUROL nagkagulo matapos masunog ang bahay ng kapitbahay sa Barangay Gumaga, Libungan, North Cotabato ngayong ha...
24/11/2023

BREAKING!

BUROL nagkagulo matapos masunog ang bahay ng kapitbahay sa Barangay Gumaga, Libungan, North Cotabato ngayong hapon ng November 24, 2023.

Makikita sa video sa social media na tulong tulong sa paglikas sa kabaong mula sa isang bahay ang mga naglalamay sa patay matapos sumiklab ang sunog.

PHOTOS: Screengrabbed by DXND - NDBC, Roxy Lomongo - Azaña, Camilla Aglosolos Laman

24/11/2023

BANTAYAN AFTERNOON EDITION (24-11-2023)

24/11/2023

BIDA PANAWAGAN (NOVEMBER 24, 2023)

24/11/2023

LET'S GO LUNTIAN KIDAPAWAN, November 24, 2023

Hisgutanan kabahin sa mga programa sa City Government kabahin sa paghatag kasulbaran sa isyu sa Child Labor, kauban si Public Employment Services Officer Hermenia Infanta; ug kabahin sa kalingawan karong taliabot Disyembre kauban si Roose Lee Adaya sa Culture and Arts.





24/11/2023

PDRRMO

"His humility is praiseworthy."HAPPY 58th BIRTHDAY FR. CHARLIE INZON, OMI, D.D, The sixth bishop of the Apostolic Vicari...
24/11/2023

"His humility is praiseworthy."

HAPPY 58th BIRTHDAY FR. CHARLIE INZON, OMI, D.D, The sixth bishop of the Apostolic Vicariate of Jolo.

We pray for your ministry as a shepherd of the Church!

TOTAL BLACK OUT ADVISORY!NGCP Activity.November 26, 2023 (SUNDAY) -3 hoursEntire Coverage Area.Power will resume right a...
24/11/2023

TOTAL BLACK OUT ADVISORY!

NGCP Activity.
November 26, 2023 (SUNDAY) -3 hours
Entire Coverage Area.

Power will resume right after the completion of the maintenance work. Thank you for your kind understanding.
****
For any untoward Emergencies, Kindly call our 24/7 Hotline @ 0920-901-1161.

Pulis pinagbabaril sa Cotabato City, 13-anyos na estudyante nadamaySUGATAN ang isang PNP member na kasapi Regional Foren...
24/11/2023

Pulis pinagbabaril sa Cotabato City, 13-anyos na estudyante nadamay

SUGATAN ang isang PNP member na kasapi Regional Forensic Unit Bangsamoro Autonomous Region o RFU BAR nang pagbabarilin sa De Mazenod Ave., Barangay RH 5, Cotabato City pasado alas 7:00 ng umaga kanina.

Kinilala ni Cotabato City PNP Director Col. Querubin Manalang Jr. ang biktimang pulis na si Patrolman Diosdado Olubalang Mosela, 28-anyos na taga Rempes, Upi, Maguindanao del Norte.

Sinabi ni Manalang na sakay ng kanyang minamanehong motorsiklo ang nasabing pulis patungo sanang RFU BAR office, sa PC Hill, RH 1 ng lungsod nang ito’y pagbabarilin.

Tinamaan ito sa kanyang pisngi at balikat na agad namang isinugod sa ospital at patuloy na nagpapagaling.

Habang sugatan din sa pamanaril ang isang 13-anyos na babaeng estudyante matapos tamaan ng bala sa bandang siko.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng PNP sa insidente.

via l DXMS Radyo BIDA COTABATO CITY

Pamilya ng menor na aksidenteng binaril ng pulis sa Kidapawan City, kumpirmadong hindi na magsasampa ng kaso sa suspect ...
24/11/2023

Pamilya ng menor na aksidenteng binaril ng pulis sa Kidapawan City, kumpirmadong hindi na magsasampa ng kaso sa suspect na kaanak lang rin – sabi ng PNP

KIDAPAWAN CITY – Naghain na ng affidavit of desistance sa pagsampa ng kaso ang pamilya ni alyas Yuki, menor de edad na binaril ng tiyuhing pulis sa Barangay Birada, Kidapawan City.

Ito ang kinumpirma kahapon ni CPPO Public Information Officer Police Captain April Rose Soria.

Ibig sabihin, hindi na magsasampa pa ng criminal case ang kaanak laban sa suspect na kapamilya lang rin nila.

Pero hindi naman anya, iaatras ng Provincial Internal Affairs Services ang pagsampa ng admin case laban sa kanilang kabaro na nagkasala dahil kailangan pa rin niyang managot sa batas dahil menor de edad ang kanyang napatay.

May karapatan pa naman anya na magsampa ng kaso ang local PNP- Kidapawan ng indiscriminate firing o magiging nominal complainant ng kaso.

24/11/2023

ACTION LINE (NOVEMBER 24, 2023)

23/11/2023

NDBC BIDA BALITA (NOVEMBER 24, 2023)

23/11/2023

BANTAYAN PRIMETIME EDITION (NOVEMBER 24, 2023)

AGAD NIRESPONDIHAN ng Traffic Management and Enforcement Unit ang vehicular accident na kinasangkutan ng Bongo, Avanza t...
23/11/2023

AGAD NIRESPONDIHAN ng Traffic Management and Enforcement Unit ang vehicular accident na kinasangkutan ng Bongo, Avanza tricycle tricycle, sa Perez St. Poblacion, Kidapawan City.

Courtesy: TMEU Kidapawan

23/11/2023

BANTAYAN AFTERNOON EDITION (NOVEMBER 23, 2023)

❗❗❗𝗠𝗜𝗦𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗘𝗥𝗦𝗢𝗡❗❗❗Ang nawawalang bata ay si JAMIER GUYO a.k.a(Opaw), 9 taong gulang na lalaki, at magaaral sa Paraiso ...
23/11/2023

❗❗❗𝗠𝗜𝗦𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗘𝗥𝗦𝗢𝗡❗❗❗

Ang nawawalang bata ay si JAMIER GUYO a.k.a(Opaw), 9 taong gulang na lalaki, at magaaral sa Paraiso Elementary School, Tulunan, Cotabato.

Sya ay nawawala simula nong Linggo, Nov. 19, 2023 at hanggang ngayong Miyerkules Nov. 22, 2023 at hindi pa nakauwi sa kanilang tahanan.

Ang PNP ay humihingi ng tulong para mahanap ang studyante.

23/11/2023

BIDA PANAWAGAN (NOVEMBER 23, 2023)

UPDATE l Aksidente sa Batasan, Makilala, Cotabato.NALAGUTAN na sa kaniyang huling hininga ang senior citizen na angkas s...
23/11/2023

UPDATE l Aksidente sa Batasan, Makilala, Cotabato.

NALAGUTAN na sa kaniyang huling hininga ang senior citizen na angkas sa motorsiklo na umano'y naararo ng Ford Ranger Pickup truck sa Batasan, Makilala, Cotabato kaninang umaga.

Kinilala ang biktima na si Bet Amoy na residente rin ng nasabing lugar.

Sa ospital na ito nasawi habang binibigyan ng medikal na atensyon matapos magtamo ng sugat sa ulo at iba't-ibang bahagi ng katawan kasunod ng aksidente.

Samantala, ililipat na rin sa mas malaking ospital ang driver ng motorsiklo na si Dexter Panggilan para mabigyan ng medikal na interbensyon.

Matapos namang dinala sa Rural Health Unit ang driver ng pick up truck na si Arthur Lim ay dinala din ito sa Police Station para sa disposisyon.

PHOTOS: Acquired by DXND - NDBC

23/11/2023

LOOK!

VIDEO ng nangyaring banggaan ng Ford Ranger pick up truck at motorsiklo sa Batasan, Makilala, North Cotabato.

Courtesy: Bernard Porol

NAKATAKDANG ipasok sa Intensive Care Unit o ICU ang driver na si Dexter Panggilan dahil sa malubhang natamo nito sa kani...
23/11/2023

NAKATAKDANG ipasok sa Intensive Care Unit o ICU ang driver na si Dexter Panggilan dahil sa malubhang natamo nito sa kaniyang katawan matapos araruhin ng Ford Ranger Pick Up Truck ang kaniyang minamanehong motorsiklo sa Purok 2, Barangay Batasan, Makilala, North Cotabato ngayong umaga ng November 23, 2023.

Ito ang kinumpirma ni Batasan Chairman Rogelio Virador sa panayam ng Radyo BIDA.

Habang nasa ospital din ang angkas nitong si Bet Amoy na nagtamo rin ng sugat sa ulo.

Kinilala naman ang nagmaneho ng Ford Ranger na si Arthur Lim, kasama ang kaniyang 9 years old na anak.

Photos: Acquired by NDBC - DXND

MALUNGKOT NA BALITA l Sunog sa Capaculan, Tisa Cebu City!!!Apat na bata ang namatay sa sunog nitong umaga sa isang resid...
23/11/2023

MALUNGKOT NA BALITA l Sunog sa Capaculan, Tisa Cebu City!!!

Apat na bata ang namatay sa sunog nitong umaga sa isang residential area sa Sitio Upper Capaculan sa Barangay Tisa, Cebu City Huwebes, Nobyembre 23, 2023.

Limang bahay ang tinupok, habang dalawa pa ang nasira, ayon sa ulat ng Cebu City Fire Station.

Batay sa inisyal na ulat ng City Fire Station, nagsimula umano ang sunog sa bahay na pag-aari ni Gemma Cabornay alas-5:51 ng umaga ng Huwebes.

Ang mga nasawi ay ang 10-taong-gulang na si Angelo Bayaton, anim na taong gulang na si Crylle Bayaton, isang taong gulang na si Christina Bayaton, at 11 buwang gulang na si Amari Zane Cabornay, na pawang "nasunog nang hindi nakilala," ayon sa iniulat ng BFP.

REST IN PEACE ANGELS!

JUST IN!SUGATAN ang Apat ka tao matapos ang naitalang malakas na pagsabog bandang alas-11:20 ngayong umaga ng Huwebes, N...
23/11/2023

JUST IN!

SUGATAN ang Apat ka tao matapos ang naitalang malakas na pagsabog bandang alas-11:20 ngayong umaga ng Huwebes, November 23, 2023 partikular sa bahagi ng Purok 8, Barangay Bagolibas, Aleosan, Cotabato.

Antabay lamang sa dagdag na mga detalye!

23/11/2023

LAKPUE - ALAGANG TUNAY, LAKING LDI (NOVEMBER 23, 2023)

23/11/2023

BUHAY pa ang mga yan mga BIDA, nakatulog lang sa daan dahil sa kalasingan.

Sa kalsada na inabutan ng antok ang magkakaibigan na viral ngayon sa social media.

Nangyari ito ngayong umaga sa Kapalong, Davao kung saan inakala ng ilang motorista ay mga salvage victime.

Nang suriin, mahimbing na natutulog ang dalawa at tila nakainom.

Ayon naman sa ilang netizens:

"Actually they did the right thing ,kaysa namn magdrive sila ng lasing.tho yun lang paggising nila viral na sila"

"Sunod pagdala mog habol isud aa uboxHAHAHAHA"

"Pero murag pwede man unta ni sila matulog Kung Asa sila nag inom 😁 WA poy puangod ang ka inom ani nga gi pa lakaw man pud na hubog na hehe just saying."

"Sakto pud na elang gi buhat oii, kaysa ma disgrasya sila agi sa kahubog"

"Kataw anan man tan awon pero mao nay sakto buhaton og hubog na kaayu ka secure your belongings daan ayha sleep bahalag ma kataw anan mo Importanti safe mo maka balik 😄"

"Kana maoy sakto Kay sa madesgrasya ka TAs naa pakay madamay nga lain tawon kini maoy palahobog kabalo jod og dili makaya Hala tolog 😂😂"

"Kawat ng cellphone ug kwarta ani ba"

Courtesy: Fiel Dumayas

PANGALAWANG VEHICULAR CRASH sa Makilala, North Cotabato ngayong umaga!SUGATAN ang isang senior citizen na angkas at driv...
23/11/2023

PANGALAWANG VEHICULAR CRASH sa Makilala, North Cotabato ngayong umaga!

SUGATAN ang isang senior citizen na angkas at driver ng motorsiklo matapos makabanggaan ang isang pick-up truck sa Purok 2, Barangay Batasan, Makilala, North Cotabato ngayong umaga ng November 23, 2023.

Kinilala ang nagmaneho ng Ford Ranger na si Arthur Lim, kasama ang kaniyang 9 years old na anak habang ang driver naman ng motorsiklo na nasagasaan nito ay kinilalang si Dexter Panggilan at ang matandang sakay nito ay si Bet Amoy.

Parehong isinugod sa bahay pagamutan ang magka-angkas sa motorsiklo upang mabigyan ng medikal na interbensyon.

Maging ang driver ng pick-up ay dinala din sa RHU.

Abangan ang dagdag na detalye!

Photos: Acquired by NDBC - DXND

INGAT MGA BIDA!ISANG kotse ang bumangga sa puno ng kahoy matapos masangkot sa vehicular crash sa National Highway ng Bar...
23/11/2023

INGAT MGA BIDA!

ISANG kotse ang bumangga sa puno ng kahoy matapos masangkot sa vehicular crash sa National Highway ng Barangay Kisante, Makilala, North Cotabato ngayong umaga.

Batay sa impormasyon, ligtas ang driver ng kotse.

Iniimestigahan na ng mga awtoridad ang insidente.

Courtesy: Alfhy Aac

APRUBADO NA SA THIRD AND FINAL READING ng kongreso ang local bill na naglalayong maging State University ang Cotabato Fo...
23/11/2023

APRUBADO NA SA THIRD AND FINAL READING ng kongreso ang local bill na naglalayong maging State University ang Cotabato Foundation College of Science and Technology (CFCST) at maging ganap na State College ang Makilala Institute of Science and Technology (MIST).

Ito ang kinumpirma mismo sa Radyo BIDA ni Cotabato Second District Congressman Rudy S. Caoagdan, DPA.

Si Cong Rudy mismo ang lumagda sa panukalang batas para isulong na maging State University at State College ang dalawang paaralan para tumaas ang kalidad nito sa pagpapalawak ng sistema ng edukasyon.

Matatandaan na prayoridad ng Congressman ang edukasyon para sa mga bata, lalo na ang mga batang mula sa mahihirap na pamilya na gustong makatapos ng kanilang pag-aaral.

Photos: Cong Rudy S. Caoagdan, page

JUST IN: KINONDENA ni DepEd CotabatoSchools Division Superintendent Romelito Flores, CESO V ang pamamaril sa Teacher at ...
23/11/2023

JUST IN: KINONDENA ni DepEd CotabatoSchools Division Superintendent Romelito Flores, CESO V ang pamamaril sa Teacher at asawa sa Banisilan, Cotabato.

Narito ang pahayag ng opisyal ng DEPED Cotabato na ipinadala sa Radyo Bida:

"I have talked to the Principal In Charge of Banisilan Central District Mr John Pagayon and he informed me of the shooting incident involving our female teacher and her husband while going to Pantar ES where she is teaching.

SDO Cotabato is saddened by this shooting incident involving our teacher and we strongly condemn this evil act.

We hope and pray that thorough investigation will be done by proper authorities and justice be given to the victim and her family.

Our sincere condolences to the family members."

Napatay ang g**o ng Pantar Elementary School sa Banisilan, North Cotabato habang nadamay naman ang mister nito nang pagbabarilin kaninang umaga ng hindi pa kilalang suspek.

Ayon sa ulat, papasok na sana ng eskwelahan ang nasabing g**o mula Brgy. Wadya sakay ng tricycle na minamaneho ng kanyang mister nang tambangan ng riding tandem suspects.

PHOTOS: Ang Bagong Yanong Indo

Address

Kidapawan
9400

Telephone

+639687225760

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DXND Radyo Bida News posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to DXND Radyo Bida News:

Videos

Share


Other News & Media Websites in Kidapawan

Show All