
14/11/2024
NOVEMBER 14, 2024
MGA RESIDENTE NG SGA BARMM, NAGPAABOT NG PASASALAMAT KAY SEN. ROBIN PADILLA DAHIL SA KANYANG PANUKALANG BATAS O SENATE BILL NO. 2875 NA NAGLALAYON MAGING ISANG PROBINSIYA ANG SGA!
Nagpaabot ng pasasalamat sa pamamagitan official letter ang mga lider ng Special Geographic Area o SGA kay senator Robinhood Padilla dahil sa kanyang iniakdang batas o senate bill No. 2875 na naglalayon maging ganap na lalawigan o probinaiya ang SGA.
Sa nakalipas na lunes ay pormal ng naghain ng Senate Bill No. 2875 si Senator Robinhood βRobinβ Padilla na naglalayong itatag ang Kutawato Province na sakop ang walong mga Bangsamoro municipalities sa Bangsamoro Special Geographic Area (SGA) ang nasabing mga lugar ay mula sa probinsya ng Cotabato o Region 12.
Ang mga bayan ng Pahamuddin, Kadayangan, Nabalawag, Old Kaabakan, Kapalawan, Malidegao, Tugunan, at Ligawasan na naitatag nitong taon lang sa pamamagitan ng enabling measures na gawa ng Bangsamoro regional parliament ang sasakupin ng Kutawato Province ayon sa panukala ni Senator Padilla.
Sa ngayon patuloy na nagpupulong ang mga lider ng SGA upang paghandaan ang pagiging isang bagong probinsiya na sakop ng BARMM Region.