21/08/2024
Kultura at Wikang Filipino, Ipinagdiwang sa ASU Kalibo
Matagumpay na idinaos ng Aklan State University Kalibo Campus ang makulay na pagdiriwang ng wikang Filipino sa temang "Filipino: Wikang Mapagpalaya." Ang selebrasyon ay naglalayong ipakita ang mahalagang papel ng wikang Filipino sa pagpapalaya at pagbuo ng pambansang pagkakakilanlan, Agosto 19, 2024 ng hapon sa ASU Kalibo quadrangle.
Sa kasagsagan ng pagdiriwang, may mga ginanap na patimpalak patungkol sa kasaysayan, kultura, at iba pang aspeto na may kaugnayan sa wikang Filipino na dinaluhan ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang kolehiyo ng ASU Kalibo. Ang mga nagwagi sa tagisan ng talino at talento na idinaos ay ang mga sumusunod:
Paggawa ng Poster
• Unang Gantimpala - College of Industrial Technology
• Ikalawang Gantimpala - Bachelor of Science in Architecture
• Ikatlong Gantimpala - College of Computer Studies
Pagsulat ng Tula
• Unang Gantimpala - Bachelor of Science in Civil Engineering
• Ikalawang Gantimpala - College of Computer Studies
• Ikatlong Gantimpala - College of Industrial Technology
Talumpati
• Unang Gantimpala - College of Industrial Education
• Ikalawang Gantimpala - College of Computer Studies
Maikling Pagkukuwento
• Unang Gantimpala - Bachelor of Science in Civil Engineering
• Ikalawang Gantimpala - College of Computer Studies
• Ikatlong Gantimpala - College of Industrial Education
Quiz Bee
• Unang Gantimpala - Bachelor of Science in Civil Engineering
• Ikalawang Gantimpala - College of Industrial Technology
• Ikatlong Gantimpala - Bachelor of Science in Architecture
By Anthony Barrera, News Editor
Photos by Erwin Jade Rico, Photojournalist