103.3 MAX FM Midsayap

103.3 MAX FM Midsayap Max sa Balita, Max sa Musika, Max sa Serbisyo Publiko
(1)

JOB FAIR 2023!
21/11/2023

JOB FAIR 2023!

11/09/2023

September 11, 2023 | MAX KANTAHAN SA BARANGAY with MAX FM 103.3 MIDSAYAP in Partnership with Barangay Upper Bulanan

Disclaimer | this video recorded at September 10, 2023 | Sunday Night

06/09/2023

🔴LIVE NOW: SEPTEMBER 7, 2023🔴

ℹMAAYONG AGA MINDANAO

✅MAX ARNEL MONTAÑO PALADA
🌐Follow us : DXDN 103.3 Max FM Midsayap Official | Youtube Channel : MAX News PH

ILANG MUNISIPALIDAD AT ISANG CIUDAD SA NORTH COTABATO, SUSPENDIDO ANG KLASETATALONG bayan at isang lungsod sa probinsya ...
06/09/2023

ILANG MUNISIPALIDAD AT ISANG CIUDAD SA NORTH COTABATO, SUSPENDIDO ANG KLASE

TATALONG bayan at isang lungsod sa probinsya ng Cotabato ang agad na nagdeklara ng class suspenssion kaninang umaga matapos na maranasan ang malakas na buhos ng ulan.

Kabilang sa nag suspende ng klase sa lahat ng antas ay ang lungsod ng Kidapawan, bayan ng Makilala at Tulunan habang Clusterized Class Suspension naman ang ipinatupad sa bayan ng Tulunan.

Sa Tulunan kabilang sa napabilang sa mga barangay na pansamantalang sinuspende ang klase ay ang Barangays New Bunawan, Maybula, Minapan at Kanibong.

Sa ngayon ay nakakaranas ng pagbaha na sa mababang bahagi ng Barangay Minapan lalo na ang malapit sa mga sapa.

Samantala, naka depende naman sa mga Barangay ang pagsuspend ng klase ang bayan ng Magpet.

Ipinag-utos na ng PDRRM Cotabato sa mga MDRRMC at BDRRM na maging alerto at tingnan ang kanilang mga areas of concern na posibleng bahain.

Screenshot from SOCMED

❗️ATTENTION❗️PROCESS FLOW AND MODES OF PAYMENT FOR THE FILING OF SPA CASES FOR THE 2023 BSKEIn connection with the recen...
06/09/2023

❗️ATTENTION❗️

PROCESS FLOW AND MODES OF PAYMENT FOR THE FILING OF SPA CASES FOR THE 2023 BSKE

In connection with the recently concluded period of COC filing for the 2023 BSKE, please be informed of the PROCESS FLOW and MODES OF PAYMENT for the FILING OF SPA CASES.

This procedure shall be only applicable to the following petitions relative to the 2023 BSKE:

📄PETITION TO DENY DUE COURSE TO OR CANCEL CERTIFICATE OF CANDIDACY

📄PETITION TO DECLARE A NUISANCE CANDIDATE

📄PETITION FOR DISQUALIFICATION OF A CANDIDATE

A petition must be electronically filed before the Office of the Clerk of the Commission (OCOC) thru its official email address: 📧 [email protected]

https://comelec.gov.ph/?r=2023BSKE/bske2023_processflow



via|| COMELEC

06/09/2023

FALSE ALARM|| Agad na beneripika ng Midsayap MPS katuwang ang tropa ng Militar at maging ng Barangay Officials ng Villarica ang isang tawag sa umanoy insidente ng pamamaril.

Ngunit pinasalamatan ito ng mga taong bayan at ng PNP dahil sa kanilang pag-iikot at pag berepika ay walang naitala na ano mang insidente sa lugar.

Pinaalalahanan ngayon ng PNP ang mga tao na huwag gawing biro ang pagtawag sa linya ng pulisya o ng ano mang sangay ng gobyerno dahil ito ay hindi nakakatulong bagkus nakadagdag ito ng panic sa tao.

Iwasan ang pagpapakalat ng maling impormasyon ayon sa PNP at BLGU Villarica.

05/09/2023

MAAYONG AGA MINDANAO

TINGNAN|| MAHIGPIT NA COMELEC CHECKPOINT, IPINAPATUPAD NG ALEOSAN MPSPARA masig**o ang kaayusan at katahimikan ngayong p...
05/09/2023

TINGNAN|| MAHIGPIT NA COMELEC CHECKPOINT, IPINAPATUPAD NG ALEOSAN MPS

PARA masig**o ang kaayusan at katahimikan ngayong papalapit na Barangay at SK Eleksyon ay nagpapatupad ang pamunuan ng Aleosan MPS katuwang ang militar ng mahigpit na COMELEC checkpoint sa mga national highways sa bayan.

Ito ay bilang pagsunod ng kanilang mandatu na mapanatili ang katahimikan ng buong bayan laban sa mga possibleng pananamantala ng ibang mga individual at grupo na ang layunin ay ang maghasik ng kagulonan.

Sa pangunguna ni P/Maj. Jennifer Amotan ang hepe ng Aleosan MPS at ng COMELEC Aleosan isa-isang pinaalalahanan at tinitingnan ang bawat dumaraang sasakyan mapa pribado man o pampubliko.

Mahigpit din na ipinaalala ng hepe at ng kanyang mga tauhan na mas pinaigting pa ng pulisya ang pagpapatupad ng COMELEC gun ban.

Aasahan umano ang mayat-mayang checkpoint ng pulisya sa bayan maging ang pag ronda sa mga kabarangayan.

Hiling naman ni P/Maj. Amotan sa mga residente ng Aleosan na tulongan sila sa pagbabantay kung may mga nakikitang kahinahinalang individual ay agad itong ipagbigay sa mga barangay o kayay sa kanilang himpilan.

Photo: Aleosan MPS

JUST IN|| BINATA NA SIDESWIPE NG LASING NA DRIVER NG MOTORAGAD na isinugod sa pagamutan ang driver ng motorsiklo at ang ...
05/09/2023

JUST IN|| BINATA NA SIDESWIPE NG LASING NA DRIVER NG MOTOR

AGAD na isinugod sa pagamutan ang driver ng motorsiklo at ang binatang na sideswipe nito kaninang pasado alas 7:00 ng gabi sa Km 125, La Esperanza, Tulunan, Cotabato.

Ayon sa impormasyong nakalap ng news team, kinilala ang binatang biktima na si alyas tonton na residente ng nasabing lugar habang kinilala naman ang driver ng motorsiklo na si Hesus Perez, nasa wastong gulang at residente diumano ng Barangay Minapan, Tulunan, Cotabato.

Napag-alaman na habang naka tayo si alyas ton-ton sa gilid ng highway dahil sa may hinihintay ng dumating ang naka motorsiklong si Hesus na pa zigzag umano ang takbo at aktong iilag pa ang binata ngunit naabot pa rin ito.

Sa ngaun ay ginagamot na sa pagamutan ang driver ng motorsiklo matapos magtamo ng mga galos sa katawan habang naka takda naman na isasailalim sa xray ang binatang na sideswipe nito.

Paalala naman ng Tulunan MPS na iwasan ang pagmamaneho ng lasing upang maiwasang ma aksidente.

Photo credit to the owner

TULAK NG DROGA MULA SA KORONADAL CITY, KALABOSO SA TACURONG CITYNASA kostudiya na sa ngayon ng Tacurong city PNP ang isa...
05/09/2023

TULAK NG DROGA MULA SA KORONADAL CITY, KALABOSO SA TACURONG CITY

NASA kostudiya na sa ngayon ng Tacurong city PNP ang isang le***an matapos na mahuli sa ikinasang buy bust operation ng pinagsamang pwersa ng City Drug Enforcement Unit ng Tacurong city PNP, SKPDEU, RSOG 12, at ng RID 12 kaninang alas 3:52 ng hapon sa Purok Way-waya, Barangay San Emmanuel, Tacurong city.

Kinilala ang nahuling suspek na si Rhea Lee Jerdaliza Pudadera alyas boy, 23 anyos, single, estudyante at residente ng Juan Luna Street Tandang Sora Zone 4, Koronadal city.

Nakumpiska sa suspek ang umabot sa apat (4) na sachet ng pinaniniwalaang shabu, maging ang dalawang empty sachet na may residue pa ng umanoy shabu, cellphone, motorsiklo na ginamit ng suspek at iba pang personal na gamit nito.

Ang nahuling si Pudadera ay kabilang sa mga nasa nasa listahan ng PDEA na Street Level Individual.

Tinatayang nasa 1.8 grams ang nakumpiskang shabu na may standard drug price na P12, 240.00.

Naka takdang sampahan ang suspek sa kasong paglabag nito sa article II of RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

PUBLIC ANNOUNCEMENTTO ALL COTELECO-PPALMA MCO'sPlease be informed that the NGCP has a power interruption on Sunday Septe...
05/09/2023

PUBLIC ANNOUNCEMENT
TO ALL COTELECO-PPALMA MCO's

Please be informed that the NGCP has a power interruption on Sunday September 10, 2023

Nine (9) hours power interruption in all COTELCO-PPALMA coverage area.

Sa tuwing malamig ang panahon may kasama tayo, ang kape na tiyak babalik ang ating lakas na hindi kumukupas.VY-MAX coffe...
05/09/2023

Sa tuwing malamig ang panahon may kasama tayo, ang kape na tiyak babalik ang ating lakas na hindi kumukupas.

VY-MAX coffee ,"isagad ang sigla"

Now available at Laforteza Pharmacy!Max Omega Plus!🫰
05/09/2023

Now available at Laforteza Pharmacy!

Max Omega Plus!🫰

05/09/2023

TINGNAN|| PINASALAMATAN ni Upper Bulanan Punong Barangay Dominador Saromines ang Max fm sa pagbigay ng pagkakataon na mabigyan ng kasiyahan ang kanyang Barangay ngayong papalapit na Barangay Patronal Fiesta.

Ang Max Kantahan sa Barangay ay programa ng Max Fm na nagbibigay aliw at saya sa bawat pamilya sa mga Barangay.

Ang Max Fm at Laforteza Pharmacy kasama ang BLGU Upper Bulanan ay nagsama sa isang aktibidad para sa pinalakas na partnership.

Sa mga taga Barangay Upper Bulanan Maraming Salamat po!.

ABANGAN bukas!.Ugnayan sa Barangay "One on One" with Bual Sur Punong Barangay Lauro RendajeTutukan sa DXDN 103.3 Max FM ...
05/09/2023

ABANGAN bukas!.

Ugnayan sa Barangay "One on One" with Bual Sur Punong Barangay Lauro Rendaje

Tutukan sa DXDN 103.3 Max FM Midsayap bukas alas 6:00 ng umaga.

05/09/2023
05/09/2023

KASALUKUYANG nakakaranas ng pag-ulan ang bayan ng Midsayap ngayong hapon.

UDM SECOND TRANCHE, IPINAMAHAGI NA SA 39 NA PAARALAN SA MIDSAYAP SINIGURO ni Mayor Rolando Rolly Ur da Man Sacdalan at V...
05/09/2023

UDM SECOND TRANCHE, IPINAMAHAGI NA SA 39 NA PAARALAN SA MIDSAYAP

SINIGURO ni Mayor Rolando Rolly Ur da Man Sacdalan at Vice Mayor Vivencio "Dok Toto" Deomampo Jr. na magpapatuloy ang libreng edukasyon para sa kanila sa pamamagitan ng UDM LEARRN o Unang Daan para sa Mag-aaral Localized Educational Ayuda for Responsible and Reliable New Generation.

Dahil dito ngayong araw ay tinanggap ng mga g**o kasama ang PTA officer mula sa tatlumpu't siyam (39) na pampublikong mababang paaralan sa bayan ng Midsayap ang 2nd tranche ng UDM LEARRN cash assistance para sa labinglimang libo at pitong daan animnapu't tatlong (15, 763) estudyante.

Habang sinabi ni Mayor Rolly "Ur Da Man" Sacdalan binigyang diin nito na isa ang edukasyon sa prayoridad nitong programa kaya inilunsad nito ang UDM LEARRN upang maibsan ang pangangailangan ng bawat pamilyang Midsayapeño na may anak na nag-aaral.

Dagdag pa nito na sa susunod na buwan, siya ay mag-iikot sa mga pampublikong paaralan sa bayan kasama ang ilang Punong Barangay upang aktwal na makita ang mga pangangailanganin ng bawat estudyante at paaralan.

Sa mensahe naman ni Municipal Administrator/GAD Focal Person Vergelita D. Guilaran, ipinaliwanag nito na ang naturang programa ay talagang ideya ni Mayor Rolly "Ur Da Man" para sa mga batang Midsayapeño kaya ito ay nilaanan ng malaking pondo ng Gender and Development Focal Point System.

Bukod dito, naglaan din ang UDM administration ng abot sa sampung (10) milyon na Special Education Fund (SEF) para matulungan ang mga paaralan sa kanilang mga infrastructure, sports, at Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE).

TINGNAN: NASUNOG ang nasa 25 ektarya ng lupain sa Socorro, Bucas Grande Island sa Surigao del Norte noong araw ng Linggo...
05/09/2023

TINGNAN: NASUNOG ang nasa 25 ektarya ng lupain sa Socorro, Bucas Grande Island sa Surigao del Norte noong araw ng Linggo.

Ayon kay Fire Officer 1 Lance Adrian Timcang, Socorro fire station investigator, ang bushfire sa Sitio Carbon, Barangay Del Pilar, ay naapula matapos ang higit sa pitong oras.

Ang insidente anila ay nagmula pa sa bukid, kung saan sinundan ng mabilis na pagkalat ng apoy dahil sa naranasang malakas na hangin.

Sa ngayon, patuloy pa rin na inaalam ang halaga ng pinsala na naidulot ng naturang Bushfire.

Samantala, sinabe ni Mayor Riza Rafonselle Taruc-Timcang ng bayan ng Socorro na ang naganap na insidente ang maituturing na pinaka malaking pinsala ng bushfire sa kanilang lugar.

Nakatakdang magpulong ngayong linggo ang lokal na pamahalaan ng Socorro at ilang ahensya na may kaugnayan rito upang bigyan din ng kaukulang responde ang mga apektadong residente.

via|| DCP News

TINGNAN: PRENISINTA ng Police Regional Office 12 ang ilang mga baril na umanoy isinuko ng mga opisyal sa Barangay ng Pik...
05/09/2023

TINGNAN: PRENISINTA ng Police Regional Office 12 ang ilang mga baril na umanoy isinuko ng mga opisyal sa Barangay ng Pikit, Matalam at Mlang ngayong araw ng martes kasabay sa isinagawang command conference sa lungsod ng Kidapawan.

Ang nasabing presentasyon ay bilang magpapakita na patuloy ang aktibong kampanya ng pulisya sa balik-baril program at ito din ay kaparte ng ginagawang paghahanda ng pulisya sa pagpapalakas ng siguridad at mapanatiling tahimik ang paparating na Barangay at Sanguniang Kabataan eleksyon 2023.

Saksi sa nasabing presentasyon ay ang hepe ng Police Regional Office 12 Director P/BGen. Jimili Macaraeg at iba pang matataas na opisyal ng PRO 12 at ng CPPO na pinangunahan ni Cotabato Provincial Police Office Director P/Col. Harold Ramos.

Photo| Dondon SB

HALOS 1 MILYONG HALAGA NG SOCIAL PENSION NG MGA SENIOR CITIZEN, NAIPAMIGAY NA SA ISINAGAWANG PAYOUT SA PIKIT, COTABATOUM...
05/09/2023

HALOS 1 MILYONG HALAGA NG SOCIAL PENSION NG MGA SENIOR CITIZEN, NAIPAMIGAY NA SA ISINAGAWANG PAYOUT SA PIKIT, COTABATO

UMABOT sa Php919,000.00 ang halaga ng naipamahaging pension ng MSWD at DSWD 12 katuwang ang PSWD Cotabato para sa mga kwalipikadong pensioners at mga hindi naka kuha ng kanilang Social Pension nitong 1st Semester kasama na ang mga replacement.

Umabot naman sa 347 mga lola at lolo ang matagumpay na naka-tanggap ng nasabing pension pay-out ngayong araw Setyembre 5, 2023 sa bayan ng Pikit, Cotabato.

Nagpasalamatan naman si Mayor Sumulong K. Sultan ang alkalde ng Pikit dahil para sa alkalde malaking tulong na ito sa mga seniors ng bayan upang dagdag pambili ng kanilang mga pagkain at gatas maging ng kanilang mga gamut at vitamins.

Dagdag pa ni Vice Mayor Muhyryn D. Sultan-Casi ito ay isa sa mga programa ng national government upang mas mabigyang ng tulong at maipadama sa mga Lolo at Lola lalo ang pagmamahal ng pamahalaan lalo na ngayong paparating na Elderly Week Celebration.

Pagkatapos ng unclaimed at replacement payout ay paghahandaan narin ng tanggapan ang 2nd Semester Payout para pa rin sa mga Social Pensioners sa bayan.

Photo|| MSWD Pikit

NEGOSYANTE BIKTIMA NG PAMAMARIL SA PIKIT, COTABATONAGPAPATULOY sa ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng Pikit MPS sa na...
05/09/2023

NEGOSYANTE BIKTIMA NG PAMAMARIL SA PIKIT, COTABATO

NAGPAPATULOY sa ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng Pikit MPS sa nangyaring pamamaril alas 11:45 kaninang umaga araw ng martes Setyembre 5, 2023 sa Public Market Brgy. Poblacion Pikit. Cotabato.

Sa panayam kay P/Maj. Arvin John B Cambang, hepe ng Pikit MPS kinilala ang biktima na si Renaldo O Jickain, nasa wastong gulang, negosyante at residente ng nabanggit na lugar.

Sa isinagawang imbestigasyon ng mga duty investigator, lumalabas na habang nasa kanyang pwesto ang biktima sa mismong palengke ng Pikit nang dumating ang isang lalake at binaril ang biktima ng maka ilang beses.

Agad na umalis ang suspek matapos ang pamamaril patungo sa hindi malamang dereksyon.

Nagtamo ng tama ng bala sa tiyan ang biktima mula sa isang hindi pa matukoy na uri ng baril habang mabilis na isinugod sa pinakamalapit na pagamutan ang biktima.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya sa nangyaring pamamaril habang nagsasagawa ng pag review sa mga kuha ng CCTV na malapit sa lugar kung saan nangyari ang pamamaril sa biktima.

HUSTISYA HILING NG PAMILYA LARGO SA PAGPATAY KAY JERRY NA EMPLEYADO NG DPWH, SUSPEK KINILALA NASANAY mabigyan ng agarang...
05/09/2023

HUSTISYA HILING NG PAMILYA LARGO SA PAGPATAY KAY JERRY NA EMPLEYADO NG DPWH, SUSPEK KINILALA NA

SANAY mabigyan ng agarang hustisya ito ang panawagan ngayon ng ama ni Jerry Largo Jr 30 anyos, ang empleyado ng Department of Public Works and Highways na pinagbabaril patay kaninang alas 8:10 ng umaga sa National Highway, Villarica, Midsayap, Cotabato.

Ayon kay Jerry Largo Sr. hindi niya lubos maisip na sa kamay ng mga mamamatay tao matatapos ang buhay ng kanyang anak na walang ibang alam kundi ang bahay trabaho dahil iisang tanggapan lang sila ng pinapasokan.

Nananawagan din si Ginoong Jerry Largo Sr sa alkalde ng Midsayap at sa hepe ng pulisya na sanay tulungan sila para makamit ang hustisya para sa kanyang anak.

Si Jerry Largo Jr ay administrative Aid 1 ng DPWH District 1 na pinagbabaril habang sakay ng kanyang Suzuki FJ110 na motorsiklo ng kinilalang suspek na si alyas “Nazir Ladtudan”, nasa wastong gulang at residente ng Barangay Upper Labas, Midsayap, Cotabato gamit ang isang Caliber .45.

Sa ngayon ay pinaghahanap na ng mga pulis ang umanoy suspek sa nangyaring pamamaril sa empleyado ng DPWH.

Si Largo ay ang ikatatlong biktima ng pamamari.

FLASH NEWS|| PATULOY ngayon na nilalamon ng apoy ang mga kabahayan at ilang business stalls sa Barter Trade, Governor Gu...
05/09/2023

FLASH NEWS|| PATULOY ngayon na nilalamon ng apoy ang mga kabahayan at ilang business stalls sa Barter Trade, Governor Guttierrez Avenue, Cotabato City.

For more updates please standby

JUST IN|| Shooting incident sa bayan ng Pikit, Cotabato.Kindly standby sa detalye
05/09/2023

JUST IN|| Shooting incident sa bayan ng Pikit, Cotabato.

Kindly standby sa detalye

05/09/2023

PAKINGAN|| Humihiling ngayon ng agarang hustisya ang pamilya Largo sa sinapit ng kanilang mahal sa buhay na si Jerry Largo Jr sa kamay ng riding in tandem criminals.

FLASH NEWS|| EMPLEYADO NG DPWH, BIKTIMA NG PAMAMARIL PATAYDEAD on arrival sa pagamutan ang isang administrative aid ng D...
05/09/2023

FLASH NEWS|| EMPLEYADO NG DPWH, BIKTIMA NG PAMAMARIL PATAY

DEAD on arrival sa pagamutan ang isang administrative aid ng DPWH matapos itong pagbabarilin ngayong umaga sa national highway, Brgy. Villarica, Midsayap Cotabato.

Sa esklusibong panayam ng Max Fm kay Jerry Largo Sr. tatay ng biktima nauna umanong umalis ang anak nito sa kanilang bahay para magtrabaho habang inihatid naman nito ang kanyang apo na anak ng biktima.

Nang pagdating sa eskwelahan ng apo naka tanggap ito ng balita na binaril ang anak.

Kinilala ang biktima na si Jerry Largo Jr, 27 anyos, may-asawa, at residente ng Sitio Largo, Barangay Lower Cabaruyan, Libungan, Cotabato.

Nagtamo ng ilang tama sa dibdib ang biktima na sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa nangyaring pamamaril.

TINGNAN|| Ang opisyal na pahayag ng ABS-CBN sa pagsuspende ng 12 araw sa programang its Showtime.
04/09/2023

TINGNAN|| Ang opisyal na pahayag ng ABS-CBN sa pagsuspende ng 12 araw sa programang its Showtime.

TINGNAN: Pinatawan ng 12 airing days suspension ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang "It'...
04/09/2023

TINGNAN: Pinatawan ng 12 airing days suspension ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang "It's Showtime."

(Photo courtesy: MTRCB)

Ugaliing painumin ang inyong mga anak nt IQZ Vitamins para tayo ay makakasiguradong sila ay malakas, malayo sa sakit, ma...
04/09/2023

Ugaliing painumin ang inyong mga anak nt IQZ Vitamins para tayo ay makakasiguradong sila ay malakas, malayo sa sakit, may ganang kumain at may mataas na IQ.

"Batang lamang sa lakas, may Resistinsya at Matalino pa"

Tuloy-tuloy ang saya at bumabalik ang iyong sigla mga Ka Max sa VY-MAX COFFEETONGKAT ALI BENEFITS: Increased Testosteron...
04/09/2023

Tuloy-tuloy ang saya at bumabalik ang iyong sigla mga Ka Max sa VY-MAX COFFEE

TONGKAT ALI BENEFITS:
Increased Testosterone Levels: Unlock your true potential! Tongkat Ali ramps up your testosterone levels, fueling your energy and strength.
Aphrodisiac Properties: Ignite the flames of desire! Tongkat Ali, the natural passion-booster, enhances your libido and intensifies your intimate moments.
Anti-Anxiety and Stress Reduction: Find serenity in the chaos! Tongkat Ali helps melt away stress and anxiety, leaving you calm, centered, and ready to conquer the day.
Weight Loss and Body Composition Improvement: Sculpt your dream physique! Tongkat Ali gives you the extra edge in your weight loss journey, supporting fat loss and improving body composition. Get ready to turn heads!

H***Y GOAT W**D refers to various herb species of the Epimedium genus, and may be known as "yin yang huo."
H***y goat w**d contains chemicals that might help increase blood flow and improve sexual function. It also contains phytoestrogens, chemicals that act somewhat like the hormone estrogen.
People use h***y goat w**d for erectile dysfunction (ED), sexual problems, weak and brittle bones, health problems after menopause, and other conditions, but there is no good scientific evidence to support any of these uses.

DAHIL SA TSISMIS, PINATAY SA KORONADAL CITY, SUSPEK BULUNTARYONG SUMUKO SA MGA PULISNASA pangangalaga na ngayon ng Koron...
04/09/2023

DAHIL SA TSISMIS, PINATAY SA KORONADAL CITY, SUSPEK BULUNTARYONG SUMUKO SA MGA PULIS

NASA pangangalaga na ngayon ng Koronadal city PNP ang lalakeng suspek sa pananaksak sa isang babae sa Purok Lower Cadidang, Barangay San Jose, Koronadal City.

Kinilala ang sumukong suspek na si Jayson Floyiho Bañes,22-anyos habang ang biktima ay kinilalang si Marilyn Pahilangga Lavapiez, 50-anyos,na pawang residente ng nabanggit na lugar.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ng Koronadal City PNP, dahil sa galit umano ni Bañes sa biktimang si Marilyn kayat nagawa niya itong saksakin hanggang sa mapatay.

May mga usap-usapan umano na kumakalat tungkol sa suspek na ang may kagagawan ay ang biktima kayat nagawa ito ng suspek.

Matapos ang krimin ay tumakas ang suspek ngunit kahapon ng hapon ay buluntaryong sumuko si Jayson sa mga pulis.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang gingawang imbestigasyon ng pulisya sa totoong motibo sa kabila ng pag-amin ng suspek na siya ang sumaksak sa biktima.

04/09/2023

INITIAL UPDATE|| 16 ANYOS NA LALAKE NATAGPUANG PATAY SA BAGUMBAYAN, SULTAN KUDARAT.

IKINAGULAT ng ilang residente ng Purok Bougainvillea, Barangay Sison, Bagumbayan, Sultan Kudarat ang pagkatagpo sa bangkay ng isang binatilyo alas 1:50 ngayong hapon., September 4, 2023.

Kinilala ang biktima na si James Paz, 16 anyos, estudyante at residente ng nasabing lugar.

Sa pakikipagpanayam ng Max fm sa mga residenteng nasa lugar, kagabi ay nagkaroon pa ng selebrasyon ng pyesta sa kanilang lugar ngunit kaninang umaga ay pinaghahanap na kanyang mga kaanak si alyas daboy matapos itong hindi naka-uwi.

Natagpuan na lang umano ang katawan ni alyas daboy ng mga residente sa madamo at bakanteng lote ng ilang residente na napadaan sa lugar.

Sa ngayon ay isinailalim na ang bangkay ng biktima sa post mortem investigation para malaman kung ano ang sanhi ng ikinasawi nito.

MISSING PERSON..!!!!NAME: ERIC LUMIKID MONDIALAST SEEN: AUGUST 28, 2023 @ Poblacion, Kabacan, CotabatoFOR ANY INFORMATIO...
04/09/2023

MISSING PERSON..!!!!

NAME: ERIC LUMIKID MONDIA
LAST SEEN: AUGUST 28, 2023 @ Poblacion, Kabacan, Cotabato

FOR ANY INFORMATION PLEASE CONTACT THE PNP HOTLINE

Contact• 09393393168.

FLASH NEWS|| UMANOY bangkay ng binatilyo ang natagpuan ngayong lang sa Barangay Sison, Bagumbayan, Sultan Kudarat.
04/09/2023

FLASH NEWS|| UMANOY bangkay ng binatilyo ang natagpuan ngayong lang sa Barangay Sison, Bagumbayan, Sultan Kudarat.

KAPITOLYO EMPLOYEES AT LGU, NAGTULONGAN SA PAGLINIS SA KAKATAPOS NA KALIVUNGAN FESTIVAL 2023MATAPOS ang matanggumpay na ...
04/09/2023

KAPITOLYO EMPLOYEES AT LGU, NAGTULONGAN SA PAGLINIS SA KAKATAPOS NA KALIVUNGAN FESTIVAL 2023

MATAPOS ang matanggumpay na 109th Founding Anniversary and Kalivungan Festival ng probinsya ay nagtulong-tulong ang mga kawani ng Provincial General Services Office (PGSO), Provincial Engineering Office (PEO) at ng Provincial Governor's Office (PGO) upang malinis ang compound at ang mga lugar kung saan isinagawa ang programa at para masig**ong walang maiwang kalat umabot sa dalawang "clean up drive" na ginawa ng mga kawani ng kapitolyo.

Ang naturang clean up drive activity ay sa pamamagitan ng direktiba ni Cotabato Governor Emmylou "Lala" J. Taliño- Mendoza na gawin agad ang paglilinis at pagliligpit ng mga basura matapos ang selebrasyon ng Kalivungan Festival 2023.

Ang hakbang na ito ay bahagi na rin ng programang isinusulong ni Governor Mendoza na mapangalagaan at mapreserba ang kapaligiran tungo sa malinis at malusog na pamayanan.

Kung saan sako-sako ng mga basura tulad ng plastic containers cellophane ang naipon ng mga sumali tinanggal din ang mga structures na ginamit sa street dancing competition, maging sa kumbira at arabian tents gamit ang boom at garbage trucks.

Tumulong din sa paglilinis ang mga empleyado at ilang indibidwal mula sa iba't ibang pamahalaang lokal na nakilahok sa Yaman ng Cotabato Tiangge, mga exhibitors at vendors.via|| PGO

Photos: PGO Cotabato

COTABATO PROVINCIAL GOVERNMENT, NANUMPA NANANUMPA na bilang bagong Provincial Treasurer ng probinsya ng Cotabato si Ms. ...
04/09/2023

COTABATO PROVINCIAL GOVERNMENT, NANUMPA NA

NANUMPA na bilang bagong Provincial Treasurer ng probinsya ng Cotabato si Ms. Gail V. Ontal kay Governor Emmylou "Lala" J. Taliño-Mendoza nitong unang araw ng Setyembre.

Ito ay matapos opisyal nang inilabas ng Department of Finance ang approved appointment ni Ontal na nilagdaan ni Secretary Benjamin E. Diokno noong August 22, 2023.

Ang mga karanasan nito bilang Municipal Treasurer sa loob ng 7 na taon sa bayan ng Libungan at 14 na taon naman sa bayan ng Mlang ay isa sa mga dahilan kung bakit ipinagkatiwala ni Governor Mendoza kay Ontal ang pamamahala at pagbabantay sa kaban ng probinsya.

Nagpapasalamat naman si Ontal sa suportang ibinigay ng gobernadora at nangangako na pagbubutihin nito na magampanan ang kanyang tungkulin at maibigay ang maayos at tapat na serbisyo para sa probinsya ng Cotabato.via|| PGO

Photo: PGO

MAYOR ROLLY SACDALAN, ISA-ISANG PINURI AT PINASALAMATAN ANG MGA NATANGGAP NA AWARD NG LGU AT NGO’s SA MGA NAKARAANG LING...
04/09/2023

MAYOR ROLLY SACDALAN, ISA-ISANG PINURI AT PINASALAMATAN ANG MGA NATANGGAP NA AWARD NG LGU AT NGO’s SA MGA NAKARAANG LINGGO

PORMAL namang itinurn-over ni Municipal Administrator Vergelita D. Guilaran kay Midsayap Mayor Rolly "Ur Da Man" Sacdalan ang parangal na iginawad sa kanya ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas bilang Best Local Chief Executive.

Itinurn-over din nito ang mga nasungkit na parangal ng LGU Midsayap sa Kalivungan Awards Day at una rito ang IDEAL level of Functionality (84.50%) dahil sa maayos na pagpapatupad ng mga programa sa Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (LCAT-VAWC). At pangalawa ang parangal sa LGU Midsayap bilang Top 1 sa Collection of Real Property Tax na may 105. 89% collection efficiency.

Samantala sa mensahe ni Mayor Rolly "Ur Da Man" binagyang pugay nito ang representasyon ng St. Jude College of Science and Technology Inc. sa Street Dancing Competition at ng Agriculture Elementary School sa Drum and Lyre Competition.

Inanunsyo naman nito na nasungkit ng LGU Midsayap sa Kalivungan Tiangge ang 2nd place sa Overall Yaman ng Bayan at 1st place sa Yaman ng Bayan - Top Sales (Non-food). Pagdating naman sa mga palaro sa selebrasyon ng Kalivungan Festival, itinanghal bilang kampeon ang LGBTQ sa ating bayan sa larangan ng volleyball at naging kampeon din ang Midsayap sa Basketball Tournament sa kategoryang above 40 Inter-municipality.

BANGSAMORO PROGRAM, SUPORTADO NG ADMINISTRASYONG SACDALAN AT NG LGU MIDSAYAPNAGKAKA-ISANG pamayanan ito ang isa sa mga h...
04/09/2023

BANGSAMORO PROGRAM, SUPORTADO NG ADMINISTRASYONG SACDALAN AT NG LGU MIDSAYAP

NAGKAKA-ISANG pamayanan ito ang isa sa mga hangarin ng administrasyon ni Mayor Rolly "Ur Da Man" Sacdalan at isa na dito ay ang mabigyan ng nararapat na programa ang ating mga kapatid na Bangsamoro upang higit na mapangalagaan ang kanilang kultura.

Kaya upang mapayaman ito, nagkaroon ng paligsahan sa pagbasa ng Qur'an sa Barangay Nes na pinangunahan ni Punong Barangay Malipodteg Macalido nitong ika-28 ng Agosto 2023.

Nilahukan ng apatnapung (40) indibidwal ang naturang kompetisyon na naglalayong hikayatin ang Bangsamoro lalo na ang mga kabataan sa pagsasaulo ng Banal na Qur'an at mas maisaayos ang tamang pagbigkas at pagbasa nito.

Samantala, nagpaabot naman ng pasasalamat si Punong Barangay Macalido kay Mayor Rolly "Ur Da Man" Sacdalan sa ibinigay nitong tulong at suporta upang maisakatuparan ang naturang aktibidad.

Gayundin din ang pasasalamat nito sa mga miyembro ng Bangsamoro Peace, Political and Administrative Affairs (BAPPAA) sa bayan ng Midsayap.

Address

Stall 211, Old Terminal, Poblacion 1, Midsayap North Cotabato
Kabuntalan
9410

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 103.3 MAX FM Midsayap posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to 103.3 MAX FM Midsayap:

Videos

Share

Category

Nearby media companies


Other Kabuntalan media companies

Show All