19/09/2024
DAKILA KA INAY 🤱💖💖💖
💁♂️Isang araw, umuwi si tatay na pagod na pagod galing sa trabaho. Derecho siya sa sofa. Agad-agad na humilata. Kinuha ang remote ng TV at inilipat ang palabas sa paborito niyang basketball game. Maya-maya ay enter frame na si nanay bitbit ang tsinelas ni tatay.
💁♀️“Honey, kumusta ang trabaho?” tanong ni nanay. “Heto, pagod na pagod. Ang daming deadlines. Gusto ko munang mag-relax ng konti,” sagot ni tatay. Ayaw na ayaw ni tatay ang maingay kapag nagpapahinga siya. Pero nung gabing iyon ay pasaway ang mga kapatid ko. Nagkukulitan sila at nagtatakbuhan.
🤦♂️“Mahal, pakisaway mo naman ang mga bata. Sumasakit ang ulo ko sa ingay nila,” ang sabi ni tatay.
🤱Sinubukan ni nanay na patahimikin ang mga kapatid ko pero hindi sila nakinig. Hindi sila maasikaso ni nanay dahil inihahanda niya ang hapunan namin. Ilang sandali pa, bigla na lamang nag-init ang ulo ni tatay.
🤷♂️“Ano ba kayo? Ang iingay niyo? Wala na ba talagang katahimikan sa bahay na to? Ikaw naman, hon, bakit hindi mo masaway yang mga anak mo,” pasigaw na sabi ni Tatay.
💁♂️Ang hindi alam ni tatay, maghapun ding pagod si nanay dahil sa paglalaba. Nagsabay na ang galit nila. Nag-impake si nanay ng mga damit niya at sinabi,
🤦♀️“Duon muna ako sa lola niyo. Bahala na muna kayo dito. Sawang-sawa na ako sa ugali ng tatay niyo,”
💁♂️Exit frame si nanay with matching kalabog ng pinto. Si tatay naman tuloy lang sa panonood ng TV.
🤦♂️Kinabukasan, si tatay ang nag-asikaso ng almusal namin. Siya ang naghanda ng babaunin namin at naghatid sa amin sa school. Napilitan siyang umabsent sa trabaho dahil walang mag-aalaga kay bunso. Matapos ang isang buong maghapon, napansin kong malalim ang iniisip ni tatay. Nang makatulog na ang mga kapatid ko ay saka na lang din siya nakapagpahinga. Sa sofa na naman siya dinatnan ng antok. Lalagyan ko siya ng unan nang makita ko ang isang liham sa mesa. Ang liham ay sulat-kamay ni itay at ganito ang sinasabi,
Mahal ko,
🤦♂️Pag-alis mo kagabi ay ako na ang nagpakain ng hapunan sa mga bata. Bago matulog ay nilinisan ko pa sila. Kinabukasan, nagpaalam na ako sa boss ko dahil walang mag-aasikaso sa mga bata. Napakahirap pala ng wala ka.
🤦♂️Naranasan kong magpaikot-ikot dito sa bahay kakahabol kay bunso. Dahil sa dami ng ginawa ko ay hindi ko na nakuha pang maligo. Matataranta ka pala talaga kung pagsasabay-sabayin mo ang paglilinis ng bahay, pag-aalaga ng bata at pagluluto.
🤦♂️Nakakabagot din palang matengga sa loob ng bahay na wala kang ibang kausap maliban sa anak mong sobrang kulit. Sa loob lamang ng isang araw ay naranasan kong mapagod ng todo-todo. Ang gusto ko lang gawin ngayon ay matulog ng bente oras na walang patid. Pero kapag nagising si bunso, tiyak babangon na naman ako.
🤦♂️Hon, isang araw lang akong pumalit sa pwesto mo. Pero sa loob ng isang araw ay naunawaan ko na agad kung bakit sa tuwing uuwi ako, tila mas mukha ka pang pagod kaysa sa akin na galing sa trabaho. Ngayon, nauunawaan ko na ang mga sakripisyo mo bilang isang ina at asawa. Ngayon ay tanggap ko na na mas mahirap pa ang papel na ginagampanan mo kaysa sa mga nagtatrabaho na gaya ko.
💁♂️Ang makulong sa loob ng bahay at mabuhay ng walang sariling kinikita ay talagang hindi madali. Hindi ka na makalabas kasama ng mga kaibigan mo, hindi ka na makapag-ehersisyo, hindi ka na makatulog ng matino sa dami ng ginagawa dito.
💁♂️Nauunawaan ko na din na hindi madali para sa isang magulang ang pangunahan ng ibang tao sa pagpapalaki sa anak mo. Wala nang mas nakakaalam pa ng tamang pag-aalaga sa bata maliban sa isang ina.
🤦♂️Mahal ko, sinulat ko ang liham na ito hindi lang para sabihin sayo na miss na miss na kita. Sumulat ako para ipahayag ang aking labis na paghanga sa iyong pagiging dakilang ina at mapagmahal na asawa.”
💁♂️Matapos kong basahin ang liham, hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala si nanay. Niyakap niya kami ni tatay ng mahigpit habang lumuluha siya ng walang patid.
💁♂️Kinabukasan ay bumalik na sa normal ang lahat. Masayang-masaya si tatay, wala nang disaster sa bahay dahil nakabalik na sa wakas ang aming pinakamamahal na nanay.
゚