16/01/2024
Iimbestigahan at pagpapaliwanagin ng mga awtoridad ang isang suspek na umano'y scammer at hacker na mga dayuhan ang binibiktima kung papaano siya nagkaroon ng mga ari-arian gaya ng mga lupain na aabot sa P100 milyon ang halaga.
Noong 2001, minsan na umanong binansagang "No. 1 hacker" sa Asya ang suspek, ayon sa pulisya.
Ayon sa awtoridad, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa kanilang "asset" kaya humingi sila ng search warrant mula sa korte para mapasok ang bahay ng suspek.
BASAHIN: https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/balita/894006/hacker-na-mga-dayuhan-ang-binibiktima-may-mga-ari-arian-na-aabot-sa-p100-m-ang-halaga-ayon-sa-pul/story/