31/07/2023
IPAPABUHAT SA IYO SA HULING ARAW ANG KINUHANG KUMISYON "kickback" MULA SA KABAN NG BAYAN❗❗❗
👉 Ang pagtatrabaho sa institusyon ng goberno ay kabilang sa tungkulin at tiwala na itatanong sa huling araw.
-Hindi karampatan sa sinuman na gamitin ito sa personal na interes❗❗
-Anumang nakuhang kumisyon mula sa mga transaksyon na labas sa iyong sahod tulad ng kickback, regalo, binawasan ang budget etc..ay kabilang sa katiwalian, pagnanakaw o pangungurakot❗❗
- ANG NASABING KUMISYON O REGALO AY IPAPABUHAT SA IYO SA HULING ARAW❗❗
👉👉 Mabigat-bigat din bubuhatin ang RAPTOR, F150, HILUX etc..
Ngunit, parang mas mabigat ata yong graba na ipinatambak mo sa iyong bahay❗😂😅
👉 Hadith: "Ipinadala ng Mahal na Propeta ang isang tao para lumikom ng Zakat at siya ay bumalik dala ang mga Zakat at kanyang sinabi sa Propeta: "Ito (Ang bahaging ito) ay para sa inyo at ito naman ay ibinigay na regalo para sa akin...
Sinabi ng Propeta: "kung nanatili lamang siya sa loob ng tahanan ng kanyang magulang (hindi bilang kawani) siya ba ay riregaluhan ng ganyan?!
Ako ay sumusumpa sa Allah, walang sinumang kumuha ng kumisyon maliban lamang na pagdating ng huling araw ay ipapabuhat sa leeg nito ang nasabing kumisyon.
Kung ang kumisyon ay kambing ay magbubuhat at tatahol na parang kambing,
Kung baka ay magbubuhat at tatahol na parang baka.
Dugtong pa ng Propeta: " O Allah akin ng naiparating (sa mga tao ang babala)" Inulat ni Imam Al-Bukhari
PAALAALA:
♦️ Kung ano ang naitala na budget o gagamitin sa isang proyekto ay huwag itong bawasan (slice) kahit piso kundi mapapabilang sa mga magnanakaw❗
♦️ Kung may ibibigay sa mga tao mula sa goberno ay huwag itong babawasan
♦️ Huwag gamiting personal ang pagmamay-ari ng goberno na labas sa paggamitan nito dahil kabilang ito sa kurapsyon (tulad ng sasakyan etc...
♦️ Ang tanging matatamaan ng post ay sila lamang na gumagawa nito at wala tayong pinapatamaan na natatanging tao❗
♦️Iwas lang sa pagbanggit ng pangalan katungkulan, tribu, grupo etc..
PINAGKUHANAN SA USAPIN:
حديث: "ان رَسولَ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عليه وسلَّمَ اسْتَعْمَلَ عامِلًا، فَجاءَهُ العامِلُ حِينَ فَرَغَ مِن عَمَلِهِ، فقالَ: يا رَسولَ اللَّهِ، هذا لَكُمْ، وهذا أُهْدِيَ لِي.....
فَوالَّذي نَفْسُ مُحَمَّدٍ بيَدِهِ، لا يَغُلُّ أحَدُكُمْ مِنْها شيئًا إلَّا جاءَ به يَومَ القِيامَةِ يَحْمِلُهُ علَى عُنُقِهِ؛ إنْ كانَ بَعِيرًا جاءَ به له رُغاءٌ، وإنْ كانَتْ بَقَرَةً جاءَ بها لها خُوارٌ، وإنْ كانَتْ شاةً جاءَ بها تَيْعَرُ، فقَدْ بَلَّغْتُ. فقالَ أبو حُمَيْدٍ: ثُمَّ رَفَعَ رَسولُ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عليه وسلَّمَ يَدَهُ، حتَّى إنَّا لَنَنْظُرُ إلى عُفْرَةِ إبْطَيْهِ" صحيح البخاري
✍️ Zulameen Sarento Puti