Ali Izz Well TV

Ali Izz Well TV Comedy. Good Vibes. Food. Travel. Song Cover.

"Binallay" Napakasimpleng delicacy. Gawa mula sa giniling na malagkit. Binalot sa dahon ng saging at lulutuin sa loob ng...
28/03/2024

"Binallay"

Napakasimpleng delicacy. Gawa mula sa giniling na malagkit. Binalot sa dahon ng saging at lulutuin sa loob ng dalawang oras o higit pa depende sa pagkakabalot nito. Tapos isasawsaw sa latik o "laro" sa amin kung tawagin na gawa naman sa gata ng niyog na mas masarap kung tagapulot o panutsa ang ihahalong pampatamis .

Napakasimple ang paraan ng paggawa at rekado ng binallay pero bakit sa bawat kagat at kain natin dito ay may kakaibang sarap na hindi natin maipaliwanag. Marahil, ito ay sa kadahilanang dito na nakapaloob ang kultura na ating nakagisnan. Ang tamis at lagkit ng alaala ng ating kabataan lalong lalo na kapag nakikialam tayo sa ating mga lolo at lola sa paghahanda nito. Makikipag-unahan sa paghango kapag luto na. Napalo pa nga ang kamay mo dahil nakikipag-unahan ka sa mga kapatid o pinsan mong kumain sa unang kudkod ng niyog na gagamitin pang gata o gagawing latik dahil ito ay masarap at makatas. Napaso ng namumulang baga o malakas na apoy habang sinusunog ang dahon ng saging na pambalot sa binallay. Tapos kapag madaming natitira sa binallay ay itatali at isasampay ito para hindi agad masira hanggang sa umabot na ito sa isang linggo o higit pa. Aminin mo kahit medyo matigas na, masarap pa rin ipartner sa kape.

Hanggang ngayon, ito pa rin yung nagbubuklod sa ating mga kapatid, kapamilya, kababayan at kaibigan lalong lalo na yung mga nasa malalayo dahil sa kanya kanyang trabaho. Hinahanap natin kapag tayo ay nagbabakasyon, o hindi naman hinahanda natin sa tuwing may espesyal na okasyon. Pero alam mo ba kung ano ang pinakasikretong sangkap nito kung bakit hindi tayo nauumay? Yung samahan, kwentuhan, kumustahan at tawanan habang ito ay nilalantakan. Yan ang nagpapasarap lalo sa binallay. Matamis na pagmamahalan at malagkit na samahan na ating nakagisnan.

Kayo? Anong kwentong binallay niyo. Gusto ko ring malaman 💙


23/03/2024

SUMMER NA!
Uso na naman ang swimming sa mga Group Chat

13/03/2024

Kaya pala di ma access ng wallet ko yung 200 kasi may bagong update

Giniginaw yung manok
09/03/2024

Giniginaw yung manok

05/03/2024

Nakasama natin si sir Berong the Bumbero



27/02/2024

Cause this angel has flown away from me 🎵

Anti agisubli nak man walis
25/02/2024

Anti agisubli nak man walis

24/02/2024

Masetas Festival performed by Grade 10 - BNHS

Address

Isabela

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ali Izz Well TV posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share