Bicol Today

Bicol Today Region V News and Updates

SA MGA GUSTONG UMUWI NG BICOL NGAYONG PAPALAPIT ANG KAPASKOHAN AT BAGONG TAON, ASAHAN ANG MABIGAT NA DALOY NG TRAPIKO ‼️...
18/12/2024

SA MGA GUSTONG UMUWI NG BICOL NGAYONG PAPALAPIT ANG KAPASKOHAN AT BAGONG TAON, ASAHAN ANG MABIGAT NA DALOY NG TRAPIKO ‼️

Siguradohin na may dalang sapat na pagkain dahil posibleng tumagal na halos 24 oras ang dating 12-oras lang na byahe dahil halos wala na galawan ang mga sasakyang pauwi ng Bicol.

Photo/s by N. Mingoy

LISTAHAN NG MGA AWARDEES NG 2024 SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE NG DILG, INILABAS NA ‼️NAGA CITY, LEGAZPI CITY, SORSOGON ...
14/11/2024

LISTAHAN NG MGA AWARDEES NG 2024 SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE NG DILG, INILABAS NA ‼️

NAGA CITY, LEGAZPI CITY, SORSOGON CITY at MASBATE CITY Awardees ng 2024 Seal of Good Local Governance ng DILG para sa mga City Government.

Habang ALBAY, CAMARINES NORTE, CATANDUANES at SORSOGON lamang para sa Provincial Government Awardees at hindi kasama ang Camarines Sur at Masbate.

BAGYONG   (MAN-YI) TUTUMBUKIN ANG BICOL REGION AYON SA PAG-ASA ‼️PAPASOK NG PAR ANG BAGYONG PEPITO MAMAYANG GABI OR BUKA...
14/11/2024

BAGYONG (MAN-YI) TUTUMBUKIN ANG BICOL REGION AYON SA PAG-ASA ‼️

PAPASOK NG PAR ANG BAGYONG PEPITO MAMAYANG GABI OR BUKAS NG MADALING ARAW AT MAGLALANDFALL SA BICOL REGION SA SABADO.

AYON DIN SA PAG-ASA AY POSIBLENG ITAAS SA SIGNAL # 5 ANG BAGYO KUNG MAGPATULOY PA ANG PAGLAKAS NITO HABANG NASA KARAGATAN PA.

PINAGIINGAT ANG LAHAT SA POSIBLENG MAGING DULOT NG BAGYO.

DONALD TRUMP PANALO BILANG US PRESIDENT SA KAKATAPOS LANG NA US ELECTION ‼️Panalo si Donald Trump laban kay Kamala Harri...
06/11/2024

DONALD TRUMP PANALO BILANG US PRESIDENT SA KAKATAPOS LANG NA US ELECTION ‼️

Panalo si Donald Trump laban kay Kamala Harris bilang Ika-47 na presidente ng Estados Unidos sa katatapos lang na US Election.

Una nang nanalo si Donald Trump bilang Ika-45 na pangulo ng US noong 2016, subalit dahil sa pagaabuso sa kapangyarihan ay naimpeach ito ng 2 beses noong 2019.

"Patawarin nyo sana si Mama sa lahat lahat mga anak ko. Walang kasing sakit. Mahal na mahal ko kayo. Mahal na mahal na m...
21/10/2024

"Patawarin nyo sana si Mama sa lahat lahat mga anak ko. Walang kasing sakit. Mahal na mahal ko kayo. Mahal na mahal na mahal. Patawarin nyo ang Mama. Napakasakit. Gisingin nyo na si mama sa masamang panaginip na to. Di ko na kaya".

Ito na lamang ang naging mensahe ni Myla Santillana sa 3 niyang anak ng masawi matapos ang isang malagim na trahedya sa Nueva Ecija.

October 19, 2024 sa oras ng 11pm ng pauwi na ng kanilang bahay sina Bunjoy 10 y/o, KL 6 y/o, Liway 3 y/o at Mikmik 2 y/o pagkatapos ng pinuntahan nilang 40-day memorial service ng kanila din na kapamilya, lulan ng kanilang tricycle na menamaneho ng kanilang ama na si Michael ng makabanggaan nito ang isa pang tricycle na nag resulta ng pagkasawi ng 3 batang biktima.

Lahat sila ay agad na isinugod sa ospital ngunit hindi na umabot pang buhay sina Bunjoy, KL at Mikmik.

Samantala ay nasa ospital pa ang kanilang ama na nasa kritikal na kondisyon.

Himalang hindi naman nag tamo ng anumang tama si Liway 3 y/o dahil umano ay prinotektahan ito ng kanyang kuya na si Bunjoy.

BREAKING NEWS ‼️ ISANG BABAENG ESTUDYANTE NG CSPC NABUA NAAKSIDENTE SA NABUA-BAAO DIVERSION ROAD ‼️ Base sa School ID ng...
09/10/2024

BREAKING NEWS ‼️ ISANG BABAENG ESTUDYANTE NG CSPC NABUA NAAKSIDENTE SA NABUA-BAAO DIVERSION ROAD ‼️

Base sa School ID ng biktima, ang kanyang pangalan ay Kristine Cassandra Babor Britanico at nakatira sa San Nicolas, Baao, Camarines Sur at siya ay nag aaral sa Camarines Sur Polytechnic Colleges, Nabua Campus.

Panawagan na kung sino man ang nakakakilala sa kanya ay agad ipaabot sa kanyang pamilya ang nangyari.

Ang biktima ay dinala sa Bicol Medical Center para sa atensyon medikal.

HEARTBREAKING NEWS ‼️ 22 KINDERGARTEN AT 3 G**O NASAWI MATAPOS MASUNOG ANG SINASAKYAN NILANG SCHOOL BUS SA THAILAND ‼️Ko...
02/10/2024

HEARTBREAKING NEWS ‼️ 22 KINDERGARTEN AT 3 G**O NASAWI MATAPOS MASUNOG ANG SINASAKYAN NILANG SCHOOL BUS SA THAILAND ‼️

Kompirmadong nasawi ang 22 na kinder na mag aaral at 3 g**o ng masunog ang sinasakyan nilang school bus matapos pumutok ang isang gulong nito at tumama sa isang barrier.

Galing ang nasabing school bus ng Wat Khao Phraya Sangkharam School sa isang field trip at pauwi na sana ang mga ito ng mangyari ang aksidente.

Lulan ang bus kabuoang 42 na sakay ngunit ang nasabing 25 na ibang sakay nito ay hindi na nakalabas pa ng buhay.

REST IN PEACE LITTLE ANGELS! 🕊

EARTHQUAKE ALERT: Isang Magnitude 6.1 na lindol ( ) ang yumanig kaninang 5:19 AM. Naitala ng PHIVOLCS ang episentro nito...
02/10/2024

EARTHQUAKE ALERT: Isang Magnitude 6.1 na lindol ( ) ang yumanig kaninang 5:19 AM. Naitala ng PHIVOLCS ang episentro nito sa layong 76 km Hilagang kanluran ng Bagamanoc (Catanduanes).

Naramdaman ang pagyanig sa Quezon, Bicol Region, at ilang bahagi ng Samar.

Narito ang mga naiulat na intensity ng paglindol:
INTENSITY IV (Moderately Strong) - Virac, CATANDUANES; City of Tabaco, ALBAY
INTENSITY III (Weak) - Mercedes, CAMARINES NORTE; Caramoan, and Sagñay, CAMARINES SUR; City of Sorsogon, SORSOGON
INTENSITY II (Slightly Felt)- General Nakar, QUEZON; City of Legazpi, ALBAY; Daet, CAMARINES NORTE; City of Iriga, Ragay, and Sipocot, CAMARINES SUR; San Roque, NORTHERN SAMAR
INTENSITY I (Scarcely Perceptible) - Jose Panganiban, CAMARINES NORTE; Claveria, MASBATE; Bulusan, SORSOGON; Gandara, SAMAR; Irosin, SORSOGON

Inaasahan din ang ilang aftershocks dala ng lindol na ito. Pinaalalahan ang lahat na mag doble ingat!

Source: ScienceKonek

26/09/2024

PAALALA ‼️ KUNG MAY SAKIT SA PUSO, HUWAG NG SUBUKANG TIGNAN ANG INYONG BILL SA KURYENTE GALING CASURECO III 🤣🤣🤣

LOOK ‼️ PRESYO NG KURYENTE SA IRIGA CITY AT SA IBANG LUGAR SA RINCONADA, MAS TUMAAS ‼️Mas lalong tumaas ang presyo ng ku...
24/09/2024

LOOK ‼️ PRESYO NG KURYENTE SA IRIGA CITY AT SA IBANG LUGAR SA RINCONADA, MAS TUMAAS ‼️

Mas lalong tumaas ang presyo ng kuryente ng Camarines Sur III Electric Cooperative, Inc. para sa buwan ng September.

Nitong buwan lang ay nag protesta ang LGU Iriga sa pangunguna ni Mayor Rex Oliva at Vice Mayor Edsel Dimaiwat para kwestiyunin kung bakit domoble bigla ang presyo ng kuryente sa buwan na Agosto.

Ngunit tila walang nag bago sa presyo ng kuryente ngayon dahil imbis na bumaba ay tila mas tumaas pa ito at umabot na ng P18.55/kWh.

Bilang isang simpleng mamayanan na naninirahan sa Rinconada, ano ang magiging reaksyon mo sa presyo ng kuryente sa lugar?

Mag comment ng inyong gustong iparating sa mga namamahala sa Casureco III, dahil kung mapapansin mo sa mga nila ay naka-off ang mga comment section dahil malamang alam na nila ang mga sasabihin na kanilang mga galit na consumers.

BREAKING NEWS ‼️ SANGGOL NATAGPUAN SA ISANG BAKANTENG LOTE SA NAGA CITY ‼️Natagpuan ang isang lalaking sanggol sa isang ...
18/09/2024

BREAKING NEWS ‼️ SANGGOL NATAGPUAN SA ISANG BAKANTENG LOTE SA NAGA CITY ‼️

Natagpuan ang isang lalaking sanggol sa isang bakanteng lote sa Zone-5, Matiway Street, Brgy. San Felipe, Naga City kaninang Alas-8 ng umaga.

Ayon sa imbistigasyon, may nag reklamo sa barangay hall tungkol sa mabahong amoy sa bakanteng lote kaya agad nila itong renespondehan at doon na lamang nila natagpuan ang nangingitim na na batang lalaki na nakasilid sa isang eco bag.

Sa ngayon ay patuloy pang inaalam ng mga otoridad kung sino ang mga magulang ng bata at sino ang may kagagawan ng krimen.

Photo/s by R. Siso

ALBAY ‼️ ISANG 17-ANYOS NA DALAGITA SA ALBAY NAPUTOLAN NG ULO MATAPOS MABANGGA NG TRAIN ‼️Patay ang isang dalagita ng ma...
11/09/2024

ALBAY ‼️ ISANG 17-ANYOS NA DALAGITA SA ALBAY NAPUTOLAN NG ULO MATAPOS MABANGGA NG TRAIN ‼️

Patay ang isang dalagita ng maputol ang ulo nito matapos mabanggaan ng train sa Brgy. Inarado, Daraga, Albay kagabi, September 10.

Kinilala ang biktima na si Fate Zamora Millare na Grade 12 student ng Lacag National High School.

Kinilala naman ang operator ng train na si Wilson Batac na residente ng Brgy. Triangulo, Naga City.

Sa ngayon ay patuloy parin ang imbistigasyon ng mga otoridad sa nangyaring aksidente.

02/09/2024

BREAKING NEWS ‼️ ISANG 9-BUWAN NA GULANG NA SANGGOL SA NAGA CITY, NALUNOD PATAY DAHIL SA BAHA NA DALA NG BAGYONG ENTENG ‼️

WEATHER UPDATE ‼️ BICOL REGION SIGNAL  # 1 NA ‼️SA ILALIM NA NG TROPICAL CYCLONE SIGNAL  # 1 ANG REGION BICOL AT IBANG L...
01/09/2024

WEATHER UPDATE ‼️ BICOL REGION SIGNAL # 1 NA ‼️

SA ILALIM NA NG TROPICAL CYCLONE SIGNAL # 1 ANG REGION BICOL AT IBANG LUGAR SA VISAYAS BASE SA INILABAS NA WEATHER UPDATE NG PAGASA.

BAGAMAT HINDI PAMAN ITO NAG LA-LANDFALL AY NARARAMDAMAN NA ITO SA BUONG REGION V-BICOL.

PINAPAALALAHANAN ANG LAHAT NA MAGING HANDA SA PAPARATING NA BAGYO PARA MAPANATILI ANG KALIGTASAN NG BAWAT ISA.

28/08/2024
IRIGA CITY ‼️ 27 SA 500 NA PINAGDRUGTEST NA MGA EMPLEYADO NG LGU IRIGA, POSITIBO ‼️Nag positibo sa isinagawang drugtest ...
21/08/2024

IRIGA CITY ‼️ 27 SA 500 NA PINAGDRUGTEST NA MGA EMPLEYADO NG LGU IRIGA, POSITIBO ‼️

Nag positibo sa isinagawang drugtest ang 27 sa 500 na empleyado ng LGU Iriga na ginawa noong Lunes.

Ang susunod na hakbang ay isasailalim ang mga nag positibo sa confirmatory test.

CAMARINES SUR WALANG PASOK DAHIL SA MALAKAS NA ULAN BASE SA PINALABAS NA MEMO NI GOV. LUIGI VILLAFUERTE ‼️ Base sa inila...
19/08/2024

CAMARINES SUR WALANG PASOK DAHIL SA MALAKAS NA ULAN BASE SA PINALABAS NA MEMO NI GOV. LUIGI VILLAFUERTE ‼️

Base sa inilabas na memo ni Gov. Luigi Villafuerte, walang pasok ang mga mag aaral sa buong CamSur dahil sa malakas na ulan, samantala sa Iriga City ay napakataas nang araw at walang senyales na uulan ng malakas.

Ikaw, taga saan ka? I-comment ang inyong lugar at kamusta ang kalagayan ng panahon.

IRIGA CITY ‼️ ISANG RIDER NAAKSIDENTE SA HARAP MISMO NG IRIGA CITY HALL, BIKTIMA MALUBHANG NASUGATAN ‼️ABANGAN ANG BUONG...
14/08/2024

IRIGA CITY ‼️ ISANG RIDER NAAKSIDENTE SA HARAP MISMO NG IRIGA CITY HALL, BIKTIMA MALUBHANG NASUGATAN ‼️

ABANGAN ANG BUONG DETALYE PAGKATAPOS NG IMBISTIGASYON.

Address

Iriga City
4431

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bicol Today posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Bicol Today:

Videos

Share