09/12/2024
๐๐๐๐๐ง๐ | ๐ฒ๐ฎ๐ฑ ๐ป๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐น ๐๐ฎ ๐๐ก๐๐ฆ, ๐๐๐บ๐ฎ๐ถ๐น๐ฎ๐น๐ถ๐บ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ๐ถ๐ด๐ฑ๐ถ๐ด๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฃ๐๐ฆ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฐ
๐ฏ๐ช ๐๐ฏ๐ฏ๐ฆ ๐๐ฆ๐ฏ๐ฏ๐บ๐ณ๐ช๐ป๐ข ๐๐ญ๐ข๐ฏ๐ช๐ต๐ข
Isinagawa ang malawakang pagsusulit o Program for International Student Assessment (PISA) 2024 nitong Disyembre 6, 2024 kung saan ilan sa mga kumuha ng pagsusulit ay mga mag-aaral mula sa Infanta National High School, isang pagsusulit na naglalayong sukatin ang kaalaman ng mga estudyante na nasa edad 15 pataas sa larangan ng Agham, Matematika, at Ingles.
Sa ginawang pagsusulit, tinatayang 625 na mag-aaral mula sa paaralan ang nakilahok sa inilunsad na PISA 2024. Ang pagtatasang ito ay magsisilbing instrumento upang matukoy ang mga suliranin sa sektor ng edukasyon. Ang mga resulta na nakalap sa pagsususlit ay gagamitin upang makabuo ng mas pinaigting na patakaran para mapabuti ang kalidad ng edukasyon.
Bago ang PISA 2024, ang paaralan at mga kaguruan mula sa INHS sa pangunguna ni Gng. Mitos Amadel S. Villamor, School Testing Coordinator ay nagkaroon ng masusing preperasyon upang maidaos ang pagsusulit na ito. Tiniyak naman ng paaralan na mayroong sapat at maayos na silid ang mga mag-aaral na kalahok sa pagsusulit.
Naging katuwang sa gawaing ito ang mga g**o mula sa Science Department na sina Gng. Julie Ann Verzo, Bb. Vanessa Marie P. Deasis, Gng. Maryson L. Yalung, at G. Mikhail George C. Peรฑaverde na nagsilbing room examiners na gumabay sa mga mag-aaral upang ito ay maisagawa.
โKinakabahan ako nung una at syempre first time ko mag-exam sa PISA, baka mahirap. Pero nung nabasa ko na yung mga tanong ay nawala na โyung kaba ko, I feel relieved na,โ ayon kay Izzy C. Gurango, mag-aaral mula sa INHS na sumailalim sa pagsususlit ng PISA.
Ang pagsasagawa ng PISA ay isang mahalagang hakbang para sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon, sinusuri nito ang mga kalakasan at kahinaan ng mga mag-aaral sa larangan ng akademiko. Sa pamamagitan ng mga magiging resulta ng PISA 2024, inaasahang magiging daan ito sa Kagawaran ng Edukasyon upang patuloy na magsikap at mas paigtingin pa ang ibaโt ibang programa para sa mas maayos na programang pang-edukasyon sa bansa alinsunod sa pandaigdigang pamantayan.