16/11/2024
PABATID SA PUBLIKO:
Alinsunod sa mga rekomendasyon mula sa Regional DRRM Council, DILG at MDRRM Council, ipinababatid sa publiko na mahigpit na ipatutupad ang ๐๐๐-๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐/๐ ๐
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ sa mga barangay na malapit sa panganib ng daluyong (coastal barangays), pagbaha (riverine & flood-prone barangays) at pagguho ng lupa (landslide-prone barangays) ngayong araw ng ๐๐๐๐๐๐จ, ๐๐จ๐๐ฒ๐๐ฆ๐๐ซ๐ ๐๐, ๐๐๐๐ ๐ฌ๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ ๐ข๐ค๐-๐ ๐ง๐ ๐ก๐๐ฉ๐จ๐ง.
Inaasahan ang pakikiisa ng lahat.
TANGGAPAN NG PUNONG BAYAN
Nobyembre 16, 2024
MEMORANDUM
Blg. 2024 - 296
PAGBABANDILYO AT PAGSASAGAWA NG PRE-EMPTIVE AT/O FORCED EVACUATION DAHIL SA BANTA NG DALUYONG, MALAKAS NA HANGIN, PAGBAHA AT PAGGUHO NG LUPA DAHIL SA BAGYONG โPEPITOโ
Batay po sa pinakahuling PAGASA Bulletin No. 9, kaninang alas 11:00 ng umaga, ika-16 ng November, 2024, nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa ating bayan dahil sa bagyong .
1. Dahil sa banta ng daluyong (storm surge), pagbaha (flooding), malalakas na hangin at pagguho ng lupa (landslide), sa inyo ay ipinababatid ang mga sumusunod:
A. PARA SA MGA NASA COASTAL AREAS (DINAHICAN, LIBJO, BOBOIN, ABIAWIN, BINULASAN AT PINAGLAPATAN)
โข Paghandaan ang posibleng mangyaring daluyong (o storm surge) sanhi ng bagyo
โข Mahigpit na ipinagbabawal ang pamamasyal at paglalangoy sa baybaying dagat sapagkat maaaring magkaroon ng pagtaas ng tubig o malakas na pag-alon.
โข maghanda, magpatibay at magtali ng mga bahay na pwedeng sirain ng bagyo;
B. PARA SA MGA NASA FLOOD-PRONE AREAS (BANTILAN, ILOG, CATAMBUNGAN, PINAGLAPATAN, BANUGAO, PILAWAY, AGOS-AGOS, COMON, POB. 38, POB. 39, INGAS, BATICAN)
โข Paghandaan ang posibleng mangyaring dagliang pagbaha dahil sa malakas na ulan na dulot ng bagyo at dahil na rin sa mababang ground elevation ng inyong lugar.
C. PARA SA MGA NASA LANDSLIDE-PRONE AREAS (MAGSAYSAY, GUMIAN, TONGOHIN, AGOS-AGOS)
โข Paghandaan ang posibleng mangyaring dagliang pagguho ng lupa mula sa bundok na sanhi ng malakas na ulan na dulot ng bagyo o masamang panahon at dahil na rin sa nakakalbo na nating kagubatan.
D. PARA SA MGA NASA WIND DAMAGE-PRONE AREAS (ALITAS, MISWA, MAYPULOT, ANTIKIN, BACONG, SILANGAN, LUAL, LANGGAS, CAWAYNIN, BALOBO, PULO, AMOLONGIN, BINONOAN, ANIBONG, TUDTURAN)
โข Paghandaan ang posibleng mangyaring malaking pinsala sa inyong mga pananim dahil sa malakas na hangin at ulan dulot ng bagyo o masamang panahon kaya't kung pwede na ay agarang anihin na ang inyong mga palay, gulay, at iba pang mga halaman upang hindi na mapinsala pa.
2. Sa inyong lahat ay ipinag-aatas ang pagsasagawa ng PRE-EMPTIVE AT/O FORCED EVACUATION ngayong araw, NOBYEMBRE 16, 2024 sa ganap na ika-3 ng hapon:
โข Maghanda at magsagawa ng paglikas ng ating mga vulnerable na kasambahay, gaya ng mga matatanda, may mga kapansanan at nasa banig ng karamdaman, mga buntis at nagpapasusong Nanay at mga babies/bata, upang madala na po sila sa ligtas na lugar o tapukan, bago pa po tumaas ang tubig sa ating Barangays;
โข Ilikas na ng maagap sa mga ligtas at matataas na lugar ang inyong mga alagang hayop (baka, kalabaw, kambing, baboy atbp.) at mga sasakyang panlupa at bangkang de-motor; at
โข Magdala ng e-balde (baruhan), emergency kits o GO bags na may lamang PPEs at face masks kontra Covid 19, sa ating paglikas sa mga evacuation centers o mga kamag-anakan po natin na may matataas at ligtas na bahay.
3. Ang mga Brgy. DRRMCs ay inaatasan na maging handa, panatilihing bukas ang mga Brgy. Halls at designated Evacuation Centers.
4. Magsagawa ng koordinasyon sa mga School Principals o Head Teachers sa mga paaralang inyong nasasakupan na pwedeng maging tapukan o Evacuation Centers din po ng ating mga kababayan.
5. Mag-establish ng community kitchen sa ating mga Barangays, para mahikayat ang mga ka-Barangay na lumikas ng maagap at maitawid ang kanilang pangangailangan sa araw na ito hanggang mamayang magdamag.
6. Para sa inyong kabatiran at mahigpit na pagtalima.
Source: LGU Infanta Facebook Post Link: https://bit.ly/4ewRuC2
Read Memo: https://bit.ly/3YRuyYb