17/12/2024
Perahin mo nalang.🫢
Yan ang mga linyahan ng mga kilala natin na kapag binigyan mo ng regalo, sasabihan ka pa nyan.
Diba ang toxic?😪
Naalala ko dati, 1st christmas ko na employed ako.
Nagpunta pa kami ng ate ko sa divi para mabilhan yung mga kamag-anak namin ng regalo. May listahan pa kami. 😆
Syempre di naman kalakihan ang budget namin, kaya yung iba worth 100 -300 lang per gift.
Grabe kakapagod yun, siksikan sobra!🥲
Tapos nung christmas, pagkabigay namin 🎁
babanatan kami ng "sana pinera mo nalang"
So...dedma nalang ako.😒
The next year ganun ulit. Ineffortan nanaman.
"Sana pinera mo nalang.."
So dedma nalang ulit.😌
The 3rd yr, inunahan na ako.
Yung akin, perahin mo nalang ha.
Ayun binigyan ko 200 pesos. HAHAHA!😆
tapos sabi, ano to pambata?🙃
So ayun...
Years later, tinigil ko na. Never na ko nagbigay. 😜
So anong lesson?
😆Pag ikaw nagbibibigay tapos di naman nappreciate, wag na.
At least diba, di ka na nagsayang ng pera, di ka pa napagod, Di ka pa nalait.
Tapos wala na expectations moving forward.
✅Pag ikaw naman binibigyan,
Thank you ka nalang.🤗
Yung pera na pinambili nila nyan, trinabaho din nila.
Baka nga galing pa sa OT nila yan.
Pwedeng hindi kamahalan, pero ineeffortan din nila yan.
Plus‼️ di naman porket Holiday, eh required na bigyan ka ng regalo, lalo na pera. 🫰
Plus plus‼️ di rin po required na magbigay ang ninong ninang, dahil hindi naman yun ang responsibilidad nila.
Pero kung meron, edi..
thank you! Thank you ambabait ninyo thank you!
ctto.