Invest and up

Invest and up Videos at tips tungkol sa pera, motivation o business.
(1)

Sa mga galit sa mundo at  wala sa mood pumasok ngayon.  Huwag maging ku**l at mandamay pa ng iba.
20/08/2024

Sa mga galit sa mundo at wala sa mood pumasok ngayon. Huwag maging ku**l at mandamay pa ng iba.

Survey muna tayo. Saan ka ba mas sasaya?
20/08/2024

Survey muna tayo. Saan ka ba mas sasaya?

Nasa iyo yan.
19/08/2024

Nasa iyo yan.

New upload..
18/08/2024

New upload..

May mga personal na impormasyon na hindi dapat ibinabahagi sa iba at sarilinin mo na lang. Hindi ko tinutukoy ang iyong asawa o tunay na pinagkakatiwalaang ...

18/08/2024

Kung nasa 20s, 30s 40s, 50s at 60s ka na at wala ka pang ipon. Narito ang ilan tips na gusto kong sundin mo. Sa video na ito ay nagbibigay ako ng mga praktical na paraan kung paano ka makakaipon ng pera sa bawat yugto ng iyong buhay.

Sa opinion nyo ba. Kasya ba ang 64 pesos daily meal per head? Kasi kahit gaano ka kagaling mag-budget ng pera o sweldo m...
18/08/2024

Sa opinion nyo ba. Kasya ba ang 64 pesos daily meal per head? Kasi kahit gaano ka kagaling mag-budget ng pera o sweldo mo. Di pa rin magkakasya yan.

Paano I-manage ang Pera bilang Mag-Asawa?1. Pag-usapan ang Tungkol sa Perao Ano ang inyong kita, gastos, mga ari-arian, ...
16/08/2024

Paano I-manage ang Pera bilang Mag-Asawa?
1. Pag-usapan ang Tungkol sa Pera
o Ano ang inyong kita, gastos, mga ari-arian, at utang?
o Alamin ang inyong mga paniniwala, saloobin, at damdamin tungkol sa pera.
o Pag-usapan kung paano kayo mag-allocate ng pera sa inyong pamilya at mga kaibigan.

2. Magkaroon ng Common Goal
o I-set ang mga goal sa pera bilang isang unit.
o Pag-usapan kung kailan at paano ninyo nais magkaroon ng mga anak at pagplanuhan ito.
o Magdesisyon kung nais ninyong bumili ng bahay at planuhin ito.
o Magtatrabaho ba kayo pareho sa labas ng bahay?
o Gaano kadalas ninyo gustong mag-travel? Paano ninyo ito pag-iipunan?
o Anong uri ng mga investment ang nais ninyong magkaroon? Ano ang inyong plano upang makuha ang mga ito?
o Kailan ninyo nais magretiro? Paano ninyo ito pinaplano?

3. Alamin ang Inyong mga Gastos
o Subaybayan ang lahat ng gastos kada buwan.
o I-check ang mga ito upang masiguro na naaayon ito sa inyong mga goal.

4. Magpatupad ng Money Management Strategy
o Magkakaroon ba kayo ng joint o magkahiwalay na mga bank account o pareho?
o Paano ninyo haharapin ang pagpapautang at pagbibigay ng pera sa mga pamilya at kaibigan?
o Paano ninyo pananagutin ang isa't isa kung sakaling mag-overspend kayo

5. Bumuo ng Plano sa Ari-arian
o I-update ang mga detalye ng benepisyaryo sa retirement, bangko, at iba pang mga account.
o Ibahagi ang access at kontrol sa mga joint na ari-arian.
o Humingi ng payo para sa mga desisyon sa pangangalaga sa kalusugan at iba pang estate planning.

https://youtu.be/r4oQIkB11kk
15/08/2024

https://youtu.be/r4oQIkB11kk

Sa video na ito, tatalakayin natin ang napakatimtimang tanong: "Obligasyon Ba Ng Anak Ang Magulang?" Ano nga ba ang mga responsibilidad ng anak sa kanyang mg...

7 Dahilan Kung Bakit Tayo Nag-overspend1. Tayo ay nag-overspend dahil masyado nang madali ang mag-swipe ng card o i-clic...
15/08/2024

7 Dahilan Kung Bakit Tayo Nag-overspend

1. Tayo ay nag-overspend dahil masyado nang madali ang mag-swipe ng card o i-click ang “buy” button.

2. Naniniwala tayo na katanggap-tanggap sa lipunan ang pagkakaroon ng utang.

3. Hindi natin tina-track ang ating mga gastusin, o kaya'y walang budget.

4. Ginagamit natin ang retail therapy bilang paraan para pansamantalang mawala o makalimutan ang sakit o problema.

5. Wala tayong malinaw na ideya kung magkano ang ating net income (matapos bayaran ang ating mga bill, buwis, at iba pang mga bawas bawat buwan).

6. In denial tayo tungkol sa ating sariling spending habits

7. Ang mga ads ay nagtutulak sa atin na bumili ng mga bagay na hindi natin kailangan. May takot tayo na mahuli, kaya't nag-overspend tayo upang makasabay sa iba.

Sweldo na!! Tapos wala naman pala matitira dahil sa dami ng bayarin..
15/08/2024

Sweldo na!! Tapos wala naman pala matitira dahil sa dami ng bayarin..

14/08/2024

Gusto mo ba magtrabaho HABANG BUHAY? Napakadaming habits natin ngayon na pwedeng makaapekto sa current at future finances natin sa negatibong paraan.
Kaya sa video na ito, aalamin natin ang mga habits na pwedeng makaapekto sa future finances mo na magtutulak sa iyo na magtrabaho habang buhay.

Baka hindi nyo pa napapanood ito...
14/08/2024

Baka hindi nyo pa napapanood ito...

Relax Ka lang, di naman kailangan na millionaryo ka na pagdating mo ng 30. Di naman ibig sabihhin na kung successful na ang iba na kasing edad mo ay dapat su...

Lagi kong naririnig ang kasabihang "Walang yumayaman sa pagiging empleyado," pero alam mo ba na marami din ang naghihira...
13/08/2024

Lagi kong naririnig ang kasabihang "Walang yumayaman sa pagiging empleyado," pero alam mo ba na marami din ang naghihirap dahil sa pag-nenegosyo? At marami din akong kilala na yumaman sa trabaho nila?

Ang totoo, maraming tao ang naghirap dahil sa pagnenegosyo. Maraming nalugi, nangutang, nagbenta ng mga ari-arian, at minsan pa'y nauwi sa pagiging homeless. Bilang empleyado, hindi mo kailangang mag-alala tungkol diyan dahil palaging may papasok na pera tuwing araw ng sweldo. Kung magsara man ang kumpanya, pwede kang lumipat at makahanap ng bagong trabaho—may sweldo ka na ulit. Kaya ba iyon ng mga negosyante?

Ito ang katotohanan sa negosyo: hindi mo alam kung bukas ay may panggastos ka pa. 😅
Kaya bago ka mag-resign, pag-isipan mo muna nang mabuti. Baka ang akala mong paraiso ay mauwi lang sa impyerno dahil nabulag ka sa matatamis na salita tungkol sa pagnenegosyo. 😉

HUWAG KALIMUTAN ANG MGA TAONG UNANG TUMULONG SA'YO...Kapag ang isang tao ay naging matagumpay na sa buhay, madalas ay na...
13/08/2024

HUWAG KALIMUTAN ANG MGA TAONG UNANG TUMULONG SA'YO...

Kapag ang isang tao ay naging matagumpay na sa buhay, madalas ay nakakalimutan na nila ang mga sakripisyo at tulong na ibinigay ng kanilang mga magulang at mga kapatid. Nakakalungkot isipin na matapos nilang makapagtapos ng pag-aaral at magtagumpay, lalo na kapag sila ay nag-asawa na, tila ang tanging iniintindi na lamang nila ay ang kanilang sariling pamilya. Sa ganitong sitwasyon, tila nawawala na ang pagpapahalaga sa mga magulang at kapatid na nag-aruga at nagtaguyod sa kanila.

Mahalaga na mahalin mo nang mabuti ang iyong asawa't anak, ngunit huwag mong kalilimutan ang lahat ng mga tumulong sa'yo. Sila ang mga nagtanim ng kabutihan at nagbigay ng suporta para sa iyong tagumpay. Hindi tama na kapag nagkaasawa ka na, puro asawa mo na lang ang iniisip mo. Ano na ang mangyayari sa mga taong nagsakripisyo at nag-alaga sa'yo?

Isipin mo, noong nag-aaral ka pa, sino ba ang nagpapaaral sa'yo? Hindi ba’t mga magulang mo at mga kapatid? Hindi ang iyong asawa. Kaya’t bakit mo ipagdadamot ang tulong at pagmamahal sa kanila? Hindi puro kamag-anak ng iyong asawa ang dapat makinabang. Dapat ay kasama sa iyong pagpapahalaga ang mga taong tumulong sa'yo mula sa simula. Huwag kalimutan ang mga nagpakahirap para sa iyong kinabukasan, dahil sila ang tunay na dahilan kung bakit ka narating ang iyong tagumpay ngayon.

12/08/2024

Marami tayong gawain sa pang-araw-araw na umuubos sa oras natin. Paano nga ba nauubos ang oras mo araw-araw? Alamin ang 10 nakakagulat na mga gawain na umuubos ng oras mo at kung paano ito maiiwasan! Sa video na ito, tatalakayin natin ang mga karaniwang habits na maaaring hindi mo namamalayan pero malaki ang epekto sa productivity at tagumpay mo. I-check ang mga tips at strategies para mas maging epektibo sa paggamit ng oras at makamit ang iyong mga goals.

Kung lagi mo nang sinasabi na 'balang araw' pero wala ka namang ginagawa para matupad ito, may magbabago ba sa buhay mo?...
11/08/2024

Kung lagi mo nang sinasabi na 'balang araw' pero wala ka namang ginagawa para matupad ito, may magbabago ba sa buhay mo? Huwag hintayin na masayang ang oras at pagkakataon. Simulan mo nang abutin ang mga pangarap mo ngayon, bago pa mahuli ang lahat.

Anong masasabi nyo?
11/08/2024

Anong masasabi nyo?

PILIPINAS, PANGALAWA SA MGA BANSA SA SOUTHEAST ASIA NA PINAKAMATAAS ANG KASO NG ADOLESCENT BIRTH RATE.

Ito ay base sa datos na inilabas ng Commission on Population o Popcom noong 2023.

Abangan ang dokumentaryo ni Kara David para sa . Mapapanood ito sa GMA Public Affairs YouTube Channel ngayong Lunes! Abangan din ang sneak peek sa Unang Hirit.

Mga tao na dapat mong iwasan. 1.  Energy vampire- kaya  nilang sirain ang araw mo sa pagiging negative nila.  2. Mga pa-...
10/08/2024

Mga tao na dapat mong iwasan.
1. Energy vampire- kaya nilang sirain ang araw mo sa pagiging negative nila.
2. Mga pa-victim- Ito yung mga ayaw umako ng responsibility but instead isinisisi nila lahat ang mga nagyayari sa kanila sa ibang tao.
3. Mga manipulator- iibahin nila lahat ng sinabi mo at gagawan ka ng kwento para maging pabor sa kanilang agenda.
4. Narcissist- ito yung mga taong tingin sa sarili ay sila lang ang magaling. Wala silang pakialam sa iba. Kundi sa sarili lang nila.
5. Opportunista - Ito ang mga taong lalapit lamang sa iyo kapag may kailangan sila o may makukuha silang benepisyo. Madalas silang magpanggap na kaibigan pero bigla na lang mawawala kapag wala na silang pakinabang sa iyo.
6. Mga Marites (Tsismoso/Tsismosa) - Mahilig sa tsismis at paninirang-puri, ang mga taong ito ay laging may opinyon sa buhay ng iba at hindi nag-aatubiling ipakalat ang mga impormasyon na hindi naman totoo o may bahid ng malisya na maaaring makasira ng reputasyon at relasyon.
7. Inggitero/Inggitera - Lagi silang naiinggit sa tagumpay at kasiyahan ng iba. Imbes na matuwa para sa iyo, pilit ka nilang hihilahin pababa at gagawin ang lahat para hindi ka magtagumpay.
8. Kontrabida - Kahit gaano kaganda ang iyong ideya o plano, laging may masasabi silang negatibo. Ang mga taong ito ay hindi kailanman sumusuporta at laging naghahanap ng mali.

10/08/2024

Maraming tao ang gustong kumita ng mas maraming pera upang mabuhay nang mas maganda.
Sinasabi nila sa kanilang sarili: "Kapag kumita na ako ng sapat na pera, saka ko na ipapamuhay ang buhay na gusto ko."
Pero iyon ay isang pagkakamali. Ang pamumuhay ng buhay na gusto nila ay dapat gawin ngayon, hindi bukas.

Ginugugol nila ang karamihan ng kanilang buhay sa pagtatrabaho, ngunit madalas nilang nalilimutan kung ano ang kanilang pinagtatrabahuhan.
Nagsisimula silang bigyan ng prayoridad ang trabaho at ang pagkita ng mas maraming pera nang walang dahilan, at iyon ay isang problema.
Gusto lang nilang magkaroon ng mas marami at mas marami pa, na walang malinaw na layunin.

Narito ang kuwento ng Mexican Fisherman upang ipaalala sa iyo na huminto sandali, at pag-isipan kung ano talaga ang iyong pinagtatrabahuhan, at kung ano na ang mayroon ka. Paminsan-minsan, dapat mong pagnilayan at muling suriin ang iyong mga prayoridad. Higit pa sa pera at trabaho ang buhay, sa totoo lang.

Kaya, magkano ba ang sapat?

Ipon din. Gamitin ang 50-30-20 budgeting style.
09/08/2024

Ipon din. Gamitin ang 50-30-20 budgeting style.

Tinulungan mo na tapos sisisihin ka pa.
07/08/2024

Tinulungan mo na tapos sisisihin ka pa.

07/08/2024

Bago kayo umuwi at mag- for good sa Pilipinas. Dapat ay meron na kayo ng 3 bagay na sasabihin ko sa inyo para naman kahit paano ay maging maginhawa ang buhay nyo pa rin pag-uwi ng Pilipinas.

Kung patuloy mong uubahin ang yabang  para lang ipakita sa mga tao na nakakaangat ka sa buhay. Mababaon ka talaga sa uta...
05/08/2024

Kung patuloy mong uubahin ang yabang para lang ipakita sa mga tao na nakakaangat ka sa buhay. Mababaon ka talaga sa utang..

Victim Mentality.. .
04/08/2024

Victim Mentality.. .

New video. I hope magustuhan nyo...
04/08/2024

New video. I hope magustuhan nyo...

Gusto mo ba magtrabaho HABANG BUHAY? Napakadaming habits natin ngayon na pwedeng makaapekto sa current at future finances natin sa negatibong paraan. Kaya ...

Ang happiness ay isang personal na concept at maaaring magkaiba-iba sa bawat tao. Habang ang ilan ay maaaring sukatin an...
03/08/2024

Ang happiness ay isang personal na concept at maaaring magkaiba-iba sa bawat tao. Habang ang ilan ay maaaring sukatin ang kasiyahan sa pamamagitan ng kanilang net worth at materyal na pag-aari, ang iba naman ay maaaring magbigay-pansin sa ibang aspeto ng buhay tulad ng personal growth, stable na relationship, o paggawa ng mga kontribusyon sa lipunan.

Piliin mo kung saan ka mas enjoy.
02/08/2024

Piliin mo kung saan ka mas enjoy.

Di madaling magnegosyo. Although akala ng marami na mayaman ka na kapag may negosyo ka, sa katotohanan, madalas na mag-i...
02/08/2024

Di madaling magnegosyo. Although akala ng marami na mayaman ka na kapag may negosyo ka, sa katotohanan, madalas na mag-iisip ka kung paano i-survive ang business mo, at ang perang kinita mo ay kadalasang napupunta sa pag-reinvest sa negosyo. Bukod pa rito, maraming hamon ang kinakaharap ng isang negosyante, kabilang ang kawalan ng oras, risk ng failure, at emosyonal na stress. Kadalasang lampas sa regular na oras ng trabaho ang ginugugol mo, at may mga pagkakataon na nalulugi ang negosyo. Ngunit sa kabila ng mga pagsubok na ito, marami pa rin ang pinipiling magnegosyo dahil sa kalayaang magdesisyon sa direksyon ng kanilang negosyo at sa potensyal na makamit ang mataas na kita. Sa tamang diskarte, tiyaga, at dedikasyon, ang pagnenegosyo ay maaaring magtagumpay at magbigay ng magandang kinabukasan.

01/08/2024

Money tips for 2024 from CEO and President of San Miguel Corporation business tycoon
Ramon S. Ang
ctto

Yung mas priority mo yung i-mantain ang image mo sa ibang tao kaysa magkaroon ng  maayos na bahay.     ctto
31/07/2024

Yung mas priority mo yung i-mantain ang image mo sa ibang tao kaysa magkaroon ng maayos na bahay.

ctto

Address

Imus
4103

Telephone

+639955343140

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Invest and up posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Invest and up:

Videos

Share

Category


Other Video Creators in Imus

Show All

You may also like