BIDA PROGRAM
MARAGONDON,CAVITE
Panoorin: Sumabak sa close air support exercise ang Philippine Marine Corps sa Ternate, Cavite kahapon. Nagpaputok ng mga rocket at .50 cal machine gun ang AW109 Helicopter ng Navy sa isang target. Ang naturang exercise ay bahagi ng Marine Aviation Support Activity (MASA) sa pagitan ng Philippine at U.S. marines.
#CavitePressCorps
#CaviteNews
Panoorin: Dumalo si Sen. Imee Marcos sa 17th Commencement Exercises ng Del Rosario Christian Institute sa Dasmariñas City Arena kaninang hapon. Inimbitahan siya bilang Guest of Honor at Speaker.
Pagkatapos nito ay nakipagdayalogo siya sa mga barangay captain at kawani ng sangguniang kabataan.
#CavitePressCorps
#CaviteNews
LIGA NG BASKETBALL, NAUWI SA GULO
Nagkatensyon sa isang liga ng basketball sa Brgy. Punta II sa Tanza, Cavite noong martes ng gabi.
Sa video, makikita ang isang player na sinugod ang referee. Sa sumunod na eksena, makikitang dinibdiban ng isa pang player ang referee. Nagpatuloy ang sagutan at murahan ng ilang player at manonood sa kalsada.
Ayon sa pamunuan ng Brgy. Punta II, nagkaroon ng batuhan matapos ang laro kung saan dalawa ang sugatan.
Nagkaharap na ang mga manlalaro na karamihan ay mga magkakaanak. Nadala raw sila sa init ng laro kaya nauwi sa awayan.
Pansamantalang ipinatigil ng Sangguniang Kabataan ang liga sa barangay.
Iniimbestigahan na kung sino ang mga sangkot sa batuhan. Nakipag-ugnayan na rin ang SK sa pulisya para magkaroon ng mga nakabantay na pulis sa susunod na laro.
Video Courtesy: Brgy. Punta II
#CavitePressCorps
#CaviteNews
APAT NA SASAKYAN, NAGKARAMBOLA: ISA, SUGATAN
Nagkarambola ang apat na sasakyan sa Panaysayan Bridge na bahagi ng Governor's Drive sa Trece Martires, Cavite kahapon. Kabilang sa sangkot ang isang pampasaherong bus, elf truck, kotse, at motorsiklo.
Base sa imbestigasyon, biglang tumigil ang truck nang madulas ang motor sa harap nito dahil sa ulan. Hindi raw agad nakapagpreno ang bus na nasa likod nito kaya tuluyang bumangga sa truck. Sa lakas ng pagkakabangga, natulak ng bus ang truck at nadamay ang kotse at isa pang motor.
Dinala sa ospital ang driver ng motor dahil sa itinamong sugat.
Video Courtesy: Jayson Gonzales Gevera
#CavitePressCorps
#CaviteNews
"GROUND BREAKING SA IMUS HOUSING PROJECT, DINALUHAN NI HOUSING CZAR JOSE RIZALINO ACUZAR"
Kasunod sa selebrasyon ng Pambansang Araw ng Watawat at paggunita sa ika 126 taong anibersaryo ng labanan sa Alapan, isinagawa rin ng Imus LGU ang groundbreaking ceremony para sa housing project na sisimulan nila para sa mga residente ng lungsod
May kabuuang sukat na 1.3 hektarya ang pagtatayuang lupa na makikita sa Barangay Malagasang 1-G, limang (5) midrise condo type building ang itatayo sa lugar na binubuo ng tig sampung (10) palapag o kabuuang 1,100 unit, na may sukat na 27 sqm. at nagkakahalaga ng 1.8 milyong piso, na payable naman within 30 years
Kumpleto rin daw ito sa amenities tulad ng clubhouse at basketball court, priority rin umano sa housing project na ito ang mga government employee na naninirahan sa lungsod ng Imus
Sa mensahe ni DHSUD CHIEF JOSE RIZALINO ACUZAR, sinabi nito na binibigyang katuparan nila ang pangarap ng Pangulong BongBong Marcos Jr. na ipagpatuloy ang nasimulan ng kanyang Ama na si Dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. na bigyang pabahay ang mga mahihirap na Filipino
Ganito rin ang nakikitang vision ni Imus City Mayor Alex Advincula na umano'y simula na ng katuparan ng pangarap ng mga ordinaryong mamamayan na magkaron ng disente at sariling bahay
"CREW NG FASTFOOD CHAIN, INAGAWAN NG BAG NG RIDING IN TANDEM"
Mag ingat sa mga riding in tandem na nanghahablot ng mga bag at mahahalagang gamit ng kanilang bibiktimahin, madaling araw kahapon (May 22) isang babaeng crew ng fastfood chain ang inagawan ng bag ng nga kawatan sa Barangay San Rafael 2 sa Noveleta Cavite, hinihinalang ang grupong ito rin ang responsable sa mga katulaf na pangyayari sa Kawit at Cavite City...
/RC
#CavitePressCorps
#cavitenews
#NoveletaCavite
#noveletamps
VIDEO CTTO
LALAKING SANGKOT SA PAGBEBENTA NG BABY, ARESTADO
Timbog ang isang lalaking sangkot sa bentahan ng mga sanggol sa buy-bust operation ng PNP-Women and Children Protection Center (WCPC) sa labas ng isang simbahan sa Dasmariñas, Cavite noong miyerkules.
Nasagip ng mga pulis ang baby na ibinenta ng suspek. Nahuli rin ang nanay ng sanggol na nagbenta sa lalaki.
Ayon sa Anti-Trafficiking in Person Division ng WCPC, ahente o broker ang lalaking nahuli sa operasyon. Napilitan umano ang nanay ng sanggol na ibenta ang sariling anak matapos silang abandonahin ng tatay. Dumayo pa ang nanay sa Dasmariñas mula sa Tondo, Maynila para makipagtransaksyon. Inabot ng dalawang linggo bago ikinasa ng mga operatiba ng WCPC ang buy-bust.
Mahaharap ang broker at ang nanay ng sanggol sa kasong paglabag sa Expanded Anti-Trafficking in persons act of 2022 na may parusang habambuhay na pagkakakulong.
Dagdag ng pulisya, nagiging kalakaran na raw ng ilang nabubuntis na ibenta ang kanilang anak imbes na ipalaglag. Dumarami rin ang kaso ng mga illegal adoption na tinatawag na 'online baby trade' kung saan sangkot ang ilang Facebook Groups.
#CavitePressCorps
#CaviteNews
LALAKING KAKANDIDATO SA PAGKAKONSEHAL, PINATAY NG RIDING-IN-TANDEM
Sapul sa CCTV ang pamamaril ng riding-in-tandem sa isang lalaki sa Brgy. Magdalo Potol sa Kawit, Cavite nitong sabado ng hapon.
Kinilala ang biktima na si Jose Luis Granados, isang negosyante. Kilala rin siya bilang "Papi Jholo".
Ayon sa Kawit Municipal Police Station, pinutahan ng dalawang salarin na naka-motor ang bahay ni Granados. Bumaba ang gunman at pinaputukan ng baril ang biktima. Agad namang tumakas ang mga suspek. Isinugod ang biktima sa ospital pero binawian ng buhay.
Away-pulitika ang nakikita ng pulisya na posibleng motibo sa pamamaril. May plano si Granados na tumakbo bilang konsehal sa Kawit sa 2025 sa ilalim ng Lakas-CMD party. Dati rin siyang tumakbo bilang congressman sa unang distrito ng Cavite noong 2019.
Kasalukuyan pang tinutugis ang mga suspek at inaalam pa ang kanilang pagkakakilanlan.
Sa isang Facebook post, kinundena ni Mayor Angelo Aguinaldo ang pagpatay kay Granados.
"Ipinaparating po natin ang ating masidhing pakikiramay sa pamilya, at mga kababayan nating nabahagian ng pagmamalasakit ng ating mabuting kaibigan, Papi Jholo Granados", ayon kay Aguinaldo.
Nag-alok naman si Cavite 1st District Rep. Jolo Revilla ng pabuyang P500,000 sa makakapagturo sa mga suspek.
"Si Jholo "Papi" Granados ay kilalang mabait at matulungin na kababayan sa kanyang barangay at sa bayan ng Kawit", dagdag ni Revilla.
#CavitePressCorps
#CaviteNews
"BARANGAY TREASURER AT BARANGAY BOOKEEPER, SA KULUNGAN NA AABUTIN NG MOTHERS DAY MATAPOS ARESTUHIN DAHIL SA PAMEMEKE NG TSEKE"
IMUS CAVITE - Bistado ang modus operandi ng isang Barangay Treasurer at kasabwat nitong accounting staff/Bookeeper ng City Government of Imus, matapos mabuking ng mismong Barangay Chairman ng Medicion 1-B, ang katiwalian ng mga ito
Ang modus ng mga suspek, palsipikahin ang halagang nakalagay sa iniisyung tseke ni Chairman, gamit ang magic pen, pero kahapon ay umabot na sa hantungan ang kabulastugan ng mga suspek, matapos silang mag encash ng dalawang tseke sa bangko na nagkakahalaga ng halos 250,000 pesos
Nabisto ang mga suspek na sina Barangay Treasurer @RHEA at Imus LGU accounting staff/bookeeper na si @JACKIE, matapos tumawag ang bangko kay Chairman at bineripika ang halagang na-encash ng mga suspek
Lumalabas na April ng nakaraang buwan ng inisyu ni Chairman ang dalawang tseke, pero inipit ng mga suspek ang tseke at pinalsipika ang halaga at petsa nito at ginawang May 10, 2024 kung saan nga nila ito na encash kahapon
Hawak ng Imus Component Police Station ang mga na encash na tseke kahapon, pero bukod riyan ay may mga narekober pang tseke si Chairman na may petsang December 29,2023, at may mga check number na 0003019519 at 0003019524, nagkakahalaga ang mga ito ng 126,000 pesos at 125,130,00 pesos ayon sa pagkakasunod
Ipinakita ni Chairman sa CAVITE PRESS CORPS ang kanyang log book sa mga narekober nyang tseke, lumalabas na nagkakahalaga lamang ang mga ito ng 9,000 pesos para sa eco aid project ng Barangay at 1,300 pesos pambayad naman ng internet connection, maliwanag na dinoktor ng nga suspek ang mga halaga at petsa ng nga nasabing tseke
Ayon sa Imus Component Police Station, nahaharap ang mga suspek sa mga kasong Malversation of Public Funds and Property at Falsification of Public Documents, may katumbas umano itong anim na taon hanggang habang buhay na pagkakakulong depende sa magiging desisyon ng Fiscal na hahawak ng kaso, sa L
TRAFFIC ENFORCER, PATAY SA PAMAMARIL
Patay ang isang traffic enforcer matapos tambangan ng riding-in-tandem sa Brgy. Talaba IV sa Bacoor City, Cavite kagabi.
Kinilala ang biktima na si Edgar Domingo.
Base sa imbestigasyon ng Bacoor City Police, nagmamando ng trapiko ang enforcer sa intersection sa Zapote Kalinisan Road bandang 8:30PM kagabi. Nilapitan siya ng dalawang mga suspek na sakay ng motor at saka ilang beses na pinaulanan ng bala. Agad na tumakas ang mga suspek papunta sa direksyon ng Talaba Aguinaldo Highway. Naisugod sa ospital ang enforcer pero idineklarang dead on arrival ng doktor.
Hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek. Ang rider ay huling nakitang nakasuot ng itim na helmet, magkahalong white/black na jacket, at pantalon. Ang angkas naman nito ay nakitang nakasuot ng silver na half face helmet, itim na jacket at pantalon.
Patuloy pang tinutugis ang mga suspek at iniimbestigahan pa ang kanilang motibo sa pamamaslang.
(Viral Video)
#CavitePressCorps
#CaviteNews
DOH NAGBAKUNA NG HIGIT 150 BATA KONTRA POLIO SA BAYAN NG NAIC CAVITE
Bilang bahagi ng pag bibigay ng wasto at ligtas na bakuna sa mga bata ay isinagawa ng Department of Health ang pagbabakuna sa mga bata mula 0-59 months old kontra polio sa bayan ng Naic Cavite
Napili ng DOH ang bayan ng Naic dahil sa nakalipas nag tatlong taon ay tumaas ang bilang ng mga bata na kailangan mabakunahan
Ayon kay Dr. Ma. Carolina Matel ang municipal health officer ng Naic ay umaabot na sa labing apat na libong bata ang target na mabakunahan sa loob lamang ng dalawang buwan na mag uumpisa ngayong buwan ng Mayo hanggang hunyo
Aminado si Dr. Matel na ito ay hamon sa kanilang grupo na mabakunahan ng lahat ng mga bata, magtutungo rin sila sa bawat barangay upang mag bahay-bahay para magbakuna .
Paalala rin sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak upang makaiwas sa malalang sakit na polio
"MGA MENOR DE EDAD, 1 PATAY 1 SUGATAN SA PAGSALPOK NG KANILANG MOTORSIKLO SA STEEL GATE"
Isa ang patay habang isa ang sugatan, matapos sumalpok sa steel gate ang isang motorsiklo, sa Barangay Bancaan sa bayan ng Naic Cavite
Sa kuha ng cctv, makikita ang biglang pagsalpok ng single motorcycle sa bakal na trangkahan (gate) ng isang residential house, sa lakas ng impact, bumukas pa ang bakal na gate at pumasok pa ang motorsiklo sa bakuran ng bahay
Tumilapon naman ang mga sakay nitong sina @REY (17yo), driver, at backrider na si @MICA (15yo), na kapwa nagtamo ng pinsala sa katawan at mabilis na isinugod sa ospital
Sa kasamaang palad, deklaradong dead on arrival ang babaeng backrider, na halos nabali ang kalahating katawan
Ayon sa imbestigasyon, galing sa isang party anh dalawa at nasa impluwensya pa ng alak ang driver ng mangyari ang aksidente, Gayunma'y wala ng demandahang magaganap sa pagitan ng magkabilang panig, na ayon sa pulisya ay pinag usapan na lang daw ang pananagutan ng isa't isa sa nangyaring aksidente
/RC
CCTV CCTO
#CavitePressCorps
#cavitenews
#NaicMPS
HAPPY BIRTHDAY 🎉🎉🎉🎂🎂🎂
PCOL ELEUTERIO M. RICARDO JR.
Provincial Director ,Cavite PPO
from:
CAVITE PRESS CORPS
Panayam kay Dr. Nelson Soriano, Provincial Health Officer I, ukol sa pertussis cases sa Cavite at sa tugon ng provincial government.
May panawagan ang LGU sa publiko lalo na sa mga magulang na may baby.
#CavitePressCorps
#CaviteNews
#PertussisAwareness
(BABALA, SENSITIBONG VIDEO)
LOLA, PATAY MATAPOS MAGULUNGAN NG TRUCK
Dead on the spot ang isang lola matapos magulungan ng fuel tanker truck sa Brgy. Tejeros Convention sa Rosario, Cavite kaninang 1:50PM.
Kinilala ang biktima na si "Erma", 60-anyos at residente ng lugar.
Sa kuha ng CCTV mula sa barangay, nakitang tumawid ang ginang hanggang sa nasagasaan ito at pumailalim sa truck. Sa ulo nagulungan ang biktima kaya agad siyang namatay.
Ayon sa Rosario Municipal Police, hindi napansin ng driver ng truck na si "Mic" ang babae dahil nasa blindspot ito.
Hawak na ng pulisya ang driver na mahaharap sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide.
(Video Courtesy: Brgy. Tejeros Convention/Jeff Pugong)
#CavitePressCorps
#CaviteNews
Panoorin: Isinagawa ng mga nagpenitensya sa Rosario, Cavite ang pagpapalo ng palito sa kanilang likod bilang pagpapakita ng pagpapahirap kay Hesu Kristo bago ipako sa krus. Nagsuot sila ng pantakip sa mukha habang naglalakad ng nakayapak. Mahigit 1km ang kanilang nilakad bago marating ang simbahan ng San Isidro Labrador Parish Church sa Brgy. Ligtong I. Lumuhod at dumadapa sila sa harap ng simbahan bilang tanda ng pagsisisi at pagpapakasakit sa kasalanang nagawa.
#CavitePressCorps
#CaviteNews
Naaresto ng mga tauhan ng Cavite Provincial Anti-Cybercrime Response Team ang isang suspek sa Binan Laguna matapos nitong umorder ng mga sapatos online at magbayad sa pamamagitan ng pekeng mga online receipts mula sa kanyang e- wallet app. Ayon sa biktima, na siyang may ari ng isang kilalang shoe store sa Kabite, nagsimulang umorder ang suspek sa kanila noon pang buwan ng enero at kanila namang ipinapadala ang mga nabibiling sapatos sa pamamagitan ng kanilang rider courier, natuklasan na lamang nila na peke pala ang mga e-reciepts na kanilang natatanggap ng magsimula silang magsagawa ng auditing nitong buwan ng pebrero na umabot na humigit kumulang Php200,000.00.
Dahil sa pangyayari ay nagsadya silang lumapit sa opisina ng Cavite Anti Cybercrime CPACRT at dito na ikinasa ang isang entrapment operation na pinangungunahan ng kanilang hepe na si PMAJ MARIZ ROXANNE DATILES-CARAAN at tuluyan ng nadakip ang suspek matapos ulit nitong tanggapin ang nasabing sapatos na kanyang muling inorder at nagpadala muli ng pekeng e-receipts. Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Binan Police Station at nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Article 315 ng Revised Penal Code o Swindling Estafa in relation to sec 6 of RA 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012.
"Ang Cavite Anti-Cybercrime Police ay inyong kasama sa pagsugpo ng ganitong uri ng mga krimen online, katuwang ng LGU Imus ay nasawata agad natin ang ganitong uri ng pananamantala at pangloloko sa ating mga kababayan, makakaasa po kayo na itong krusada ng PNP ACG laban sa mga Cyber Criminals ay magpapatuloy upang tugunan ang problema sa lumalaganap na cybercrimes." - PMAJ DATILES-CARAAN.
-Cavite Provincial Anti Cyber Crime Group
#CaviteNews
#CavitePressCorps
"CHOP-CHOP NA KATAWAN NG LALAKE, TUMAMBAD SA GILID NG EXPRESSWAY SA SILANG CAVITE"
Walang ulo, at wala ring mga braso at binti ang chop-chop na bangkay ng isang lalake nang matagpuan sa waterways ng CAVITE-LAGUNA EXPRESSWAY (CALAX) na sakop ng Barangay Kaong sa bayan ng Silang Cavite, mag aalas siyete kagabi (March 18)
Ayon kina PCapt Connie Susmerano (Silang MPS PIO) at Pcpl Ralph Jayson Santos, may hawak ng kaso, ilang motorista umano ang nakalanghap ng masangsang na amoy sa lugar at agad ipinagbigay alam sa tollways
Sa pagresponde sa lugar, bumulaga ang isang garbage bag na naglalaman sa putol ma katawan ng hindi pa nakikilalang biktima, may mga palatandaan ng mga sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan at tinatayang inabandona ng nga suspek sa lugar ng mga tatlo hanggang apat na araw na
Bukod sa tattoo na "yinyang" at "hasmin" sa kaliwang dibdib, wala ng ibang pagkakakilanlan sa natagpuang bangkay, na medyo malaki ang bulto at halatang matangkad ang biktima kahit pa nasa estado na ng decomposition ang katawan nito
Sa kasalukuyan ay nangangalap ng mga cctv sa CALAX at mga pangunahing lansangan sa Aguinaldo Highway ang Silang Municipal Police Station habang hinihintay rin nila ang magiging resulta ng autopsy report sa bangkay ng biktima
Sa ngayon ay humihingi rin ng tulong sa Media ang Silang MPS para mapakalat ang mga larawan ng biktima, umaasa sila na may mga posibleng makakilala sa mga tattoo nito sa dibdib na magihing daan para matukoy ang pagkakakilanlan nito
/RC
#cavitepresscorps
#cavitenews
#SILANGMPS