The South Travel

The South Travel PLACES TO GO AROUND THE SOUTH

☕️NEW CAFÉ ALERT IN AMADEO,CAVITE‼️Nakapag Kape ka na ba sa Mas Pinaganda at Mas Pina Level Up na Cafe Amadeo?Uy Have yo...
07/07/2024

☕️NEW CAFÉ ALERT IN AMADEO,CAVITE‼️
Nakapag Kape ka na ba sa Mas Pinaganda at Mas Pina Level Up na Cafe Amadeo?

Uy Have you visited the Newest Cafe in Amadeo,Cavite? Dito lang yan sa Banay Banay! Yes Sila yung Pinag Mamalaki ng Cavite na Cafe Amadeo! At mas pinaganda yung Ambiance ng Cafe nila

🥗Must Try Foods And Drinks

🍝Spaghetti meatballs
🥪Meaty clubhouse
🐟Tuna Pasta
🇵🇭Suman sa lihiya
🥕Carrot cake
🍝Chicken Alfredo
🍒Blue Raspberry soda
🥝Passionfruit soda
🍏Greenapple soda
🍓Strawberry soda
🌰Hazel Nut
🇪🇸Spanish Latte

May Pasalubong Center din sila dito kung saan makakabili ng ibat ibang Caviteño Products!

🏡Indoor and ALfresco Dining
🚗 With Parking Space

📍Brgy. Banay-Banay Amadeo, Cavite
🕗 8AM-7PM (Everyday)

13TH MONTH PAY, KAILANGAN IBIGAY NG  MAS MAAGA AYON SA DOLENakiusap ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga...
08/11/2023

13TH MONTH PAY, KAILANGAN IBIGAY NG MAS MAAGA AYON SA DOLE

Nakiusap ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga negosyante na ibigay nang mas maaga ang 13th month pay ng mga empleyado. Ayon kay Labor Secretary Beinvenido Laguesma, ito'y para mas maaga ding makapag-budget ang mga empleyado para sa darating na kapaskuhan.

"Although meron silang elbow room na hanggang December 24, sana magbigay sila nang mas maaga. Kung maaari nga, unang linggo pa lang ng Disyembre nang hindi naman magkumahog ang ating mga manggagawa at kanilang pamilya sa pagba-budget," ani Laguesma.

PABAHAY PARA SA MGA TRECEÑO!! 💚💚💚✅ MOA Signing Ceremony for 4PH MGBL ResidencesBlessed day, Treceños! 📌 October 2023The ...
08/11/2023

PABAHAY PARA SA MGA TRECEÑO!! 💚💚💚

✅ MOA Signing Ceremony for 4PH MGBL Residences

Blessed day, Treceños!

📌 October 2023

The signing of Memorandum of Agreement between Developer (Vision 3000 Builders) and LGU Trece Martires finally happened. It is the initial step in the 4PH Program's process of constructing and dispensing affordable, accessible, safe and resilient homes targeted beneficiaries, especially the Informal Settler Families and renter who are low-income earners.

Trece Martires pledged its support for the Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing Program or 4PH Program of Marcos administration through the leadership of the Department of Human Settlement and Urban Develoment or DSHUD.

Eligible beneficiary will have access to affordable financing options for the 4PH Program under the Pag-Ibig Fund or HDMF. Aside from providing houses under the project, its residents could also have access to community facilities as well as livelihood program.

The project location is at Brgy Inocencio, Trece Martires City near Bria Homes, A PROPOSED 4-STOREY LOW-COST RESIDENTIAL DEVELOPMENT. To ensure the successful implementation of this program, we are dedicated to collaborate with the Developer/Contractor, Vision 3000 Builders Inc.

We believe that everyone deserves a safe and secure place to call home and we are committed to making that a reality.

For inquiries, kindly proceed to Local Housing Office, Ground Floor, Cityhall Building.
Or message at Fb LocalHousing Trece

Be blessed,
Be a blessing!

Bagong Trece,
Puso ng Cavite,
Lungsod ng Pag Asa!




❤️MGBL

📸 Mayor Gemma Buendia Lubigan

TINGNAN | BUHAY NA BUHAY ANG SPORTS SA CAVITE CITY Nito lamang November 2, 2023 ay opisyal nang binuksan ang kauna-unaha...
08/11/2023

TINGNAN | BUHAY NA BUHAY ANG SPORTS SA CAVITE CITY

Nito lamang November 2, 2023 ay opisyal nang binuksan ang kauna-unahang fiesta league sa Cavite City na sinalihan ng 10 iba’t-ibang teams mula sa ibat-ibang lugar sa Pilipinas.

Ang nasabing fiesta league ay pinangunahan ni Mayor Denver Chua, Vice Mayor Raleigh Rusit, sports committee chairman and Councilor Renan Montano, team unlad Cavite City at ng Cavite City Basketball Association.

Ayon kay Cavite City Mayor Denver Chua, bukod sa Basketball tournament ay abangan rin ang iba pang tournament sa lungsod gaya ng E-sport (Mobile Legends Tournament), Volleyball tournament, Badminton tournament at iba pa.

Ang nasabing liga naman ay tatakbo sa buong buwan ng Nobyembre.

10 BAGONG EUROPEAN INSPIRED DESIGN POLICE MOBILE SA IMUSIsinagawa po natin kaninang umaga ang blessing at turn-over ng s...
08/11/2023

10 BAGONG EUROPEAN INSPIRED DESIGN POLICE MOBILE SA IMUS

Isinagawa po natin kaninang umaga ang blessing at turn-over ng sampung Imus Police vehicles, dalawang SWAT Team vehicles, at dalawang Imus CDRRMO Rescue Team vehicles sa Imus Government Center.

Maituturing na po ang lungsod ng Imus na may pinakamaraming police mobile sa buong lalawigan ng Cavite.

Pinasasalamatan po natin si Father Benjie Francisco na nanguna sa isinagawa nating pagbabasbas. Sinamahan din po tayo nina Vice Mayor Homer T. Saquilayan, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Imus, Imus Pulis, at Imus CDRRMO.



Photo source : Mayor Alex Advincula

PAGBIBIGAY TULONG SA MGA NASUNUGAN, INFORMAL SETTLERS, AT APEKTADO NG MGA PROYEKTO NG GOBYERNO SA BACOORNamahagi si Mayo...
08/11/2023

PAGBIBIGAY TULONG SA MGA NASUNUGAN, INFORMAL SETTLERS, AT APEKTADO NG MGA PROYEKTO NG GOBYERNO SA BACOOR

Namahagi si Mayor Strike B. Revilla katuwang ang Housing Urban Development and Resettlement Department o HUDRD ng tulong sa mga Informal Settlers Families o ISF mula sa mga sumusunod na Barangay:

• 4 na barangay 7 mula sa Salinas 1
• 4 mula sa Talaba 2
• 1 sa Zapote 3

Gayundin sa mga apektadong Barangay ng ating gobyerno:

• 7 nito ay mula sa Digman
At mga Apektado ng Sunog:
• 19 na pamilya sa Barangay Maliksi 3

Ang pamamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor ay pinamunuan ni City Administrator Atty. Aimee Torrefranca-Neri.

Natulungan nito ang 38 na pamilya na magkakaron ng Bagong Tahanan sa Hyacinth Barangay Calubcob, Naic Cavite at sila ay binigyan din ng Bigas, Grocery Bags at Financial Assistance na magagamit nila na panimula.

We Strike as One sa Pagmamalasakit sa mga Bacooreño!

Dito sa Bacoor! At Home Ka Dito!

Please like and follow our official social media accounts:

FB: https://www.facebook.com/CityGovtBacoor/
Tiktok: https://www.tiktok.com/
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
Youtube: https://www.youtube.com/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/?g2=AQAg7HH66ltuqFCg6qlOGa6qIvz9PQMuAkjQWsIfZKdzmH%2FdpRz7unBXIZYXej82

Maraming salamat po.




GROUNDBREAKING NG KAUNA-UNAHANG PUBLIC HOSPITAL SA ALFONSO, ISINAGAWAPormal nang isinagawa ang groundbreaking ceremony n...
08/11/2023

GROUNDBREAKING NG KAUNA-UNAHANG PUBLIC HOSPITAL SA ALFONSO, ISINAGAWA

Pormal nang isinagawa ang groundbreaking ceremony ng kauna-unahang public hospital na pinangunahan ni Mayor Randy Salamat noong nakaraang Huwebes, Oktubre 26 sa bayan ng Alfonso.

Pinangunahan nina Mayor Randy Salamat at Cavite 8th District Representative Aniela Tolentino ang nasabing ceremony para pampublikong Hospital.

📸 Mayor Randy Salamat

CALAX SILANG (AGUINALDO) INTERCHANGE IS NOW OPEN! 📣🛣️TINGNAN: Opisyal nang binuksan ang Cavite-Laguna Expressway (CALAX)...
08/11/2023

CALAX SILANG (AGUINALDO) INTERCHANGE IS NOW OPEN! 📣🛣️

TINGNAN: Opisyal nang binuksan ang Cavite-Laguna Expressway (CALAX) Silang (Aguinaldo) Interchange ngayong Miyerkules, November 8, 2023.

Sa ngayon ay maaaring dumaan nang libre ang mga motorista sa bahaging ito ng expressway.

Tara na bumiyahe! 💙

📷: CALAX

FINALLY CALAX IS NOW CONNECTED TO AGUINALDO HIGHWAY LIBRE TOLL FEE PA 🛣👏🎊Exciting news mga Ka-LAKWATSERO'S! CALAX Silang...
08/11/2023

FINALLY CALAX IS NOW CONNECTED TO AGUINALDO HIGHWAY LIBRE TOLL FEE PA 🛣👏🎊

Exciting news mga Ka-LAKWATSERO'S! CALAX Silang (Aguinaldo) Interchange will be open starting 12 AM OF NOVEMBER 8,2023,WEDNESDAY

You can seamlessly navigate this new portion at no cost, providing FREE PASSAGE until further notice. Motorists will only be charged up to the Silang East Interchange toll fee.

This new interchange offers a faster route to the emerging tourism destinations of Silang town and Tagaytay City.

Madali lang to Makita Pin niyo lang sa Maps
📍CALAX Silang (Aguinaldo) Interchange:

Yung mga Wala pang EasyTrip Diyan Available na din sa Calax Aguinaldo exit yung Nag Iinstall pwede na din kayo mag palagay doon kasi 100% RFID na si CALAX since October 16, 2023

In a significant move, MPCALA Holdings Inc. (MHI), the concessionaire for the Cavite-Laguna Expressway (CALAX), announces the highly anticipated opening of the Silang (Aguinaldo) Interchange. This 3.9-kilometer, 2x2 lane subsection of the expressway is set to improve travel convenience for motorists across the region.

TINGNAN : Kasama ni Pangulong Ferdinand Marcos si Mayor Jb Bernos and Speaker Martin Romualdez para ipamahagi ang tulong...
30/07/2022

TINGNAN : Kasama ni Pangulong Ferdinand Marcos si Mayor Jb Bernos and Speaker Martin Romualdez para ipamahagi ang tulong ng National sa municipality of La Paz kahapon.

Patuloy ang pag iikot ng Pangulo dahil nais nitong malaman kung gano kalaki ang pinsalang nasira dulot ng lindol.

July 15, 2022 | Bilang pagsuporta sa ating Bureau of Jail Management and Penology, si Congressman Ony Ferrer  ay dumalo ...
17/07/2022

July 15, 2022 | Bilang pagsuporta sa ating Bureau of Jail Management and Penology, si
Congressman Ony Ferrer ay dumalo sa launching/exhibit ng The Hope Project sa Robinsons Place General Trias na pinangasiwaan ng General Trias City Jail sa pakikipagtulungan ng Nagkakaisang Kababaihan ng General Trias at ng Rotary Club of Tagaytay City.

Layunin ng proyektong ito na i-showcase ang mga artworks ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) at suportahan ang kanilang livelihood products.

Kasama din pong dumalo sa okasyong ito sina Mrs. Anne Ferrer - President Provincial Local Councils of Women-Cavite, JSSUPT. Filipinas Fulgencio-Chief Legislative Liaison Office, JCINSP Aris Williamere Villaester-General Trias City Jail- MD Jail Warden, JSINSP Liza Valentino-General Trias City Jail Warden FD, JINSP Sally Calayan-Chief, Community Relation Service Division, mga jail warden ng ilang bayan sa Cavite at mga City Government Department Heads.


COMPLETED CONCRETING OF BAYBAY AVENUEMayor Dionisio visited the newly concreted road in Barangay Bucal which served as c...
17/07/2022

COMPLETED CONCRETING OF BAYBAY AVENUE

Mayor Dionisio visited the newly concreted road in Barangay Bucal which served as completion of the project he started in 2020. The completion of the road was delayed due to acquisition of right of way.

𝗟𝗢𝗢𝗞| AKSIDENTE SA BACOOR CAVITEBDRRMO RESPONSE:Nais iparating ng Bacoor DRRM Office ang lubos na pakikiramay sa naulila...
17/07/2022

𝗟𝗢𝗢𝗞| AKSIDENTE SA BACOOR CAVITE

BDRRMO RESPONSE:

Nais iparating ng Bacoor DRRM Office ang lubos na pakikiramay sa naulilang pamilya ng pumanaw ngayong ika-17 ng Hulyo 2022 sa ganap na 7:22 ng umaga sa kadahilanang pagkakaaksidente nito sa Bayanan Bacoor Blvd.

Lubos po nating pinagiingat ang bawat bacooreño sa kanilang pagbagtas sa ating mga kalsada. Nawa'y ating pag-igtingin ang pagiging listo sa ating pagmamaneho.

Source/photo: BDRRMO

Mayor Angelo G. Aguinaldo  at  Cong. Jolo Revilla  pinag aralan kung Paano Masosolusyonan ang ang pag baha Sa  Kawit at ...
17/07/2022

Mayor Angelo G. Aguinaldo at Cong. Jolo Revilla pinag aralan kung Paano Masosolusyonan ang ang pag baha Sa Kawit at mga Kalapit Bayan nito

Pahayag ni Mayor Angelo Aguinaldo sakanyang Official fb page

"Nitong mga nakaraang araw, naranasan po ulit natin kung gaano kababa ang ating Kawit at kung gaano kataas ang ating baha kahit hindi umuulan.

Bilang bahagi ng ating , nakasama natin si Cong. Jolo Revilla, ang Municipal Engineering Department, DPWH Cavite District 1, at ang ating mga konsehal sa pagbisita sa mga low-lying areas na kadalasang nabibiktima ng matinding pagbabaha.

Inilatag natin kay Congressman Jolo, at sa DPWH ang ating rekomendasyon at ipinares nila ito sa kanilang mga pinaplanong infrastructure project. Nauna nang sinabi sa atin ni Cong. Jolo na prayoridad niya na matulungan ang mga bayan tulad ng ating Kawit na namumroblema sa baga dahil sa ating lokasyon.

Makakaasa naman kayo na aktibong kumikilos ang program upang mabigyan ng ligtas at maginhawang buhay ang ating mga kababayan.


"

Sa tagubilin ng ating walang kapagurang Mayor Denver Chua  mabilisang inaksyunan ng Cavite City-Cenro sa pangunguna nina...
17/07/2022

Sa tagubilin ng ating walang kapagurang
Mayor Denver Chua mabilisang inaksyunan ng Cavite City-Cenro sa pangunguna nina Kuya Romy Delos Reyes, Kuya Ramil Ritualo at mga Haul Boys ang pag hakot ng basura sa pakikipag tulungan ni Kapitan Aye Pagkaliwangan ng brgy. 48M ( Bagong Pook )

IMUS | Binigyang pagkilala kamakailan bilang Best Performing Schools Division Office ng Department of Education (DepEd) ...
17/07/2022

IMUS | Binigyang pagkilala kamakailan bilang Best Performing Schools Division Office ng Department of Education (DepEd) ang lungsod ng Imus sa katatapos lamang na 2021 Gawad Patnugot ng DepEd Calabarzon.

Itinanghal naman bilang Best Performing Public Elementary School ang Malagasang II Elementary School. Nakatanggap si G. Marcelito C. Zapues ng 2021 Gawad Patnugot Special Citation, habang naging finalist sa kategoryang Outstanding Non-Teaching Personnel Level 2 si Bb. Jenielyn Sadang.

Sa kanyang Facebook post, binati ni Mayor Alex Advincula ang mga bumubuo ng DepEd Imus para sa kanilang ipinamalas na dedikasyon sa serbisyo.

Ani Advincula, “Ang husay at galing na inyong ipinamalas ay patunay ng inyong dedikasyon para maiangat pa natin ang sektor ng edukasyon sa ating lungsod.’ | via Alex Advincula

TINGNAN | 200 new active cases ang nadagdag sa bilang ng Covid-19 sa rehiyon kaya umabot na sa 2,122 ang aktibong kaso s...
17/07/2022

TINGNAN | 200 new active cases ang nadagdag sa bilang ng Covid-19 sa rehiyon kaya umabot na sa 2,122 ang aktibong kaso sa Calabarzon batay sa pinakahuling ulat na inilabas ng Department of Health Region 4A ngayong araw, Hulyo 15.

Nakapagtala naman ng 283 new recoveries mula sa Covid-19 at apat (4) ang naitalang nasawi dahil sa naturang sakit.

MARK YOUR CALENDARS!Narito na ang mga mahahalagang petsa na dapat tandaan para sa SY 2022-2023 na magsisimula ngayong Ag...
15/07/2022

MARK YOUR CALENDARS!

Narito na ang mga mahahalagang petsa na dapat tandaan para sa SY 2022-2023 na magsisimula ngayong Agosto 22, 2022 at magtatapos sa Hulyo 7, 2023.

Ang nasabing SY ay binubuo ng 203 school days.

Para sa iba pang detalye kaugnay ang opisyal na school calendar ngayong SY 2022-2023, basahin ang DepEd Order No. 34, s. 2022: https://bit.ly/DO34S2022

PLASTIC NA PATAPON NA AT PAKALAT KALAT, IPUNIN AT PAPALITAN NG BIGAS SA BAILEN CAVITEUmarangkada na ang programa ng Muni...
15/07/2022

PLASTIC NA PATAPON NA AT PAKALAT KALAT, IPUNIN AT PAPALITAN NG BIGAS SA BAILEN CAVITE

Umarangkada na ang programa ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ng Bayan ng General Emilio Aguinaldo (Bailen) kung saan ang plastic na pakalat kalat ay papalitan ng bigas.

“PLASTIC MO, BIGAS KO

Marami ka bang nakikitang kalat na plastic sa tabi-tabi? Halina't ipalit natin ng bigas!

Muli pong aarangkada ang PALIT BIGAS PROGRAM sa pangunguna ng ating Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO).

Linisin, patuyuin, at ipunin lamang ang mga basurang plastic (iba't ibang uri ng plastik tulad ng balat ng candy, chichirya, shampoo, ketsup, toyo, s**a, atbp) na may dalawang kilo ang timbang. Abangan lamang ang nakatakdang Schedule sa inyong barangay at dalhin ang mga naipong plastic upang mapalitan ng isang kilong bigas.

Tara na't makiisa na pangalagaan ang ating kapiligiran para sa BAGONG BAILEN!”

- Mayor Dennis Glean

Isang malaking pasasalamat at pagpupugay sa ating mga Bailen River Ranger, sa kanilang pangangalaga sa ating mga ilog, S...
15/07/2022

Isang malaking pasasalamat at pagpupugay sa ating mga Bailen River Ranger, sa kanilang pangangalaga sa ating mga ilog, Sako sakong mga basura ang nakukuha nila araw araw.. Sana naman wag gawing tapunan ng basura ang ating mga tulay at ilog..

TINGNAN  | Handa na ang mga registration site ng Commission on Elections (COMELEC) sa bayan ng Tanza para sa mga nais ma...
15/07/2022

TINGNAN | Handa na ang mga registration site ng Commission on Elections (COMELEC) sa bayan ng Tanza para sa mga nais magparehistro upang makaboto sa darating na Eleksyon.

TINGNAN |  Patuloy ang pag-arangkada ng Mobile Dental Clinic ng lokal na pamahalaan sa iba’t ibang barangay sa bayan ng ...
15/07/2022

TINGNAN | Patuloy ang pag-arangkada ng Mobile Dental Clinic ng lokal na pamahalaan sa iba’t ibang barangay sa bayan ng Carmona.

Ngayong araw, Hulyo 15, nagtungo ang Mobile Dental Clinic sa Barangay Maduya upang magsagawa ng lecture ukol sa tamang paggamit ng toothbrush. Namahagi rin sila ng libreng fluorodization, toothbrush, at toothpaste para sa 50 pre-schooler.

Sa pangunguna ng Municipal Health Office, layunin ng programang ito na makapaghatid ng accessible dental at health services sa mga mamamayan. | via Municipality of Carmona, Cavite

TINGNAN | Pagpapaayos at paglilinis sa Public Market ng lungsod, sinimulan na.Sa pangunguna ni Mayor Denver Chua, sinimu...
14/07/2022

TINGNAN | Pagpapaayos at paglilinis sa Public Market ng lungsod, sinimulan na.

Sa pangunguna ni Mayor Denver Chua, sinimulan na ang pagpapaayos at paglilinis ng pangpublikong palengke ng lungsod, nagsagawa ng pagpatay sa mga peste gaya ng ipis at daga, pagpapalit ng mga punding ilaw pagtanggal ng mga kalat at iba pa.

Matatandaan na nag ocular visit sa palengke ang alkalde sa unang araw ng trabaho nito at agad namang inaksyunan ang mga kailangan ayusin sa nasabing lugar.

CaviteCiy
📷 Roberto Catalan

OFFICIAL TURNOVER CEREMONY OF BARANGAY BOKYO In Cavite CityKaragdagang sasakyan para sa mas epektibong serbisyo publiko ...
14/07/2022

OFFICIAL TURNOVER CEREMONY OF BARANGAY BOKYO In Cavite City

Karagdagang sasakyan para sa mas epektibong serbisyo publiko sa ating lungsod.

Bilang parte ng reinforcement program ng ating provincial government at sa pangunguna ni first district Congressman Jolo Revilla,Mayor Denver Chua, Vice Mayor Raleigh Rusit at team Unlad Cavite City.

Na-iturnover ang labing-isang (11) bokyo sa ating mga kapitan ng bawat barangay (12, 14, 15, 34, 41, 45M, 45A, 47B, 55, 46, 61A) ngayong araw July 14, 2022.

Ang mga bokyong ito ay magagamit para masuportahan ang pangangailangan ng ating mga mamamayan lalo na kung may sakuna, kalamidad, pangmedical emergencies makakatulong rin ito para sa mas mabilis na pagronda ng ating mga barangay para sa seguridad.

RIDER, PATAY MATAPOS BARILIN NG BIKER NA NAKAALITAN DAW SA KALYE SA IMUS CAVITEBumulagta sa gitna ng kalsada ang isang r...
13/07/2022

RIDER, PATAY MATAPOS BARILIN NG BIKER NA NAKAALITAN DAW SA KALYE SA IMUS CAVITE

Bumulagta sa gitna ng kalsada ang isang rider matapos siyang barilin sa pisngi ng isang biker sa Imus, Cavite. Ang ugat daw ng krimen, gitgitan at murahan sa kalye. Sa ulat ni Emil Sumangil sa GMA News "24 Oras" nitong Martes, kinilala ang biktima na si Jonas, 23-anyos, at isang online seller.

Naaresto naman sa follow-up operation ng mga awtoridad ang suspek na si Erwin Sa kuha ng CCTV camera, makikita si Jonas na sakay ng motorsiklo nang bigla siyang natumba sa gitna ng kalye.

Lumitaw sa binaril na pala siya ni Erwin na mabilis namang pumadyak palayo sa biktima. Pero dahil sa kuha ng CCTV, natukoy ang kaniyang pagkakakilanlan at naaresto. Nakuha rin sa suspek ang isang nakuha rin kay Samaniego ang magnum cal. 22 na baril na ginamit niya sa biktima.

Pumanaw sa ospital si Dela Cruz habang ginagamot sa ospital. Ayon sa suspek, inipit at binastos umano siya ng biktima sa kalsada. Kamuntik na rin daw siyang mahulog sa kanal. Mahaharap si Erwin sa kasong murder.

News source: GMA News
Photo: RMN News

The Department of Education issues DepEd Order No. 34, s. 2022 or the School Calendar and Activities for the School Year...
12/07/2022

The Department of Education issues DepEd Order No. 34, s. 2022 or the School Calendar and Activities for the School Year (SY) 2022-2023.

The SY 2022-2023 shall open on Monday, August 22, 2022, and shall end on July 7, 2023. It shall consist of 203 school days or as may be determined by further issuance/s in case of changes in the school calendar due to unforeseen circumstances.

For more information, read DepEd Order No. 34, s. 2022: https://bit.ly/DO34S2022

CHUA BROTHERS MEETS SENATOR IMEETINGNAN: Ibinahagi ni Noveleta Mayor Dino Reyes-Chua ang mga larawan ng pagkikita nilang...
12/07/2022

CHUA BROTHERS MEETS SENATOR IMEE

TINGNAN: Ibinahagi ni Noveleta Mayor Dino Reyes-Chua ang mga larawan ng pagkikita nilang magkakapatid at ni Senator Imee Marcos kamakailan para sa isang courtesy call.

“CHUA BROTHERS courtesy visit with Senator Imee Marcos! Ang Bagong SAP ni BBM! "Super Ate ng Pangulo". Thank you for ensuring us your support for the progress of our beloved Noveleta and Cavite City as well as the whole Province of Cavite,” saad sa caption ng post ni Chua.

Source/Photos: Mayor Dino Reyes- Chua

Naglabas ng pahayag ang SM Supermalls tungkol sa impormasyong kumakalat sa social media kaugnay sa bagong P1,000 bill.An...
11/07/2022

Naglabas ng pahayag ang SM Supermalls tungkol sa impormasyong kumakalat sa social media kaugnay sa bagong P1,000 bill.

Anila, tinatanggap pa rin ang natuping bank notes sa kanilang SM Retail Stores. Tanging mga napunit at stapled ang hindi nila tinatanggap.

"Our policy has considered the guidelines set by the Bangko Sentral ng Pilipinas. We encourage the public not to engage with the misleading social media posts."

📷: SM Supermalls

MGA BAWAL SA GITNA NG HIGHWAY:• Single na motor• Tricycle• E-Bike• Bisikleta• Iba pang mababagal na sasakyan. Source: DI...
11/07/2022

MGA BAWAL SA GITNA NG HIGHWAY:

• Single na motor
• Tricycle
• E-Bike
• Bisikleta
• Iba pang mababagal na sasakyan.

Source: DILG Memo Circular 2020-036
Photo Credits: HIGHWAY PATROL GROUP

KADETE NG PNPA SA SILANG CAVITE, NAIULAT NAWAWALANagsasagawa ng imbestigasyon ang Philippine National Police Academy (PN...
11/07/2022

KADETE NG PNPA SA SILANG CAVITE, NAIULAT NAWAWALA

Nagsasagawa ng imbestigasyon ang Philippine National Police Academy (PNPA) sa isa nilang bagong kadete nang iulat na nawawala ito sa kanilang “reveile” sa Camp Castañeda sa Barangay Tartaria, Silang Cavite Sabado ng hapon.

Ang hinahanap na kadete ay myembro ng Bachelor of Science in Public Safety (BSPS) 2026 ay nawawala nang nagsagawa ng bilangan ng mga kadete sa kanilang formation dakong ala-1:00 ng hapon.

Sa ulat ni Police Master Sgt. Johnny Dumangeng ng Silang Police Station, huling nakita ang biktima dakong alas-2:00 Sabado ng madaling araw na pumasok sa CR sa loob ng Camp Castaneda, Barangay Tartaria, Silang, Cavite.

Pero bago ang “pagkawala” ng kadete ay nagsumite umano ito ng kanyang resignation letter na inasistahan ng kanyang squad leader.

Sa impormasyon mula kay Dumangeng, tinututulan umano ng magulang nito ang planong pagre-resign ng kadete na pinaniniwalaang ito ang dahilan kung bakit nawawala ang biktima.

Source: ABS-CBN News

Address

Bayan Luma
Imus

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The South Travel posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Nearby media companies


Other Imus media companies

Show All