01/08/2021
Isang Maaliwas na Araw mga Ka-Pulonians:
Siguro marami sa atin ang hindi pa nababakunahan, at mas marami siguro ang ayaw talagang magpabakuna dahil sa mga balitang hindi maganda about the vaccine. Pero can I just say na, THE VACCINE WILL SAVE YOUR LIFE OR IT WILL SAVE YOUR RELATIVES LIFE. Alam kong napakaraming chismis, fake news at kung ano anong balita sa Facebook na wala naman talagang matibay na basehan na kesyo ganto daw ang bakuna, kesyo ganyan. Pero ISA PARING KATOTOHANANG MAS MATAAS ANG TYANSA MONG MAKALIGTAS SA COVID KUNG BAKUNADO KA.
Itigil na po natin ang alinlangan o di kaya naman ay mas mabuting magsuri po tayo ng mga datos sa mga tamang tagapag balita hindi kung sino mang conspiracist sa Facebook, Tiktok at Youtube dahil tulad ng mga picture sa post na ito, VACCINE WILL DEFINITELY HELP.
But it will not still be mandatory, pero I hope lalo na yung mga kamaganak, lola at lola, nanay at tatay nating Ka-Pulonians na prone sa sakit eh maiwasan ang mas malalapang epekto ng Covid lalo na't naibalita na ng Barangay Anabu II C na isa tayo sa pinaka maraming Positibong kaso ng Covid sa Imus.
Maari po kayong dumulog sa Barangay o sa ating Healthcare Center sa mga nais magpabakuna at may mga tanong para mas malinawan pa sa Bakuna.
Manatiling Ligtas Ka-Pulonians!