03/07/2024
Hello Everyone!
Ngayon lang ata ako naglakas ng loob na magpost about may childs condition. π
My 3 kids are diagnosed with GDD or Global Developmental Delay.
The eldest si Ate Heaven, She is 7 Years old and her mental age is only 3-4 years old base sa assessment ng dev ped. Si Ate Hope naman she is 5 years old at ang kanyang mental age is 2-3 years old lang at syempre ang aking only boy na si thirdy is 4 yrs old medyo malapit lang ang age gap niya siguro kasi naearly intervention na at naapura ang mga milestone na kelangan mahabol sa therapy. All of my kids are having their own therapy sessions.Starting from Occupational Therapy, Speech Therapy and their latest is Behavioral Therapy.
Ate Heaven is currently having her Sped class at magjjoin nadin si ate hope ng kanyang sped class soon. π si thirdy naman eh kinder 2 na din soon. π€ sa totoo lang, nung umpisa takot ako sa sped class kasi siguro hindi kopa ganoon katanggap yung condition nila. But as i observe, ang laki din ng tulong ng sped class kasi mas natututukan at nagagabayan sila dahil sgro ang teacher eh tutok sa kanila. π
Alam ko mga anak, ang dami panating lalakbayin at lalagpasan na challenges sa buhay. Pero nandito lang si mommy at papa. Mapapagod pero hindi susuko π₯°π
PS.
Wala namang akong plans gumawa ng vlog pero parang ganon na nga. Siguro itong page na ito eh bubuhayin kolang for awareness at magsshare nalang din ako sa mga co moms kona nagsstart palang sa developmental journeys nila π€