16/01/2025
: Cayetano: Gamitin ang galing ng DFA retirees sa pagpapaunlad ng imahe ng Pilipinas*
Hinimok ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Martes ang mga kapwa mambabatas na humanap ng paraan para magamit ang galing at kadalubsahaan ng mga retiradong tauhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa patuloy na pagpapaganda ng imahe ng bansa.
Sa plenary session nitong January 14 kung saan pumasa sa Final Reading ang Senate Bill No. (SBN) 2863, binigyang diin ni Cayetano ang lawak ng karanasan ng mga retiradong diplomat.
Giit niya, kailangang mabigyan sila ng โavenueโ para makapaglingkod pa at maipahiram sa bansa ang kanilang taglay na expertise kahit wala na sila sa DFA.
โAmbassadors are assigned all around the world, meeting scientists, biggest businessmen, diplomats, presidents, kings, poorest of the poor, richest of the rich,โ pahayag ni Cayetano sa kanyang maikling manifestation.
โPag-retire nila, many of them still want to help our country. Pero ano ang venue?โ pagpapatuloy niya.
Pumasa sa Final Reading ang SBN 2863, na naglalayong pagkalooban ng differential pension ang mga opisyal at personnel ng DFA na edad 65 pataas at nakapaglingkod sa ahensya nang hindi bababa sa 15 taon.
Bagamaโt suportado niya ang panukalang batas, igiiit ni Cayetano na hindi dapat doon natatapos ang ugnayan ng gobyerno at ng DFA retirees.
โWhile this bill is much deserved, and is needed, I think itโs just one piece of the puzzle,โ pahayag niya.
Mungkahi ng senador, magpasa ng batas ang Kongreso na magbibigay ng lugar sa mga retiradong DFA personnel na magamit ang kanilang kaalaman at karanasan sa foreign relations, gaya ng isang think tank.
โI hope, after this pension law, this august Chamber, with the other half (House of Representatives), can come up with something to fully utilize the expertise of DFA retirees and enhance the image of the country with their help,โ wika niya.
โNandiyan na sila, waiting lang kung ano ang susunod na yugto para sa ating mahal na bansa,โ dagdag niya.
Gayunpaman, pinasalamatan ni Cayetano, na nagsilbi bilang Foreign Affairs Secretary mula 2017 hanggang 2018, ang kanyang mga kapwa senador sa kanilang suporta sa pagpasa ng pension bill. # # #
Totoo