3rd CD Cluster Calinog NCHS - Filipino

3rd CD Cluster Calinog NCHS - Filipino Hakbang para sa pagtuklas ng katotohanan sa likod ng K-12.
(4)

11/07/2015

Palmaira,Gico;Tinalakay ang pagiging handa ng DepEd para sa K-12!
Ni: Eden Mae Libres

Sa ginanap na 2015 Division Cluster Training in Journalism 3rd Congressional District, ay nagkaroon ng opurtunidad ang mga batang mamamahayag na magdaos ng isang panayam tungkol sa mainit na pinag-uusapang K-12 Programa.

Tinalakay nina Bb. Ruby Therese Palmaira, English Program Supervisor at Dr. Reynaldo Gico, Asst. Schools Division Superintendent CES0 VI, kung gaano na nga ba ka handa ang DepEd sa pag implenta ng K-12 Curriculum.

‘’We have been ready because, We have trained your teachers for the K-12 Curriculum 5 years ago, we have also constructed some buildings and still we are having plans for the Curriculum”, paglilinaw ni Dr.Gico sa katanungang ‘’Paano masasabing handa na ang DepEd para sa K-12 curriculum?’’ mula sa isang kalahok.

Dahil sa paglunsad ng nasabing panayam ay mas lalong nalinawan at nabigyang kahalagahan ang bagong kurikulum.Hindi natin maikakailang ito ay may malaking ambag sa karunungan at kaalaman ng bawat estudyante na magiging rason upang umusbong ang mas mabubuti at magagaling na indibidwal sa larangan ng teknikal at bokasyunal na kurso, at magiging Globally Competitive na ang mga Pilipino.

11/07/2015

Mga Kawani ng DepEd, sinagot ang katanungan hinggil sa K-12 Curriculum
Ni: Jesriel Mae Quijano

Mga kabataang mamamahayag ay nagkaroon ng pagkakataon na mabigyang-linaw tungkol sa K-12 Curriculum sa pamamagitan ng pakikinayam o “chance” interview kila Dr. Reynaldo Gico, Asst. Schools Division Superintendent CESO VI at Bb. Ruby Therese Palmaira, English Program Supervisor.
“Why does K-12 is better than the previous curriculum?” tanong mula sa isa sa mga kalahok.
“The K-12 Curriculum wanted you to apply what you have learned not just to memorize ideas and concepts from the books. The curriculum is not a textbook-based rather it is competency-based.” tugon naman ni Bb. Palmaira.
Dagdag pa niya, ang nasabing programa ay nahahati sa limang competencies o 5C’s at iyon ay ang mga sumusunod: collaboration, communication, critical thinking, creativity, at ICT skills.
“In the K-12 Curriculum, it is a spiral approach. The level of difficulty, its competency starts from easy to difficult.” dugtong naman ni Dr. Gico.
Sa kabuuan, ang pakikiisa ng lahat ay kinakailangan upang maging matagumpay ang pagpapatupad ng Basic Education K-12 Curriculum Program. Ito rin ay para sa ikagaganda ng kinabukasan ng mga kabataan at pati na nang ikauunlad ng bansa.

11/07/2015

K-12, Isulong para sa Kinabukasan
Ni: Mary Novelle Casipe

Naranasan nyo na ba ang makilahok at gumanap sa isang Panayam? Matatauhan ka talaga kung harap – harapan mong katanungan at kasagutan ng mga eksperto sa topikong tinatalakay at napapanahon ngayon. Maiintindihan mo talaga ang bawat salitang dinidikta at ipinapaliwanag at maaring makakakuha at makakalagap ng mga impormasyong sa inyong pinag-uusapan, lalo na dahil napapaliwanag ito sa mahinhin at klarong pananalita.

Isang topikong pinagkaguluhan at sinaliksik ng lahat, ang K-12 Curriculum na nangunguna sa bawat pamamahayag at panayam sa Division Cluster Training in Journalism.

Tanong ng karamihan, ano nga ba itong K-12 Curriculum na ito? Ayon sa aming pananaliksik sa mga panayam nina Bb. Ruby Therese Palmaira at Dr. Reynaldo Gico ng Dibisyon ng Iloilo, ang kurikulum na K-12 na ito ay magiging daan sa bawat kabataan na magkaroon ng magandang kinabukasan.

Madaling makapagtapos dahil sa tulong ng Senior High School na nag aalok ng apat na tracks, kabilang ang General Academic, Technical Vocational and Livelihood, Arts and Designs at Sports na pwedeng gawing intrumento sa posibleng maging kurso nila sa kolehiyo o maging ang kanilang kabuhayan sa kinabukasan.

Dagdag pa ng mga impormasyong aming pinahayag, aming napagtanto na ang mga benepisyo ng K-12 na “Trabaho, Negosyo at Kolehiyo” ay talagang makakatulong sa bawat isa sa atin. Mula kinder na matututo na ang mga kabataan sa “mother tongue” o mismong lingwaheng ginagamit sa bahay ng iyong mga kapamilya, at magkakaroon din sila ng libreng Junior at Senior High School upang ito ay kanilang napakinabangan sa hinaharap. Isinulong at ipinaglaban ang K-12 para sa kabataan para sa bayan at para sa mamamayan tungo sa magandang kinabukasan.

11/07/2015

K-12: Walang Kahirapan
Ni: Queena May Quindipan

Mahirap man o mayaman, hindi ka makakatakas sa K-12. Kinakailangang harapin ito dahil ito ang magiging gabay ng bawat isa upang makamit ang tagumpay na hinahangad. Ang Republic Act 10533 (Basic Education Program Law) o mas kilala sa karamihan bilang K-12 ay nagsasaad na ang kahirapan ay hindi hadlang sa pag-aaral. Paano ito nasabi? Ano nga ba ang mga patunay na hindi hadlang ang kahirapan sa pag-abot ng ating mga pangarap?
Kung iisipin natin ang sandamakmak na problema ng ating bansa, nangunguna ang kahirapan na nagiging sanhi ng mababang edukasyon sa Pilipinas. At sa paglipas ng panahon, hindi pa rin ito nareresolba sa kabila ng mga iba’t-ibang paraan at solusyon upang ito ay malutas.
Isa sa layunin ng K-12 na pag-aralin ang mga kabataan na walang sapat na pantustos ng kanilang pag-aaral. Libre ang edukasyon sa ipinanukalang programa ng DepEd upang matulungan ang mga pamilyang ang pangunahing hinaharap ay kahirapan.
Ang pagpapatupad ng K-12 ay maaaring maging solusyon sa paghihrap ng ating bansa dahil hindi na natin kailangang gumastos ng napakalaking halaga upang makapag-aral sa isang paaralan. Ang tanging proproblemahin na lamang ng ating mga magulang ay ang gastusin pang-araw-araw tulad ng pagkain, baon at pamasahe.
Kung ipagkukumpara ang nakaraang kurikulum sa bagong kurikulum, kahit na nadagdagan ng dalawang taon ang kurikulum ngayon, ito ay libre at mas pinag-iigihan ang pagtuturo upang mas maging kompetibo ang mga Pilipino.
Bawat isa ay nahihirapan sa pagbabagong nagaganap sa ating bansa ngunit ang K-12 ay isang mabuting hakbang ng pamahalaan. Hindi man natin batid ang kahalagahan nito sa nagyon ngunit tayo ay naghahangad ng masaganang kinabukasan, ang pagsulong nito ay isang natatanging paraan upang mapaunlad ang ating pamayanan at mapuksa ang kahirapan.

11/07/2015

Di Inaasahan
Ni: Reyn Glydel Beatisula

“Velasco! Diba sinabi ko na dapat basahin at kabisaduhin?! Ayan na yung libro oh, tutuklawin kana!”, galit nanaman si Maam sakin.
Palagi nalang ganito, palagi akong napapagalitan, palagi akong pinagtatawan ng mga kaklase ko, palagi din naman kasi akong walang masagot tuwing nagtatanong sakin ang aking mga g**o.

Hindi ko alam kung saan ang mali, kung ako ba o ang mga tinuturo nila. Wala talagang pumapasok sa utak ko. Mula sa pinapabasa nila na makakapal na mga libro hanggang sa walang kamatayan na mga pagsusulit sa bawat araw. Nahihirapan akong intindihin ang mga aralin at hindi ko alam kung bakit.
“May pinabasa na nga ako sayo hindi mo parin alam ang sagot sa tanong ko?” ,pagpipigil ng galit ng g**o namin.

“I Repeat, WHAT IS K-12?!, napayuko nalang ako. Hindi ko talaga alam.
“Okay, kahit sino nalang ang sumagot” sabay himas sa noo ng aking g**o. Agad naman na nagtaasan ng kamay ang aking mga kaklase. Ganyan palagi ang eksena sa loob ng aming silid-aralan. Palagi akong tinatanong at iba ang sasagot para sakin.

Umupo nalang ako sa aking upuan, ayoko ko nang mapahiya pa. Alam kong mangmang ako pero hindi ako bobo. Alam ko yun sa sarili ko, sadyang hindi ko lang talaga maintindihan. Natauhan lang ako ng biglang:
“The K to 12 Program covers Kindergarten and 12 years of basic education (six years of primary education, four years of Junior High School, and two years of Senior High School [SHS]) to provide sufficient time for mastery of concepts and skills, develop lifelong learners, and prepare graduates for tertiary education, middle-level skills development, employment, and entrepreneurship.

K to 12... Dagdag two years... Junior at Senior high... 12 years

Yan lang ang naintindhan ko, basta ang alam ko madadagdagan ng dalawamg taon ang aming pag-aaral. Bigla akong nanghina, parang hindi ko kakayanin. Swerte ko nalang kapag nakapagtapos ako sa elementarya.

Lumipas ang mga oras, araw, linggo at mga buwan at nagkaroon ng himala. Nakapagtapos na ako sa elementarya, at heto ako ngayon tinatahak ang landas patungo sa bagong paaralan, bagong mga g**o at bagong takteka sa pagtuturo: Ang K-12.

Nag-iba ang mga istilo ng kanilang pagtuturo sa bawat aralin na kanilang tinatalakay. Iniisa-isa nila ito at gumagamit ng nakakaaliw na presentasyon at mga pagsusulit. Ang kadalasang mga aktibidades ay pangkat-pangkat, dahil doon ay nagkaroon ako ng mga kaibigan at natuklasan ang magagandang pag-uugali tungkol sa aking mga kaklase na kahit minsan noon ay hindi ko malaman laman. Tumataas na din ang aking mga grado dahil mas naiintindihan ko na ang mga aralin na kanilang tinatalakay dahil sa makabagong istilo na kanilang ginagamit.

Nakatuklas din ako ng bago sa aking sarili dahil sa mga “culminating activity” at iba pang mga “outdoor activity.” Dito ko nalaman na may talento pala ako sa pagsayaw.
Ako’y tuwang tuwa sa resulta ng aking mga grado. Sa K-12, nakaintindi ako at natuto ng hindi ko inaasahan.

11/07/2015

3rd CD Cluster Calinog NCHS - Filipino's cover photo

11/07/2015

3rd CD Cluster Calinog NCHS - Filipino

Address

Iloilo City
5040

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 3rd CD Cluster Calinog NCHS - Filipino posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to 3rd CD Cluster Calinog NCHS - Filipino:

Videos

Share

Category


Other Publishers in Iloilo City

Show All