10/05/2023
BITAG SA LIKOD NG MGA NAKAKATUKSONG HARAYA
Taas
Baba
Taas
Baba
Sa madilim na sulok ng aking silid, sa liwanag na nagmumula sa aking kompyuter, tumatagaktak ang mga butil ng pawis habang hinahabol ko ang aking paghinga, damit na nakatapon sa sahig, isang kamay na nasa gitna ng nanginginig kong mga binti at muling naadik sa karamdaman na ako'y parang hinakap ng langit kapag naabot ang yuporiyang inaasam. Ako'y napabuntong hininga dahil sa galak, nilalasap ang kaluguran na idinulot ko sa aking sarili. Ang kasiyaha'y unti-unting naglaho tulad ng mga ulap pagnatapos ang ulan. Ang kasiyaha'y napalitan ng pagkasuklam sa sarili; parang binuhusan ako nang malamig na tubig sa reyalisasyon na ang ginawa ko ay mali, nagdedepende ako sa mga imahe na malaswa para makamit ang temporaryang kasiyahan na nalasahan ko.
Taas
Baba
Taas
Baba
Ang lawin-lawinan ay tumitili habang ako ay nakasakay. Sa murang edad, ako'y naglalaro lamang ng mga laruang kotse, kinukulayan ang mga pader ng krayola, maligalig at puno ng pagtataka. Ako'y lumakad papunta sa aking bahay, hawak ang aking kotseng laruan, ang pawis na binabasa ang aking damit at ang aking mga paa't kamay ay ngangangalay. Ang aking mga maliliit na paa ay pumasok sa aking kinikilalang bahay, ako'y napatigil sa nasaksihan: ang ama't ina ay magkadikitan, mga labi na nakalapat sa isa' isa, habang patuloy ang pag indayog ng kanilang katawan sa ritmong sila lamang ang nakakaalam. Ang musmos kong pag-iisip ay nabahidan ng kayumang makasalanan. Bilang isang bata, ito ay makabago pa lamang sa isip. Ako'y umalis at nag-umpisang nag muni-muni, pilit na iniintindi kung ano nga ba ang kahulugan ng mga aksyon nila; mga aksyon na kadalasang nakikita ko sa mga pelikula.
Taas
Baba
Taas
Baba
Ang pagpapalo ng martilyo lamang ang naririnig ko habang pinipilit ko na ibaon ang pako sa kahoy. Ang boses ko'y lumalalim, ang tangkad ay nadadaragdagan, at ang pag-iisip ay napalawak. Ako'y isang binata nang nasagot ko ang tanong na nasa musmos kong isip noon. Ang kahulugan kung bakit ginagawa iyon ng mga tao ay dahil sa pagmamahal o sa kasiyahan lamang. Ako'y isang binata nang inumpisahan ko na ang magpakalabis sa mga pelikula na para sa mga may tamang edad. Ako'y binata pa lamang nung nag-umpisa ang pagkasira ng buhay ko.
Taas
Baba
Taas
Baba
Ako'y kumuha ng isang malalim na paghinga para mapakalma ang humihika kong dibdib. Sa aking madilim na silid, ako ay nakaupo. Nasulyap ang aking kagagawan, napagtantong ito'y makasalanan. Ang mukhang nagmula sa kaluguran ay unti-unting banayad na napalitan ng pagkapandidiri na parang nakakita ng di-kanais-nais na wangis.
Ipinipilit na pigilan ang sarili, tila ang kimukin ay napaka lakas na parang leon na ipinagutuman. Ang labis na pagnanais na manood ng mga larawan at bidyo na makakapagbigay sakin ng kasiyahan. Ito'y inumpisahan ko na at hindi ko basta-bastang maipatigil. Araw at gabi, minuminuto at segu-segundo ay nasasakop ang isip ng mga harayang nakakatukso. Ang mga nakakaakit ng mga imaheng paulit-ulit na nakakabighani. Tila bang hibang na nauuhaw sa kaligayahang naiipamalas ng pagmasid ng mga harayang nakaliluk na sa utak ko.
Taas
Baba
Taas
Baba
Ang tuhod ko'y tumatalbog dahil sa kaba na kinakain ako ng buhay. Ako'y nasa lugar kung saan ito'y pinag-aaralan, pinupuno ng mga taong determinadong makapasa sa mga pagsusulit habang ako lamang ay nakatitig sa papel na makasisira o magpapaganda ng aking kinakabukasan. Ang pawis ko'y malayang tumutulo sa aking mukha at ang mga bibig ay natuyo sa takot. Ito na ang kahinatnan ng aking makasalanang isip at aksyon. Ang pagsusulit na nasa harapan ko ay hindi ko naipasa. Ang pagsusulit na ibinalewala ko dahil sa aking bisyo. Ayoko na maging ganito: isang taong kontrolado ng kaniyang udyok. Oras na para pigilan ko ito.
Tumataas
Tumataas
Tumataas
Tumataas
Tumataas ang bilang ng araw na hindi ko pinag-isipan ang mga malalaswang haraya. Ang pagtitigil sa aking adiksyon ay parang lumalalakad sa nakakapasong apoy. Isang labanan na hindi simple lang pero ito'y aking napanalo. Ang aking isipan ay naging malaya, malinis at naging klaro. Ang paglakad sa nakakapasong apoy ay isa lamang na sakripisyo para makamit ang tunay na kasiyahan.