21/04/2024
π₯βππ€οΈ Paano maiwasan ang pagkabigo ni Tomas?
πππ₯ Sapagkaβt Akoβy nakita mo ay sumampalataya ka: mapapalad yaong hindi nangakakita, at gayon maβy nagsisampalatayaβ (Juan 20:29).
πππ SABI NG MAKAPANGYARIHANG DIYOS ," Sinasabi Ko sa inyo, tiyak na yaong mga naniniwala sa Diyos nang dahil sa mga palatandaan ay tiyak na nasa kategorya ng mga daranas ng pagkawasak. Yaong mga hindi kayang tumanggap sa mga salita ni Jesus na nagbalik na sa katawang-tao ay tiyak na mga anak ng impiyerno, mga inapo ng arkanghel, ang kategorya na sasailalim sa walang-katapusang pagkawasak. Maaaring walang pakialam ang maraming tao sa sinasabi Ko, ngunit nais Ko pa ring sabihin sa bawat tinatawag na banal na sumusunod kay Jesus na, kapag nakita ninyo nang sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sa ibabaw ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng katuwiran. Marahil ay magiging panahon iyan ng matinding katuwaan sa inyo, subalit dapat ninyong malaman na ang sandali kung kailan nasasaksihan ninyong bumababa si Jesus mula sa langit ay iyon din ang sandali ng pagbaba ninyo sa impiyerno para maparusahan. Sa panahong iyon magwawakas ang plano ng pamamahala ng Diyos, at mangyayari iyon kung kailan ginagantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at pinarurusahan ang masasama. Sapagkat magwawakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga palatandaan ang tao, kung kailan mayroon lamang pagpapahayag ng katotohanan. Yaong mga tumatanggap sa katotohanan at hindi naghahanap ng mga palatandaan, at sa gayon ay napadalisay na, ay makakabalik na sa harap ng luklukan ng Diyos at makakapasok na sa yakap ng Lumikha. Yaon lamang mga nagpupumilit sa paniniwala na βAng Jesus na hindi nakasakay sa puting ulap ay isang huwad na Cristoβ ang sasailalim sa walang-katapusang kaparusahan, sapagkat naniniwala lamang sila sa Jesus na nagpapakita ng mga palatandaan, ngunit hindi kinikilala ang Jesus na nagpapahayag ng malupit na paghatol at nagpapakawala ng tunay na landas ng buhay. Kaya maaari lamang silang pakitunguhan ni Jesus kapag hayagan Siyang bumabalik sa ibabaw ng puting ulap. Masyado silang sutil, masyadong tiwala sa kanilang sarili, masyadong mayabang. Paano magagantimpalaan ni Jesus ang gayon kababang-uri?β