09/12/2024
"BATID ng KAPALARAN" (A Short Premonition Story)
Dapit hapon noon nang naglalakad ang isang binata na nagngangalang si Pako,malabo ang kanyang mata pero tama lang upang makaaninag at hindi umasa sa kaba at kapa, nagpag-pasyahan ni pako na magikot sa lugar na kanilang bagong nilipatan nang araw nayun. Di na sya nag-atubiling magsuot ng salamin dahil sa gulo ng kanilang kagamitan. Nagpaalam sya saglit sa ina na nagliligpit ng kanilang gamit papasok ng bago nilang tutuluyan katulong ang mga kalalakihan ng lipat-bahay. Habang nilalakbay ni pako ang tila ba okupadong iskinita sa dami ng tao, napahinto sya nang muntik nang bumangga sa isang taong nakaharang sakanyang daraanan. Tiningala nya ito mula sa pagkaka-yuko upang makita ang itsura nito. Isang kasing taas nyang lalaki,payat, napansin nyang tila ba'y nanginginig ito at para ba'y namumutla ang balat. Naka-itim na polo at naka pulang shorts. Nakatingin ito sa kabilang banda ng daan, tila bang nakatayong sumusulyap. Tinanong nya ito, "Kuya, ayos ka lang po ba?",mahinahon ngunit nagtatakang pagtatanong nya. Hindi ito kumibo at nanatiling nakatulala sa kawalan. Nagtataka man nang husto ay napagdesisyunan nitong tumuloy sa kanyang paglalakbay. Di na nagatubiling mangulit pa sa estanghero dahil maaaring may pinagdadaanan ito. Ngunit bago pa man sya makaalis, narinig nyang may sumitsit at agad nyang nilingon ito. Nagulat sya nang madatnan ang lalaking wala na sa likod nya at nang mabilis na hinagilap ang paligid nakitang nyang nasa kabilang banda narin ito ng daan. Nagmamasid pero ang nakakatakot ay nakasisigurado syang sakanya na ito nakatingin, tinitigan nya maigi ang pigura nito, maya-maya pa'y napansin nyang unti-unting umangat ang labi nito at malaking ngiti ang ibinigay sakanya bago umangat ang kanang braso nito upang tumuro sa harap nya at sabay kumaway na tila ba namamaalam. Nang humarap sya sa itinurong daan nito, doon ay tila ba nag-slowmo ang lahat. Malabong pandinig na sinalubong nya ang sigawan ng hula nya'y mga tao sa paligid, nang may isang malaking truck ang patungo...patungo ito walang iba kundi sa direksyon kung saan sya nakatayo. Sa sobrang bilis ng pangyayari nang naimulat nya ang mga mata at syang naka-higa na sa kalsada nagsimulang magkagulo ang mga tao ang mga papalapit sakanya. Di na nya mawari ang mga naririnig sa sobrang ingay, dagdag pa ang nararamdamang sakit at pagkaka-bara ng kanyang hininga. Di na sya makahinga. Para bang pasuko na ang lahat sakanya nang sinubukan nyang magsalita at mag-angat ng kanyang ulo ngunit laking taka nang may naaninag syang muli at di sya maaaring magkamali na ito ang parehong lalaking nakatayo sa gitna ng mga taong nakakumpol sa harap nya. Para bang naka-ngiti parin ito pero unti-unting nagsimulang maglaho na parang bula sa gitna ng magulong kumusyon.
Naramdaman nya ang pagtulo ng kanyang luha at dumilim ang kanyang paningin ng bahagya bago muling makamit ang ilaw ng mundo.
Sa di maintindihang sirkumstansya, nakayanang tumayo ni Pako, pinilit nyang bumangon at nakakagulat na para bang walang masakit sakanya na kanina lang ay ramdam na ramdam nya pero di na nya ito kwinestyon pa't dahil sa pangyayari tuliro ang isip't loob nitong naglakad papalayo sa nabubuong kumpol pa ng tao. Walang ibang pumasok sa isip nya kundi ang makauwi sa kanyang ina. Ang damdamin na gusto nyang masilayan ang ina ay naguumapaw na para bang di na nya muli ito makikita pa. Di pa man nakakalayo, nakita nya ang ina na tumatakbo at umiiyak ito. Nakikita. Nakikita nya ang ina na walang halong panlalabo. Ang humahagulgol na imahe ng kanyang ina. Sasalubungin na nya sana ito upang sabihing ayos lang sya nang sa kabilang banda ng daan ito tumungo imbes na sakanya. Nasaksihan nya kung paano nagsumiksik sa mga nagkakagulong tao ang ina habang patuloy ang matinding pagdadalamhati. Nanatili syang nakatayo sa pinaroroonan at bahagyang sinulyapan ang ginagawa ng ina. Naaninag nya sa mga pagitan ng binti ng kumusyon ang pagluhod ng ina sa sementong kalsada. Bigla syang natulala. Di sya makapaniwala. Hindi ito maari. Hindi maaaring tunay ang kanyang nakikita nya. Ang nasasaksihan nyang hindi katanggap-tanggap. Tiningnan nya ang kanyang katawan. Namumugtong sinilayan nya ang kanyang suot. Itim na polo at pulang pang-ibaba. Kalaunan ay may humintong bata sa kanyang tagiliran at walang muang na nagtanong nang mga katagang pamilyar na pamilyar sakanya sa mga oras nayun, "Kuya, ayos ka lang po ba?". Sinuklian nya ito ng ngiti pero ang ngiting hindi magiging sagabal sa imahinasyon ng bata. Di sya makapaniwala sa mga pangyayari, Sinulyap nya ulit ang kaguluhan sa harap at nanatiling nakatayo, nasaksihan nya ang paghihinagpis ng ina habang nakakapit sa kamay...kanyang kamay na mga oras lamang simula nung huli nya itong mahawakan na tunay nyang nadama, ngunit wala na syang magagawa, kabiguan man ang nararamdaman kinailangan nya tanggapin na dito na lamang ang lahat at 'di na muli pang bumitaw sa realidad na kanyang nakamtan magpakailanman dahil batid nyang ito ang kanyang...kapalaran.
Yours truly, ang BATA,
THE END.
_Alison🐺