15/12/2025
And always pray to God 🙏
How did I gain my skills today?
First of all, hindi ko sinasabing ako na ang pinakamagaling. During my college years (2013–2018) as a Computer Engineering student, mahina at mahal ang internet noon, at limited talaga ang resources. Lumaki rin akong simple lang at mahirap na buhay.
Naalala ko ang isa naming instructor, kasama sila sa naunang batch bago kami. May sinabi siya na hanggang ngayon ay tumatak pa rin sa isip ko:
“Kapag may pagkakataon kang mag-internet, nasa computer shop ka man o may load ka, lagi kang mag-search ng "How to." Ex: How to edit videos.”
Malaking tulong iyon sa akin dahil sa school, fundamentals at basics lang kadalasan ang tinuturo. Nasa atin na kung paano tayo magre-research at mag-aaral ng mas advanced.
Siya ay si Sir Jeremie Arellano, at sobrang thankful ako sa payo niya.
Aminado rin ako na hindi ako masyado sa academics, kaya bumawi ako sa skills.
Here is my humble advice:
Kung binabasa mo ito ngayon, swerte ka. Mabilis na ang internet, minsan libre pa.
Huwag sayangin ang oras sa endless scrolling. Maglaan ka ng oras para mag-search, mag-practice, at mag-build ng skills.
Hindi mo ito pagsisisihan balang araw. 🎬💻