23/07/2024
HNVS Brigada Eskwela Kick Off Ceremony, isinagawa na!
HILONGOS, Leyte— Sinimulan na ang Brigada Eskwela kick-off ceremony sa Hilongos National Vocational School, nitong ika-22 ng Hulyo na may temang “Bayanihan para sa Matatag na Paaralan,” ito ay alinsunod sa DepEd Memorandum Blg. 33 s.2024 na inilabas ni DepEd Undersecretary Michael Wesley Poa nitong ika-sampo ng Hulyo. Ito ay gagawin ngayong taon mula Hulyo 22-29.
Malugod na tinanggap ng mga boluntaryong magulang at estudyante na may dalang kagamitan sa paglilinis tulad ng, bolo, sako at walis sa pamamagitan ng mainit na pagbati.
Mapapansin ang pagiging masipag na pagboluntaryo ng mga mag-aaral at ng mga magulang at ang pagiging tapat nila sa kanilang ginagawa, na binigyang-diin naman ni Dr. Richard A. Gabison sa kanyang talumpati.
Hindi rin nakaligtaang ituro sa mga mag-aaral ang kahalagahan sa pagpapanatili ng kalinisan sa paaralan.
Kalakip nito ang masayahing pagtatanghal ng mga g**o sa iilang mga sayaw ng Ppop-girl-group na BINI.
Opisyal ding nilagdaan ng mga g**o ang "pledge of commitment" na naglalayong mapatatag ng mga g**o ang magkaparehong pagkaunawaan sa gitna ng responsibilidad at pagpapaunlad ng isang positibong kapaligiran sa trabaho.
Kasama sa preperasyon sa paparating na pasukan ang iba't-ibang ahensya gaya ng LGU ng Hilongos, Bureau of Fire Protection at RHU.
“Responsibilidad nating panatilihin ang kalinisan ng paaralan at dapat ding makibahagi ang mga mag-aaral dito. Malaking tulong sa paaralan ang aktibidad ng Brigada Eskwela” sabi ni Gg. Albert R. Agon ang Brigada Eskwela Coordinator.
✍️Giah Mae Alfante, Opisyal na mamamahayag ng Ang Boses
📸 SSLG-HNVS
_________________________________