03/12/2024
Ngayong Kapaskuhan, ipakita natin ang pagmamahal at malasakit sa ating mga nakatatanda. Alalahanin natin ang kanilang mga pangangailangan, pahalagahan ang kanilang mga kwento, at ipadama ang init ng pamilya at komunidad. Magsama-sama tayo sa pag-abot ng tulong, pagmamahal, at kasiyahan sa mga senior citizens bilang pagpapakita ng tunay na diwa ng Pasko.