The Cenzo Mystique

The Cenzo Mystique Hello, everyone! This page will be all about my vlogging and happy moments here on Planet Earth. 🤣

04/05/2024

Notes before sleeping tonight.

Whatever happened today, it’s done. May mga bagay na hindi talaga natin kontrol kaya ipagpasaDiyos natin ang mga bagay na hindi natin nagagawa para sa ikabubuti ng lahat.

Lahat ng tao may kanya-kanyang pasanin araw-araw, kaya piliin mo lagi maging mabuti sa mga tao. Intindihin at mahalin. Pinakaimportante pa rin ang kabutihan ng puso at iyan ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, pinagpapala ka pa rin ni Lord.

Huwag mong kalilimutan kung sino ka at kung anong hangarin ng iyong mabuting puso. Anuman ang marating mo sa buhay, hindi iyon rason para tapakan o lamangan ang ibang tao. Ikaw ay ikaw dahil may mga taong nagdala sa iyo diyan at umaaasa sila na gagamitin mo ang lahat ng iyong kakayanan upang tulungan silang mabuhay… mabuhay sa isang mundo na puno ng kabutihan, kapayapaan, at malalim na pananampalataya sa Diyos.

Pantay-pantay tayo, hindi importante kung pabalik ka na o papunta pa lang kami. Ang importante, alam mo na bawat isa sa atin ay may pananagutan na maging ehemplo ng kabutihang asal at pagpapakumbaba sa lahat ng panahon.

Salamat Lord sa araw na ito, patuloy Mo po kaming gabayan at bigyan ng lakas sa araw-araw.

Love,

Vince 💛

17/01/2024

Nasa point na ng buhay na gusto ko na ng security para sa aming buong pamilya at relatives. Isa sa mga naging awakening ko noong 2023 ay yung magprepare in the future, leaving all the procrastinations, at mag-isip ng paraan kung paano makakaahon sa hindi mamatay-matay na kahirapan.

Sounds/looks tiring sa mga nadadaanan ng mga ooffers ko ng insurance sa news feed nowadays. IGNORED, REJECTED, and being laughed at. IT’S FINE with me but it makes me sad for the unreadiness of minds towards financial security. It’s really ironic that most of people want something to enjoy in the long run but do not invest or prepare for it. Hindi pagmamalabis ng sarili natin sa trabaho ang sagot para makamit niyo ang maginhawang retirement. If you only knew how these insurance companies provide you PEACE OF MIND, then maybe you’ll understand why I share you these blessings.

STOP FANTASIZING POVERTY!

Work smart, save smart, and think smart. Hindi ko po sinasabing walang napapala sa mga pagtatrabaho natin, it’s just that inflation really kills our dream, we better get along with this inflation and think of other ways of making our goals and plans into reality without cutting our ties. Hindi po sa lahat ng pagkakataon ay effective yung “kung maikli ang kumot, matutong mamaluktot” bakit tayo mamamaluktot kung may paraan naman para humanap ng mas malaking kumot?

It’s 2024 and if you feel that you’re too young or incapable of insuring yourselves, think twice or better seventy times. Until when that we are strong like this age? We never know. As early as young, if we want change, we must fight poverty not just by education itself but also with proper money management or financial security.

Huwag natin masamain kung bakit ang mga mayayaman ay mas lalong yumayaman, they worked for it, and they invest for it. Also, buhay nila iyon, magkaiba tayo at may kanya-kanya tayong buhay. Nasa sa atin lamang nakasalalay kung paano natin ito gustong iguhit sa bawat pahina ng ating mga libro. Iwasan na natin na sa tuwing may mga problema ay palagi tayong nagsisisi na sana ganito, sana noon pa, sana ganyan.

Kung mangangarap tayo taasan na natin Para kung bumagsak tayo, at least nasa gitna tayo. :D If you know what I mean. Like inisip ko na magta-topnotcher ako sa LET pero ayun hindi natupad pero nakapasa po tayo. Ganyang mindset po para hindi tayong lugmok na lugmok sa kahirapan.

Iyon lang naman. Huwag po kayo sa akin magalit ah. Hehe, peace po tayo. :)

Good night!

Belated happy birthday ulit kyla! Salamat sa pagpapamake-up sa amin ni ate Lhaica Abarentos. Salamat din po ate Madelyn ...
14/01/2024

Belated happy birthday ulit kyla! Salamat sa pagpapamake-up sa amin ni ate Lhaica Abarentos. Salamat din po ate Madelyn Rosales.

Sa susunod po ulit. 😊😊😊

13/01/2024

Good morning! ☀️

Lalaban kahit hindi pa nila makita ang value mo ngayon. Soon, sila rin mismo ang lalapit kapag hawak mo na ang hinahanap nila sa’yo noon.

“LEARN TO BUILD YOURSELF EACH DAY”

Tama si Meme Vice, huwag na natin i-fantasize masyado ang kahirapan. Masaya maging mahirap dahil nanduon yung urge natin...
12/01/2024

Tama si Meme Vice, huwag na natin i-fantasize masyado ang kahirapan. Masaya maging mahirap dahil nanduon yung urge natin na kumilos para sa mga pangarap natin pero sa likod ng saya na iyan ay yung sobrang sakit ng kahirapan.

Hindi naman masama maging mahirap dahil isa sa napakagandang buhay natin ang pagiging mahirap pero dapat may gawin tayong sandata. Dahil kahirapan din ang unti-unting kikitil sa mga pangarap natin.

INVEST in ourselves!

Prepare for the unexpected call of the end times and SECURE your loved ones who will be left with your INVESTED PROTECTIONS.

Dahil oras na magdiminish lahat ng energy natin, baka pagsisihan natin at mafrustrate lang tayo na sana noon pa ako NANIWALA, sana noon ko pa narealize yung true essence ng pagiging INSURED.

Dahil yung mga taong iniilagan niyo noon, sila pala yung blessings na noon pa kumakatok sa buhay natin para paalalahanan tayo na may paraan pala para kahit papano SABAYAN ang KAHIRAPAN kahit wala na tayo.

PEACE OF MIND, PROTECTION, LEGACY, and HOPE of starting a new beginning of another BRIGHTER LIFE!☀️

… all you have to do is to believe because these protections are guaranteed GIFTS to you. It’s more than of a business that you think. It’s all about CARING for you and for the future of your family.

At the end, once you choose a BRIGHTER LIFE, you are always a WINNER BREADWINNER!

Love,

VINCE, your partner for life. 🌞

Learning 001 s. 2024“Don’t expect support from people who unexpectedly ignores you after knowing that you are now turnin...
09/01/2024

Learning 001 s. 2024

“Don’t expect support from people who unexpectedly ignores you after knowing that you are now turning into a new path.”

Just continue and work in silence. The only support that you can expect is from you, yourself

Laban! Walang problema kung mag-isa ka na lang sa pangarap mo. 😊

17/10/2023

Syempre, may bagong release na reginified song si idol kaya cover na agad. Hindi ko na kaya yung mataas na part kaya hanggang una lang. (Nilagyan ko ng echo yung part na "love" sa dulo 🤣)




16/10/2023

EDUC NOTE #003 | Articles "an", "a", and "the"

Walang materials, listen very well na lang po. 🙏🤣 Thanks!

03/10/2023

EDUC NOTE #001 | Prepositions "in" and "on" kapag bumabyahe ka. 😊

03/08/2023

After magreview, nag-edit ng vlog for today pero yung tinamad na version. 😀😅😀

Thank you mommy Manuela for my new haircut! Super love it! 🥰🥰🥰

Visit na kayo sa Whella's Salon here in Guinayangan, Quezon. Muah muah

I've received 100 reactions to my posts in the past 30 days. Thanks for your support. 🙏🤗🎉
03/08/2023

I've received 100 reactions to my posts in the past 30 days. Thanks for your support. 🙏🤗🎉

Hello everyone! No vlogs for ilang weeks! 🤣 Kasi baby pa po ako. 🍼🍼🍼Bawal pa po ako magcellphone. 🤣
12/07/2023

Hello everyone! No vlogs for ilang weeks! 🤣 Kasi baby pa po ako. 🍼🍼🍼

Bawal pa po ako magcellphone. 🤣

09/07/2023

Appreciate those recognitions. However, be ready of what life will throw you afterwards... That's the real battle wherein you, yourself is your own enemy. 🙏

Padayon graduates of Batch 2023!

Congratulations to all of you! 😉

ALL of you deserve an equal celebration of your perseverance in your studies. 😘

"BEAKER!"Babalikan ko lang yung CS (call sign) namin ng kaklase ko kung bakit ito yung naging tawagan namin sa isa't isa...
02/07/2023

"BEAKER!"

Babalikan ko lang yung CS (call sign) namin ng kaklase ko kung bakit ito yung naging tawagan namin sa isa't isa.

Once, naging bahagi ako ng mga mag-aaral na kabilang sa top 15. Hindi na lang ako magiging detalyado para sa privacy ng mga naging involve sa history nitong "beaker" na ito. 🤣

Exam namin noon sa quadrangle (nakakaloka, lahat ng top 15 from grade 7 to 4th year ay naroroon. Ramdom ang arrangement para hindi prone sa cheating talaga), sobrang nakaka-excite na nakakakaba. Live na live kaming nakikita ng mga estudyante habang nagte-take ng exam. Una kaming nag-exam bago ang 4th periodical/quarterly exams para macompute beforehand kung sino ang papalarin sa top 10 ranking kasi closing na. 🙏 (As usual)

Ang nasa paligid ko ay mula sa lower at higher grade/year kaya hindi ka talaga makakachika. 🤣 I-cut na natin agad kasi hindi naman ito yung main purpose ko sa post na ito... Science yung subject, Chemistry portion. Ito ang item...

#.) Draw a beaker from the laboratory apparatus (sa loob ng box)

🖊️🔳

So, ayan na yung naging tawagan namin ng top 1 kong kaklase.

Okay, anong dahilan? Ganito iyon. Noong mga panahon na iyan, iisa lang talaga ang nasa isip ko. Dahil walang-wala sa isip ko ang mga instruments ng laboratory apparatus, ito ang naiguhit ko...

Nagdrawing lang naman ako ng ulo ng ibon, emphasized pa yung tuka ng ibon. After kong i-draw, binilugan ko yung tuka, naglagay ng arrow at pinangalan itong ... 'beak-er' as in parang sa tagalog ay "tagatuka" 🤣🤣🤣 'yan na 'yan talaga yung idea ko that time.

Bakit namin naging CS ang Beaker? Ganito ulit iyon. After ng exams, nagtayuan na, and then may nagkumpulan sa unahan, parang kasama siya doon at yung ibang top 1 ng iba't ibang year kausap yung adviser namin na major pa yung Chemistry 🫣🥶 nagkakatawanan na and dama ko kaagad na parang nanghihinayang na nadidisappoint sa nakita nila sa hawak nilang test paper.

Papel ko pala yung tinitingnan nila. Some people laughed, some people were shocked, kasi naman, napasama ka sa top 15 tapos magdrawing ka ng ganun sa aparato eh sinong hindi magugulat? Parang sa madaling sabi ay wala dapat ako sa lugar na iyon dahil hamak na mas masasagot pa ng tipikal na estudyante iyon kaysa sa akin. 🥺

Nakakatawa naman talaga, hiyang-hiya ako noong panahon na iyon. Hindi ko magawang lumapit, kaya yung ibang top notchers ng ibang year yung lumapit sa kinauupuan ko.

"Hala bhe, bakit ganun yung drawing mo?" (Sabay hindi mapigilan yung tawa)

"Uy, hindi mo ba alam yung beaker?"

"Ganito iyon oh!"

Sobrang kahihiyan talaga ang nadarama ko na, ngumingiti ako para hindi nila mahalata na nasasaktan ako kasi hindi ko talaga alam. 🥺

Lahat sila magagaling, lahat sila matatalino. Doon na nagsimula mabuild-up yung pagdududa ko sa sarili ko na hanggang ngayon ay dala ko pa rin.

Isa lang yung pinagsabihan ko na nalulungkot ako at nasaktan ako. Parang nagsorry pa nga ako kasi sa hiya ko sa kanila, pinag-aralan namin pero hindi man lang tumatak sa isip ko. Si Regina Germaine Eduardo lang yung taong parang naramdaman kong hindi ako nahusgahan sa sagot ko. Sa isang item na para bang life-changing yung effect.

Noong nakita ko siya, in-explain ko kung bakit yun yung naging sagot ko. And ayun, tinuro niya sa akin nang maayos kung ano yung beaker sa isang laboratory apparatus. Laking pasasalamat ko noon kasi bukod sa microscope, may beaker na akong hinding-hindi malilimutan. Dalawa lang ang papasok sa isip ko kapag narinig ko iyang beaker na iyan. Yung mismong itsura niya at yung kaibigan kong nagturo nang tama sa gamit na iyan.

Noon pa lang hanga na ako sa iyo. Grade 7 pa lang. Apaka-pure, apaka-humble, apa-genuine, apaka-buti ng puso, at higit sa lahat, napakatalino na tao. Masaya ako na napadaan ako sa tapat ng bahay niyo ngayong gabi na nakapaskil na itong napakalaking tarpaulin mo ngayong isa ka nang passer sa LET. Hindi na ako nagulat bagkus ay galak na hindi ko na alam kung saan pa ilalagay dahil salamat sa Diyos, nakuha mo na ang tatlong letra na inaasam natin sa mahabang panahon.

Masaya ako na sa apat na taon, nasaksihan ko kung gaano kabuti at kagaling ang isang Regina Germaine sa loob at labas ng classroom. Ngayong napadaan ako sa tapat ninyo, panalangin ko ay ingatan ka ni Lord sa susunod mo pang laban at palagi kang i-bless pa para maging inspiration ka pa ng maraming tao.

Salamat Beaker! Isa ako sa mga tagahanga mo noon pa man at hindi na mawawala pa kailanman. Kung need nila ng proof kung gaano ka kgaling at kabait, i-chat mo lang ako, magbibigay ako ng mraming evidences. 🤣

Pagod ako galing sa raket pero na-energized ulit ako dahil napadaan akong nakangiti talaga sa tarpaulin mo.

Buti ikaw din yung kapartner ko sa JS natin before. I feel so honored my friend. Marami pang success ang dadating para sa iyo dahil kita ng Diyos kung paano ka naging mabuti para sa amin at para sa iba. Pangarap namin ay natupad na!

Isang malaking congratulations ulit Beaker! ❤️

Ma'am RG! ❤️ Paano po ito i-solve?

Ayiie, baka Mathematician namin yern! 🙏🙏🙏

God bless you always! 😇

PS. Pasensya na huh, pasmado na kamay ng kaibigan mo kakatrabaho. Pagpasensyahan mo na yung kuha ko sa'yo. ✌️ Palagi lang ako andito para i-cheer at ipagdasal ka palagi. Till we meet again. 👋 Ingat!

Thank you!

-BEAKER

30/06/2023

Salamat Lord ❤️

Palaging pipiliin Ka. 🙏

26/06/2023

SOBRANG LUNGKOT KO PO TALAGA KASI UMULAN, HINDI KO NA ALAM KUNG PAANO PIPIGILAN ANG TULO AT PAGBAHA SA LOOB NG BAHAY NAMIN NOT UNTIL...

Dinalaw ako ng mga Ivtre ni Reyna Minea!

🤭

25/06/2023

Jusku, mga Acckla, patawarin tayo. Hindi naman talaga ito sinadya. Sadyang nahulog siya, walang eme... 🤣 Haha

02/05/2022

09283473897 - Vincent C.

Good evening! Raket po ulit! ❤️

Salamat in advance! ⭐⭐⭐

Disclaimer: No copyright infringement intended. For entertainment purposes only. The music used in this video belongs to its rightful owner.

Hello friends! I'll be doing a quick live tonight! I hope you can catch me online
02/05/2022

Hello friends! I'll be doing a quick live tonight! I hope you can catch me online

08/04/2022

Hello teensy-weensy birds! I'll be having a short live stream later. Maybe, you can visit me. ☺️☺️☺️

These are the songs for tonight's line up:

1. I'd Rather Leave While I'm in Love - MS. RVA
2. I'll Never Dream Someone Like You - MS. RVA
3. Sa Wakas - MS. RVA
4. God Gave Me You - MS. RVA
5. Tell Me That You Love Me - MS. RVA
6. Been Waiting - MS. RVA
7. Wherever You Are - originally by South boarder
8. San Maulit Muli - MS. RVA
9. I'll Never Love This Way Again - MS. RVA
10. Till I Met You - MS. RVA

Ms. Regine Velasquez-Alcasid playlist muna tayo.

Thank you my teensy-weensy birds!

Enjoy!

13/03/2022

Address

Sitio Prenza, Barangay Calimpak
Guinayangan
4319

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Cenzo Mystique posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to The Cenzo Mystique:

Videos

Share


Other Digital creator in Guinayangan

Show All