Ang Alingawngaw - Opisyal na Pampaaralang Pahayagan ng BSNHS

Ang Alingawngaw - Opisyal na Pampaaralang Pahayagan ng BSNHS Sigaw ng Mundo, Boses ng Pagbabago.

๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—”๐—ง๐—œ, ๐— ๐—š๐—” ๐— ๐—”๐— ๐—”๐— ๐—”๐—›๐—”๐—ฌ๐—”๐—š!Malugod na pagbati sa mga mamamahayag ng Bartolome Sangalang National High School (BSNHS) na na...
30/01/2025

๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—”๐—ง๐—œ, ๐— ๐—š๐—” ๐— ๐—”๐— ๐—”๐— ๐—”๐—›๐—”๐—ฌ๐—”๐—š!

Malugod na pagbati sa mga mamamahayag ng Bartolome Sangalang National High School (BSNHS) na nagkamit ng karangalan sa ginanap na Division Schools Press Conference 2025 sa Rizal National High School, Rizal, Nueva Ecija, noong ika-16 ng Enero, 2025.

Hinirang ang BSNHS bilang Over-all Champion sa Online Publishing Filipino at nakamit din ang sumusunod na special awards :

Best News Section - 1st Place
Best Opinions Section - 3rd place
Best Features Section- 1st Place
Best Sports Section - 1st Place
Best Web Design and management - 2nd place
Best in Multimedia Content - 1st Place
Best in Visual Journalism - 1st Place

Binubuo ito nina Aubrey Bauto, Arvylle Sta. Ines, Cedric Pascual, Faye Burgos, at Jhunrel Grospe sa ilalim ng pamatnubay ni Ginoong Edgardo Suรฑega.

Magsisilbing kinatawan sa gaganaping Regional Schools Press Conference (RSPC) ang mga nasabing nagwagi sa Pebrero 25-27, 2025.

Ipinagmamalaki namin kayo!


๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—”๐—ง๐—œ, ๐— ๐—š๐—” ๐— ๐—”๐— ๐—”๐— ๐—”๐—›๐—”๐—ฌ๐—”๐—š!Malugod na pagbati sa mga mamamahayag ng Bartolome Sangalang National High School (BSNHS) na na...
16/12/2024

๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—”๐—ง๐—œ, ๐— ๐—š๐—” ๐— ๐—”๐— ๐—”๐— ๐—”๐—›๐—”๐—ฌ๐—”๐—š!

Malugod na pagbati sa mga mamamahayag ng Bartolome Sangalang National High School (BSNHS) na nagkamit ng karangalan sa ginanap na Congressional District-1 Schools Press Conference 2024 sa Dr. Ramon De Santos National High School, Cuyapo, Nueva Ecija, noong ika-10 ng Disyembre, 2024.

Hinirang ang BSNHS bilang Over-all 2nd Runner-up sa nasabing kompetisyon.
Narito ang listahan ng mga nagwagi:

Jasarry R. Pangandag
Editorial Cartooning (Filipino) - 2nd Place
Coach: Maria Camille V. Santiago

Aubrey Bauto
Cedric Viel Pascual
Jhunrel Bryan Grospe
Daffny Arvylle Sta. Ines
Justine Faye Burgos
Online Publishing (Filipino) - 1st Place
Coach: Edgardo S. Suรฑega Jr.

Luiza Nool (1st Place Best Anchor)
Joel Arquero (4th Place Best Anchor)
Myles Fernandez (1st Place Best News Presenter)
Angel Rubang
Ivan Sebastian
Nieshly Gardoce (2nd Best Technical Application)
Camille Romero
(2nd Best in Infomercial)
(2nd Best in Script)
Over-all Radio Script Writing and Broadcasting (Filipino) - 1st Place
Coaches: Neri Cariรฑo at Lovelyn Almario

Christine Joice D. Valeroso
Joseph M. Failma
Carissa Sylvia D. Abuan
Sharren G. Reyes
Thamara Shane V. Rigor
Dean Ardelle F. Ramos
Maria Edlyn L. Rebanal
Collaborative Desktop Publishing (Filipino) - 2nd Place
Coach: Shiela B. Supan

Jan Myrick Benavidez
Copyreading and Headline Writing (English) - 4th Place
Coach: Jonilyn Mae Nilo

Janina Kayla Padre (3rd Place Best Anchor)
John Angel Mejia (4th Place Best Anchor)
Kaizer Caamino (1st Place Best News Presenter)
Jamella Manangkil
Karlos Cinense
Princess Ara Edillor
Sharmaine Dalpasan (2nd Place Best in Technical Application)
(1st Place Best in Infomercial)
(1st Place Best in Script)
Over-all Radio Script Writing and Broadcasting (English) - 1st Place
Coach: Arnel Tinio

Alendra Iyah R. Capinding
Dud Errol J. Guerrero
Kassandra Joyce D. Dayag
Ehs Aicelle Y. Quimson
Ashly Uriel Bacula
Online Publishing (English) - 2nd Place
Coaches: Margaret Cinense and Kristel Carbonell

Siegfried Maรฑebog (4th Place Best Anchor)
Ashyra Gheylle Galapon (3rd Best News Presenter)
Katelyn Ann Agustin
Jaycie France Barawid
Rhainze Faith Francia (3rd Place Best in Technical Application)
Jhazmine Barawid
Aira Jean Santos
(2nd Place Best in Script)
(3rd Place Best in DevCom)
Over-all TV Script Writing and Broadcasting (English) - 3rd Place
Coach: Ebdani Lardizabal

Magsisilbing kinatawan sa gaganaping Division Schools Press Conference (DSPC) ang mga nasabing nagwagi sa Enero 15-17, 2025.

Ipinagmamalaki namin kayo!



09/12/2024

Magkahalong saya at pananabik ang nararamdaman ngayon ng mga mamamahayag ng Bartolome Sangalang National High School para sa gaganaping CD1 Schools Press Conference bukas, Disyembre 10, sa Dr. Ramon de Santos National High School.

Panoorin ang panayam kay Camille P. Romero, kalahok ng Radio Scriptwriting and Broadcasting.

25/11/2024

Ang Publikasyon ng Ang Alingawngaw ay naghahanap ng Digital Cartoonist.
Magpadala ng mensahe kung nais maging bahagi ng aming grupo.

๐˜ฝ๐˜ผ๐™‡๐™„๐™๐˜ผ : ๐——๐˜‚๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐˜๐—ฒ: '๐—ก๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ป ๐—ป๐—ฎ ๐—ฎ๐—ธ๐—ผ' - ๐—”๐˜€๐˜€๐—ฎ๐˜€๐˜€๐—ถ๐—ป ๐—ฉ๐˜€ ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฐ๐—ผ๐˜€๐—ฒ๐˜€: ๐—ฃ๐—ฆ๐—–, ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐—ฟ๐˜๐—ผIbinunyag ng Malacaรฑang ang pahayag ni Vice Pre...
23/11/2024

๐˜ฝ๐˜ผ๐™‡๐™„๐™๐˜ผ : ๐——๐˜‚๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐˜๐—ฒ: '๐—ก๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ป ๐—ป๐—ฎ ๐—ฎ๐—ธ๐—ผ' - ๐—”๐˜€๐˜€๐—ฎ๐˜€๐˜€๐—ถ๐—ป ๐—ฉ๐˜€ ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฐ๐—ผ๐˜€๐—ฒ๐˜€: ๐—ฃ๐—ฆ๐—–, ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐—ฟ๐˜๐—ผ

Ibinunyag ng Malacaรฑang ang pahayag ni Vice President Sara Duterte sa pagkontrata ng isang assasin upang patayin ang Pangulo, Ferdinand 'Bongbong: Marcos Jr., na inaksyunan ng Presidential Security Command (PSC).

Binanggit ng Executive Secretary na isa itong 'active threat' sa PSC at kinakailangan ng agarang aksyon.

"Anumang banta sa buhay ng Pangulo ay dapat palaging seryosohin", isinaad ng pahayag na itinampok ng Presidential Communications Office (PCO) na umalerto sa PSC

Inilahad din ng nasabing gobyerno ang kabigatan ng pagbabanta na nagdulot ng pagtaas ng seguridad sa buhay ng pangulo

Nailantad sa isang streaming conference noong Biyernes ng gabi, ika-22 ng Nobyembre, ang pakikipagkontrata niya sa isang assasin upang patayin ang pangulo at ang unang ginang, Liza Araneta-Marcos, gayundin si House Speaker Martin Romualdez, kung sakaling magtatagumpay ang planong pagpatay sa kaniya.

"May kinausap na ako na tao. Sinabi ko sa kanya, kapag pinatay ako, patayin mo si BBM, si Liza Araneta, at si Martin Romualdez. No joke, no joke," ani Duterte sa isang zoom conference.

22/11/2024

๐™‹๐˜ผ๐™‰๐™Š๐™Š๐™๐™„๐™‰ | Magkahalong kaba at saya ang nararamdaman ng mga kalahok sa Hiphop Dance at Zumba Dance Competition na ginaganap ngayong hapon sa Bartolome Sangalang National High School. Panayam mula kay Mark Angelo De Gala mula sa 12 HUMSS ROMA

๐—๐—จ๐—ฆ๐—ง ๐—œ๐—ก | Search for Best Literary Character, kasalukuyang ginaganapKasalukuyang ginaganap ang Search for Best Literary ...
22/11/2024

๐—๐—จ๐—ฆ๐—ง ๐—œ๐—ก | Search for Best Literary Character, kasalukuyang ginaganap

Kasalukuyang ginaganap ang Search for Best Literary Character sa BSNHS gymnasium bilang pagdiriwang sa English Month.

Pinangunahan ang nasabing pagdiriwang ng mga g**o mula sa English Department na dinaluhan ng mag-aaral mula ika-7 hanggang ika-12 na baitang.

Ayon sa Assistant School Principal II, Perla M. Romano, nagagalak siyang maraming mga mag-aaral ang dumalo upang maki-isa at makisaya sa kaganapang ito.

"Ang pagdiriwang na ito'y makatutulong sa ating lahat upang maging hakbang sa pag-unlad ng bawat isa." aniya

โœ’๏ธ ni Lyka Romano

๐“ž๐“ฟ๐“ฎ๐“ป๐”€๐“ธ๐“ป๐“ด๐“ฎ๐“ญ ๐“จ๐“ช๐“ป๐“ท: ๐“Ÿ๐“พ๐”€๐“ฎ๐“ญ๐“ฎ ๐“ซ๐“ช๐“ท๐“ฐ ๐“ฒ๐“ผ๐“ช-๐“ฒ๐“ผ๐“ช ๐“ต๐“ช๐“ท๐“ฐ?ni AsherHindi naman sampo ang araw sa isang linggo, pero bakit sabay-sabay ang...
15/11/2024

๐“ž๐“ฟ๐“ฎ๐“ป๐”€๐“ธ๐“ป๐“ด๐“ฎ๐“ญ ๐“จ๐“ช๐“ป๐“ท: ๐“Ÿ๐“พ๐”€๐“ฎ๐“ญ๐“ฎ ๐“ซ๐“ช๐“ท๐“ฐ ๐“ฒ๐“ผ๐“ช-๐“ฒ๐“ผ๐“ช ๐“ต๐“ช๐“ท๐“ฐ?
ni Asher

Hindi naman sampo ang araw sa isang linggo, pero bakit sabay-sabay ang mga gawain na binibigay nyo? Marahil marami sa atin ang nagtatanong nito. Sa kabila ng mga delubyo at hindi kontroladong kalamidad, patuloy ang pagdating ng mga gawaing tila walang konsiderasyon. Hindi tayo mga robot na kayang gumawa ng mga performance task nang sabay-sabay; mga performance task na sunod-sunod ibinibigay.

Walang intensyong ipakita na tamad kami. Ngunit sa limitadong oras na meron kami, kadalasan ay tulog ang unang isinasakripisyo. Sobra na sa puyat, nadaragdagan pa ng mga pagsubok sa kalusugan at sa relasyon sa pamilya. Kung ang mga magulang mismo ay nagtataka kung nasaan ang kanilang anak โ€” nasa pag-eensayo? filming? o pananaliksik? โ€” ito ay dahil sa bigat ng mga gawaing nakaatang sa amin.

Lumalabas kami at tumutungo sa mga lugar, hindi alintana ang ulan o ang peligro, para lamang matapos ang mga proyekto at makapasa at PUMASA sa iba't ibang asignatura. Sa kabila ng lahat, kami pa rin ang pinaparatangan ng kulang sa โ€œtime management.โ€ Pero 'manageable' pa nga bang matatawag kung nagbibigay ng panibagong aktibidad kahit hindi pa tapos ang iba?

Panahon na para ayusin ang ganitong sistema. Hindi dapat maging pamantayan ang pagsasakripisyo ng kaligtasan at kalusugan para lamang makaraos sa mga gawaing hindi tumitigil sa pagdating.
Ang edukasyon ay dapat magsilbing gabay at kaagapay sa pagkatuto, hindi isang labanan na nagpapahirap sa mga mag-aaral at nagtutulak sa kanilang mga limitasyon.

Guhit ni: Jasarry Pangandag

12/11/2024

ANG ALINGAWNGAW

Ang Alingawngaw ay ang opisyal na pahayagang pangkampus sa Filipino ng Bartolome Sangalang National High School. Layunin naming maging katuwang sa pagtataguyod at pangangalaga ng kalayaan sa pamamahayag, sa pamamagitan ng pagmulat sa mga mag-aaral tungkol sa mga mahahalagang kaganapan, isyu, at mga paksang nararapat bigyang pansin.

I-like at i-follow ang aming opisyal na page upang manatiling nakatutok sa mga balita at napapanahong usapin sa loob at labas ng paaralan.

https://www.facebook.com/profile.php?id=61552597971360&mibextid=JRoKGi

๐—ก๐—ผ๐—ฏ๐˜†๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฒ ๐Ÿฎ | ๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜†Ngayong Undas, patuloy nating pahalagahan at alalahanin ang mga yumaong mahal natin sa bu...
02/11/2024

๐—ก๐—ผ๐—ฏ๐˜†๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฒ ๐Ÿฎ | ๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜†

Ngayong Undas, patuloy nating pahalagahan at alalahanin ang mga yumaong mahal natin sa buhay. Pasiklabin ang pagmamahal na mananatiling buhay magpakailanman.

๐—ก๐—ผ๐—ฏ๐˜†๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฒ ๐Ÿญ | ๐—”๐—น๐—น ๐—ฆ๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐˜๐˜€โ€™ ๐——๐—ฎ๐˜†Pag-alala at Pagpaparangal sa mga banal na santo - mga gabay, inspirasyon, at huwaran sa bu...
01/11/2024

๐—ก๐—ผ๐—ฏ๐˜†๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฒ ๐Ÿญ | ๐—”๐—น๐—น ๐—ฆ๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐˜๐˜€โ€™ ๐——๐—ฎ๐˜†

Pag-alala at Pagpaparangal sa mga banal na santo - mga gabay, inspirasyon, at huwaran sa buhay at pananampalataya.

๐—๐—จ๐—ฆ๐—ง ๐—œ๐—ก | Kasalukuyang ginaganap sa World Citi Colleges Gymnasium ang Symposium Seminar na may temang "Youth Symposium H...
19/10/2024

๐—๐—จ๐—ฆ๐—ง ๐—œ๐—ก | Kasalukuyang ginaganap sa World Citi Colleges Gymnasium ang Symposium Seminar na may temang "Youth Symposium Hinggil sa mga Bagong Hamon ng Climate Change". Dinaluhan ito ng mga Club Officers ng iba't ibang Organizations mula sa ating paaralan.

๐—ž๐—ฎ๐˜๐˜‚๐˜๐˜‚๐—ฏ๐—ผ: ๐—ฆ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐˜‚๐—น๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผSa bawat sulok at liblib na lugar ng Pilipinas, maraming bagay ang nakatagoโ€”may m...
14/10/2024

๐—ž๐—ฎ๐˜๐˜‚๐˜๐˜‚๐—ฏ๐—ผ: ๐—ฆ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐˜‚๐—น๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ

Sa bawat sulok at liblib na lugar ng Pilipinas, maraming bagay ang nakatagoโ€”may mga kulturang hinabi ng mga katutubong komunidad na humubog sa makasaysayang nakaraan ng bansa. Maniniwala ka bang mahigit 100 pangkat etniko ang naninirahan sa Pilipinas? Saan at paano napapanatili ng mga ito ang yaman at nakagisnang kultura sa makabagong panahon?

Ang Pilipinas ay saksi sa isang makulay at makabuluhang pagdiriwangโ€”ang Araw ng mga Katutubo. Isang araw na hindi lamang nagtatampok sa yaman ng kultura at tradisyon ng mga katutubong Pilipino, kundi nagbibigay-diin din sa kanilang mga karapatan at mga hamon na patuloy nilang hinaharap sa makabagong mundo.

Ang mga katutubo, na tinatawag ding mga "indigenous peoples," ay mayaman sa kasaysayan at kaalaman na umusbong mula sa mga sinaunang panahon. Sila ang mga tagapag-alaga ng mga tradisyon, wika, at sining na nagbibigay ng kulay at lalim sa ating pambansang pagkakakilanlan. Sa bawat kwento, awit, at sayaw, naipapasa ang kanilang mga karanasan at aral mula sa isang henerasyon patungo sa susunod.

Ang Pilipinas ay tanyag na bansang espesyal sapagkat ito ay nagkakaloob ng magkakaibang kultura na may tinatayang 14-17 milyong Indigenous Peoples (IP) na kabilang sa 110 etno-linguistic na grupo. Pangunahin ang mga ito sa Northern Luzon (Cordillera Administrative Region, 33%) at Mindanao (61%), na may ilang grupo sa Visayas area ayon sa United Nations Development Programme (UNDP). Ang mga katutubong pamayanang kultural ng Pilipinas ay may mahabang kasaysayan ng pakikibaka para sa kanilang mga karapatan, ancestral domain, at awtonomiya. Ayon naman sa Konstitusyon ng Pilipinas, bilang pagkilala sa pagkakaiba-iba na ito at sa ilalim ng balangkas ng pambansang pagkakaisa at pag-unlad, ay nag-uutos ng pagkilala, proteksyon, pagtataguyod, at pagtupad ng estado sa mga karapatan ng mga Katutubo. Dagdag pa, kinilala ng Republic Act 8371, na kilala rin bilang โ€œIndigenous Peoples Rights Actโ€ (1997, IPRA), na naglalayong mapahalagahan ang kanilang sariling karapatan bilang mahalagang indibidwal sa Pilipinas.

Sa Araw ng mga Katutubo, mahalagang kilalanin at ipagdiwang ang mayamang kultura at kasaysayan ng mga katutubo. Ang kanilang mga tradisyon at kwento ay hindi lamang bahagi ng nakaraan, kundi isang inspirasyon para sa hinaharap. Sa pagtutulungan at paggalang, maaaring lumikha ng mas maliwanag na kinabukasan kung saan ang lahat ay may puwang at halaga na sumasalamin sa kulturang maka-Pilipino.

โ€“โ€“
๐Ÿ–Š๏ธ: Gerlyn Mae Aritcheta
๐ŸŽจ: Jasarry Pangandag

๐™…๐™๐™Ž๐™ ๐™„๐™‰ | Kasalukuyang ginaganap ngayon ang Necrological Service ni Sir Jerwin F. Domingo para sa mga kapamilya, kapwa g...
06/10/2024

๐™…๐™๐™Ž๐™ ๐™„๐™‰ | Kasalukuyang ginaganap ngayon ang Necrological Service ni Sir Jerwin F. Domingo para sa mga kapamilya, kapwa g**o, mga mag-aaral, at mga kaibigan na nagnanais masilayan ang mga labi ng ating mahal na yumao sa huling pagkakataon bago ihatid sa kaniyang huling hantungan.

Patuloy po nating ipagdasal ang ikaluluwalhati ng kaluluwa ni Sir Jerwin. ๐Ÿ•Š๏ธ

๐™…๐™๐™Ž๐™ ๐™„๐™‰ : Nakipagkaisa ang Bartolome Sangalang National High School sa isinagawang Trash Run na nagsimula kaninang 4:30 ...
04/10/2024

๐™…๐™๐™Ž๐™ ๐™„๐™‰ : Nakipagkaisa ang Bartolome Sangalang National High School sa isinagawang Trash Run na nagsimula kaninang 4:30 ng umaga sa World Citi Colleges Campus, ika-5 ng Oktubre, taong kasalukuyan.

Layunin ng gawaing ito ang mabigyan ng pagpapahalaga ang kalikasan sa pamamagitan ng pagpupulot ng basura.

๐™ˆ๐™–๐™ก๐™ž๐™œ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™–๐™ง๐™–๐™ฌ ๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™œ๐™– ๐™œ๐™ช๐™ง๐™ค, ๐™Ž๐™ž๐™ง ๐™€๐™™!Maraming salamat sa iyong walang humpay na suporta at dedikasyon sa serbisyo alang-a...
04/10/2024

๐™ˆ๐™–๐™ก๐™ž๐™œ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™–๐™ง๐™–๐™ฌ ๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™œ๐™– ๐™œ๐™ช๐™ง๐™ค, ๐™Ž๐™ž๐™ง ๐™€๐™™!

Maraming salamat sa iyong walang humpay na suporta at dedikasyon sa serbisyo alang-alang sa ikabubuti ng mga mag-aaral. Ipananalangin namin na kayo'y mamalagi sa mabuting kalagayan, upang makapanguna pang patuloy ng magiting sa aming unahan - maging isang mabuting g**o sa pagtuturo sa mga mag-aaral, at isang tapat na lider na nangunguna sa amin sa mataas na kalidad na pamamahayag. Puno ng pagbati at pasasalamat ang ipinaparating ng pahayagang Ang Alingawngaw. ๐Ÿฅณ๐Ÿ’›โค๏ธ

๐™…๐™๐™Ž๐™ ๐™„๐™‰ | Kasalukuyang ginaganap ngayon ang pagdiriwang ng Araw ng Mga G**o sa BSNHS Gymnasium na pinangunahan ng mga mi...
04/10/2024

๐™…๐™๐™Ž๐™ ๐™„๐™‰ | Kasalukuyang ginaganap ngayon ang pagdiriwang ng Araw ng Mga G**o sa BSNHS Gymnasium na pinangunahan ng mga miyembro ng School Organizations upang bigyang pugay ang lahat ng g**o.

โ€“โ€“

โœ๐Ÿป ni Lyka Romano

03/10/2024

๐™‹๐˜ผ๐™‚๐™‹๐™๐™‹๐™๐™‚๐˜ผ๐™” ๐™Ž๐˜ผ ๐™‡๐˜ผ๐™ƒ๐˜ผ๐™ ๐™‰๐™‚ ๐™ˆ๐™‚๐˜ผ ๐™‚๐™๐™๐™Š ๐™‰๐™‚ ๐˜ฝ๐˜ผ๐™๐™๐™Š๐™‡๐™Š๐™ˆ๐™€ ๐™Ž๐˜ผ๐™‰๐™‚๐˜ผ๐™‡๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™‰๐˜ผ๐™๐™„๐™Š๐™‰๐˜ผ๐™‡ ๐™ƒ๐™„๐™‚๐™ƒ ๐™Ž๐˜พ๐™ƒ๐™Š๐™Š๐™‡ ๐˜ผ๐™ ๐™Ž๐˜ผ ๐™‡๐˜ผ๐™ƒ๐˜ผ๐™ ๐™‰๐™‚ ๐™ˆ๐™‚๐˜ผ ๐™‚๐™๐™๐™Š ๐™Ž๐˜ผ ๐˜ฝ๐™๐™Š๐™‰๐™‚ ๐™ˆ๐™๐™‰๐˜ฟ๐™Š

Maraming salamat po sa inyong walang humpay na dedikasyon sa pagtuturo upang maihatid ang kalidad na edukasyon para sa lahat!

Happy World Teachersโ€™ Day, Maโ€™am & Sir!

Address

Guimba
3115

Telephone

+639265770625

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Alingawngaw - Opisyal na Pampaaralang Pahayagan ng BSNHS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Ang Alingawngaw - Opisyal na Pampaaralang Pahayagan ng BSNHS:

Videos

Share

Category