
02/07/2025
DEPENDE PA RIN TALAGA SA LUGAR
Bumili ako ng tubig sa isang kainan dito sa Terminal 3. Nasa dose hanggang kinse ang ganito sa amin. Ngunit dahil nagtatawag ng likido ang aking lalamunang hindi inilugar ang uhaw- bumili ako. Ang presyo nito rito? 68 pesos. Oo. Php. 68.00!
Spare me with the economics and reasons sa mahal na presyo nito. I get it kase airport ito. But I want to put the idea in a perspective na alam na natin dati pa.
Value.
Nagbago ang halaga nito nang napunta rito sa airport. Undervalued ba ito roon sa amin? Siguro. Pero ang dating nito overvalued din kung ito ang argumento natin.
O kase ang halaga nito ay apektado sa kung sino ang nang-a-apprecite nito at sa kung saan ito minamarket.
Kung kaya kapag pakiramdam mo sobrang baba na ng halaga mo, humanap ka ng ibang lugar na makapagbibigay ng mas mataas na halaga sa'yo.
Hindi ko iniinvalidate ang mga taong kontento na sa kung ano na ang mayroon sila, ha? Ibang usapan din 'yun. Para ito sa mga taong ang tagal na rin naman na pero wala nang usad.
Maraming nagsisialisan sa kagawaran kung saan ako kabilang. Sa research ko, sabi nila, pakiramdam nila hindi sila napapahalagahan. Kase kung kulang sa halaga, hindi buo ang kahulugan.
So, kung nabasa mo ito, sign na ito. Eme! What I'm trying to say is- know you value and know your place.
Explore. Baka roon ka naman talaga noon pa. Pero kung hindi mo pa nararamdaman ang rock-bottom mo sa trabaho o relasyon, manatili ka muna.
May liwanag din sa dulo. Kailangan mo lang intindihin ang konsepto ng paghahanda at pagsasakripisyo.
Pero 'yun nga. Baka wala ka naman talagang halaga noon pa man. ๐คฃ