Gloria Online Radio Station

Gloria Online Radio Station Radio Station

15/11/2024

KON.WIL CONDESA

12/11/2024

KON. WIL CONDESA

"Mananatiling Berde ang Oriental Mindoro," Pahayag ni Governor Bonz DolorPrinoklama na kanina ala-1 ng hapon sa Batasang...
10/05/2022

"Mananatiling Berde ang Oriental Mindoro," Pahayag ni Governor Bonz Dolor

Prinoklama na kanina ala-1 ng hapon sa Batasang Panlalawigan ng Calapan City ang mga nanalo sa Sanguniang Panlalawigan ng Oriental Mindoro para sa eleksyon 2022.

Nanalo ang encumbent governor ng lalawigan na si Governor Bonz Dolor sa kanyang kalaban sa politika at congressman ng first district, Congressman Doy Leachon. Nakakuha si Dolor ng 255, 696 votes laban sa 182, 201 votes ni Leachon. Sa kanyang talumpati sa harap ng mga nanalo, lubos ang pasasalamat ni Bonz sa mga MindoreƱong sumuporta sa kanyang kandidatura, sa mga volunters at mga riders na nagtyagang siyay ikampanya ng walang anumang bayad, larawan lamang umano ito na ang mga tao ay hindi bumabase sa pera at makinarya upang pumili ng matino at ordinaryong taong katulad niya. May pasaring naman siya sa kanyang ma nakalaban sa politika na bagamat masakit para sa kanya ang mga gawa-gawang kwento at mga paninira, pinatawad na umano niya ang mga ito, bagkus ay magtulong tulo para sa susunod pang tatlong tao ng probinsya na mas matatag, maunlad at tahimik na Oriental Mindoro. Mananatiling raw na Berde ang lalawigan dahil para sa tao ang kanyang tagumpay.

Ang artistang si Ejay Falcon naman ang nahalal bilang Vice-Governor laban sa encumbent Vice-Governor at dating kakampi ng Gobernador na si Atty. CA Jojo Perez. Si Falcon ay nakakolekta ng 226,875 na boto kontra sa 185,663 na boto ni Perez. Sa isang maikling talumpati ni Ejay, labis ang kanyang pasasalamat sa lahat ng nagtiwala sa kanyang kakayahan at nangakong gagawin ang lahat ng makakaya para unahin ng interes ng MindoreƱo. Gagawin umano niyang pangalawang tahanan ang Batasang Panlalawigan at magtratrabaho ng tapat sa kanyang nasasakupan.

Samantala, pinakilala na rin ang mga nanalo sa pagka-congress sa first district na si Arnan Panaligan, sa second district ay si Cong. PA Umali, sa Board Member ng first district na sina B**g Brucal, Aleley Casubuan, Ilanao Fay, Ilanao Edel at Neria Jocy, sa second District naman ay sina Atty. Roland Ruga, Lito Camo, Juday Servando, Atty. Jom Dimapilis, at Pau Umali.

09/05/2022

HALALAN SA BAYAN 2022
Special Election Coverage 1

09/05/2022

Basehan ng mga botante sa pagboto at porsyento ng mga botanteng nakaboto na, ating alamin.

Ulat:
Barangay Guimbonan
Jade P. Sadiwa

09/05/2022

Malakas na pagbuhos ng ulan, sanhi ng kawalan ng Social Distancing

Ulat mula sa Barangay Malamig
Ulat ni: Nickole Andriea Malacas

09/05/2022

Pila sa Pagboto sa Barangay Agos, umabot na sa Covered Court

News Presenter: Jay Mark Sarcia

News Writers:
Patroller Valerie Perilla
Patroller Mantaring
Photo and Video Correspondent: Patroller Isaac Vitto
Patroller Perilla

09/05/2022

Isang Voting Counting Machine nagkaaberya

Nag-uulat - Marklyn Lingon

'Panalo na tayo, Victory Party na to'; Konsehal Bawasanta Sa huling araw ng kampanya mahigit Isang Libong Gloriano ang d...
08/05/2022

'Panalo na tayo, Victory Party na to'; Konsehal Bawasanta

Sa huling araw ng kampanya mahigit Isang Libong Gloriano ang dumagsa sa Gloria Town Plaza mula sa iba't ibang baranggay para sa isang gabi ng pasasalamat ng Bitoy-Rambo tandem nitong ika-7 ng Mayo 2022.

Alas 5 palang ng hapon ay nagsimula ng dumami ang mga tao na nagsidatingan upang makisaya sa isang gabing handog ni Mayor Bitoy Rodegerio at ni Konsehal Rambo Alvarez na tumatakbo bilang ikalawang punong bayan. Sa isang talumpati nagpasalamat si Bitoy sa mga taong dumalo at nakisaya sa kanila, kanyang ibinida ang mga nagawa nya kabilang na ang pinagmamalaki nyang fountain sa Town Plaza na sa kanyang administrasyon din ginawa. Umaasa sya na ganun pa rin ang kanyang makukuhang suporta mula ng siya ay tumakbo bilang konsehal at punong bayan at ngayon sa kanyang huling termino. Ayaw umano nya ng Vice Mayor na walang nagawa at kumontra ng kumontra sa punong bayan, alam raw nya na panalo na sya ngunit nais nya na si Alavarez ang kanyang maging pangalawang punong bayan upang sa gayon ay mapagpatuloy pa niya ang kanyang pangarap sa bayan ng Gloria.

Inamin naman ni Konsehal Rambo Alvarez na ito ang kanyang pinakamahirap na laban, sapagkat sya ay tumatakbo bilang pangalawang punong bayan. Gusto umano nyang manalo ng hindi naninira ng kapwa. Maluluha pa si Alavarez ng sabahin nyang iba-ibang paninira ang kanyang naririnig kasama na ang pagtawag sa kanya ng walang pera, hindi abogado at bata pa. Nangako rin si Rambo na kung nakaisa man noon ang kasalukuyang pangalawang punong bayan hinding hindi umano iyon mangyayari sa isang Alvarez.

Kinampanya rin ng Bitoy-Rambo tandem ang Team MBS sa pangunguna nina Cong. Doy Leachon, Vice Governor Jojo Perez at Cong. P.A Umali.

Alas 10 na ng nagsimulang magsiuwian ang mga tao at nagkaroon ng konting gulo ng matapos hindi nabigay ng maayos ang mga pagkain. Sa huli nagpatuloy ang ang kasiyahan hanggang alas12 ng madaling araw.

Ulat Ni: John Carlo Fronda

07/05/2022

Summer Sports League ng Barangay Agos Opisyal nang Inumpisahan

GORS Balitang Gloriano

"Kabuhayang pagbababuyan, konkretong plano ni Loreto Ong"Makabuluhang pagpupulong ang isinagawa ng tumatakbong konsehal ...
05/05/2022

"Kabuhayang pagbababuyan, konkretong plano ni Loreto Ong"

Makabuluhang pagpupulong ang isinagawa ng tumatakbong konsehal sa independyente na si Loreto Ong, sa mga mamamayan ng Barangay Papandungin nitong ikaw-4 ng Mayo 2022.

Direktang inihayag ni Ong na siya ay walang pinapanigan na kahit anong partido, at wala din maging plataporma o pangako, bagkus ay inilatag niya ang kaniyang binabalak na proyekto na ang sentro ay ang ikabubuhay ng bawat barangay sa bayan ng Gloria. Dagdag pa niya, ito ang kaniyang una't huling paglaban at hinding hindi na siya uulit pa.

Pinagmalaki niya sa harap ng mga tao na ang kaniyang magiging proyekto ay ang pagaalaga ng baboy, na kung papalarin ay magbibigay siya ng baboy na aalagaan, pagkain at maging kulungan na gagamitin na lubos na makatutulong sa mga mamayang Gloriano.

Balak ni Ong na agarang sisimulan ang pinangakong proyekto sa Oktubre sa taong kasalukuyan. Nasa bilang na anim na daang inahing baboy ang ibababa at isasakatuparan ang pilot farm sa bawat barangay na mayroong apat na kulungan bawat mamamayan na gustong mag-alaga at nilinaw din niya na hati sa kita, siya ang bahala sa lahat at ang mga tao ang bahala sa pag-aalaga.

Nagawa na umano nya ito sa bayan ng Victoria at Naujan noon bilang direktor ng isang kooperatiba at OFW sa negosyo ng pagbababoy na balak niyang dalhin sa Gloria para sa kaunlarang pangkabuhyan

Ulat ni: Marklyn Lingon

04/05/2022

"AWARDING NG OMFC ISINAGAWA"

News Presenter: Jamilla, Jimwell
News Writer: Jamilla, Jimwell

Grand Rally ng Team IBG at iba pang mga kandidato sa Brgy. Balete, isinagawaAnim na araw bago ang eleksyon nagsagawa ng ...
04/05/2022

Grand Rally ng Team IBG at iba pang mga kandidato sa Brgy. Balete, isinagawa

Anim na araw bago ang eleksyon nagsagawa ng miting de avance ang team Isulong Bagong Gloria sa Brgy. Balete Covered court, nitong ikaw-3 ng Mayo, 2022.

Bilang parte ng 45 araw na kampanya sa lokal eleksyon sa Bayan ng Gloria Oriental Mindoro nagsimula ang panliligaw ng tambalang Jimmy De Castro at Atty. Vic Ruskin Ong sa kanilang house to house campaign kasama ang kanilang walong Konsehales na naghahangad na maglingkod sa bayan.

Sa talumpati ni Ex-Mayor De Castro kanyang binanggit ang mga plataporma at plano tulad ng infastracture project. Pinagmalaki rin ng dating Mayor ang kaniyang mga pinatupad sa kaniyang administrasyon tulad ng pagsasagawa ng mga kalsada na hanggang sa kasalukuyan ay nagagamit pa. Pinangako rin nya na mas palalawigin pa ang mga magagandang kalsada na ang mga magsasaka naman ang mas makikinabang. Pinabulaanan din ng dating mayor ang nagsasabi na magnanakaw at korap ang team IBG lalo na si Atty. Ong bagkus pinayuhan ang mga kasama na huwag nalang itong patulan sapagkat hindi naman ito totoo. Bulgar ding sinaad ni De Castro ang panggigipit raw ng kanilang mga kalaban sa politika sa mga mamayan na nakatira sa core housing na nagsasabing hindi umano ibibigay ang titulo ng lupa kung iboboto nila ang Team IBG. Malinaw umano ito na paglabag sa karapatan ng mga tao na nakatira sa core housing na binigyan ng pamahalaan ng pahintulot na magtayo sila ng kanilang mga tahanan roon at ang totoo walang karapatan ang mga politiko na ibigay ang titulo ng lupa sa mga pag aari ng gobyerno bagkus ay magsisilbing socialize housing ito na hindi pwede ipa titulo sa pangalan ng pribadong tao.

Binigyang diin naman ni Vice Mayor Ong ang kanyang mga nagawa sa loob ng tatlong taon na pagsisilbi bilang Bise-Mayor ng Bayan tulad nalang ng paglaban nila sa pagpapababa ng presyo ng prangkisa ng tricycle na dating nsa 7000 at 5000 ngayon ay 2000 at 1000 na lamang, binida din nya pagtulong sa mga katutubo nating mangyan na hindi nabibigyan ng pagkakataon ng ating pamahalaan. Dito pinakita nya ang mga lupa at programang kanyang binigay sa mga katutubo kagaya nalang ng Villa Nelcy na nagbigay ng lupa sa 30 na pamilya ng Mangyan upang mas mapalapit pa sila sa mga pangunahing pangangailangan tulad ng kalusugan, edukasyon at kalakal. Hindi rin pinalampas ng pangalawang punong bayan ang pambabatikos sa kanya na nagsasabing ginagamit nya lang ang mga katutubo para agawan ng lupa, kung iyon umano ang kanyang intensyon ay hindi na sila mag-aaksaya pa ng panahon para bigyan ng sapat na edukasyon ang mga katutubo nating mangyan tulad ng pagbabasa at pagsusulat. Inihayag din ni Ong ang kwestyunableng pondo na hanggang sa ngayon ay hindi maipakita ang papel na nagsasabing napunta ang lahat ng ito sa mamamayan, dagdag din dito ang ilegal na gilingan ng bato na wala umanong permit sa mga matataas na ahensya ng gobyerno at tanging Mayors permit lang ang nagpapatakbo rito. Binatikos din nya ang kontrobersyal na pinatayong legislative building na ayon sa pinasa ng pamahalaan sa Commission on Audit o COA ito ay tapos na at limang contractor ang gumawa nito sa halagang 15million pesos, subalit ng kanilang icheck ang legislative building ay hindi pa ito lubusang tapos. Nang kanila raw hilingin sa Mayors office ay hindi raw sila pinagbigyan at sinabing walang ilalabas na papel dahil walang dapat ipaliwanag. Nangako naman siya sa harap ng maraming tao na patuloy niyang ipaglalaban ang kanilang karapatan at tuligsain ang mga trapo na nagnanakaw sa kaban ng bayan at hindi rin umano ang Team IBG na Team epal na maglalagay ng kanilang mga initials o pangalan sa proyekto ng gobyerno na para sa mga tao.

Nagpasalamat ang Team IBG sa malaking suporta ng Baranggay Balete na dumalo sa kanilang rally na ramdam na ramdam ang suporta para sa kanila.

Samantala, nauna ng nangampanya sa barangay Balete ang Bitoy-Rambo tandeem kasama ang kanilang reelected at elected councilors nitong Mayo 1, 2022 sa Balete covered court. Katulad ng ibang partido, nagsimula sila sa house to house at nagpakilala sa mga tao. Noong hapon naman ay nagkaroon ng malakihang rally at dito inilahad ang kani-kanilang plataporma kung sakaling palarin sa darating na halalan.

Address

Gloria
5209

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Gloria Online Radio Station posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share


Other Broadcasting & media production in Gloria

Show All