12/06/2024
๐๐๐ง๐๐๐๐๐๐ก: ๐ฆ๐ฎ ๐ ๐ฎ๐๐ฎ๐น๐ถ๐บ๐๐ผ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐ฎ๐ผ๐: ๐๐ฎ๐ด๐ผ๐ธ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฆ๐ฎ๐น๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ ๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ด๐ฎ๐
"Ang payapang pangpang ay para lamang sa mga pangahas na sasalunga sa alimpuyo ng mga alon sa panahon ng unos."
-๐๐ช๐๐ก๐๐๐ฉ๐ ๐ฝ๐๐ช๐ฉ๐๐จ๐ฉ๐, ๐ฟ๐๐ ๐๐๐ โ70
Tayo'y inuusig sa isang malawak na karagatan lulan ng ating kaniya-kaniyang mga bangkaโ naglalayag sa mga hamon at dagok ng buhay kung saan ay kailangan nating magsagwan upang tayo ay tuluyang umusad. Bago natin makamtan ang hangad na payapang karagatan, tayo muna ay humaharap sa malalakas na alon upang tayoโy makarating sa dapat nating patunguhan. Ngunit, hindi lahat ay nakasusunod sa alon, hindi lahat ay nakararating sa dulo ng pangpang, mayroon na nagpalutang-lutang, at ang masaklap, mayroon ding patuloy na nalulunod.
Sa kasalukuyang panahon, maraming samoโt pita ang inaanod na lamang sa karagatang nababalot ngayon ng matinding sigalotโ mga hiyaw na hanggang ngayon ay isinisigaw pa rin sa laot na panay ang gusot at pagkasalimuot.
โ๐๐๐ฌ๐๐ก๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐ช, ๐ฃ๐๐ฅ๐๐๐ฆ ๐ก๐ ๐ฆ๐๐๐๐ก๐๐๐ก๐๐กโ
Hindi natin maikakaila na karapat-dapat hirangin at bansagan bilang โPerlas ng Silanganโ ang bansang Pilipinas. Kilala ito bilang hitik sa kapuluan na mayroong kabuuang 7,641 na isla, high tide man o low tide. Mumunti mang bansa, tunay naman na pambihira ito sa mga yamang tubig na mistulang inilatag na lamang sa atin ng Poong Maykapal. Bunsod ng kasaganahang ito, naging pangunahing hanap-buhay na rin ng mga Pilipino ang pangingisda, lalo na ang mga kababayan nating naninirahan malapit sa dalampasigan.
Ang West Philippine Sea ay isang karagatan na napatunayang bahagi at teritoryo ng ating bansa. Ito ang isa lamang sa marami pa nating bahaging tubig na nakapaligid sa Pilipinas na sagana pagdating sa mga mineral na yaman gaya ng mga isda, korales, taklobo, at iba pa. Biyaya kung ituring ito ng mga mandaragat na malapit sa parteng ito. Sa kabila ng kasaganahang ito, ito rin pala ang magiging sentro ng alitan na makakapagpabago sa takbo ng kani-kanilang mga buhay.
๐ฆ๐ ๐๐๐ก๐๐ฅ๐๐ก๐๐ฆ ๐ก๐๐๐๐ก๐ ๐๐๐๐๐ฆ
Sa katunayan, hindi sapat ang pangingisda upang tuluyang makaalis sa laylayan ng lipunan ang mga kapwa nating Pilipino. Maraming balakid ang patuloy na pumipigil sa pag-angat nila at isa na rito ang isyu sa agawan ng teritoryo ng West Philippine Sea. Maraming Pilipino ang nakikipagpatintero sa karagatang dapat naman ay atin, patuloy silang hinaharang upang makapangisda na para bang ipinagdaramot ng ibang lahi ang teritoryong mariin nang napatunayan na atin.
Nakatakda sa Batas Republika 10654 ang malawakang pangangalaga at konserbasyon sa mga yamang tubig na nabibilang sa nasasakupan ng Pilipinas. Nakasaad din dito ang karapatan ng mga mangingisdang Pilipino sa mga mineral na matatagpuan sa karagatan ng West Philippine Sea. Ibig sabihin, walang karapatan ang ibang lahi o kahit ang ibang estado mula sa ibang bansa na kumuha o kahit na umangkat dito nang walang tamang proseso at pag-sang ayon mula sa mga Pilipinong nangangasiwa nito.
Nitong mga nakaraang buwan, panay ang banta sa karapatan sa ating mga mangingisda. Nariyan ang ipagtabuyan sila at muntikan pang banggain ng mga naglalakihang barko mula sa Tsina na naganap sa Bajo de Masinloc. Sa kabila ng panghahamak ng mga banyagang umaangkin sa ating teritoryo, nananatiling nakatindig ang mga kababayan natin, sa ngalan ng kanilang kabuhayan at kinabukasan ng kani-kanilang mga pamilya.
Ayon sa isang panayam ng ABS-CBN News sa โBigkis ng Mangingisda Federationโ, isang samahan ng mga mangingisdang pinoy, โAng ginagawang ito ng mga Tsino ay nagdudulot ng takot at pagkabahala tuwing kami ay mangingisda, pangamba sa tuwing kami ay nakakakita ng barko ng Tsinaโ.Inilahad ng mga mangingisda kung paano sila alipustahin sa karagatang dapat naman ay atin. Walang awang sinasamsam at sinisimot ang mga huli nila sa bawat banyerang mayroon ang kanilang mga bangka, maging ang mga kagamitan sa pangangawil ay walang tabas na sinasaid ng mga gahamang Tsino. Hindi nakasisigurong buo nilang maiuuwi sa dalampasigan ang kanilang mga huli 'pagkat karahasan ang bumabalya sa kanila sa tuwing silaโy nasa laot.
Nakabibingi ang katahimikan sa gitna ng karagatan na kinasasadlakan ng mga sasakyang pandagat ng ating mga kababayang mangingisda. Tahimik man, tila bakas naman ang nagnganganit na tensyon sa pagitan ng Tsina at Pilipinas. Paulit- ulit na sinisindak ng mga tsino ang mga hamak nating mangingisda sa pagnanais na silaโy mapalayas sa mga bahaging tubig na iyon.
๐ ๐๐๐๐๐๐ง๐๐ก๐ ๐ก๐ ๐๐๐ฌ๐๐ก๐ ๐ก๐ ๐๐๐ฅ๐๐๐๐ง๐๐ก
Nananatili mang matatag, hindi maikukubli ng mga inaaping mangingisda ang pangambaโt takot sa mga bantang kinahaharap nila sa tila giyerang pakikibaka nila sa laot na pinag-aagawan. Nababalot man ng malaking hidwaan ang lugar na kanilang pinagkukunan ng kabuhayan, nagsisilbi pa rin silang matapang at patuloy na hindi nagpapatinag kahit na silaโy paulit-ulit na nakikipagbuno lulan ng kanilang maliliit na bangka sa ibang lahing naghahari-harian sa ating sariling karagatan. Lumalaban kahit sila'y walang mga pangil sa mga tunay na sumisiil. Nakikipagbalyahan sa kalaban kahit walang sapat na galamay upang lumaban. Patuloy man na yurakan, silaโy hindi hihinto na maglayag sa karagatang napaliligiran ng hidwaan at alitan.
Nawaโy tuluyan nang umugong at marinig ng kinauukulan ang bawat hinaing ng kanilang mga boses na naghihikahos sa tunay na hustisya. Sila ang magigiting na bayani ng ating lahiโ mga nananatiling nakatindig upang maglayag sa karagatang walang kasiguraduhan. Hinahamak man at patuloy na niyuyurakan, ang kanilang katapangan ay nananatili pa ring sumasagwan sa laot na kasalukuyang nilalamon ng sigalot. Pinatutunayan nila ang malalim na kahulugan ng liriko mula sa ating pambansang awit na lupang hinirangโ โSa manlulupig, โdi ka pasisiilโ.
๐๐จ๐๐ฃ๐ช๐ก๐๐ฉ ๐ฃ๐ ๐พ๐๐ง๐ซ๐ฎ ๐๐๐ข๐ค๐จ, ๐พ๐๐ง๐๐ช๐ก๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ ๐๐๐ฃ๐๐๐๐ง
๐๐๐๐ฃ๐ช๐๐๐ฉ ๐ฃ๐ ๐
๐๐ ๐พ๐๐ก๐๐จ๐ฉ๐๐๐ก, ๐พ๐๐๐๐ ๐๐ก๐ก๐ช๐จ๐ฉ๐ง๐๐ฉ๐ค๐ง
๐๐ฃ๐๐ก๐๐ฅ๐๐ฉ ๐ฃ๐ ๐๐ช๐๐ก๐ก๐๐๐ง ๐๐๐ง๐ช๐ก๐๐ฃ, ๐พ๐๐๐๐ ๐๐๐ฎ๐ค๐ช๐ฉ ๐ผ๐ง๐ฉ๐๐จ๐ฉ