13/07/2023
MALIIT YAN, WALANG MARARATING YAN.
Tulad ng ibang kabataan, nangarap rin ako. Alam kong hindi magiging madali ang pangarap ko na ito dahil hindi naman ako katangkaran. Hindi naging madali ang aking mga pinagdaanan, matinding pag-eensayo at sakripisyo para paunti-unti maabot ang pangarap.
Minsan ako'y pinang hihinaan na ng loob dahil minsan may dumarating sa akin na akala ko'y para sa akin na, pero iba talaga kapag may mas magandang plano si Lord para sa mga hangarin natin sa buhay.
Marami ang naging pagsubok at mga naging hadlang ngunit lagi kong ipinapasok sa isip at idinadalangin sa Diyos na sana kaya ko to at magawa ko. At sa wakas! sa wakas ay paunti-unti ko na rin naabot ang mga ito.
Kahit kailan wag kang mawawalan ng pag-asa, kahit ano man ang pag-subok na dumating sa buhay natin. Kailangan lang natin tibayan at isipin kung bakit tayo nag simulang abutin ang ating mga pangarap.
Kung kaya koโฆ kakayanin niyo din!