Rated Stories

Rated Stories Mga kwento ng buhay, inspirasyon at mga kasaysayan ng pag-ibig.

Ang lupit mo😂
19/11/2024

Ang lupit mo😂

Bago pa magviral yung video nina Sue Ramirez at Dominic Roque na naghahalikan, maugong na yung relasyon sa pagitan nina ...
12/11/2024

Bago pa magviral yung video nina Sue Ramirez at Dominic Roque na naghahalikan, maugong na yung relasyon sa pagitan nina Sue at ng international singer-songwriter na si Charlie Puth. Umabot pa sa puntong nag-propose na ang hitmaker sa naturang aktres--ang babaeng pinatutungkulan nya sa hit songs na "One Call Away" at "See You Again." Kaya lang, nagdalawang-isip si Sue dahil hindi nya gusto ang kalalabasan ng pangalan nya kung magkatuluyan sila ni Charlie.

P.S.

Sa mga gullible dyan ha, wag masyadong seryosohin ito. 😂

MAY NANGYARI SA AMIN NI EX(The Rico Story)DISCLAIMER!This story is EXCLUSIVE ONLY in “Mga Istorya ni Kuya JM “ Youtube C...
01/08/2024

MAY NANGYARI SA AMIN NI EX
(The Rico Story)

DISCLAIMER!

This story is EXCLUSIVE ONLY in
“Mga Istorya ni Kuya JM “ Youtube Channel.

The story may not be reproduced or distributed without the expressed permission of the author by any means available.
“Stealing is a crime”

Pamilyar ba kayo sa kantang “Sana dalawa ang puso ko?”
Siguro ang ilan sa atin minsan ay nasabi na ito lalo na kung dalawang tao ang minamahal natin na nagpapalito sa’tin ng husto, iyong tipong nahihirapan ka na kung sino ang pipiliin mo sa kanilang dalawa.
Ang sitwasyong ito ang pinagdadaanan ngayon ng ating story sender na nagpapatago sa pangalang Rico ng Pasay City.

Magandang araw po sa lahat ng tagapakinig, ito po ang inyong tagapagsalaysay, Kuya JM.
Samahan nyo pong muli ako sa isa na namang kwento na siguradong magugustuhan ninyo.
Dito lang po sa mga kwento ng buhay, inspirasyon at mga kasaysayan ng pag-ibig, JM ON AIR.

Good day to you Kuya JM and to all of your listeners.

Just call me Rico, I’m from Iloilo and currently working here in Pasay City.

Isa na po ako sa mga listeners nyo kahit pa noong SPG pa lang ang mga itinatampok nyong kwento, kahit po sa page nyo ay nakafollow ako at hanggang ngayon ay nakikinig pa rin sa mga magagandang kwento na inaupload nyo.

Ipinadala ko po ang kwento kong ito dahil sa kagustuhan kong maibahagi ang karanasan ko dahil sigurado akong marami ang makakarelate sa akin sa kwentong ito.

Bagama't may ilang taon na rin ang nakakaraan ay sariwang sariwa pa rin ito sa alaala ko.
Sinadya ko pong baguhin ang mga pangalan namin para na rin sa privacy ng mga taong mababanggit.
Sana po ay magustuhan ninyo ang kwento ko.

It was happened in year 2013 , enrollment day at last semester ko na noon, graduating na ako sa kurso kong Business Administration. It’s just a typical enrollment day, crowded, maingay at maraming bagong mukha.

I was on my way to registry nang biglang may makatabig sa akin, nalaglag ang ilang papel na hawak ng babae kaya tinulungan ko syang pulutin ang mga ito.
“Umm miss, sorry ah..” Paumanhin ko sabay abot ng mga papel sa kanya.

“It’s ok, kasalanan ko rin naman eh.” Nakangiting tugon nito pagkatapos ay kinuha ang mga papel na nasa k**ay ko.

Saglit akong napatulala nang masilayan ko ang mukha ng babae. Lalo na ang kanyang mayuming mga ngiti.
Nang mga sandaling iyon ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

“Sige ah, salamat.” Anito pagkatapos ay tumalikod na.

Ni hindi ako nakapagsalita, naiwan akong nakatanga habang sinusundan ng tingin ang papalayong babae.
Sa pagkakatabig nya sa kin ay hindi rin sinasadyang natabig nya ang natutulog kong damdamin.
Langya, sa hindi ko inaasahang pagkakataon ay tila na love at first sight ako sa babaeng nakabanggaan ko.

Balak ko sana itong habulin para makipagkilala subalit bigla naman akong tinawag ng kaibigan kong si Eddie, nang muli kong ibaling ang tingin ko sa babae ay wala na ito.

May ilang babae na rin naman na akong nakarelasyon noon subalit iyon ang unang beses na makaramdam ako ng ganoon, para bang kinikiliti ang puso ko kapag naiisip ko ang mukha ng babaeng nakabanggaan ko.

Pagkatapos kong magparegister ay tinangka kong hanapin ang babae kanina kaso sa dami ng estudyante ay mukhang malabo ko ng magawa yun, ang masama pa baka umalis na ito.
Umuwi tuloy akong nanghihinayang na hindi ko man lang nakilala ang babaeng ‘yon, ni hindi ko alam kung anong kurso o year nito.
Sabi ko na lang, kung iisang kolehiyo lang ang aming pinapasukan, siguradong darating ang araw na muling magtatagpo ang mga landas namin.

Noong dumating nga ang araw ng pasukan ay binalak kong hanapin ang babae, may mga ilang kurso at classroom na rin akong tinignan ngunit hindi ko siya makita, mas naging mailap pa ang pagkakataon kong mahanap ang babae dahil mas naging busy ako sa pag-aaral. Graduating na kasi ako kaya may mga bagay akong dapat iprioritize.

Minsang nagkaroon ng okasyon sa eskwelahan namin, taon taon naming ipinagdiriwang ang anniversary ng foundation ng kolehiyo namin.
Kagaya ng mga normal foundation day ay hindi nawawala ang mga contest sa sports, kantahan at sayawan sa bawat kurso. Lahat ay merong pambato.
Hiyawan ang lahat kapag lumalabas ang mga magpeperform.

Maya maya pa ay isang grupo naman ng mga estudyante ang tinawag, grupo ito ng BS Nursing.
Hataw ang paggalaw at pagsayaw ng mga ito sa saliw ng tugtugin ng isang kpop group.
Nasa kalagitnaan ng performance ang mga ito nang mapansin ko ang isang babae sa grupong nagsasayaw.

Nanlaki ang mga mata ko at bumilis ang pintig ng aking puso dahil ang babaeng sumasayaw ay siya ring babaeng nakabanggaan ko noong araw ng enrollment.

Mabilis at malakas kong natapik si Eddie na kasama kong nanonood ng mga oras na iyon.
“Aray! Bakit ba?!” Takang tanong nito.
“Tol, yun yung babaeng sinasabi ko oh.” Sabi ko kanya sabay turo sa babaeng sumasayaw.
“Sinong babae?” Kunot noong tanong nya.
“Yung babaeng nakabanggaan noong enrollment, yung sinasabi ko sa’yo?”

Tinignan ni Eddie ang babaeng itinuturo ko na kasalukuyang sumasayaw sa entablado.
“Ahhh.. yung na love at first sight ka kamo?” Ngising sabi nito.

“Ok naman, maganda, tsaka tol panalo katawan..” Nakatawang dugtong ng loko.
“Lokong to, puro ka naman ka kalokohan eh..”
“Sus, kunyari ka pa, eh di ba ganyan naman talaga mga tipo mo? Yung may malalaking ano?”

“Oo na, pero tol samahan mo naman ako mamaya oh pagkatapos nilang sumayaw, gusto ko talagang makilala eh.” Pakiusap ko sa kanya.

“Sure... ikaw pa, pero libre mo ko mamaya ah.”
“Oo ba, ‘yon lang pala eh.“ Nakangiting tugon ko sabay akbay sa kanya.

Muli kong itinuon ang paningin sa babaeng sumasayaw sa entablado.
Totoo ang sinabi ni Eddie, maganda ito, morena beauty, at may makurbang katawan.
Katunayan hubog na hubog ang balikinitang katawan ng dalaga sa hapit na damit nito.
Marami namang magagandang estudyante dito sa school namin pero ewan ko ba, kakaiba talaga ang dating sa kin ng babaeng ito at hindi ako makakapayag na muling maunsyami ang pagkakataong makilala ko ang babaeng ilang linggong hindi nagpatulog sa akin.

Pagkatapos ng sayaw ay nagmamadali kaming nagpunta sa backstage at hinanap ang babae.
Ngunit halos naikot na namin ang buong likuran ng entablado ay hindi namin nakita si miss morena beauty.

“Tol kasama nya yan kanina sa sayaw.” Turo ni Eddie sa isang babae.
Dali dali akong lumapit sa babaeng tinutukoy ng kaibigan ko.
“Ahh, miss...” Paunang wika ko para kunin ang atensyon nito.
“Yes po kuya?” Anang babae.

“Ahhh... ehh, ano... kilala mo ba ‘yung kasama nyong nagsasayaw kanina? Iyong morena, ‘yong ganito katangkad? Tapos hanggang balikat yung buhok?” Paglalarawan ko.
“Ahh.. Si Angeline?” Anito.
“Angeline? Nasaan na sya?” Excited na tanong ko.
“Umm kanina nandito lang eh, kasama ‘yong boyfriend nya, baka umalis na.” Tugon ng babae.

Tila nagdilim yata ang langit sa narinig kong iyon, hindi dahil sa umalis na ang babae, kundi dahil sa nalaman kong may boyfriend na pala ito, anak ng.. may syota na pala ang babaeng nagugustuhan ko.
Pagkatapos kong magpasalamat sa napagtanungan ko ay umalis na ako kasunod si Eddie.

“Tol, may syota na pala ‘yong type mo tsk tsk..” Anito na may parang nang-aasar ang mga ngiti. Matalim ang matang tinignan ko siya, tumawa lang ang loko.
“Pambihira ka naman oh, badtrip na nga nang-aasar ka pa.”

“Oh, wag ka ng mabadtrip ok lang ‘yon marami namang babae dyan eh, tsaka syota pa lang naman, maghihiwalay pa ‘yon alam mo naman ang panahon ngayon, walang forever.” Nakangiting wika nito sabay akbay sa ‘kin.

Lumipas ang mga araw, akala ko ay makakalimutan ko na si Angeline, ngunit hindi ito nangyari. Ewan ko ba, para akong naglilihi na hindi ko maintindihan, gusto kong makita siya at masilayan ang mukha nya. Gustong gusto ko talagang siyang makilala.

Namalayan ko na lang tuloy ang sarili ko na nasa nursing course at matiyagang hinahanap ang classroom ng babae na na akin namang napagtagumpayan.
Nakita ko si Angeline, palabas na ang babae noon ngunit bago pa man ako makabwelo ay may nauna ng lumapit sa kanya, isang lalaking payat at matangkad, kinuha nito ang mga bitbit na libro ng babae. Ang lalakeng ito siguro ang sinasabing boyfriend ni Angeline.

Parang tinutusok ng selos ang puso ko ng mga sandaling iyon pero hindi ako nagpahalata, patay malisya akong naglakad sa hallway kung saan ay naglalakad din sila, at nang mapatapat sila sa akin ay palihim kong sinulyapan ang full name ni Angeline sa ID na suot suot nito.
Sa isip ko, kung hindi ko kayang kausapin ng harapan ang babae, dadaanin ko sa social media ang pagdiga sa kanya.

Pagdating ko sa bahay ay agad kong sinearch ang pangalan nya sa facebook, marami siyang kapangalan pero nagtiyaga akong isa isahin ang mga ito.
Para akong stalker na nandidilat ang mga mata habang hinahanap ang tunay na account ni Angeline.
“Yes!” Napalatak ako nang sa wakas ay matagpuan ko na ang facebook account nya. Agad ko siyang inadd at nagsend ng message sa kanya.
“Hi, schoolmate.” Aniko, naghintay ako baka sakaling magreply siya ngunit napanis na ako sa kakahintay ay wala akong natanggap na reply mula sa kanya o kaya ay notification na iaccept nya ang friend request ko.

Nanghihinayang man ay wala naman akong magagawa dahil hindi ko naman siya pwedeng pilitin na iaccept ako kung ayaw naman nya.

Lumipas ang mga araw at gano’n pa rin ang naging routine ng buhay estudyante ko, bahay, aral, minsan ay lumalabas kasama ang mga kaibigan ko at kung minsan naman ay dumadaan daan ako sa classroom nina Angeline para lang makita siya. Nakuntento ako sa patanaw tanaw sa kanya.
Maaring sabihin ng iba na katangahan na ang ginagawa ko pero hindi ko rin maintindihan sa aking sarili kung bakit ko ginagawa iyon. Para bang may kasiyahan akong nararamdaman sa tuwing masisilayan ko si Angeline.

Sabi nga ni Eddie minsang maikwento ko sa kanya ang ginagawa ko, “Naku tol, mukhang inlababo ka na dyan sa chikababes mo ah, masama na yang tama mo tol, lupit mo ah.” Tumatawang komento nito habang nagmimirienda kami.

“Pero tol, malapit na OJT natin, ‘yon dapat muna ang iniisip mo, ‘yong relasyon andyan lang yan, pwede kang magsyota kahit ilan ‘pag graduate ka na at may trabaho na.” Payo nito sabay tapik sa balikat ko.
Sa puntong iyon ay tama naman ang kaibigan ko pero sabi nga nila, mahirap pigilan ang puso. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na daan daanan pa rin si Angeline sa classroom nila.
Sabi ko, kahit iyon lang ay kuntento na ako.

Hanggang sa isang araw, nagulat ako ng biglang may magnotify sa cellphone ko, “friend request accepted,” at nang tignan ko kung sino ay halos mapagulong ako sa k**a sa sobrang tuwa. Si Angeline, inaccept nya ang friend request ko.
Kasama din nito ang isang reply nya mula sa nauna kong mensahe noon.
“Who’s this?” Tanong ng babae.

Nanginginig ang k**ay ko habang pinagmamasdan ang reply nya, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.
“Shocks anong irereply ko?!” Bulong ko sa sarili.

“Umm, Rico 4th year BSBA, thank you for accepting my request.” Reply ko.
Kinakabahang naghihintay sa susunod na mangyayari, ilang minuto pa ay muling tumunog ang cellphone ko.
“Oh, you’re welcome kuya,” Anito with smile emoticon, “ By the way if you don’t mind, may I ask kung paano mo nalaman ‘tong account ko?” Tanong ni Angeline.

Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanya ang lahat, paano ko sasabihin na mula pa no’ng mabangga nya ako noong enrollment ay hindi na siya nawala sa isipan ko. Na sadya talagang inistalk ko siya para lang mahanap ang facebook account nya?

“Ahh, kasi narecommend ka dito sa wall ko, then naisip ko na parang nakita na kita, medyo familiar ka kasi tapos bigla kong naalala kung saan kita nakita, di ba sumayaw kayo noong foundation day? Agaw pansin ka kasi eh, ang galing mong sumayaw.” Pagsisinungaling ko.

“Nambobola ka kuya, ako? Agaw pansin? Magaling sumayaw? Eh ang tigas nga ng katawan ko no’n eh, tsaka marami akong magagandang kasabay no’n kaya imposible yang agaw pansin na sinasabi mo.” Reply ni Angeline na may laugh emoticon.

Natawa ako sa reply nyang ito, totoo kasi ang sinasabi nya, hindi nga siya gan’on kagaling sumayaw noong araw na iyon ngunit magkaganunman ay ipinagpatuloy ko ang pakikipag-usap sa kanya.
“Naku, hindi totoo yan... ang galing galing mo kaya, lakas nga ng palakpak ko no’n eh, and besides it’s not about the dance naman eh, it’s about your confidence,” Aniko, “Hindi naman madaling sumayaw sa harapan ng maraming tao, bilib nga ako sa’yo kasi nakaya mo eh.”

Ilang minutong hindi nagreply Angeline, akala ko ay nabadtrip na ito sa sinabi ko pero nakahinga ako ng maluwag ng muli itong magreply.

“Buti ka pa kuya, nakikita mo sa akin ‘yon, pero ‘yong ex ko? Walang bilib sa ‘kin ‘yon.” Reply nya na nagpalaki ng mata ko. “Ex daw? Hindi kaya break na sila ni payatot?” Sa isip isip ko, muli akong nagmessage sa kanya para maliwanagan ang nasa isip ko.

“Ex? May boyfriend ka na pala?” Patay malisyang tanong ko.
“Ex nga eh, eh di malamang wala na, single, loveless, gano’n, sige na kuya may pasok pa bukas eh, tulog na ako gudnyt.” Reply ni Angeline.

Ilang minuto rin akong nakatitig sa mensaheng iyon ng babae, maya maya pa ay napangiti ako, sa nalaman kong hiwalay na sila ng boyfriend nya ay nakaramdam ako ng katiting pag-asa.

Sa chat na iyon nagsimula ang pagkakaibigan namin ni Angeline, ilang oras kaming nagkukwentuhan sa facebook, mga walang kwentang usapan, minsan naman ay tungkol sa mga hinanakit nya sa ex nya ang napag-uusapan namin. Ako ang naging sandalan nya para makamove on sa sakit ng break-up nila ng boyfriend nya.

Nagkita na rin kami ni Angeline, kahit pwede naman sa school ay mas pinili kong makipagkita sa mall sa bayan para mas pormal, medyo naging awkward noong una pero kalaunan ay naging maayos naman ang meet-up namin

Naging makulay bawat sandali na nakakasama ko si Angeline, malambing kasi siya at hindi nakakailang kasama.
After class ay sinusundo ko siya sa room nila at inihahatid sa bahay nila.
Wala kaming pormal na usapan sa kung anong meron kami, hindi rin naman kasi ako nanliligaw, para sa akin kuntento na ako na makasama siya at maging kaibigan lang.

Hindi naman sa ayokong maging girlfriend si Angeline, syempre gusto ko kaya lang natatakot akong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko dahil baka bigla siyang mailang sa akin at magbago ang samahan namin.
Ayokong mawala siya kaya kinimkim ko na lang ang anumang damdamin ko para sa kanya.

Isang hapon habang palabas kami ni Angeline ng campus ay bigla na lang sumulpot ang isang lalaki at hinarang ang daraanan namin. Ang lalaking ito ay walang iba kundi ang ex-boyfriend ni Angeline.
“Pwede ba tayong mag-usap?” Maangas na wika ng lalaki sa kanya.

“Wala na tayong dapat pag-usapan pa Francis kaya pwede ba? Umalis ka na!” Galit na tugon ni Angeline.
Marahas na hinawakan ng lalaki ang k**ay ni Angeline, parang nagpanting ako kaya mabilis kong pinigilan ang k**ay ng lalaki, napatingin sa akin si kolokoy.
“Pare, sinabi na nyang ayaw nyang makipag-usap sa’yo, wala namang pwersahan.” Aniko habang matalim na nakatingin sa kanya, napangisi ang lalaki at lumapit sa akin.

“Ito ba ang pinagmamalaki mo?!” Duro nito sa akin habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa.
Lumapit din ang apat pang kasama nito na nagpaalarma kina Eddie at sa mga kaibigan ko na nasa likuran namin ni Angeline, may pakiramdam akong sa hindi maganda mauuwi ang eksenang ito.

“Ano ba Francis, wag ka ngang gumawa ng eksena dito!” Inis na wika ni Angeline subalit hindi ito pinansin ni kolokoy.
“Bakit may ibubuga ba ‘to huh?!” Anito sabay tulak sa akin ng bahagya.

“Ang yabang nitong payatot na ‘to ah, kung makapagsalita kala mo may ikakasa eh!” Sabat ni Eddie na noon ay lumapit na sa amin.” Hoy! Ikaw na lalaking ipinaglihi flagpole, maaring ngang umalis alis ka sa harapan namin ah at baka hindi pa kita matantya hmm? At isoli mo na tuloy ‘tong mga amuyong mo kung saang sementeryo mo man hinukay yang mga yan ah.” Pambabara ni Eddie sa mga ito na nagpatawa sa amin at sa mga estudyanteng naroroon.

Tila mas lalo tuloy umusok ang ilong ni kolokoy dahil sa kahihiyan, bigla na lang nitong sinuntok si Eddie na hindi namin pinalampas. At ang tahimik sanang hapon ay nauwi na nga sa rambulan.

“Aray! Dahan dahan naman..” Nakangiwing reklamo ko habang dinadampian ni Angeline ng bulak ang sugat sa gilid ng aking labi.
Nasa bahay ako ng dalaga at ginagamot ang mga pasa at bukol na tinamo ko sa rambulan.
“Eh bakit naman kasi pinatulan nyo pa ‘yong luko lukong ‘yon? Ayan tuloy nasugatan ka pa.” Wika nito habang nilalagyan ng plaster ang sugat ko.

“Sila naman ang nauna eh, nakita mo naman sila ang unang sumuntok di ba? tsaka hindi naman papayag na ginagano’n ka.” Nakangiwing tugon ko.
Hindi umimik si Angeline, saglit nya akong tinitigan pagkatapos pigil ang ngiting umiling iling ito.
“Bakit?” Tanong ko. “Wala, naisip ko lang... gwapo ka pa rin pala kahit may mga pasa ka.” Nakangiting wika nito sabay umiwas ng tingin sa akin.

Kuya JM, noong mga oras na ‘yon ay namula ang mukha ko, hindi naman ito ang unang beses na napuri ako sa panlabas kong kaanyuan, pero ibang iba ang dating nito noong si Angeline na ang nagsabi, parang kiniliti ang puso ko, may kilig ika nga.

Mukhang ito na yata ang hinihintay kong pagkakataon para maamin sa kanya tunay kong nararamdaman.
“Geh, naaalala mo ba kung kailan tayo unang nagkita?” Biglang naitanong ko sa kanya. Saglit na nag-isip si Angeline.
“Sa mall? Di ba no’ng eyeball natin?”

Pinilit kong ngumiti kahit masakit ang panga ko,” Bago pa ‘yon... may nauna pa.” Aniko. “Sabi mo nakita mo’ko noong foundation day, eh kaso hindi naman kita nakita no’n eh.”

Tinitigan ko si Angeline at masuyong pinagmasdan ang kanyang mukha bago ako nagsalita.
“I don’t know if you remember this, It was happened on enrollment day,” panimula ko habang nakatitig lang kanya, “I was on my way to registry that time ng biglang may babaeng makabangga sa’kin, nahulog ‘yong mga gamit nya kaya pinulot ko ang mga ito, at nang ibigay ko sa kanya ang mga gamit nya I saw this pretty lady standing in front of me,” Nanatili lang nakatingin sa aking mga mata si Angeline, hindi ko alam kung naaalala nga nya ang sinasabi ko pero nagpatuloy ako.

“I couldn’t even talk and say hello, para akong tinamaan ng kidlat hindi ako nakakakilos, wala akong nasabi hanggang makaalis siya, pagkatapos no’n hindi na siya nawala sa isip ko... and that time alam ko sa sarili ko na love at first sight ako sa babaeng ‘yon,
I tried to find her noong pasukan pero nabigo ako, second time na nakita ko siya ay noong foundation day, she was dancing with all her might, kahit pa nga sobrang tigas ng katawan nya noon.” Napangiti si Angeline, napansin ko ang pamumula ng kanyang mga mata.

“Pero kahit gan’on sobrang lakas ng palakpak ko, I’m so proud of her na halos isigaw ko na “ Uy crush ko yan..” after ng sayaw sinubukan ko uli siyang hanapin sa backstage, at doon ko nalaman na may boyfriend na pala siya.” Nangilid ang mga luha ko, siguro dahil naalala ko ang sakit na naramdaman ko noon.

“Alam kong dapat na akong tumigil sa kahibangan ko noong malaman kong may boyfriend na sya, pero hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit gusto ko pa rin siyang makita, hanggang sa namalayan ko na lang na madalas na akong dumadaan sa Nursing course para lang masilayan siya, I might sound creepy pero naging stalker ako ng babaeng ito, hanggang sa iadd ko siya sa facebook, medyo nagsinungaling ng konti at ngayon nga ipinaglalaban ko pa ng basagan ng mukha.” Natawa si Angeline kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha.

Hinawakan ko ang kanyang mga k**ay, “Geh, I love you since day one, at hanggang ngayon ay ‘yon pa rin ang nararamdaman ko... mahal kita.” Pag-amin ko sa kanya.

Hindi umiimik si Angeline, nakatingin lang siya sa’kin habang luhaan ang kanyang mga mata, kinakabahan ako dahil baka imbes na three points ay butata ang abutin ko.

“I-I’m sorry...” naluluhang tugon ni Angeline na nagpaguho ng pag-asa ko.
“Shocks! Basted!” Sa isip isip ko, para bang gusto kong umiyak ng mga oras na ‘yon.

“I’m sorry kasi hindi ko na masyadong maalala ‘yong nangyari sa enrollment day.” Nakangiti ng wika ng babae, “Ha?” Parang hindi pumapasok sa utak ko ang sinabi ni Angeline.

“Sabi ko, hindi ko maalala ‘yong sa enrollment day, nagmamadali kasi ako no’n, pero kung gusto mong malaman kung may feelings din ako para sa’yo... OO, mahal din kita.. ang dami mo pang pasakalye aamin ka din pala.” Natatawang sabi ni Angeline.

Hindi ako nakareact, hindi ako makapaniwala sa aking narinig, mahal din ako ni Angeline, mahal din ako ng babaeng mahal ko!
Hindi ko na napigilan ang aking sarili at nayakap ko si Angeline, iyon na yata ang isa sa pinak**asayang sandali ng buhay ko. Maya maya pa ay buong pagmamahal kong pinagmasdan ang mukha nya.

“I love you Geh, I love you so much..” bulong ko, isang masuyong halik ang itinugon ni Angeline na akin din namang ginantihan. Isang halik na puno ng paggalang at pagmamahal.

Walang kasing saya ang bawat araw na lumipas sa aming relasyon, ngunit may mga pagkakataong nagtampuhan rin kami lalo na noong magsimula na ang OJT ko.

Hindi naiwasan ang selosan, siya sa mga kasabayan kong babaeng trainees at ako naman ay sa mga manliligaw nya sa school, madami kasi akong nababalitaan. Although may tiwala naman ako sa kanya pero hindi ko maiwasang mag-isip ng hindi maganda lalo pa at wala na ako para bantayan siya.
Pero kung gaano man ako magselos ay mas malala si Angeline, may pagkabungangera kasi ang babae at isa ito sa kinaiinisan ko sa kanya.

Naaayos naman namin ang problema noong matapos ang OJT ko hanggang sa tuluyan na nga akong magtapos ng kolehiyo. Hindi ko makakalimutan ang bracelet na iniregalo nya sa akin couple bracelet ito suot naman nya ang kapares, sabi nya para kahit nasaan daw ako ay lagi ko siyang maalala.

Isang gabi habang magkausap kaminsa cellphone ni Angeline ay biglang nagmessage si Eddie sa’kin.
Pupunta daw ito ng Maynila dahil pinag-aapply daw sya ng tiyuhin nya sa HR ng isang sikat na mall sa Pasay, baka daw gusto kong sumama at subukang makipagsapalaran.

Sa sinabing ito ni Eddie ay napaisip ako, kung mananatili lang ako sa probinsya namin ay siguradong matatagalan bago ako makahanap ng trabaho dahil sa tindi ng kumpitensya dito, pero kung sa maynila kahit papaano ay magagamit ko ang pinag-aralan ko, hindi naman ako mahihirapang pumunta ng siyudad dahil siguradong papayagan naman ako ng mga aking magulang, ang iniisip ko lang ay Angeline, tiyak kong hindi ito papayag.

“Tol, hindi naman sa nanghihimasok ako sa desisyon mo ah, pero buhay at career mo ang nakataya dito at tingin ko hindi naman tamang si Angeline lang iisipin mo, paano ka? Mga parents mo? Sayang naman pinampaaral nila sa’yo kung mabuburo ka lang dito.” Payo ni Eddie nang sabihin ko sa kanya ang problema ko.

“Bata pa kayo ni Angeline, bubot pa ang relasyon nyo at malayo pa ang lalakbayin nyo, kung sa ganito kaliit na bagay ay masisira na kayo paano pa kung may dumating na mas matinding pagsubok sa inyo? Tsaka isa pa, mabuti nga ‘yong mauna ka na do’n eh para ‘pag graduate niya eh di nando’n ka na na sasalo sa kanya.”

Pinag-isipan kong mabuti ang mga sinabi ni Eddie, nabuo ang isang desisyon na sa tingin ay makakabuti sa amin ni Angeline, nagdesisyon akong sumama kay Eddie sa maynila at hanapin ang aking kapalaran.

Hindi pumayag si Angeline sa desisyon kong ito, nagkaroon kami ng mainit na pagtatalo.
“Bakit ka pa pupunta ng maynila eh pwede ka namang magtrabaho dito? Ang dami daming pwedeng applyan dyan.” Mataas ang boses na wika ni Angeline.
“Geh, alam mo naman kung gaano kahirap mag-apply dito di ba? Tsaka mas maraming opportunies ang kurso ko sa maynila, doon pwede akong maging bisor o kaya ay manager.. eh dito? Pangungumbinsi ko.

“Manager?! Ang taas ng pangarap mo, baka mamaya nyan messenger lang ang bagsakan mo.” Nakakalokong sabi ni Angeline na nagpapanting ng tenga ko. Para akong nainsulto sa sinabi nya.

“Ipapakita ko sa’yo Geh, magsusumikap ako at aasenso para kainin mo yang mga sinabi mo.” Tiim bagang kong sagot sa kanya sabay talikod at lumakad palayo, hindi ko na pinansin ang pagtawag nya sa’kin.
Noong gabing iyon ay nagkalabuan kami ni Angeline, dala ng pride ko ay hindi ko sinagot ang mga tawag at messages nya. Pang-unawa lang naman ang hinihingi ko? Mahirap bang ibigay ‘yon?

Umalis ako ng Iloilo ng hindi kami nagkakausap ni Angeline, sa pag-alis kong iyon alam ko na marami na ang magbabago sa amin at kasama na doon ang posibilidad na maaaring hindi na kami magkaayos pa.

Pagdating ko ng maynila ay agad kaming nag-apply ni Eddie, sa tulong na rin ng tiyuhin nya na isang HR Manager doon ay mas napadali ang proseso ng apply namin, ang kelangan lang naming gawin ay ipasa ang mga exams at interview na amin namang napagtagumpayan.
Pagkatapos maayos ng lahat ng requirements namin ay mabilis kaming
nakapagsimula.

Noong una ay naayos pa naman ang relasyon namin ni Angeline kahit papaano, ngunit hindi rin ito nagtagal dahil sa madalas nyang pagseselos kalaunan ay tuluyan na naming tinuldukan ang aming relasyon.
Masakit pero hindi wala akong panahong ipagluksa ang paghihiwalay namin, mahirap ang buhay sa maynila kaya kapag papatay patay ka ay hindi ka magtatagal. Bawat oras dito ay mahalaga.

Pero syempre marami ding magaganda dito, kagaya ng kahit gabi na ay gising na gising pa ring ang paligid, maraming bar at maraming happenings kaya naman kapag may pagkakataon ay nagpapalipas kami ng oras ni Eddie.
Ang isa pang maganda dito ay maraming magagandang babae, may ilan din akong nakarelasyon na karamihan ay mga aplikante namin, kapag may natipuhan ko ay binibigyan ko ng special treatment para makuha ang number nito, dinidiskartehan hanggang sa maging karelasyon ko na nga. Sa ganito ko nilunod ang kalungkutan ko sa paghihiwalay namin Angeline.

Maraming taon ang matuling lumipas, dahil sa sipag at tyaga ay naging coordinator ako at kahit papaano ay nakakapag-ipon ipon na rin, nakakuha ng second hand na sasakyan na nabili ko sa tiyuhin ni Eddie. Si Eddie noon ay may-asawa na, nadisgrasya kasi nito ‘yong girlfriend nya na nauwi sa kasalan. Ako naman noon ay binata pa rin pero may girlfriend ako na sa mall naman nagtatrabaho, si Joana.

Isa sa mga aplikante namin noon si Joana, unang beses ko pa lang siyang makita ay natipuhan ko kaagad siya dahil may resemblance sila ni Angeline.
Pareho sila ng ugali, mabait at maalaga, Kapag pagod ako at wala sa mood ay lagi itong gumagawa ng paraan patawanin ako kaya naman hindi nakapagtataka na mahulog ako sa kanya at tuluyan ng magtino.

July 2018, habang isinicelebrate namin ni Joana ang 2 years anniversary namin ay niyaya ko na siyang magpakasal na tinanggap naman niya.
Para sa’kin siya na nga ang babaeng para sa’kin, ang babaeng ihaharap ko sa dambana ng Diyos.
Akala ko noon Kuya JM ay wala nang magiging problema. Ngunit sa hindi ko inaasahang pagkakataon ay dumating ang isang pangyayari na magpapabago ng lahat.

Isang gabi ay nagpunta ako ng Parañaque para dalawin si Eddie at ang misis nitong nanganak sa isang pribadong ospital doon, hindi ko na babanggitin ang pangalan ng ospital pero pagmamay-ari ito ng isang angkan ng mga pulitiko.

“Oh, pare may aanakin ka naman, itong kaibigan mo kasi eh napakahilig.” Biro ni Jamie sabay irap ka Eddie.
Tumawa lang ang lalaki, “ Naku, ako pa ang may kasalanan, eh di ba nga ikaw ‘tong nangangalabit sa’kin gabi gabi, sabi mo hindi ka makatulog kapag wala no’n.” Malambing na pang-aasar ng kaibigan ko. Natatawa lang akong pinagmamasdan sila, parang ang saya saya kasi ng pamilya nila.

“Ikaw tol, naks malapit na kasal nyo ni Joan ah, ilang buwan na lang maitatali ka na rin.” Nakangiting wika ni Eddie.
“Oo nga eh, sana kasing saya rin ng pamilya nyo ang magiging pamilya namin.” Ganting ngiti ko sa kanya.
“Naku, sigurado ‘yon basta ‘wag ka lang magloloko.” Natatawang tugon nito.

Maya maya pa ay nagpaalam ako sa kanila na lalabas muna para manigarilyo. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang isipin ang sinabi ni Eddie, ang nalalapit na kasal namin ni Joana. Napangiti ako habang iniimagine ang magiging eksena namin ng mapapangasawa ko.

Dahil sa pangangarap ko ay hindi ko tuloy napansin ang makakasalubong ko at nagkabanggan kami nito, nahulog ang chart na hawak nito kaya mabilis ko itong dinampot para iabot sa kanya.
“Ay! Sorry sir hindi ko sinasadya.” Paumanhin ng boses babae na nagpatigil sa akin, biglang lumakas ang kabog ng puso nang marinig kong muli ang boses na maraming taon ko ng hindi naririnig.

Dahan dahan kong inangat ang aking paningin sa babaeng nakasuot ng puting uniporme hanggang dumako ang mga mata ko sa nametag nito, parang mapipigtas ang aking paghinga ng makita ko ang kanyang magandang mukha. Ang mukhang matagal ko ng hindi nasisilayan.
Kuya JM, hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko ngayon ang unang babaeng minahal ko ng totoo.

“Geh?” Ang tangi kong nasambit, bahagyang nanlaki ang mga mata ni Angeline ng makita ako, pagkuwa’y sumilay ang mayuming ngiti sa kanyang mga labi. Ngiting bumihag noon sa puso ko. Pakiramdam ko ay bumalik ang araw noong enrollment day, ganitong ganito kasi naramdaman ko noon, napakabilis ng tibok ng puso ko.

“K-kumusta ka na?” Nakangiting tanong ni Angeline, namumula ang mga mata nito habang nakatitig sa akin. Gumuhit ang ngiti sa aking mga labi.

Sa isang coffee shop kami napadpad ni Angeline, nag-undertime ito sa ospital para lang makapag-usap kami, marami kaming napagkwentuhan, kasama dito ang aming naging buhay buhay pagkatapos ng break-up namin.
Dalaga pa rin si Angeline hanggang ngayon, nakapagtataka dahil napakaganda nito ngayon at mas lalong humubog ang kanyang katawan.

“Ikaw? May girlfriend ka ba ngayon?” Tanong ni Angeline, saglit akong hindi nakasagot. Nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko ba ang totoo, ngunit magsinungaling man ako ngayon, sooner or later ay malalaman din naman ni Angeline ang katotohanan.
“Y-yeah, meron na...” Simpleng tugon ko sabay higop ng kape.

Napansin ko ang pagbalong ng lungkot sa mga mata ni Angeline, “Ahh, kaya pala mukhang masaya ka ngayon.” Pilit ang ngiting wika nito.
Marami pa kaming napagkwentuhan, hindi na nga namin namalayan na halos madaling araw na pala. Ako na mismo ang naghatid sa kanya sa apartment na tinutuluyan nya sa Valley one.

“Sige, goodnight.. ingat sa pagdadrive.” Aniya noong nasa pinto na kami ng apartment.
“Sige, goodnight din..” Paalam ko sa kanya, tumalikod ngunit mabilis akong bumalik at lumapit kay Angeline.
“Hmm, Geh... It’s really nice to see you again, I really... missed you..” Sabi ko pagkatapos ay muling tumalikod, akmang maglalakad na sana ako nang...

“R-Rico,” Tawag nito na nagpalingon sa’kin, “Gusto mo bang pumasok muna sa loob?” Mapang-akit ang ngiting nakapaskil sa mga labi ni Angeline.
Napangiti ako at tumango.

Noong gabing iyon Kuya JM ay muling naulit ang ginagawa namin noon sa probinsya kapag nagdedate kami, muli naming sinariwa ang tamis ng aming nakaraan.
Wala na isip ko noon ang pwedeng kahinatnan ng ginagawa namin, tuluyan ko ng nakalimutan na may isang babae na akong pinangakuan na siyang ihaharap ko sa dambana. Ang nasa utak ko lang noon ay ang muling nabuhay na damdamin ko para Angeline.

Mula noon ay madalas na kaming magkita, sinusundo ko siya sa ospital tuwing out nya at dumidiretso kami sa apartment nya. Kung anong dalas ng pagkikita namin ni Angeline ay siya ring dalang ng pagsasama namin Joana.
Alam kong nagkakasala ako at mali ang aking ginagawa pero hindi ko mapigilan ang sarili kong puntahan si Angeline.

Nang dumating si Covid19 ay naglockdown ang buong Metro Manila, nataon naman na nasa Parañaque ako noon kaya hindi ako nakabalik kaagad ng Pasay. Tumira ako sa apartment ni Angeline at dahil wala akong trabaho noon ay literal na ang babae ang bumuhay sa akin noong panahon ng lockdown. Subalit wala akong narinig na reklamo kay Angeline, inalagaan nya ako at minahal.

Sa ilang buwan naming pagsasama ni Angeline sa apartment ay muling nahulog ang loob ko sa kanya na lalong nagpalito sa puso ko. Napostponed man ang kasal namin ni Joana ay hindi ko maitatanggi na may nararamdaman din ako sa kanya. Mahal ko si Joana pero mahal ko rin si Angeline.

Nang muling magbukas ang Metro Manila ay bumalik ako sa trabaho, gano’n pa rin ang routine ng buhay, dinadalaw si Angeline at kung minsan naman ay si Joana na madalas na akong kinukulit kung kelan daw itutuloy ang kasal namin. Nagdadahilan na lang ako at sinasabing kapag maayos na ang pandemyang ito.

Hindi ko masabi sa kanya na nalilito ako sa aking nararamdaman, na parang ayoko ng ituloy ang kasal namin dahil kay Angeline.

Kuya JM kaya ko po ipinadala ang kwento ko sa inyo para makahingi ng payo sa mga listeners ninyo, gulong gulo na kasi ang isip ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Sino ba dapat sa kanila ang piliin ko?
Si Angeline ba o si Joana?
Sana po ay matulungan nyo ako, asahan nyo pong babasahin ko ang mga komento sa kwentong ito.

Hanggang dito na lang po at maraming salamat sa pagbabasa ng napakahabang kwento ng buhay pag-ibig ko. Nagmamahal Rico ng Pasay City.

Address

Beldevere Townhouse
General Trias
4107

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Rated Stories posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Rated Stories:

Videos

Share

Category