30/08/2024
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐
[UNANG PARTE NG KULMINASYON]
Ngayong ika-30 ng Agosto, ipinagdiriwang natin ang pagtatapos ng Buwan ng Wika sa Notre Dame of Dadiangas University. Ang selebrasyong ito ay isang pagdakila at pagbibigay-halaga sa ating wikang Filipino, na may temang โ๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐.โ
Ang pagdiriwang na ito ay paalala na ang ating wika ay higit pa sa isang simpleng kasangkapan sa komunikasyon; ito ay simbolo ng ating pagkakakilanlan at paggunita sa mga sakripisyo ng ating mga bayani. Sa pamamagitan ng patuloy na pagmamalaki at paggamit ng ating wika, pinapanday natin ang kanilang laban para sa ating kalayaan at kultura. Ang bawat salitang ating binibigkas ay tanda ng kanilang dedikasyon at pagmamahal sa bayan.
Sa makulay na selebrasyong ito, naganap ang Parada ng Lahi at HUGYAWika, kung saan ipinakita ng ibaโt ibang pangkatโpangkat Silang, pangkat Liwayway, pangkat Kahabagan, at pangkat Escodaโang kanilang husay at talento sa paglikha ng mga yell na nagbigay-sigla sa okasyon. Pinangunahan nina Gng. Hazel Caga, Bb. Joy Marie Tuyac, at Bb. Jelody Guiban ang pormal na kulminasyon sa pamamagitan ng pag-aapoy ng mga sulรณ.
Dagdag pa rito, nagbigay-buhay at kulay sa pagdiriwang ang kahanga-hangang talento ng DTC (Dance and Theater Company), SCC (Socio-Cultural Club), at mga boluntaryo mula sa apat na pangkat sa pamamagitan ng kanilang mga natatanging pagtatanghal.
___________
Caption by: Jea Lianne Capilitan
Layout by: Nheo Yvann Dolar
Captured by: Xander Leila at Andreia Guadalquiver