20/12/2024
๐๐ป๐ด ๐๐ฎ๐บ๐ผ๐ป ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐๐ธ๐ผ
Malamig ang simoy ng hangin, dala ang amoy ng ulan at lupa. Sa aming maliit na tahanan, abot-abot ang ligaya. Hindi dahil sa dami ng mga regalo, bagkus dahil sa hamon na nakahanda sa aming hapag-kainan. Isang hamonโhindi ang mga pagsubok sa buhay, kundi ang masarap na hamon na inihanda ni Nanayโang nagpapaganda ng aming Noche Buena.
Sa buong taon, marami kaming pinagdaanan. Mga hamonโoo, mga tunay na pagsubokโang nagpabago sa aming pamilya. May mga panahong tila wala nang liwanag, na para bang ang dilim ay siyang nagtatakda ng aming landas. May mga kaibigan at kamag-anak na hindi na nakaabot sa Pasko, ang kanilang mga kwento ay nagsisilbing paalala sa kahalagahan ng bawat sandali. Ngunit sa kabila ng lahat, narito kami, nagtitipon-tipon, nagpapasalamat sa biyaya ng buhay.
Ang bawat hiwa ng hamon ay simbolo ng mga pagsubok na aming nalampasan. Ang alat nito ay kumakatawan sa mga luhang aming naiyak, ang tamis naman ay sa mga tawa at saya na aming naranasan. Ang bawat pagnguya ay isang paggunita sa mga pawis at pagod na aming pinagdaanan. Ngunit sa pagtatapos ng bawat kagat, nararamdaman ang pag-asa, ang lakas na kailangan upang harapin ang darating na taon.
Sa gabi ng Pasko, ang hamon sa aming mesa ay higit pa sa isang masarap na pagkain. Ito ay isang simbolo ng pagkakaisa, ng pag-asa, at ng pagmamahal. Ito ang hamon na nagbubuklod sa amin, na nagpapaalala sa amin na sa kabila ng mga pagsubok, mayroong palaging dahilan upang magdiwang. Ang hamon, ang aming hamon, ay nagbibigay sa amin ng lakas at nutrisyon, hindi lamang para sa katawan, kundi para sa kaluluwa. Handa na kami sa bagong taon, dala-dala ang mga aral at ang matamis na lasa ng hamon sa aming mga puso.
Writer: Reca Mae Barrera
Layout: Jan Kyla B. Morales